FORGET ME NOT

Chapter 25 – I love you.



"Hindi ka makatulog?" Myca asked, pinuntahan siya ng kaibigan niya sa inuukopa niyang silid sa resort.

"I missed him," pagtatapat niya. "Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko. Ang importante lang naman ay masiguro ko na walang mananakit sa kanya, 'di ba? At walang magpapakamatay dahil mas pinili ko ang kaligayahan ko?" "Sa totoo lang," ginagap ni Myca ang mga kamay niya. "Dapat kinausap mo si Kaden. He would know how to deal with Zoey better."

Napayuko siya. Myca had a point. Pero mababago pa ba niya ang desisyon niya? Lalo na at wala namang effort on Kaden's end na pigilin siyang lumayo. In fact, pasimple niyang tinanong sa text si Kellen kung kumusta na ang kuya nito and she answered na busy ito sa last minute details sa kasal nito at ni Zoey.

"Tuloy na ang kasal nila," mahina niyang sabi.

"So susuko ka na?"

"I have to... Hindi ko siya pwedeng ipaglaban, Myca."

"I still think you underestimated Kaden's love for you."

"I don't wish to see him die. They're going to kill him kapag 'di niya pinakasalan si Zoey!"

"Apo ka ng nagbabanta sa buhay niya. Did you do your part of talking to your grandfather? Hope, baka naman pagbibigyan ka ng lolo mo kung nakiusap ka lang."

"He was forbidden to tell me we're not real cousins," sabi niya pero aminado siya sa sarili niya na hindi niya ginawa ang sinabi ni Myca. Naunahan siya ng takot. Besides, paano ang pamilya ni Zoey? Lalo na at nagtangkang magpakamatay ang babae sa harapan niya.

"Hope," Myca sighed. "If it is really your choice na 'wag na siyang ipaglaban, then sana maging masaya ka. Not like this, dinaig mo pa ang nagluluksa."

"Hindi 'to madali sa 'kin." She fought a sob.

Myca hugged her. 'Yon lang naman ang magagawa nito.

*****

HINDI gumagaan ang pakiramdam niya. It has been a week at sa halip na unti-unting makabangon ay mas lalo siyang nababaon sa mga alaala ni Kaden. Tila mas nahihirapan ngayon si Hope kaysa noong mawala si Rain sa kanya. Dahil ngayon, she had the chance to change their destiny. If only she had the courage to fight for their love. Kaso wala eh. Isa siyang duwag na nagtatago sa ipinipilit niyang pagsasakripisyo. "Mukhang malungkot ka."

Hope prevented herself from rolling her eyes.

"Hanggang ngayon ba naman, Hope?"

"Leave me alone, Michael," pigil ang inis na sabi niya.

Nakasurvive siya ng one week na hindi masyadong ginugulo ng lalaki dahil 'andoon din ang asawa nito. But this time, wala si Kim. Lumipad pa-Hongkong ang babae kahapon.

"Mula nang dumating ka rito, hindi na ma-i-drawing ang mukha mo." Patuloy nitong tinabihan pa siya ng upo sa dakong iyon ng resort kung saan tahimik. "Wala kang pakialam."

"Hope..." Pumihit ito paharap sa kanya. "Alam ko huli na para humingi ako ng dispensa sa'yo... Hope, I'm sorry," seryoso nitong pahayag.

Hindi niya napigilang tingnan ito. Ever since their break up several years ago, never na nagsorry sa kanya si Michael. Proud pa nga itong nasaktan siya nito. Lagi nitong iniisip na sobra siyang affected kahit noong nagpakasal na ito at si Kim. "Seryoso ako. I'm sorry."

Gusto niyang tumawa pero umiling na lang siya. Wala na siyang kinikimkim na sama ng loob dito.

"Matagal na kitang napatawad," sabi niya.

"Ang t*nga ko para iwanan kita noon. Pinagsisihan ko ang desisyon ko pero alam ko na nasaktan na kita." Tumingin ito sa malayo. "Maniwala ka sa akin, ginusto kong balikan ka. Pero hindi na pwede."

"Bakit sinasabi mo pa sa'kin 'yan ngayon?"

Tipid itong ngumiti bago siya sinagot.

"Dahil hindi tama na hinayaan kang lumayo ni Kaden Aragon."

Napatingin siya ulit kay Michael. Paano nito nalaman iyon, eh hindi naman sila close?

"Myca told me," he offered at bahagya na lang siyang tumango. "Hindi tamang hindi ka niya ipinaglaban, Hope. At natitiyak ko na uulitin lang niya ang pagkakamali ko."

