Hoy, Mr. Snatcher!

Chapter CHAPTER 26



Isla's POV

"Nako, hindi mo naman na ako kailangan dalhin sa hospital. Ayos na ako," sabi ko sa kanya ngunit hindi siya nakikinig sa akin at sinabi sa taxi driver kung saang hospital niya ako dadalhin.

"Huwag na, gagastos pa," hindi ko mapigilang sambitin. Hindi naman nagbabago ang reaksiyon nito na seryoso pa rin.

"You don't have to think about that," sabi niya sa akin. Napatikhim naman ako.

"Kumusta?" Maraming gustong sambitin, gustong itanong ngunit isang salita lang talaga ang lumabas sa bibig ko.

"I'm fine... You?" casual na tanong niya but I can hear the coldness in his voice.

"I..." I miss you.

"I'm fine too..."

Pareho na kaming natahimik hanggang sa

makarating sa hospital. Naghintay lang kami sandali bago ginamot at inalis ang bubog sa paa ko.

"Saan ang apartment mo?" tanong niya nang matapos 'yon.

"Hindi mo na ako kailangan ihatid. Masiyado nang marami ang naitulong mo..." ani ko kaya nilingon niya lang ako. Hindi rin pinakinggan. Parang lalo pang nadedepina ang pagkasuplado. ito. Napanguso na lang ako nang sabihin kung saan ako nakatira.

Pumara naman siya ng taxi at sumakay din sa loob. Napatingin naman ako sa kanya nang may sinagot itong tawag. Napatikhim na lang ako at sinubukang manahimik na lang.

"Yeah, I'll be there in a minute. Alright, see you. Okay." There's a hint of gentleness in his voice. Ibang-iba ngayong kausap niya ako.

"Thank you, pasensiya na sa abala," sabi ko at ngumiti ng tipid sa kanya nang maihatid niya ako sa apartment.

Tumango lang ito. Wala pa ring kangiti-ngiti mula sa labi.

Pumasok naman na ako sa loob ng apartment, pinakiramdaman ang tibok ng puso, hindi lang doble o triple ang paglakas nito, quadtrouple pa.

Hindi pa rin ako makapaniwala at naupo na lang sa kama ko. Nakatingin sa kisame ngunit mukha niya ang nakikita ko. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano, mukhang nagbago na ito. Sino ba namang hindi magbabago sa tatlong taon, 'di ba? Saan siya nanggaling? I didn't even had the chance to ask him.

Napatingin naman ako sa cellphone na siyang naiwan ko lang dito sa bahay. Nagmamadali kong hinanap para i-text si Alice ngunit agad akong nahinto nang makita ang text ni Francisco kahapon. Francheska:

Nandito na ex mo!!! Grabe, ang gwapo, Girl!

Nanlaki naman ang mata ko. Bakit hindi niya naman sinabi sa akin kaninang nasa iskwater ako? Agad ko itong tinawagan.

"Hoy!" malakas kong saad pagkatawag na pagkatawag ko pa lang.

"Why? Nakita mo na ba si ex?" natatawa niyang saad sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi?!" malakas kong tanong sa kanya.

"Lagi na lang nabibitin sa ere ang sasabihin ko, Girl, lalo na't ang daldal nina Kakay," natatawa niyang saad.

"Sabi ko balitaan mo agad ako kapag nakabalita ka sa kanya!" sabi ko sa kanya.

"Tinext naman kita, ha?!" sabi niya sa akin.

"Saka sinubukan ko namang sabihin na siya 'yong nag-alis ng make up mo at nag-ayos sa 'yo kaso hindi mo naman ako pinapakinggan," sabi niya sa akin. Nakikita ko na agad itong napapailing.

"Saka siya rin 'yong nagluto ng breakfast na kinain mo kanina. Binilin niya lang sa akin na ipagluto ka ng sabaw na mainit kapag kagising mo! Pero mukhang busy ang ex mo, Girl! Nagmamadaling umalis," sabi niya ng natatawa. Napatulala naman ako sa isang tabi.

Hindi maiwasang maalala ang pangyayari kahapon. I didn't even have a chance to think about it earlier.

Natatandaan kong may pintuan na english ng english sa akin. Teka, englishero na siya ngayon? Saka totoo bang siya 'yong nag-alis ng make up ko? Edi hindi ako nanaginip no'ng nakatitigan ko 'to? What about 'yong sa airport? Siya ba 'yon? Ang dami kong tanong sa aking isipan ngunit agad na naputol 'yon nang magsalita ni Francisco.

