FORGET ME NOT

Chapter 26 – FINALE



"Hindi ba ako hinahanap sa bahay?" Naalala niyang itanong kay Kaden habang pabalik sila sa resort.

Hope realized na wala nga palang nagtanong kung nasaan siya at wala ring nagtangkang hanapin siya. "Pinagtakpan ka ni Kassey."

"Really? Anong sinabi niya?"

He shrugged, huminto sa paglalakad at ipinatong ang mga kamay sa magkabila niyang balikat.

"Hopie."

"Hmn?" She locked gaze with Kaden.

"Bakit kayo magkasama ni Michael? Hindi ba't may asawa na 'yon?"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Y-you know Michael?" How? The only time Kaden met her ex was when he was Rain. At sigurado siyang wala pa siyang nakukuwento kay Kaden tungkol sa lalaki.

Ngumiti si Kaden at pinagdikit ang mga noo nila. Ang isang kamay nito ay ipinagsalikop nito sa isa niyang kamay habang ang isa ay inilagay nito sa bewang niya matapos ilagay sa balikat nito ang isa pa niyang kamay.

Before Hope realized it, Kaden started singing bago marahang isinayaw siya. That song again, Thank God I found you, their song.

For a moment there, tuluy-tuloy na ang pag-iyak niya. Lalo nang bigla itong lumuhod sa harapan niya at ilabas mula sa bulsa nito ang isang pamilyar na singsing.

"I remember everything now, Hopie... At hindi na ako papayag na magkahiwalay pa tayo ulit. Hope Ferreira, pumapayag ka bang maging asawa ko?"

*****

KADEN smiled at Hope's reaction. Hindi na maampat ang pag-iyak nito.

He stiffled a sob himself. He was truly thankful he found out the truth before it was too late.

--'Kaden -' natigilan si Zoey nang makita nito ang hawak-hawak niyang notebook. 'Bakit nasa 'yo 'yan?' Pilit ang pagiging kampante ng boses nito. 'That's just an old piece of junk owned by a friend. I'm going to throw it away.' Parang sinaksak ang puso niya sa sinabi ng kasintahan. A piece of junk? Tinawag nitong basura ang bagay na susi sa hinahanap niyang memorya?

Gusto niyang sigawan si Zoey. Gusto niya itong saktan! Paano nito nagawang itago sa kanya ang katotohanang matagal na nitong alam? She deliberately played with his feelings. Pati ni Hope!

Alam nito ang tungkol kay Rain bago pa sila magpunta sa San Gabriel. At umakto itong walang kaalam-alam. What for?

'I - I can explain,' bigla itong nataranta nang hindi niya ito sagutin. 'Kaden, I--- ' alam nitong galit na siya kaya bigla itong umiyak. 'Kaden, I'm sorry!'

'Bigyan mo ako nang matibay na dahilan para tanggapin ko ang sorry mo,' malamig niyang sagot na hindi nakakaramdam ng kahit na kaunting awa para sa babae.

'Mahal kita!' Sabi ni Zoey. 'Kaden, I love you! Hindi ako mabubuhay kapag nawala ka!'

'So you hid the truth from me? Kahit alam na alam mo na ginagawa ko lahat para maalala ang nakaraan ko?!'

'Kaya kita dinala sa San Gabriel! But you didn't remember anything!'

'Mali ka,' marahas niyang tinabig ang kamay nito nang magtangka itong hawakan siya. 'My heart remembered Hope...'

'Please don't say that... Ako lang ang mahal mo! Kaden, magpapakasal na tayo! Kalimutan mo na si Hope!' Nagmamakaawang iyak ni Zoey. 'Mahal na mahal kita... Let's get married now.' 'Pagkatapos ng ginawa mo?' Hindi siya makapaniwala.

'Kaden, I'm sorry!'

'I gave us a chance, Zoey.' Mapait niyang sabi 'Sinayang mo.' Tinalikuran na niya ito.

'Kaden! Don't do this to me! You can't leave me!'