"Magkaiba kayo," matabang niyang tugon.

"Pero pareho ka naming pinakawalan."

"Ako ang lumayo sa kanya."

"At hindi siya dapat pumayag."

"Hindi mo alam kung ano ang sitwasyon, Michael. So rest your case," dismissive niyang tugon.

"Sa tingin ko dapat pinipili mo ang ginagawa mong best friend," natatawa nitong sabi at pinaningkitan niya ito ng mata. "Hope, Myca told me. Oo. Close na kami ulit ng babaeng 'yon."

"At talagang ako ang napili n'yong pagtsismisan?"

"More like, concern kami sa'yo."

She rolled her eyes. Hindi naman siya offended. Kahit naman noong bago sila nagkagustuhan ni Michael, pamilya na ang turing niya sa magkapatid.

"Ang gusto ko lang namang sabihin, 'andito lang ako. Magkaibigan naman tayo dati pa, 'di ba? At bago mo ma-misinterpret ang pakikipag-usap ko sa'yo, naka-move on na ako. Mahal ko na si Kim..."

"Salamat, Michael," for the first time in several years, ngumiti siya nang totoo kay Michael.

"Ayan, lagi kang ngingiti," pinisil nito ang pisngi niya.

"Aray!" Hinampas niya ang kamay nito.

And they ended up telling each other kung ano ang mga nangyari pagkatapos nilang maghiwalay. Hindi na niya mahal si Michael at gano'n din naman ito sa kanya. But at that moment, pagkakaibigan na lang ang ikinonsidera nila. "Let's bond again kapag 'andito na ang asawa ko," he said na tumayo na bago inilahad ang palad sa kanya para tulungan siyang tumayo rin.

"Right. Dapat malaman ni Kim na kanyang-kanya ka na," pabiro niyang idinagdag na masungit sa kanya ang asawa nito.

"Hindi lang talaga siya palangiti," pagtatanggol nito.

"Napansin ko nga," tinanggap niya ang palad nito at nagpahila patayo.

"Salamat, Hope," wika ni Michael na hindi agad binitawan ang kamay niya.

She just smiled at him.

"Pwede ko bang makausap ang girlfriend ko?"

Sabay silang napalingon ni Michael sa nagsalita.

Kung may sakit siya sa puso, malamang nakahandusay na siya sa lupa dahil inatake na siya sa pagkasorpresa.

"Pwede ba tayong mag-usap, Hope?" Ulit ni Kaden na tinapunan nang masamang tingin ang magkahawak nilang kamay ni Michael. His eyes reflected danger in them.

On impulse ay hinila niya ang kamay pero hindi iyon pinakawalan ni Michael. Instead, he pulled her closer in a protective manner bago nito hinarap si Kaden. "What are you here for?" He asked.

"Let's talk, Hope," mariin nitong sabi, deliberately ignoring Michael.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki habang siya naman ay naka-hang pa ang utak. Anong ginagawa ni Kaden sa San Gabriel? Hindi ba dapat ay nasa honeymoon ito kasama si Zoey? "Alright," suko ni Michael kalaunan. "I'll be watching."

Nabitawan na siya nito at nakalayo na rin pero para pa rin siyang itinulos sa kinatatayuan niya.

"Hope-" Kaden started, humakbang ito palapit sa kanya.

"Stay there!" Humakbang siya paatras.

"Pa'no kung ayoko?" He smiled. Napapikit naman siya. Miss na miss na niya ang binata! Ang hirap lumayo kung kabaliktaran ang gusto niyang gawin! Gusto niyang sugurin ito ng yakap at 'wag ng bibitawan pa ulit! "Bakit ka 'andito?"

"Bakit ka umalis?" Tanong naman nito.

"Alam ba ito ni Zoey?"

"Akala ko ba magkasama tayong lalaban?"

"Kaden! Mali ito! Inilalagay mo sa panganib ang buhay mo!" Frustrated niyang sabi. "Umalis ka na! Bumalik ka na sa asawa mo!" She started to cry.

"Yan ba talaga ang gusto mo?"

"Oo! Umalis ka na. Please! Kasal ka na. 'Wag mo na akong guluhin!"

"Hindi ako aalis."