"Ano? Nandiyan ka pa ba? Baka nahimatay ka na kakaisip diyan sa ex mo, ha?" natatawa niyang sambit sa akin.

"Saka, Girl, huwag ka ring gaanong umasa baka mamamaya may girlfriend na pala 'yong tao," sabi niya sa akin.

"Girlfriend? Wala 'yon! Bakit niya naman ako aalagaan kung meron, 'di ba? Saka dinala niya ako sa hospital kanina para lang icheck kung okay ba ang paa ko!" sabi ko at napangisi sa iniisip.

"Aba't assumera ka na ngayon," sabi niya sa akin. Pakiramdam ko ay umiikot na ang eyeballs nito dahil sa akin.

"3 years na ang nakalipas para ipaalala ko sa 'yong malandi ka," natatawang saad niya sa akin.

"Kahit na pa. Ako nga tatlong taon na ang nakalipas, hindi pa rin nakaka-move on sa kanya. Hindi naman malabong mangyari 'yon. Baka gusto pa rin niya ako," sabi ko pa. Hindi ko rin alam kung saan ko hinuhugot ang lakas ng loob. "Alam mo ikaw, bahala ka. Kapag nasaktan ka na naman, nako," sabi niya na tila hindi na alam ang gagawin sa akin.

"Tatlong taon ko siyang hinintay, tatlong taon na rin akong nasasaktan. Edi sagarin na lang, inom na lang kung olats," sabi ko sa kanya nang natatawa. I don't want to waste this chance. He's back. Wala 'yong girlfriend. Patay na patay 'yon sa akin noon.

"Bahala ka. Teka, may customer ako. Sige na, usap na lang ulit tayo kapag nagpunta kang parlor," sabi niya sa akin. Pinatay ko na rin naman ang tawag dahil mukhang busy din 'to. Natulog lang ako habang nakangiti, iniisip ang pangyayari kanina. Ibig sabihin ay nag-aalala pa rin talaga ito sa akin. Baka mayroon pa kahit konti?

Nang magising kinabukasan, agad nag-ayos para pumasok sa trabaho. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay maingay na agad ang mga ito at may pinagkukumpulan sa computer. Nilagay ko ang bag ko sa table at napakunot ang noo na nilapitan sila. Ang iingay ng mga ito habang nakatingin sa computer. Ni hindi man lang namamalayan ang pumapasok dito sa loob.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Anong meron?" tanong ko.

"Girl! Girl! Ready na ata akong mag-asawa!" sabi ni Janice kaya agad akong napailing sa kanya.

"Ano ngang meron?" tanong ko dahil sa sobrang siksikan nila hindi ko makita ang pinagkakaguluhan nila sa screen.

"Girl! 'Yong Mr. Rat na sinasabi namin sayo? False information 'yong binalita no'ng nakaraan. Mas gwapo 'yong tunay na Mr. Rat!" sabi ni Janine. Napailing na lang ako. Basta gwapo talaga ay mabilis ang mga mata ng mga ito. "Patingin nga," sabi ko at nakipagsiksikan din sa kanila. Agad naman na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino 'yon. Si Alon!

Kaya naman pala nagtitilian ang mga ito dahil ang gwapo nga naman talaga ni Alon sa litrato niya. Ang company mismo nila ang naglabas ng litrato niya.

"O 'di ba? Natulala ka na lang diyan?" natatawang sambit sa akin ni Janice.

"Mukhang artista! Hindi lang matalino, gwapo pa! Ready na talaga akong mag-asawa!" sigaw ni Janine. Napatitig lang ako sa screen na tila hindi makapaniwala sa nakikita.

"Siya si Mr. Rat?" gulat na gulat kong tanong na halos hindi na makapagsalita. Sa tatlong taon ko siyang hinahanap, nasa ibang bansa ito?

"Ano? Ang gwapo, 'di ba? Natulala ka na riyan!" sabi ni Janice.

"Paanong hindi matutulala, eh, ex niya

'yan," natatawang saad ni Alice na kakarating lang at nasa gilid ko na.

"Huh?" sabay-sabay nilang tanong at napatingin lang sa akin. Napatikhim naman ako at wala sa sariling bumalik sa desk ko.

"Grabe ka naman mag-joke, Alice," natatawang saad ni Janice kay Alice ngunit hindi pa rin makapaniwalang tinitignan ako. Napakibit naman ng balikat si Alice at nilapitan ako.

"Seryoso ba 'yan?" tanong naman ni Janine nang pareho kaming natahimik ni Alice.

"Totoo nga?" gulat namang tanong ni Janice at sabay pa silang lumapit sa akin ng kambal niya. Napailing na lang ako sa kanila.

