Chapter 37-Cut the Chase
Hindi ko alam kung bakit may dalang maliit na luggage bag si Zarette. Nagmamadali na kami para sa aming date night kaya hindi ko na natanong.
Pero ginapangan ako ng kaba at hindi ko mawari kung bakit. My palms are sweaty and my mouth went dry. Kiniskis ko ang kamay ko at bumuga ng malalim na hingina. I need to keep my cool, magdidate kami ngayon at dapat kalmado ako. "Anong laman nung luggage?" usisa ko habang inaayos ang jacket ko. I didn't wear something fancy for our date, sabi nya kasi ay chill date lang naman ang si-net nya para sa aming dalawa. Lamig na lamig din ako, siguro dahil malapit na ang Ber months, o dahil kabado lang ako?
"Some clothes" tipid nyang sagot habang inaatras ang sasakyan papalabas ng gate. Seryoso syang nakatingin sa side mirror at sa gilid nya bago tumingin sa salamin na nasa gilid ko.
"What for?" pag uusisa ko pa. Kinuha ko ang suklay ko sa bag at inumpisahang pasadahan ang humahaba kong buhok. Kailan lang ay nagpagupit ako at mahaba na naman sya. "We're going on a beach" napanganga ako at nabitawan ang suklay.
"Beach? Seryoso ka ba?" I gave him a look but he just smirked.
"Etong mukhang to, mukha bang nagbibiro?" natatawa nyang sabi. "Yung camera ko!" sigaw ko nang mapatunayang seryoso nga sya. Kung magbi-beach kami ay dapat lang na dala ko ang camera ko para makakuha ng magagandang litrato! "Nasa luggage na. The girls packed it for you. No worries susunod rin naman sila, but I need to have solo time with you first" and then he winked at me before reaching for my hand.
Mag dedate kami sa beach! Yay! Napalitan na ng excitement ang kaninang kaba na nararamdaman ko. This night will surely be one of the books, hindi pa kami nagdate sa beach!
Sa malapit na beach lang kami nag punta, pagkakuha namin ng susi para sa aming room ay agad na din kaming pumanhik para mag pahinga sandali.
Sabi ni Zarette 8pm pa ang date namin, we have an hour to rest kaya tinalunan ko ang malambot na kama at niyakap ang unan!
Kanina pa tingin ng tingin sa akin si Zarette na tila ba may gustong sabihin, pero kapag tinatanong ko puro wala ang sagot nya sa akin. Nawiwirduhan na tuloy ako sa kinikilos nya.
Hindi ko alam kung kabado ba sya, o may nagawa syang mali sa akin o kung may gusto ba syang sabihin sa akin.
"Zarette pumirmi ka nga. Bakit ba? Para kang sira dyan titig ka ng titig saka mo kakausapin sarili mo"
He sighed heavily saka sya tumabi at humalik sa ulo ko.
"Masaya lang ako. Pero kabado talaga ako" pahiga palang sya nang tumunog ang cellphone nya. Tumayo sya at sinagot ang tawag.
Weird, dati naman sinasagot nya ang tawag kahit magkatabi kami ah?
"Tara na daw sa baba" aya nya. Sinipat ko ang orasan, ang sabi ay isang oras pa ah?
"Teka mag bibihis lang ako. Beach side yun diba? Wait" nag halungkat ako ng pwedeng masuot sa dala dala nyang luggage. Nakahanap ako ng isang puting dress at iyon na ang isusuot ko. Madaling madali akong nagtungo ng banyo at nagbihis.
Konting suklay, polbo at lip tint lang ang ayos ko, I don't have my girls with me kaya wala akong glam team.
Kung bakit kasi sabi ay isang oras pa pero biglang tumawag para sabihing bababa na kami? Ganun ba kabilis ang isang oras sa lugar na ito? I silently laughed at my own thoughts.
