Flaws and All

Chapter 23- I can wait



"Ihahatid ko muna si Ave sa bahay nila para makapag ayos, pupuntahan ko si Ryan mamaya" sumaludo sya kay Zarette bago sila umalis. And now its just the two of us.

"Kumain ka na. Galing yata yan doon sa restaurant ng favorite chef mo, taray chef."

Tumayo na sya at hinanda ang pagkain nya, hinila nya ulit ang upuan at humarap sa akin.

"Bakit sakin? Ikaw kakain" sabi ko nang unang kutsara palang ay ako na susubo. He just smiled at me kaya sinubo ko na ang pagkain nya. Korean barbecue at lasagna ang pagkain nya. Nakakagutom!

Nag hati kami sa food nya hanggang sa maubos, busog na busog na ako pero pilit nya paring pinapakain sa akin kanina yung natira. Nasa banyo kami ngayon nag... to-toothbrush.

Mabuti nalang may provided ang hospital na dalawang matinong tooth brush.

Todo alalay rin sya sa akin pagbalik sa higaan. Inayos nya rin ang unat at kumot pagkahiga ko.

Pumasok ulit sya sa banyo dala dala ang pagpapalitan nya at iba pang toiletries.

"Pahiram phone ah?"

"Yes, hal." aniya bago pumasok sa banyo.

Puro picture ko parin ang wallpaper at lockscreen nya, nadagdagan rin ang photos ko sa kanyang gallery.

Marami syang unread messages, karamihan ay kay Amaryllis kaya iyon ang binuksan ko.

From: Amaryllis Contreras

Chairman.

Chairman, lunch tayo?:)

Chairman I sent you the file already. Wag masyado magpapastress.

Chairman, please text back.

Chairman, wala na sya. Ako yung nandito.

Naginit ang ulo kp habang nagsscroll ng text nya. Ang hali! Haliparot!

From: Amaryllis Contreras

I miss your kisses already, chairman.

Hindi mo ba ako namimiss? Lagi nalang ba sya hinahanap mo? Andito ako. Iniwan ka na nya

Let's meet. Kahit lunch lang.

Bakit mo ako pinalipat sa department office? Im your secretary!

I heard you're going abroad. Susundan mo sya? Pathetic. Ang pathetic lang!

She's back. But I am much better.

I'll get you by hook or by crook.

Let's meet up, I miss you.

Iyon ang huli nyang text at kanina lamang iyon. Naginit ang ulo ko sa inis. Nag browse pa ako ng mga text mula sa kung sino sino.

Mga unknown numbers na batid ko ay galing sa mga babae, hindi nya naman nirereplyan ang nga ito kaya kahit papaano ay napanatag ako.

Nag open ako ng apps nya, may games naman sya puro paid apps pa! Ako nga todo effort maghanap ng apps na libre at maganda.

Hanggang sa naisip ko nalang mag soundtrip at makinig sa mga kanta sa spotify nya habang hinihintay syang lumabas.

"Bakit ka pa bumalik? Dapat hindi na, ginugulo mo lang kami ni Chairman"

Napakagat ako sa aking labi nang biglang mag flash iyon sa utak ko.

Imposible namang alam nya na may kung ano sa water bottle na yun. It's sealed and I'm sure na sealed iyon. Baka aksidente lang na may naihalo doon.

"Hal. Okay ka lang?" sabay tapik nya sa akin, hindi ko na namalayang nasa gilid ko na sya at pinapatuyo ang kanyang buhok.

"I'm okay. Nag space out lang ako, may naalala lang" umupo sya sa gilid ng kama ko at sinampay sa upuan nya kanina ang kanyang basang twalya.

He held my hand and kissed my forehead, my cheeks and the tip of my nose. Pababa na ang halik. nya sa labi ko at nabibingi na ako sa. lakas ng pintig ng puso ko.

Halos atakehin ako sa puso nang magbukas sara ang pinto ng kwarto, bahagya ko syang naitulak at sakto namang pasok ng mga kaibigan namin.

"Are you okay?" tanong sa akin ni Prim, umabante rin sila Breana at Aveline. Um-oo ako at ngumiti sakanila.

"Dyan kami sa may sala matutulog, matulog na rin kayo"

"Oo nga, hindi yung nag cacatch up pa kayong dalawa ahihihi" tukso ni Bree, ngumisi lang si Zarette habang ako nag taas ng kilay.

"Kung makahawak parang mawawala ah" tukso rin ni Kiko, magkahawak kamay kasi kaming dalawa.

"Just go and rest, istorbo" he chuckled while shooing them away. Natawa nalang ang mga kaibigan namin habang papunta sa may pagtutulugan nila. "Now back to our business, my baby." he uttered, hindi pa ako nakakaget over sa kilig ng pa "my baby" nya ay lumapat na ang labi nya sa labi ko. I wrapped my arm around his neck while the other is on his waist.