"Nababaliw ka na ba?! Kaden, please... Walang rason para ipagpilitan mo ang sarili mo. Hindi kita mahal! Hindi kita minahal! But Zoey loves you. Bumalik ka na sa asawa mo," umiiyak niyang sabi while denying him to hold her. "Look at me Hope!" Mahigpit siya nitong hinawakan sa mga kamay gamit ang isang kamay lang nito while his other free hand forced her to look at him. "Tumingin ka sa mga mata ko saka mo sabihin na hindi mo ako mahal!" Hamon nito. Mariin siyang pumikit bago tumingin nang diretso sa mga mata ni Kaden, forcing herself to say the biggest lie of her life.

"Hindi kita mahal."

"Try again."

"Hindi kita mahal!"

"One more, Hope"!

"Hindi kita mahal!" Naninikip na ang dibdib na sigaw niya. "Hindi kita mahal! Hindi kit----"

Next thing she knew, nasa magkabila niyang pisngi ang dalawang palad nito habang magkalapat na ang mga labi nila ni Kaden. But his lips were unmoving. Parang ginamit lang nito ang mga iyon para hindi na siya magsalita.

"I missed you," he pulled away a little but she could feel his lips moving against hers while saying those.

"Kaden!" Muling humulagpos ang mga luhang anas niya bago sinakop ng binata ang mga labi niya.

She missed him so much! Ano ba ang pwede niyang ibigay para baguhin ang kapalaran nila?

"Stop!" Itinulak niya ang binata. "This is wrong!" Napahilamos siya sa mukha sa frustration. "Umalis ka na! Go back to your wife!"

Hindi ito gumalaw. Instead, ngumiti pa ito.

"What?" Maang niyang tanong nang itaas nito ang kaliwa nitong kamay.

"Look closely."

Planning your weekend reading? Ensure you're on 005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Are you playing games with me?!"

"No," iginalaw-galaw nito ang mga daliri nito.

"Then what?"

"Do you see a ring?"

"No."

Ngumiti ito sa pananatili niyang blangko sa nais nitong sabihin.

"I'm not married, silly," muli siya nitong inabot at mahigpit siyang niyakap. "Hindi ako pwedeng magpakasal kung hindi ikaw ang katabi ko sa harap ng altar."

Totoo ba? Pakiramdam ni Hope may fireworks sa sikmura niya. Selebrasyon?

Hindi natuloy ang kasal nina Kaden at Zoey?!

"I love you, Hopie," masuyo nitong hinawi ang hibla ng buhok sa mukha niya at tinuyo naman nito ng halik nito ang mga luha niya.

"H-hindi kayo kasal ni Zoey?"

Umiling si Kaden.

"Paano?" Mahina niyang tanong.

"Sasabihin ko sa'yo mamaya. Sa ngayon, hindi ba dapat ikaw naman ang may sabihin sa akin?" Kunwa'y pinangunutan siya nito ng noo.

"Anong---?" Naputol ang sasabihin niya nang mabilis siya nitong halikan sa labi.

"Hopie, I said I love you," kulang na lang ay magpout ito dahil hindi niya ito ma-gets. "I love you."

Unti-unti siyang napangiti nang sa wakas ay makuha niya ang gusto nitong sabihin.

"I love you," muli nitong ulit.

Marami pa siyang kailangang ikonsidera kahit na hindi ito nakasal kay Zoey. Gaya ng kaligtasan nito. Paanong hindi natuloy ang kasal pero 'andito pa rin si Kaden at buhay na nakatayo sa harapan niya? Kumusta si Zoey? Itutuloy kaya nito ang banta nitong pagpapakamatay?

Alam niyang hindi pa tapos ang mga problema at balakid. Pero sa ngayon, hindi na muna siya mag-iisip.

When she looked at Kaden again, halos nakasimangot na ito. Siya naman ang ngumiti.

"I love you, Hopie!" Gayunpaman ay sabi pa rin ni Kaden bagamat pilit na ang ngiti nito.

Marahan niyang iniangat ang mga palad sa mukha nito kahit na effort gawin iyon. She tiptoed para kahit paano ay makalapit sa mukha nito.

She smiled a little bilang sagot sa amused na ngiti ni Kaden habang hinahayaan siya sa ginagawa niya.

Kaden's amused smile turned into a chuckle hanggang sa pinagtatawanan na siya nito.

Umirap siya pero napasigaw nang bigla siya nitong buhatin.

"Hindi ka ba mahilig matulog noong bata ka, Hopie?" He teased.

She pouted. And he laughed again.

"I love you," biglang sabi niya bago yumuko at kusang isinara ang distansya ng mga labi nila habang buhat-buhat pa rin siya ng binata.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.