Pag labas ko ay marami ng rose petals sa kama, ganun ba ako katagal mag bihis? Kinuha ko ang camera ko na iniwan ko sa lamesa at kinunan iyon ng litrato. Balak ko kasi ipa-develop ang mga litrato namin ni Zarette at ilagay iyon sa isang album.
Nasa labas na ng kwarto si Zarette at nakaupo sa isang wooden chair. Nang makita ako ay agad itong tumayo at lumapit sa akin saka nag ipit ng bulaklak sa tenga ako. I smiled widely and gave him a tight hug. "Let's go beautiful" inalalayan nya ako pababa ng hagdan saka ako hinapit sa bewang.
May naka set up na table sa may lilim na parte. Madami namang nakapaligid na jars na lighted with candles kaya mukhang romantic ang ambience kahit medyo madilim.
May lumapit sa table at sinindihan ang candles. Ipinaghila ako ng upuan ni Zarette at hinintay ako makaupo.
"Romantic ka na ngayon?" nakangiti kong sabi, romantic naman sya noon pero sumobra ata ngayon.
"Para sayo" and he winked at me, may kinuha sya sa likod nya at isang bouquet of flowers iyon.
"Thank you" pigil kilig kong sabi but deep in side me gusto ko na mag cartwheel sa mars.
Kinunan ko iyon ng litrato, tinapat ko rin ang bulaklak kay Zarette at piniktyuran iyon. Cute. Romantic.
"Ano bang okasyon?" tanong ko habang kumakain. Inabot ko ang baso na may juice at uminom doon.
"Wala, I just want to have this intimate date with you" napangiti nalang ako ulit, iniisip ko tuloy ang surprise ko sa kanya bukas.
Sana magustuhan nya.
Pinagmamasdan nya ako habang umiinom ng aking cranberry juice. Napaubo ako ng may matigas na bagay akong muntik malunok. Binigyan nya ako agad ng tissue at hinaplos ang likod ko.
"Ano ba to?" sabi ko. Nang ilabas ko sa bibig ko ay isang makinang na singsing.
Jesus Christ. A solitare ring. Oh God.
"Let me clean that up" aniya, may hawak na syang maliit na bote ng alcohol at mga tissue. Hindi ako makagalaw at nakatingin lang ako sa kanya.
What the?
"Madox" he called, parang tumalon ang puso ko sa gulat. Marahan nyang pinisil ang pisngi ko na nagpabalik sa akin sa tamang pag iisip. Bumaba ang kamay nya sa kamay ko at iti apat iyon sa labi nya.
"I'm sorry for all the pains that I have caused you, intentionally or unintentionally." Panimula nya. Iyon pa lang ang sinasabi nya ay nangilid na ang luha ko at nagbabadya ng tumulo. Shit, I'm so dramatic. "I've been finding ways to make it up to you, to set things right. Kahit saang anggulo iisa lang ang sagot, I need to spend my life with you to show how much I love you and that I live for you"
Pumatak ang kanina pang namuong luha at nanginginig ang kamay kong hawak hawak nya. My heart is pounding so hard, at nagiinit ang pakiramdam ko kahit pa ang lamig ng paligid.
Ito siguro ang rason kung bakit ako kabado. My senses warned me that something will happen and will suprise the hell out of me.
"I am so ready for our future together, so ready to grow old with you, to travel and unlock new achievements with you. We'll open new doors together. To live our life together as husband and wife" pagpapatuloy nya. Tila na-mute ang buong pakigid. Wala na ang malakas na tunog ng alon ng dagat, wala na ang tunog ng mga insekto sa paligid, banayad at tila tahimik ang pag-ihip ng hangin.
"I love you so much that I am scared that I might lose you again, so let's meet at the finish line my Meadow Xochitl. "
He kneeled down and kissed my hand. Napahawak ako sa dibdib ko, wala pa mang tanong ay handa na akong sumagot.
"Let's cut the chase and tie the knot already, please marry me?"
Sunod sunod ng tumulo ang luha ko, maging sya ay nangingilid na ang luha sa mata. I brushed it off while nodding my head, hindi sya dapat umiiyak dahil oo ang sagot ko.