"Ayieeeee!" napahinto at agad kong binaon ang mukha ko sa dibdib nya dahil sa kantyaw ng mga kaibigan namin.

Sumisilip pala ang mga loko! Oh my Lord!

He chukled while shooing them again for the second time, nang tumahimik ay humalik ulit sya sa labi ko at sa aking noo.

"We'll sleep now. It's nine thirty already, its your bed time" sabi nya, iyon kasi talaga ang oras ng tulog ko noon pa man.

"I love you, Hal" he whispered.

"Hindi pa ako ready" I answered

"I can always wait, Hal. You are worth the wait."

"Zarette, yung clearance ko! Sasapakin na kita eh!" nakalabas na ako ng ospital noong isang araw pa. Kinukulit ko na naman sya dahil sa clearance ko.

"Chill lang, Hal." he chuckled. He made me sat on his lap, awtomatiko kong brinowse ang ginagawa nya sa kanyang computer.

"Akala ko naman busy ka, DOTA lang pala." in-exit ko ang application at binuksan ang mga school works nya.

"Busy na ako ngayon" humalik sya sa balikat ko ng tatlong beses.

"Andito na yung dapat paglaanan ko ng oras"

"Tss, corny nito. Saan mo na natutunan yan" sabay kurot ng ilong nya.

"Paano yung clearance ko? Naka enroll na sila Prim ako nalang hindi, pinapahirapan mo naman ako eh" reklamo ko.

"Ako na bahala don, leave it to me, Hal. Masyado kang kabado, sino ba ako sa school na to?" he smirked. "Yabang mo."

Tiningala nya ako habang nakakagat sa kanyang pang ibabang labi, he closed his eyes while trying to catch my lips.

"Wag po, Kuya" I mumbled, poking a finger on his forehead para itulak sya palayo.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

He chucklwd and planted a soft kiss on my cheeks instead.

Hindi pa na kuntento ay hinigpitan nya ang kanyang yakap sa akin at binaon ang mukha nya sa leeg ko.

Sa ganoong posisyon kami nadatnan ng babaeng kinakainisan ko sa lahat, agad na nabura ang ngiting nakapaskil sa kanyang labi.

Aalis sana ako sa pagkakaupo ko sa kandungan nya pero humigpit ang yakap ni Zarette sa bewang ko.

"Ano na naman ngayon, Amaryllis? I am not expecting any file or report today" her face turned red.

"Uhm, I just wanted to check on you"

"I have Madox to check on me. You may leave" humawak ako sa kamay nya, babae ako at alam ko ang pakiramdam ng naaapakan ang ego. Kahit naman hindi ko sya gusto ay nasasaktan parin ako sakanya.

She gulped before making her way out.

"Ang hard mo, be extra sensitive naman. She's a girl too"

"Then? She'll misinterpret it again, I don't want to give her mixed signals. She might assume" sabay haplos nya sa buhok ko.

"Eh di sige po sir, you do you."

"Yes po, Maam. Gagawin ko lahat para mapanatag ka, and I will make sure that I'll get you wearing my surname soon"

"Ayan ka na naman, pakilig ka masyado" tinusok tusok ko ang pisngi nya, habang tumatawa. He rubbed the tip of his nose with mine after.

Balak kong magpa facial ngayon, last week pa namin plano iyon kaya lang ay naospital ako. Mag isa ko palang dahil ang mga magaling kong kaibigan ay ganap na mga Pilipino. My phone vibrated and Zarette's picture flashed on my screen.

"Hal" he sounded so husky, sinabit ko sa aking balikat ang strap ng aking shoulder bag, kakatapos ko lang mag fill up ng form para sa aking facial.

"Hal, I think... I think I got drugged too. Please... P-lease... come over, mahal"

Nataranta maging ang sistema ko, hindi namatay ang tawag pero rinig ko ang pagbilis ng hininga nya.

"Ate, can I have my session rescheduled. Its urgent po" sabay madali akong lumabas ng spa.

Nagmadali akong tumakbo sa escalator kahit pinipituhan na ako ng guard, mabuti nalang at sa malapit lang ako nagpark.

Kinabit ko ang wireless headset ko sa aking kaliwang tenga at pinatong sa dashboard ang aking phone.

"Za, continue breathing please. I'm coming" I heard a soft grunt from the other line. I also heard the door opened and it closed seconds after.

"Mad...ox"his voice trembled. He groaned before coughing. Sa tapat na mismo ng office nya ako nag parking, wala na akong pake kung sisitahin ako ng guard.

Napamura ako nang makitang nakapatong si Amaryllis sakanya, he's trying to push her away pero dahil mahina ito ay wala itong sapat na lakas. "Madox" he called while pushing her away.

