Chapter 46-Today
Nagparoom service nalang kami para sa aming late breakfast slash lunch. May dala dala pang paper bag si Zarette na naglalaman ng damit na pwede kong isuot pauwi.
"Mahal ko, saan mo gustong mag honeymoon pagkatapos ng kasal?" napainom ako ng tubig at sumandal ako sa upuan.
"Zarette katatapos lang natin" nakangiwi kong sabi sa kanya, humalakhak sya at pinunasan ang gilid ng labi ko.
"I'm talking about our honeymoon, love. Chill uuwi na tayo pagkatapos mong maligo" tapos na syang maligo but he's only wearing his shorts. Naka topless sya dahil sabi nya ay naiinitan sya. "Unless you want more" he wiggled his eyebrows and flashed a naughty smile, I rolled my eyes and stuffed my face with my food instead.
On our way home ay dumaan kami sa bakeshop ni Tita Light para ibilhan ng pasalubong ang dalawa naming chikiting. Kila mommy sila natulog, sila Prim naman ay nagparty daw sa bahay.
"Love." humalik sya sa kamay ko habang nagmamaneho. "I miss you already" ngumiti ako at humalik rin sa kamay nya.
"Iloveyou Zarette. Itong kamay na to, hindi ko to bibitawan. Thankyou for making last night magical" he winked at me and bit his lips.
"All for you" natahimik na kami buong byahe. Tahimik at mapayapa, panatag na magiging maganda ang mga susunod na bukas.
We care less of what might happen tomorrow dahil sigurado kami na meron ang isa't isa para gumabay at pagkuhanan ng lakas at tapang. Zarette will always be my strength, my armor. Hindi ko maimagine yung buhay ko na wala sya, the years without him was a nightmare at ayokong mabuhay ng ganun.
"Madox! Tara na, late na tayo!" sigaw ni Aveline habang pababa ng hagdan. Nagmamadali na sila dahil malilate na sila sa Binyag ng kambal! Girls are girls, matagal maligo at matagal mag ayos.
Mabuti nalang at nauna na si Zarette at dala dala na ang dalawang bata. Nagmamadaling bumaba si Madox habang inaayos ang kanyang sling bag.
Sa sasakyan ni Kiko sila sumakay, all of them are wearing formal attires at may bulaklak pa sa dibdib si Kiko. While Aveline and Prim has flower bracelets on their wrist.
"Uy, bat may bulaklak kayo ako wala?" Tanong ni Madox. Nagtinginan ang mga dalaga at tila nag isip pa ng isasagot.
"Kasi ikaw ang mommy" sabi ni Prim. Sumang ayon naman sila kaya napatango nalang si Madox. Tama nga naman, minsan sa mga events ang mga bisita ay may mga ribbons or flowers.
"Dapat kasi sabay nalang kami ni Zarette eh" she pouted and leaned on the window. "Bagal mo kasi te" pang aasar ni Breana. Madox rolled her eyes.
"Hindi ah, maaga lang syang nagising!" Depensa nya sa sarili. Pero ang totoo ay late talaga syang nagising at bumangon. Nagising nalang sya na may mga bulaklak sa tabi nya at ang isang puting gown.
Lately ay gusto nya lang matulog, kumain, humiga, umupo, magpahinga kahit di naman sya pagod. The feeling was so familiar pero hindi nya maalala kung ano ba iyon. PMS, marahil iyon lamang.
"Alam nyo ba nababother na ako, hindi pa rin sinasabi sa akin ni Zarette kung kelan nya minove yung kasal" nakahalukipkip nyang sabi. Suddenly Prim bursts into laughter, natigil ito nang marealize na titig na sa kanya si Madox. "Ay sorry, nakakatawa lang text sa akin ni Ely" palusot nya, kahit wala naman talagang text si Ely.
Ngumuso si Madox at sumandal sa bintana. "Ayaw nya na yata akong pakasalan" may bahid ng pagtatampo nyang sabi.
"Gusto nya kasi planado, don't worry I already know the details of it. Malapit na" sabi ni Kiko. Tila nabuhayan sya ng loob at napapalakpak pa.
"Talaga? Mabuti naman. Hay akala ko talaga ayaw nya na. Nakakainis sya! Gusto pa kasi surprise!" Napanguso syang lalo nang magtawanan ang lahat sa loob ng sasakyan.
"Mga kaibigan ko ba kayo? Kitang nag e-emote ako"
She was wearing a gown with intricate designs all over. Kung hindi sya nagkakamali ay isa iyon sa pinagpilian nyang gown sa shop ni Lana. Speaking of Lana kailangan nya palang sabihin na hindi nya sigurado kung kailan nya kukunin ang gown nyang pang kasal. Napasimangot na naman sya nang maalalang hindi pa sinasabi ni Zarette kung kailan sila ikakasal!
Inayos ni Aveline ang buhok nya. Inaasar pa nga siya nito na kung siya ang magaayos sa kanya sa kanilang kasal ay iyon ang gusto nyang ayos ng buhok ni Madox. Simple lang kasi pero elegante.
Nang makarating sa venue ay agad syang namangha sa design, madaming bulaklak, madaming puno. Tahimik at payapa. Iyon ang gusto nya sa isang lugar. Si Zarette ang pumili nito, ang akala nya ay sa isang event hall gaganapin ang binyag ng kambal.
Hinayaan nya nalang kasi si Zarette na magplano ng binyag dahil nga tinatamad sya. Gusto nyang matulog, humiga at minsan iritado pa kaya si Zarette nalang ang umasikaso ng lahat.
Sya nalang ang namili ng design ng invitations, cake, photography and stuffs. Pati ang damit na susuotin ng kambal ay sya na ang namili. Wala naman syang narinig na reklamo mula sa nobyo, ngumingisi lang ito na tila ba may kung anong iniisip.
