Chapter 8- You run
Nagpasya na akong magpaalam dahil alas otso na rin ng gabi. Tapos ng nag dinner ang lahat, ang kambal na si Zades at Zephryne ay patuloy pa rin sa paglalaro, napangiti nalang ako dahil tila hindi sila nakakaramdam ng pagkapagod. "Prim, una na ako. Andyan na sila manong sa labas" paalam ko, bumeso sya sakin at nagsabing magingat ako.
"Kids, be good ha? Alis na si Ate, see you again tomorrow" Zephryne kissed my cheek habang nakifistbump lang sa akin si Zades.
Kiko, Ely and Ryan just nodded their heads dahil busy sila sa paglalaro ng DOTA. Habang si Chairman naman ay deadma. Napalingon ako ng tumayo sya at umakyat ng kanyang kwarto.
Ang sungit!
"Tita, alis na po ako. Andyan na ho si Manong sa labas" paalam ko kay Tita Penelope, she smiled at me bago bumeso.
Ang ganda nya talaga!
Nginitian lang ako ni Tito Zero na prenteng nakaupo sa tabi ni Tita, Chairman got his looks from his dad. Hindi na iyon maipagkakaila.
Nasa garden na ako ng may humigit sa kamay ko. Pinasadahan nya ng daliri ang kanyang buhok bago napamulsa.
"Ugh... uwi na ako. Bakit?" tanong ko.
"I will drive you home" aniya, hinila ko ang kamay ko na kanina nya pa hawak at tinitigan sya.
"Andyan na si man... Halla! Bakit umalis?" nakita ko kasing umandar at umalis na ang sasakyan naming kanina ay nakapark lamang sa harap ng kanilang gate.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at dinial ang number ni Manong. Tatlong ring lamang ay sinagot na nito ang tawag.
"Manong, bakit po kayo umalis? Sorry po natagalan, balik na po kayo palabas na ako"
"Iha, sabi kasi ni Sir Zarette ay sya ang maghahatid sa iyo" nilingon ko ang katabi ko na ngayon ay pinaglalaruan ang kanyang susi sa kanyang kamay. Kumunot ang noo ko sakanya pero sya ay nagkibit balikat lang.
"Ganon po ba? Sige po, ingat kayo" paalam ko bago pinatay ang tawag.
"Bakit mo pinaalis si Manong?" inis na tanong ko sakanya. He tssed bago ako hinarap ulit.
"I want to drive you home." maikli nyang sagot.
"May sundo na ako, sana hindi mo nalang pinaalis sayang naman ang effort ni Manong" napakahilamos sya sa mukha bago bumuga ng hangin
"Okay, next time. Ngayon pwede na ba kitang ihatid?" tanong nya.
"May iba pa akong choice?" masungit kong tanong. Sinamaan nya ako ng tingin, napalunok ako at napatahimik nalang.
I should not behave like that, lalo na sa harap nya.
"Bakit mo ba ako gustong ihatid? Alam mo ba kanina ko pa napapansin na iba ang pakikitungo mo sa akin ngayon..."
"Una you smiled, nagustuhan mo pa ang graham cake na dala ko kahit hindi ka naman kumakain ng hindi gawa ng personal chef o dito sa bahay nyo..." pumamewang sya at tinitigan ako. Nakikinig sa tila panenermon ko. "Pangalawa, pinasok mo ako sa kwarto mo. Kwarto mo yun, lalaki ka tapos pinasok mo ako doon. Babae ako. Nakita mo naman kung gaano tayo tinukso ng mga barkada mo"
"Pangatlo, sinandukan mo pa ako ng food. Alam mo iniisip ko na talaga... Crush mo ako no? Yieeee. Aminin mo na" tukso ko sakanya. Tinusok ko ang braso nya habang tinatawanan sya.
"You can think whatever you want." masungit nyang sabi.
"Hindi naman pwedeng ganon noh! I need confirmation. Isa pa, joke lang naman yun. Asa naman akong magugustuhan mo ako no!" mabagal lang kaming naglalakad, malawak ang kanilang garden kaya naman medyo malayo pa kami sa kanilang gate.