Hindi niya ito pinansin. Nagtuluy-tuloy siya hanggang sa kotse niya at mabilis na umalis sa lugar na iyon.

His heart was aching.

Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Halos bumaon ang mga daliri niya roon. Galit siya. Kay Zoey. Pero mas galit siya sa sarili niya.

How could he not realized sooner na siya at si Rain ay iisa? Pinagdudahan pa niya si Hope na gawa-gawa lang ang dati nitong kasintahan! Hindi niya ma-imagine kung paano niya nasaktan ang dalaga sa ginawa niya at hindi niya rin maisip kung ano ang naramdaman nito noong mga panahong dumating siya ulit sa buhay nito as a different person.

Biglang bumalik sa alaala niya ang first encounters nila noong nagpunta sila ni Zoey sa San Gabriel. Ang mga mata nito ang pinakamalungkot na pares na nakita niya na for some reason ay sobra siyang apektado. Hindi pa niya alam noon pero 'andoon na ang hindi maipaliwanag niyang kagustuhan na pawiin ang kalungkutan ni Hope. If he only knew he was the reason, hindi sana niya hinayaang malungkot ang dalaga. Napakatapang at napaka-selfless ni Hope para hindi sabihin sa kanya ang totoo.

"Aaahhh!" Galit na sigaw niya sabay hampas sa manibela.

Alam na niyang siya si Rain base sa mga nakasulat sa notebook. Pero wala pa rin siyang maalala! Ang hirap! Mariin siyang pumikit para pigilin ang mga luha niya. Beeeppppppp!!!!!

Nang imulat niya ulit ang kanyang mga mata, gahibla na lang ang layo niya sa kasalubong na sasakyan. Napa-swerve na pala siya sa kabilang lane.

On impulse ay kinabig niya pakanan ang kotse niya and ended up hitting a tree on the roadside.

He passed out after that.

*****

'Hopie!' Napabalikwas niyang sambit.

'Kuya Kade,' wala si Hope. Sa halip ay mukha ni Kassey ang unang bumungad sa kanya noong magkamalay siya ulit.

'Kas,' nagtangka siyang bumangon pero pinigilan siya ng kapatid niya.

'Magpahinga ka muna, Kuya. 'Andito ka sa ospital. You hit your head on the steering wheel.'

'I need to see her... Kas, I remember everything now!'

'Really?!' Bumahid naman ang tuwa sa magandang mukha ni Kassey 'That's good! So... bakit mo hinahanap si Hope?' Medyo puzzled nitong dagdag.

'I'll explain to you later.' Nagmamadali siyang bumangon.

'Kuya, wait!'

Kailangan niyang makita si Hope. Kailangan niyang humingi ng sorry. Kailangan niyang sabihing hindi niya sinasadyang hindi bumalik. Kailangan niyang tuparin ang mga napako niyang pangako. Kailangan niyang bumalik para pakasalan ito. 'You're not going anywhere, Kaden!' Bago pa siya nakalabas sa pinto ay tumambad sa harapan niya si Agusto Fontanilla kasunod ang kanyang mga magulang.

'You cannot stop me.' Nakuyom niya ang magkabilang kamao.

'Anak, we're just here to talk to you,' wika ni Edcel na nilapitan siya't hinawakan sa braso.

'Go back to your bed,' utos ni Agusto.

Nilapitan naman siya ni Agatha at inakay pabalik sa kama niya.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Anak, you need to rest first."

"No, ma. I need to see Hope this instant!" Tinangka niyang magpumiglas, nasisiguro niyang hindi siya papayagan ni Agusto kapag nagtagal pa siya roon. "Please-- dad, I remember everything now, kailangan kong puntahan si Hope. I need to say sorry to her!"

"Sit down," utos ng lolo niya.

Handa na siyang sumuway pero pinigilan siya ng sunod na sinabi ni Agatha.

"Anak, alam namin."

Napatingin siya sa kinikilalang ina.

"Zoey told us," his father offered.

"She did?" Hindi siya makapaniwala.