"Oh ayan bulaklak para di ka na nagrereklamo na wala kang bulaklak" natatawang sabi ni Bree habang inaabot sa kanya ang isang bouquet.
"Anak" napalingon sya nang marinig ang tawag ng kanyang ama. She immidiately wrapped her arms around her daddy and kissed her mommy. "Mommy, Daddy tara na po mag uumpisa na ang binyag"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Sumilay ang mga ngiti sa labi ng magulang ni Madox habang papasok sila ng garden. Pinaggitnaan sya ng mga ito at agad naman syang kumapit sa kanyang ama. "Mommy, Daddy sa kasal ganito rin set up natin ha?"
Her mom and dad smiled "Ikakasal ka na talaga anak" sabi ng kanyang ama habang naglalakad sila.
"Yes dad, but we don't have the final date yet. Si Zarette kasi 'di pa sinasabi sa akin yung date" ngumuso syang muli pero naging ngiti iyon ng maalala ang sinabi ni Kiko.
"Uy bat may pila?" Tanong nya nang makarating sa gitna ng garden. Nakapila sila Prim na kapartner si Ely, si Ryan at Bree at si Aveline at Kiko. The girls are wearing the same floral embellished gowns and the same flower crowns. Naalala nyang pinuna nya iyon at sabi ni Prim ay iyon ang dinesign nyang damit nilang tatlo para sa event ngayon. Meron naman para sa kanya ngunit may gown na inilaan si Zarette para sa kanya ngayong event na ito. "Andito ka na pala ulit. Let me fix your hair for the last time" sabi ni Aveline nang matapos ayusin ang pila at nang matapos mag usap si Madox at ang kanyang magulang. Si Prim at Bree naman ay inayos ang laylayan ng kanyang gown. "Wag kang mainggit sa flower crown namin, tinitignan mo na naman" sabi ni Aveline, natawa si Madox at marahang humampas sa kaibigan.
"Nagagandahan lang ako. Saka bakit kasi kayo may ganyan, pare-parehas pa kayo ng damit ha"
"Madox don't be jealous. Oh eto nalang, wala ng flower crown e" she pinned a veil on Madox's hair made out of english net fabric.
Inayos ni Aveline ang kanyang veil bago ito napahinga ng malalim. Aveline's eyes twinkled when she smiled.
"Ano ba yan naiiyak ako te" sabay hawak nito sa kamay ng kaibigan. Prim, Bree and Aveline faced her and watched her play with her veil.
"Parang kulambo ha. Ano ba tong mga pakulo nyo? Madaki sigurong lamok dito, tara na nga at maumpisahan yung binyag" natatawa nyang sabi.
"Alam mo minsan talaga di ko alam kung saan mo nakuha yang pagiging slow mo" naningkit pa ang dati nang singkit na mata ni Aveline. Bumalik na sila sa kani-kanilang partners habang tumatawa.
"Mom, Dad di ko talaga alam paano ko sila naging kaibigan. Binyag ng kambal ko tapos inaaway ako. Humanda talaga sila sa akin mamaya. Nangigigil ako ha" she rolled her eyes. Her mom and dad chuckled.
Magsasalita pa sana sya pero binalot ng musika ang kaninang katahimikan.
Instrumental iyon ng kantang Grow Old With You. Ilang beses syang sumilip sa gilid at tumingkayad pa para silipin ang sa kanyang harap para makita kung ano bang nangyayari. Nakita nyang tinutulak nila Prim at Ely ang stroller ng kambal at agad syang napangiti.
"Mag uumpisa na ang binyag mommy, daddy. Tara na kaya sa harap? Baka para kila Prim lang tong pila" Pero napatigil sya nang umusad na sila Aveline at Kiko na nasa harap nya.
She saw Zarette wearing an all white suit and pants, even his shoes are white. Nasa likod nya si Zades na marahang tinapik ang likod ng kuya.
"Anak. Let's go" Aya ng kanyang mommy. Teary eyed, she faced her mom and confusion was written all over her face. Lalo na sa dahil sa nakasulat sa backdrop malapit sa altar. Let's get married today?
Napahikbi sya at marahang pinunasan ang kanyang luha pagkatapos mabasa ang nakasulat sa backdrop. Ngayon ay naiintindihan nya na ang nangyayari. Ang magkakaparehong dress ni Aveline, Bree at Prim maging ang suit nila Kiko, Ely at Ryan.
Ang floral na arko sa entrance, ang red carpet na nilalakaran nila ngayon. Kung bakit hindi sya hinintay ni Zarette. Ang belo na parang kulambo na suot nya ngayon.
Kung bakit hindi sinasabi sa kanya ni Zarette ang petsa ng kasal!
Today.
Today.
Today is their much awaited wedding.
Kanina lamang ay todo tampo sya dahil hindi nya pa nalalaman ang tamang petsa ng kanilang kasal, tapos eto na ngayon ikakasal na sya.
"Kainis ka!" ilang beses nyang hinampas ang dibdib ng nobyo habang tawa lang ang naririnig nya mula dito.
"It's a surprise wedding, Madox. Ayaw mo ba ng ganito?" kumunot ang noo nito at lumalim ang pag hinga.
"Of course I like it. Papakasalan kita anytime, anywhere, in every ways possible" diretsa nyang sabi, ngumiti ang kaharap at dinampian ng halik ang kanyang noo.
"Tara na honeymoon na... Aray, Madox. Oo na kasal muna" humalakhak ang mga nakarinig lalo na si Zades na nasa likod lang ng kanyang kuya. Kitang kita nya kung paano kinurot si Zarette sa braso dahilan kung bakit ito umaray.