Hindi nya pa napansin na andito na ako, mabilis akong naglakad papunta sa kinahihigaan nila and I shoved her away.

Napaaray ito lalo na ng tumama ang likod nya sa swivel chair ni Zarette.

"Hal, I'm here" tinapik tapik ko ang pisngi nya at triny syang i-cpr.

"Anong ginagawa mo? Ako ang medic sating dalawa!" she shouted behind my back.

"I don't fucking care. Hindi ikaw ang kailangan nya, Amaryllis, Ako! So stay in your lane" bulyaw ko pabalik.

Pinindot ko ang number two button sa cellphone ko at agad namang sinagot ni Prim ang tawag.

"Please call the boys, emergency" yun ang nasabi ko, nataranta sya sa kabilang linya at agad na tinawag si Kiko na batid ko ay kasama nya.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Umalis ka na dito, leave now" I said in a low tone. Agad naman syang tumayo at humakbang.

"Ganyan ka naman e, ako yung nauna at ikaw ang umaastang may karapatan sakanya. Ako ang medic at ako ang kailangan nya!"

"No, why would I let you attend him. Obvious naman sa posisyon mo kanina na hindi iyon ang balak mong gawin, Amaryllis. Wag mo akong gawing tanga, kailangan talaga patungan mo para i-cpr? Umalis ka na!" Huminga ito ng malalim at humakbang palabas ng kwarto, pabalag nya pang binagsak ang pinto.

Zarette pulled me closer for a hug. Kabadong kabado ako lalo na ngayong pawis na pawis sya.

"I'm all good hal." he whispered "Its just a set up"

Bumangon sya at inalalayan akong tumayo, habang ako, tulala.

"Anong set up? Anong nangyayari?"

"Sasabihin ko rin, Hal. Hindi ka pa handa ngayon, hindi pa tapos lahat" napatakip ako ng mukha nang tanggalin nya ang basang shirt nya..

"Ano ba yan? Walang pasabi?"

"Ayaw mo ba makita ang sexy body ko, Hal? Come on, dalawa lang tayo dito." he said teasing me.

"Epal, bakit ko naman gugustuhin makita yang katawan mo? Pa-yummy ka masyado ah!"

"One day, lahat ng sulok ng katawan ko hahalikan mo" and then he laughed hysterically. Baliw.

"You wish!"

"Seriously, Madox. You'll be the one asking for more" he winked at me, nakabihis na sya at nakaupo na sa swivel chair nya.

"Heh! Tigil ka nga, masyado kang pervert!" he reached for my hand and made me sat on his lap.

"Hal, trust me on this okay? I can't explain for now" lumabi ako at kumapit sa leeg nya.

"Kahit clue di pwede?"

"Its for us, Hal. Para akin ka na ulit"

Sayo naman ako, kahit pa nasaktan mo na ako. Kahit pa masakit na noong simula pa lang.

"So anong gagawin mo dito sa school ngayon?"

"Wala, tatambay lang. I can't get a hold of you, hindi pa kita nakakatabi sa gabi. Magpakita na kaya ako sa mga friends mo at mapauwi na silang lahat"

"Alam na nila, noong unang gabing magkasama tayong natulog. Tinanong pala ni Manang kung bakit di ka sumabay kumain, kaya pala kung pagsarhan ako ng pinto parang di ako yung may ari ng bahay" Noong isang araw ilang beses akong pumasok ng kwarto kahit wala pa doon si Zarette dahil nagbasketball sila nila Kiko.

Nang nasa pool area kami tinanong ako ni Prim kung sino ba pinupuntahan ko sa kwarto, of coursed I denied.

"Matagal na naming alam, noong gabi na pinatulog ka namin sa kwarto mo alam na namin. Si manang nagsabi" I pouted my lips, dipped my feet on our pool.

"We gave you a night spend the time together, at some point naging balakid din kami sa relasyon nyo"

I place my finger under my nose "Nose bleed, balakid. Boom rhyme 1 2 3 a b c" binatukan lang ako ng best friend ko, yes, batok.

"Kung kay Kuya ka talaga masaya why would I deprive your happiness?"

"Wag ka lang nya sasaktan ulit okay?" sabi ni Aveline. I sighed deeply.

"Narealize ko that pain will always come our way, we are all flawed, lahat tayo magkakamali kahit alam nating tama ang ginagawa natin nakakasakit tayo."

"Pero narealize ko rin, na ang sakit worth it kapag para sa tamang tao, kapag para sa taong handa tayong tanggapin, flaws and all."

They all pat my back and hugged me, that night I decided to give my all for Love, handa akong yakapin ang sakit para sa taong tanggap ako. Para sa lalaking kayakap ko ngayon.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.