"Yes, she did," nakangiting sagot ni Agatha. "By the way, you're unconscious for the past twenty-four hours."

Mas lalong hindi siya makapaniwala. Alam niyang hindi malala ang tinamo niyang aksidente.

"Zoey told us everything. Humihingi siya ng dispensa sa nagawa niya," sabad ni Agusto na surprisingly ay mababa ang tono. "She wished to cancel the wedding and by this time, she's already enroute to Paris." Sumulyap ito sa suot na wristwatch bago sinalubong ang mga tingin niya. "Don't rejoice yet. Hindi ako natutuwa sa nangyari."

Hindi na tuloy ang kasal- officially! Kahit na wala na siyang intensyon na pakasalan si Zoey, it was still a huge thing na ito mismo ang nagkansela ng kasal nila.

She actually did him a huge favor in making his grandfather understand his situation. Kung siya lang, hindi siya pakikinggan ni Agusto.

'I told you not to tell Isabella na hindi kayo magpinsan. Sinuway mo ako, Kaden!'

Pinigilan niyang sumagot. He might end up disrespecting the old man if he would.

'Alam mo na gusto kong bumawi sa apo ko. You ruined the chance dahil ngayon, wala na naman siya! Good thing your sister knew where she went.' Huminga ito nang malalim bago nagpatuloy. 'Hindi ko gusto ang ideya na magiging kayo ng apo ko... But, kung magiging masaya sa piling mo si Isabella, hindi ko kayang ipagkait iyon sa kanya. Now, do you promise to make her happy?'

Tuwa niya lang. Halos mapaluha siya. Kaagad-agad siyang tumango.

'Pangako, lolo!'

'Siguraduhin mo, Aragon.' Tumalikod na ito kasunod sina Edcel at Kassey. Naiwan naman si Agatha sa tabi niya.

'Medyo harsh pa rin ang pagkakasabi ng Papa pero pwede na rin,' natatawa nitong sabi nang silang dalawa na lang. 'Kaden, anak, mukhang hanggang doon lang ang pagpapakumbabang kaya ng lolo mo. Sana mapatawad mo siya sa ginawa niya sa'yo. Maniwala ka sa akin, that old man also cares for you.'

'Hindi niya ako apo, ma. Kung anong trato niya sa akin, naiintindihan ko. Wala naman akong magagawa kung hindi niya ako kayang mahalin, ma...'

'Mapride lang si Papa, Kaden. Pero mahal ka niya. Kung hindi, hindi siya papayag na ipagkasundo ka kahit kay Zoey. Malapit sa kanya ang batang iyon.'

Tumango na lang siya.

'Hindi ko ineexpect na si Zoey ang magsasabi kay lolo.'

'Well, sa lolo mo siya nagsorry dahil hindi raw niya kayang humarap sa'yo. Nahihiya siya sa ginawa niya. She threatened Isabella na magpapakamatay siya kapag 'di ka niya nilayuan--' 'What?!'

So that explained kung bakit biglang umalis si Hope. Gusto niyang magalit kay Zoey. Pero sa tingin niya ay sapat nang iniayos nito ang sitwasyon bago ito umalis.

'Kaden, sundan mo si Isabella- Hope. At ipaabot mo ang pasasalamat ko dahil minahal ka niya noong mga panahong wala kami sa tabi mo.'

'Thank her personally, mama. Ibabalik ko siya rito.'

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! 'Do that, son.'--

Kaya heto siya ngayon, nakaluhod sa harapan ni Hope para hingiin ang kamay nito at tuparin ang pangako niya.

"Oo naman," umiiyak nitong tugon. "Kahit kelan, kahit saan, Kaden!"

Isinuot niya ang singsing sa daliri nito, tumayo at mahigpit itong niyakap.

"Hindi ko maitapon-tapon ang singsing na iyan, Hope. 'Yon pala ay simbolo iyan ng pangako kong kailangan kong tuparin." Sinagot na niya ang 'di nito naisatinig na katanungan kung bakit nasa kanya ang singsing na ipinatapon nito noon. "Mahal na mahal kita, Hopie..."