"Yes, I will marry you my Zacchaeus Everette." I pressed my lips to his kahit pa basa ito ng luha. "I am giving you the right to change my surname" dagdag ko pa.
My whole body is shaking habang isinusuot nya sa daliri ko ang singsing, natatawa ako na naiiyak pagkatapos nya itong isuot. This is definitely tears of joy. Dalawang beses palang ako naging ganito kasaya, seems like everything is falling into its rightful place.
Ginawaran nya ng halik ang labi ko, ilang sandali pa ay nakarinig ako ng kantyaw at palakpakan, agad akong bumitaw sa halik at nakitang ang mga kaibigan pala namin iyon.
"Congrats beshy!" sabay yakap sa akin ni Prim, sunod sunod na sila Bree at Aveline sa pagtalon at pagyakap sa akin. I chuckled while hugging them back, binubulungan nila ako at kinocongratulate. I cannot fathom how happy I am, kulang nalang ay ang pamilya ko na padating na bukas.
"Anak" rinig ko mula sa aking likuran, napaluha ako nang makita si Manang, yumakap ako sa kanya at umiyak sa balikat nya, iyak mula sa sobrang galak na nararamdaman ng puso ko ngayon.
Pamilya ko na si Manang, wala man ang mga magulang ko ay sya ang tumayong representative para sa kanila. Yumakap din sila Tita Penelope at Tito Zero sa akin, all this time nasa madilim na parte lang pala sila at nanunuod.
Nagpasalamat kami sa lahat at nag simula na ang simpleng party na inorganize nila sa amin, sabi nga ni Zarette sure sya na sasagot ako ng oo kaya nagpaorganize na sya agad ng engagement part siniko ko tuloy pero hinalikan nya lang ako. Nag patuloy ang party, habang kami ni Zarette ay nasa table namin at nag uusap. Kanina nya pa pinapasadahan ng daliri ang dating magulo nya ng buhok. I like him better with this kind of disheveled hair style. Kahit ano naman ay bagay nya. "Sorry dahil lame yung proposal ko" he chuckled, kinagat nya ang pang ibabang labi nya at ngumiti. "Wala akong maisip na ibang paraan eh"
Natawa rin ako at inabot ang kamay nya, pinisil ko iyon at dinala sa aking labi. "Okay naman yun ah, kaya lang muntik ko ng malunok yung singsing" saka ako tumawa.
The diamond in my ring glistened in the moon light, kumikinang ito kapag natatamaan ng kahit ano mang ilaw.
Tumayo si Zarette habang ako ay busy sa aking singsing, naglahad sya ng kamay sa harap ko. Tiningala ko sya at nakita ang nakangiti nyang mukha. Kung makinang ang singsing na nasa daliri ko ay wala ng mas kikinang pa sa ngiting iyon. I would trade everything to have those damn smiles, dapat ang ngiting iyon ay akin lamang.
"Can I have this dance?" Pag-aya nya, I held his hand at sumama sa kanya sa gitna, malapit sa bonfire.
"Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?"
His hands are placed around her waist while hers is on his neck, her head is resting on his chest. The candle lit surrounding made it more romantic.
"Madox, I love you so much" she snuggled closer and hugged him tighter, kahit pa maingay ang paligid dahil sa alon ay rinig nya ang payapang tibok ng puso nito. Maliban sa musika ay rinig na rinig nya ang pag pintig ng puso ng binata, ramdam nya ang banayad na pagtaas-baba ng dibdib nito.
"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you"
She teared up when he started singing the lines from the song.
May mga rose petals na sinasabog sila Prim at Bree, they both chuckled while swaying their bodies to the rhythm of the song.
"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand,
Take my whole life, too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you"
She looked up to her and he claimed her lips in a blink. Both of them are smiling while kissing each other's lips, both of their hearts are filled with immeasurable happiness.
They are officially engaged. Malapit na sa dulo, sa finish line. Malapit nang ikasal.