Chapter 36-Keep you busy
Hindi na nila namalayan na nakatulog na sila. Magkayakap sila at nagkasya sa couch.
Hindi na rin nila namalayan na pumasok si Manang para magdala ng meryenda nila. Napailing nalang ito at napangiti. "Itong mga batang ito talaga hindi pa pinatay ang tv" sya na ang nag ayos ng mga ginamit nila saka pinatay ang tv. Pagbaba ay nakasalubong nya ang mga kaibigan nila Zarette at Madox, bumati ang mga ito sakanya.
"Nasa entertainment room sila nakatulugan ang paglalaro"
"Sige po manang."
"Basta kapag pupunta tayo dito tulog sila" sabi ni Kiko.
"Pagod nga.... Sa trabaho" natatawang sabi ni Ely.
"Boys talaga" Aveline rolled her eyes.
"Okay lang yan, ready na ako maging ninang"
"Ako rin, gusto ko na magkapamangkin." Prim said with a tone of excitement.
"Girls talaga" sabi ni Ely na tila nang aasar, the girls rolled her eyes on him.
"Kayo din may iniisip eh" sabi ni Kiko.
Aveline rolled her eyes again trying to mask out her exhilaration too. Who can say no cute little babies? No one.
"Sige na nga. I want little babies too. Alam nyo naman kasi sa pamilya namin we are conservative." palusot nya nalang pero totoo namang konserbatibo ang pamilya nya hangga't maaari kasal muna bago ang anak. "Kung gusto na bumuo nung dalawa nasa sa kanila na yun" sabi ni Kiko.
"Nag laro nga lang daw yung dalawa at nakatulog kadudumi ng utak nyo" natatawang sabi ni Ryan.
Napahalakhak sila habang nasa labas pa sila ng entertainment room hindi na sila kumatok pa diretso nalang sila pumasok, dahan dahan para hindi sila maistorbo.
"Dude kunin mo yung tekken" tinuro ni Kiko ang disc.
"Sa baba na tayo mag laro dude" ani Ryan saka kinuha ang disc, meron pang ps4 sa baba sila Madox. Yun yung pinakaunang ps4 nila pero kabibili lang nila ng bago para sa bagong gawang entertainment room.
Kinuha naman nila Aveline ang mga board games, monopoly, scrabble at kinuha pa ang uno cards. Maglalaro muna sila hanggang magising ang dalawa. Plano kasi nilang mag pool party, wala lang, gusto lang nila.
Alas siyete na ng gabi nang magising si Madox, she squinted an eye before finally opening the other one. Gising na si Zarette at naglalaro na sa kanyang cellphone, ayaw nyang maistorbo ang dalaga kaya kahit ngalay na ang kamay nya ay sinikap nyang wag gumalaw.
"Sorry, nabigatan ka ba? Nangalay ka na" hingi nya ng dispensa, Zarette turned his device off and shook his head.
"Its fine, para sayo naman"
She smiled and kissed the tip of his nose.
"Stop teasing me Madox" tila nahihirapan nitong sabi. "I am not teasing you mister" bumaba na sya at hinagilap ang tsinelas, tumayo na rin si Zarette at nag inat.
"Nag text sa akin sila Kiko, nasa baba na sila. Pool party daw trip nila ngayong gabi"
"Wala ba silang pasok sa trabaho?" natatawang sabi ni Madox habang nag aayos ng buhok.
"I don't know. Pwede namang hindi sila pumasok muna since sila naman boss sa mga trabaho nila" napatango nalang sya nang marealize nyang lahat pala sila ay boss ng mga kanya kanyang trabaho. Itinatali ni Madox ang buhok nya habang pababa ng hagdan habang si Zarette naman ay nasa likuran nya.
"Bango ah, anong niluluto nyo?" Madox sat on a high chair, hinawakan pa sya ni Zarette para alalayan bago ito tumabi sa dalaga.
"Kare kare, umakyat kami kanina para mag tanong si Zarette ang gising kaya sya na nag suggest ng ulam" sabi ni Kiko bang kumuha ng kutsara at tinikman ang niluluto.
"Anong oras ka nagising?" tanong ko sa katabi ko. "Five o'clock" sagot nya, sinilip ko ang orasan at nakitang alas syete na.
Hindi ko maimagine kung gaano kahirap mag pigil na gumalaw kanina habang natutulog ako. Halos pitong oras din ang tulog namin.