"Madox." pagtawag nya sa akin. Huminto ako at nilingon sya, tinaas ko ang aking kilay bilang senyales na naghihintay ako ng sasabihin nya.
"Run. Run as fast as you can" aniya, kumunot ang noo ko saka ako humakbang palapit sakanya.
"bakit ako tatakbo?" naguguluhan kong tanong. "Maghahabulan ba tayo? Kakakain lang natin ah"
Ngumisi sya at inabot ang kamay ko, ito na naman ang tahip tahip na pagpintig ng puso ko.
"Yeah. Maghahabulan tayo. Run and I'll chase" malamlam ang kanyang mga mapupungay na mata at may ngiti sa kanyang labi.
Habang ang puso ko hindi magkandaugaga sa sobrang bilis ng pintig.
"A-ano? I'm confused" naguguluhan kong sabi.
"Saka why would you want to chase me? Ano ba to taya tayaan?" he ran his hand on my neck to my shoulder.
"Dahil sa ating dalawa ako dapat ang maghahabol. You run, I'll do the chasing" humalakhak sya ng tahimik parin akong prinoproseso ang sinasabi nya.
"Hindi ko maintindihan, ipaintindi mo sa akin" pakiramdam ko ay ang tanga tanga ko ngayon dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nya.
"Okay, you can ask me" iginiya nya ako sa kanilang swing para pansamantalang umupo. Maaga pa naman at alas nueve ang aking curfew kaya umupo muna ako.
Isa pa gusto ko talagang malaman ang lahat ng sagot sa mga "bakit" na kanina ko pa gustong itanong.
Umupo sya sa katabi kong swing at tumingala sa langit na punong puno ng mga makikinang na mga bituin.
"Bakit ganito mo ako itrato ngayon? Ang bait bait mo sa akin, lagi mo pa akong sinesave sa mga nambubully sa akin. Ang weird lang kasi gusto kong lagyan ng malisya kahit alam kong impossible, wala akong karapatan" Tumayo sya at nag squat sa harap ko.
Tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng aking puso, sa kaba, sa tensyon.
"Ngayon may karapatan ka na, lagyan mo ng malisya o ng kahit ano. I will never change my ways, Madox."
Napalunok ako at mas naguluhan.
"In short, I like you. You run, I chase. " napatango nalang ako kahit medyo prinoproseso ko palang ang lahat.
"ANO?! YOU LIKE ME?!" Tanong ko sakanya ng marealize ko ang sinabi nya, humalakhak sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"I do. Now, can I drive you home?" nagmadali akong tumayo at humakbang, pero kahit anong bilis ko ay nahahabol nya sa sobrang laki ng hakbang nya.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at inayos ang aking seatbelt, nailang ako at hindi na naman mapakali ang mga paru-paro sa aking dibdib at tyan.
This is not happening. This is not happening.
Umiiling lamang ako habang nasa kotse. Nagbibiro lang sya. Sure na.
"Madox, bakit ba di ka mapakali?" pabaling baling ako at hindi mapakali sa aking upuan.
"Ikaw kasi! I'm so confused!" he chuckled and ruffled my hair.
Hinuli nya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit
"Sa dinami dami bat ako? I mean, totoo ba talaga sinasabi mo?"
"Sa dinami dami, sayo lang talaga. And yes, alam mo ba kung gaano kahirap umamin? I can hide but I can never lie about my feelings, Madox. There's no point of doing such thing" pisil pisil nya ang kamay ko, hindi ko namalayang nakahawak na rin ako ng mahigpit sa kamay nya.
"Shit. I will never good at corny shits." napakagat nalang sya sa kanyang pangibabang labi at nagconcentrate sa pag dadrive.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi nya kaya naman nanatili lamang akong tahimik at prinoproseso ang mga nangyari
"You can open the stereo if you want" sinunod ko ang sinabi nya, sakto naman ang pag into ng kantang 'Passenger seat'.
I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go I see the lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko at napangiti.
And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Oh, and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
"Kapag kasama kita dito yan ang kantang tumatakbo sa isip ko." bahagya nya akong tinignan at bumaling sa kalsada.
My heart began to melt, para akong tinubuan ng pagkahaba habang buhok.