"Mahal na mahal na mahal din kita, Kaden!"

He bowed to meet her lips.

Pangako niya sa sarili niya at sa dalagang nasa mga bisig niya na hindi na na niya ulit ito sasaktan, sinasadya man o hindi. At hindi na rin siya papayag na mabura pa ulit ito sa alaala niya...

******

Hindi naging madali ang naging paglalakbay nina Hope at Kaden papunta sa kanilang happily ever after, pero kung bibigyan siya ng pagkakataon na baguhin ang kanilang kwento, Hope wouldn't change anything. Pipiliin niya si Kaden kahit na ilang beses silang maghiwalay at masaktan. Dahil sa kabila ng mga sakit na iyon, sa piling lang din nito siya magiging masaya.

"Congratulations, guys!" Niyakap sila ni Myca na siyang tumayo nilang maid of honor sa kakatapos lang nilang kasal.

"Salamat, Myca."

"Sa wakas, best friend!" Binalingan nito si Kaden. "Ikaw, subukan mo pang paiyakin ulit 'tong kaibigan ko at mananagot ka sa akin!"

"Myca, hindi mo kailangang magbanta. Binibigyan kita ng pahintulot na ipa-massacre ako kapag nakita mong umiyak si Hope," sabi naman ni Kaden. Natatawa na lang siya sa dalawa.

"Hep, Myca, bakit mo tinatakot ang manugang ko?" Singit ni Charity na pabirong pinagalitan si Myca.

Hindi makapaniwala ang kanyang ina kung paano sila ulit nagkita ni Rain sa katauhan ng kunwari niyang pinsan na si Kaden. Pero suporta lang ang ipinakita ni Charity na talaga namang na-appreciate niya. Her mother also met with the Fontanillas at okay na ang mga ito. Hindi naging madali pero tinanggap na rin nila ang kanyang ina.

Agusto remained tough pero in fairness, nabawasan ang pagiging hard nito kay Kaden. Tinanggap na lang nila na malamang ay dala ng pride kaya hindi nito kayang tuluyang buksan ang puso para sa apo.

Wala ng mahihiling pa si Hope. Napalitan na ng sobra-sobrang kaligayahan ang lahat ng sakit na nadama niya noong magkahiwalay sila ng mahal niya.

As for Zoey, she hadn't moved on completely pero tumawag ito para bumati at nangakong hindi magpapakita hangga't kaya na nitong matiyak sa sarili nito na hindi na nito mahal si Kaden. Napagpasyahan din nilang mag-asawa na patawarin na ito. After all, nagmahal lang si Zoey and it was just unfortunate na hindi ito ang nagwagi sa puso ni Kaden.

"Huwag ka na ulit magkaka-amnesia, ha?" Biro ni Hope sa asawang yakap-yakap siya at tila wala ng planong bumitaw kahit na nasa reception pa lang sila ng kasal nila.

"Hopie, hindi na mangyayari iyon. Sisiguraduhin kong hindi na iyon mauulit pa."

"Make sure, Dr. Kaden Aragon," irap niya.

"Opo, misis," ngumisi ito bago sumeryoso. "Mahal na mahal kita eh."

Ngumiti siya at kusang isinara ang distansya ng mga labi nila.

Kung makakalimutan man siya ulit ni Kaden, sisiguraduhin niyang hindi siya magsasawang magpakilala dito sa bawat pagkakataong makukuha niya. She wouldn't repeat the same mistake of letting him go. Hindi na siya papayag na takutin siya ulit para iwanan ito. Ipaglalaban niya ang asawa niya.

"Mahal na mahal din kita..."

Dahil alam niya, silang dalawa ang pinagsama ng Diyos. At pareho sila ni Kaden na poprotektahan ng buhay nila ang mga pangakong binitawan nila sa harap ng altar kanina. Wakas

To God be the Glory

Next chapter will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.