"Sorry talaga, sana ginising mo na ako nung nagising ka na" bulong ko sa kanya.
"I'd rather have sore muscles from hugging you than disturbing your rest. I said its fine baby no need to feel sorry about that"
I love that he called me baby like its my name, I can't help but feel that romantic excitement just by hearing him call me sweet names.
"Nag celebrate ba kayo ng mother's day?" natanong ko, wala lang naalala ko lang. Nasa pool na kami at magkakatabi sa may hagdan habang naglalaro ng tubig.
"Oo nag lunch lang sa labas then nag date na sila ni Daddy" sagot ni Aveline ganun din naman si Ely.
"Sinurprise din namin ni Kuya si Mommy, pero dahil possessive si Daddy magdi-date din daw sila" si Prim.
"Skype call awhile back, nag padala nalang ako ng regalo for them" sabi ni Bree na hinahampas ang tubig. Sila Kiko at Ryan din nag skype call nalang at nag padala ng regalo. Well pare-pareho pala kami since nasa ibang bansa ang mga mommies namin.
I can't wait na makauwi sila mommy, ngayon palang excited na ako. Namimiss ko na rin sila ng sobra.
We had a blast, medyo tipsy din ako. Medyo lang dahil sinasalo ni Zarette ang shots ko o kaya naman pinepeke ko ang inumin ko.
Kiko was dead drunk, so drunk that he kneeled down and asked Aveline to be his girlfriend.
"Pag wala na yang tama mo saka mo ako tanungin ulit" sagot naman ni Aveline. I kept my mouth shut kahit pa gusto kong yugyugin si Aveline para pasagutin sya sa proposal ni Kiko.
"Lasing ako pero alam ko kung anong sinasabi ko, Ave."
"Well ako hindi ko alam ang isasagot ko sayo ngayong may tama ako"
Sumandal ako kay Zero habang nakikinig sa dalawa. All of us were watching waiting of the next scenarios. Dapat pala may popcorn kami.
"Ayaw mo lang um-oo agad kasi hindi aprubado ng magulang mo" sabi ni Kiko bago nya tinungga ang baso nyang may lamang Bacardi.
"Hindi na ako bata para idaan pa sa magulang ko ang desisyon ko sayo" nilagok rin ni Aveline ang laman ng baso niya.
Ngumisi lang si Kiko at nilagyan na naman ang baso nya.
"Uhm... well that sums up everything. Maybe we should rest" ani Bree bago tinaas ang baso nya "Last cheers"
"Ayy nawindang ako." sabi ni Bree habang naglalagay ng facial foam sa kanyang mukha, kita mo to ang dami ng nainom nakuha pang mag hilamos. When vanity is life.
"So ano nga Aveline, kung tutuusin nga halos sambahin ka na rin ng isang yun eh. Haba haba talaga ng mga hair nyo mga friends. Should I make landi na with Ryan?" humagikgik pa ito bago mag banlaw.
"Gosh, I knew it! You like Ryan" natawa nalang si Bree sa sinabi ni Prim. "And so? He doesn't like me back, nakakababa ng self esteem. Ang ganda ganda ko na ha." sumampa sya sa kama pagkatapos magpatuyo ng mukha. "Ikaw Prim? Ikaw ha, si Ely type ka nun eh." usisa ni Bree. Ang daldal talaga nito kapag lasing.
"So? Hindi pa ako ready sa mga ganyan. Busy ako" sagot lang ni Prim.
"Busy busy, mamaya mawalan ng love life ikaw rin. Guys dapat honest tayo pag dating sa mga bagay bagay na katulad nito. Ikaw Madox, pag may problema ka you spill hindi yung nangiiwan ka. No secrets!" daldal nya. I suddenly felt guilty for the time that I've been so inconsiderate, selfish and dishonest. Ang sama sama kong kaibigan sa kanila.
Dahil hanggang ngayon may mga bagay oa rin akong itinatago sa kanila.
Pasalampak na syang humiga sa tabi ni Aveline na mahimbing na ang tulog. Si Prim naman ay naghahanda na ring magpahinga.
Inayos ko na rin ang higaan ko para humiga, ramdam ko na ang pamimigat ng talukap ko at ang pag ikot ng mundo.
Patulog na ako nang maramdaman kong may humalik sa pisngi ko. Si Zarette.