"I don't really like driving you home"
"kaya nga po sana hindi nyo na pinauwi sa manong" sermon ko sakanya, inangat nya ang magkahawak naming mga kamay at dinala sa harap nya iyon.
"Its just that, I'm not going home with you." saka nya hinalikan ang likod ng aking kamay napangiti ako at bumitaw sa hawak nya. But he reached for my hand again and intertwined our fingers.
"Akala ko ba you're not good at corny shits? Bakit bumabanat ka?" pangaasar ko sakanya, itinabi nya sa harap ng gate namin ang kanyang kotse at hinarap ako pagkapatay ng engine. "Because girls like corny guys"
"Ganon talaga, girls like boys who are willing to exert effort for us." sagot ko. Hawak nya pa rin ang kany ko and it feels so right.
"Thank you for the graham cake. I really like it" aniya. Napangiti ako at tumango lamang.
"I don't need to hold back anymore.," hinalikan nyang muli ang kamay ko, my heart skipped a beat habang tinitignan ko syang nakapikit at nakahalik sa aking kamay.
"Seryoso ba talaga to? Nangyayari ba talaga to?" tumango sya at nilagay ang kamay ko sa pisngi nya.
"See? Everything's real. You just have to believe."
Namayani ang katahimikan sa amin kaya nagpasya na akong lumabas. Kinalas ko na ang aking seat belt at Binuksan na ang pinto, hinigit nya ang kamay ko kaya naman naisara ko ng bahagya ang pinto. "Seryoso ako Madox. Tumakbo ka kahit gaano pa kalayo, you can run all you want but I will make sure that your finish line is where I'm standing.... Kahit anong takbo mo, kahit mapahinto at may makilala kang iba sa daan sinigurado ko ng sakin ka rin mapupunta sa huli"
"Because in this game where you run and I chase, every road leads to me" napahinga ako ng malalim, tinungo ng kamay ko ang pisngi nya at hinaplos iyon.
Bakit ako tatakbo kung bata pa lang ako gusto ko na syang habulin?
Hinuli nya ang kamay ko at hinila ako palapit sakanya. Napapikit ako ng halikan nya ang aking noo.
"Go now. Good night"
"G-good night chairman" wala sa sarili kong sabi, sa isang iglap ay nakapahiga na ang aking upuan at nasa itaas ko na sya.
"Hibang ka na ba?! Anong ginagawa mo? Ano na namang problema mo?" kahit anong tulak ko ay hindi sya natitinag.
He's on top of me, his arms are supporting his weight, his body is not totally in contact with mine.
"This is a warning, Madox. Call me Chairman or other names again and you will see. You can consider it a punishment or a prize, its your choice. You've been warned"
"Eh yun nga ang gusto kong itawag sayo" hindi pa rin sya umaalis sa ibabaw ko!
"I don't care. Ikaw lang ang pinapayagan kong tawagin ako sa pangalan ko maliban sa pamilya at kapatid ko. Because you are special to me."
"Well its your choice if you would still call me names, But you've been warned, Madox. Take this seriously" umayos na sya ng upo kaya ako rin. Inayos ko ang aking damit at ang aking bag.
"At oo, matagal na akong hibang. Now go, baka maiuwi kita sa bahay." dali dali akong bumaba ng sasakyan nya at patakbo ring umakyat sa aking kwarto. Sabi nya nga, I run and he will chase.
Hindi ako mapakali ngayon sa kwarto ko. Nagtext ako sakanya na ayoko muna syang makausap ngayong gabi.
Ilang tawag nya ang hindi ko sinagot ko naman pinatay ko nalang ang cellphone ko at pabagsak na humiga sa kama.
Pabaling-baling ako mula kanan at kaliwa kakaisip ng nangyari ngayong gabi. Did he just confessed his feelings for me? Bakit ako?
Seryoso ba sya o prank lamang to?
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Pinikit ko nalang ang mata ko, bahala na si batman!
Palinga linga ako ngayon, minsan ay tumatakbo. Kanina pa rin ako lumalakad ng pabaliktad.
Hinahanap kasi ako ni Zarette, hindi sya pumasok ng subjects namin ngayong umaga dahil may meeting sila ng council.
Pero kanina lamang ay nagtext sya.
From: Zacchaeus Everette
Let's talk. Lunch.