"Kaya pala hindi ka maka-move on, e! Sino ba namang makaka-move on sa ganyan kagwapong ex?!" malakas na saad ni Janice.

"Paano mo nabingwit 'yan, ha?" tanong naman ni Janine sa akin. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya nanatili na lang akong tahimik.

"So, he's really back?" tanong sa akin ni Alice.

"Alam mo?" gulat kong tanong sa kanya. Napaiwas naman agad ito ng tingin sa akin kaya agad ko siyang pinanliitan ng mga mata.

"Kaya nga I asked last time. Saka ko lang din nalaman. Si Deo ang nagsabi sa akin," sabi niya. Nanliit naman ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Deo, may alam ba ang mga ito? "Why ba? Are you planning on going back together?" tanong niya sa akin at pinanliitan ako ng mga mata.

"Nako! Huwag kang maharot, Isabel Lara, ha!" sabi niya na umiling-iling pa sa akin.

"Alam kong hindi ka pa nakakamove on do'n sa tao pero--" Hindi niya naman natapos ang sasabihin nang biglang kumatok si Chief.

"Chief! Ako naman ipadala mo!" malakas na sigaw ni Janice at agad pang lumapit kay Chief. Agad ko siyang inilingan, determinado pa man din itong magpakasal lalong-lalo na't nakita ang mukha ni Alon. "No, Chief! Ako na lang ho!" sigaw naman ni Janine. Napatawa naman si Chief nang nilapitan din siya nito. Humawak pa sila sa kamay ni Chief. Aba! Hindi naman ako papayag na mawala sa akin ang oportunidad. "Chief, balato niyo na sa akin 'to. Kayang-kaya ko ho 'to," sabi ko at ngumiti pa. Sabay naman akong sinamaan ng tingin ng kambal.

"Mukhang desidido ka ngayon, Ms. Emperyo, ha?" natutuwang saad ni Chief sa akin.

"Kung ganoon, huwag mo akong bibiguin." Palihim naman akong nagpunyagi at napangisi.

Masama ang loob na bumalik sina Janice at Janine sa upuan nila at pareh pa akong sinamaan ngan tingin. Napatawa na lang ako ng mahina. Nang mapatingin naman ako sa gilid ko ay nakita ko rin ang masamang tingin ni Alice sa akin. "Gaga ka. Kapag ikaw nasaktan, baka hindi ka na talaga makabangon," sabi niya sa akin.

"Ang oa mo naman, Alice, tinanggap ko lang naman 'tong trabaho para sa challenge," sabi ko sa kanya at nagkibit ng balikat.

"Huwag mo akong pinagloloko riyan sa challenge mo. Alam ko naman na bet na bet mo pa rin si Alon. Tumigil ka na sa kahibangan mo. Madami na ang nagbago sa inyong dalawa, hindi na kayo tulad ng dati," sabi niya pa sa akin. Paulit-ulit ko na lang naririnig na baka masaktan lang ako o ano. Hindi ba nila alam na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa paghihiwalay namin? Might as well enjoy it. Malay mo may chance pa.

"Napakadaya! Favoritism talaga rito!" inis na sambit ni Janice na tinutusok-tusok pa ang papel na nasa tapat niya at sinamaan ako nang tingin nang mapatingin sa akin. Napatikhim naman ako roon at nag-iwas ng tingin nang natatawa. Nang matapos ako sa trabaho ko ay agad akong nag-take out ng pagkain na pwedeng dalhin sa bahay ni Alon. Napangisi naman ako. Ano bang tawag dito?

Operation interview-in si ex o operation balikan si ex? Napatawa naman ako sa naiisip ko at napailing na lang.

Dumretso naman na agad ako sa iskwater dahil alam kong do'n siya namamalagi ngayon. Hindi naman ako kadalasang nag-aayos pero nag-lipstick na rin ako para naman presentableng tignan kahit paano. "Gumaganda, Isla, ha?" tanong nila sa akin. Tumawa na lang ako kahit na kinakabahan na dahil papalapit na ako ng papalapit sa bahay ni Alon.

"Ano? Malapit na ba ulit maging taken?" Nagtawanan ba sila ngunit napailing na lang ako. Alam kong makapal ang mukha ko na babalik pa sa kaniya ngayon habang ako ang nagtulak sa kaniya na iwan ako. Kumatok naman ako sa pintuan ni Alon na hindi ko naman kadalasan ginagawa dahil may susi nga ako.

Niluwa naman nito ang mukhang bagong gising pa na si Alon.

"Hi, Mister," sabi ko na ngumiti pa ng malapad sa kanya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.