"Sshh, tulog na. Kinuha ko lang good night kiss ko. I love you mahal" ngumiti lang ako dahil iyon lang ang kaya kong gawin, pakiramdam ko kapag gumalaw ako ay iikot na namang muli ang mundo ko.
A couple of days left bago dumating sila mommy. Sobrang bilis ng araw, parang kahapon lang ay sinurpresa ako ni Zarette para sa mother's day.
So ako din isusurprise ko sya for father's day. I ordered some balloons and cakes. Maging sila Prim ay walang ideya sa surpresang ito, trip ko lang din naman syang isurprise. Hehe.
Ang mga house helps na ang tutulong para mag set up bukas. The girls will sleep here tonight, hindi ko sigurado kung ang boys rin ay dito matutulog. Parang mga wala ng balak umuwi sa bahay bahay nila ano? Pero okay lang, para kasama naman sila sa surprise.
"Why are you smiling my Madox?"
"Wala lang. I was just thinking of you Zarette"
He slid his hand on my waist before kissing my head.
"Anyways, why are you here again? Hindi ka na naman pumasok?" I asked.
"I just want to be with my baby. Isa pa andun naman si Daddy. Hindi na ako kailangan doon"
"Baby na tawag mo sa akin ha?"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Baby mahal nga dapat" inipit nya ang takas na buhok ko sa aking tenga. I can't help but feel giddy at the way he looked at me while calling me his "Baby Mahal"
"Corny mo" I said masking the kilig that I'm feeling. He kissed the tip of my nose before kissing my lips.
"Gusto ko pa din yung hal" I stated as a matter of factly.
"Yun pa rin naman, hal. I just want to call you sweet names, lambing lang"
Tumipa ako sa laptop ko habang kinakausap si Zarette, he's lying at my couch hugging a throw pillow. Iniisip nya na nag a-audit ako pero ka-chat ko sa skype si mommy. Update lang sa pag uwi nila. "Nakalimutan ko nga pala hal, date tayo mamayang gabi"
"What for?"
"Wala lang, gusto lang kitang maka-date. Isa pa ang tagal na nating hindi nag di-dinner date" aniya. Bumangon na sya at pinulot ang nahulog na unan saka niyakap.
"Okay. What should I wear?" nag type ako ng message kila mommy bago sila pumasok ng airport saka isinara ang laptop.
"Anything. Lahat naman ng isusuot mo maganda ka" he said grinning, I chuckled and shook my head.
"Bumabanat ka na ngayon mister O'brien."
"Pinagpractisan ko yan ng ilang araw" sabi nya bago humalakhak, my heart fluttered after hearing his laugh.
"Hindi ka na laging seryoso" I said smiling. Siguro sa dinami rami ng pag babago ni Zarette iyong palagi nalang syang masaya ang pinakagusto ko.
Hindi na sya laging nakakunot ang noo, seryoso, galit. But he's still my serious black, version two nga lang. His laugh, his smiles, everything about him is genuine, unlike before na parang laging pigil o limitado. Naalala ko pa yung tuwa ko noong nakita kong nakangiti sya, yung totoong ngiti, naaalala ko na kinuhanan ko iyon ng litrato. Kasi nga napaka bihira lang na makita mo syang nakangiti noon. "Gustong gusto ko talaga kapag nakangiti ka" I blurted out.
"Ikaw lang naman nagpapangiti sa akin ng ganito"
"And I like that, gustong gusto ko na ako ang nagpapasaya sayo." hinila nya ang upuan ko papalapit sa kanya. Binuhat nya ako mula sa upuan ko at pinaupo sa kandungan nya.
"Ikaw lang ang nagpapa baliw sa akin ng ganito, thank you for existing my love." bulong nya habang nakapikit, may kung anong tila sumipa sa dibdib ko dahil sa kilig.
"Drive me crazy with your sweet kisses please?" there's a hint of desperation from his voice, I can't even.
Yumakap ako sa leeg nya at ginawaran sya ng halik hanggang sa ang isang halik lamang ay lumalim ng lumalim.
Sinusubukan kong humiwalay sa labi nya ngunit tila isa itong magnet na sumusunod sa labi ko, nag aalala lang ako na baka may pumasok ng office ko.
But I heared him lock my door, tila nabasa nya ang nasa isip ko.
"Let me keep your lips busy for awhile" he whispered in between our kisses, humugot ako ng malalim na hininga bago gumanti sa malalalim nyang halik. Mukhang ako ang mababaliw.