Umiiwas ako sakanya ngayon, I am still confused. Natulog at nagising akong confused, at kasalanan nya iyon.
"Ouch"
"Aray!" sapo ko sa noo ko, sa harap ko ay nakahawak naman sa kanyang noo rin ang babaeng nakabangga ko.
"Ano ba yan? Alam mo bang kanina pa kita iniiwasan? Bakit ka ba kasi naglalakad ng pabaliktad?" tanong nya sa akin. "M-may tinataguan kasi ako" sagot ko naman. Nanlaki ang singkit nyang mga mata at hinila ako sa covered court. "Lumabag ka sa supreme rules no?"
"Hindi no!" pagtanggi ko, umiling pa ako.
"Oh my God! Tinataguan mo boyfriend mo? Siguro niloko mo sya ano? O kaya naman yung girlfriend ng boyfriend mo? Kabit ka?!" "Ano bang sinasabi mo? Hindi ganon no!" Pag tanggi ko.
"eh ano nga? Sabihin mo na para matulungan kita" humalukipkip sya at umupo sa bench. Pinagpag ko ang katabing upuan bago umupo. "Tinataguan ko kasi si Zarette. Si Chairman" nanlaki na naman ang singkit nyang mata sa pangatlong pagkakataon at hinawakan ang braso ko.
"Sabi ko na nga ba! May nilabag ka sa supreme rule! Halika na at isasama na kita sa office!" pinalo ko ang kamay nya at umirap sakanya.
"Hindi nga! Gusto nya kasi akong makausap. Kaya ko sya iniiwasan" bumuntong hininga sya at umirap, saka nya tinuro ang mga babaeng naglalakad sa paligid. "Nakikita mo yang mga yan? Yang mga babaeng yan gagawin lahat para makausap si Chairman. Tapos ikaw, chance mo na to pabebe ka pa"
"Talaga? Pati ikaw?" tumango naman sya ng mabilis.
"Ano ka ba? He's like our school's Daniel Ford Padilla! Alam mo yun? Hindi mareach sa sobrang daming nakapila sakanyang mga babae. Tapos ikaw, gusto ka nyang makausap mo pa! Ay girl!" Napabuntong hininga nalang rin ako. Tama sya, ang dami naming nakapila tapos ako ang gusto nya... Pero hindi! Ilusyon lang ang lahat!
"Papagalitan lang ako nun no! Mamaya nalang sa classroom" nagkibit balikat nalang sya at umayos ng upo.
"Ako pala si Aveline Lim, transferee ako from Korea" nagoffer sya ng kamay para sa handshake at tinanggap ko naman iyon agad.
"Meadow Xochitl Bloom, Xochitl nalang" sabi ko.
"Friends na tayo ha? Alam mo ba buong semester wala akong makausap? Akala kasi nila di ako nagtatagalog. Saka yung estudyante dito maarte, ang hirap makipagsabayan" tumango naman ako bilang pag sang ayon. "Eh bakit nga ang galing mo magtagalog?"
"Half Koreana lang ako. Saka dito ako lumaki, tumira lang ako ng limang taon doon. Saka pag nag korean pa ako di hindi na tayo nagkaintindihan" oo nga naman, may point naman sya doon.
"Nag kokorean ako kapag feel ko maldita yung kausap ko. Pero dahil mukha kang mabait hindi na kita papahirapan" tumawa lang ako sa sinabi nya.
She really looks like a typical koreana, singkit sng mata at maputi. Mas matangkad sya sa akin at mapayat sya.
Hinihingal na Ryan ang huminto sa tapat namin. Napahawak pa sya sa tuhod nya habang humihinga
"A-andito ka lang pala. K-kanina ka pa pinapahanap ni Zarette. Sumama ka na sakin" hingal nyang sabi.
Nilingon ko si Aveline at tumango siya.
"Sumama ka na, mukhang pagod na pagod sya kakahanap sayo. Sayang effort kung di ka sasama" tinignan ko ang hingal na si Ryan.
Nahabag ako kaya naman tumayo ako at kinuha ang aking shoulder bag.
"Sige, nice to meet you Aveline. See you around" yumuko lang sya saka kumaway sa akin.