Flaws and All

Chapter 20-Change



Hihikab hikab pa ako sa mall, ayaw ko pa sana lumabas but majority wins daw kasi.

Heto ako ngayon at hila hila ni Prim sa kaliwang kamay at si Aveline sa kanan.

"Ano ba, nakakapaglakad ako" binawi ko ang kamay ko at humikab.

"Baka kasi tumakas ka eh. Okay na yun, twelve hours of sleep!"

"Naantok pa nga ako, Prim. Pero okay na, tara na nga"

"Massage! Tamang tama! Ito ang kailangan natin girls!" sabi ni Breana, nasa iisang room lang kami at naghihintay ng mga therapists. "Hay, gusto ko to. Kelangan ko to" sabi ni Aveline ng mag umpisa na ang service.

Pumikit lang ako at inenjoy ang masahe, my body needs this. I need to de-stress.

"I feel so refreshed" sabi ni Prim, gumaan nga ang pakiramdam ko pero nadagdagan ang antok ko.

Malandi parin talaga ang kama, you can't say no to your bed. Hihi.

Tumingin tingin kami ng mga damit, make ups. Paano ay may kasama ka ba namang mga kikay.

Napabili na rin tuloy ako, lumiit ang katawan ko kaya naman maluwang na ang mga damit ko sa akin.

Nagsukat ako ng mga ilang off shoulders, rompers, crop tops at shorts.

Hindi na ako alangan mag crop tops, naachieve ko na ang abs na pinapangarap ko.

Todo kapa ako ng susi ng sasakyan, hindi ko kasi maalala kung saan ko nilagay.

"Aray!" reklamo ko, nilingon ko ang bumangga sa akin.

Hindi man lang nagsorry! Saka ang init init naka hoodie!

"Weird" bulong ko sa aking sarili, finally ay nakapa ko na din ang susi ko.

Nag korean barbecue kami, kailangan ko tuloy mag heavy work out pagkatapos nito. Kain nalang ng madami at idaan sa work out! Tama! "Work out tayo mamaya ah?" sabi ko.

"May malapit na gym dyan, maganda doon. Let's try?" tumango naman kami sa suhestyon ni Prim.

Naagaw ang atensyon ko nang may dumaan sa labas, iyon yung lalaking nakahoodie.

Ang init init na nga sa pinas nakajacket pa. Ang weird lang talaga. Napailing nalang ako.

Busog na busog ako at feel ko talaga namang lalaki ang tyan ko sa kinain namin.

When you're with your friends hindi na talaga maiiwasan pa ang pag kain ng marami.

Magpapahinga lang kami saglit, magbibihis saka pupunta ng gym. Kailangan ko talaga iyon ngayon, ang dami kong nakain!

"Swimming muna tayo!" yaya ni Prim, tirik ang araw at masarap mag swimming.

Naging excited ang lahat at nagunahan pang tumakbo pataas sa kwarto para mag bihis.

"Ang sarap! So refreshing." si Aveline, nakaupo kami sa hagdan ng pool at doon muna nagpahinga pagkatapos ng paglalaro sa pool. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang mga ulap.

"Lalim nun ah, anong iniisip natin girl?" usisa ni Aveline, ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagmamasid ko sa ulap.

"Wala lang. I am just exhausted."

"Kung aasikasuhin mo ang papers mo bukas syempre kelangan mong magpapirma kay Zarette"

Kahit ang pagsabi lang ng pangalan nya ay nagpapabilis na ng tibok ng puso ko.

Paano ba makakaalis kung kumakapit parin?

"Then be it, hindi habang buhay kelangan kong umiwas. Wala akong ginawang mali sakanya"

Ako ang nang iwan, oo. Pero hindi ako yung nagloko.

"That's our girl!" sabay high five nila sa akin.

Run, baby, run

Don't ever look back

They'll tear us apart if you give them the chance

Don't sell your heart, don't say we're not meant to be

Run, baby, run, forever we'll be

You and me

Hindi ako nakaramdam ng pagod kahit gaano ako katagal na tumatakbo sa threadmill.

Kakatapos ko lang mag squats, jump rope at mag lift para sa arm muscles ko.

Mahigit isang oras na kami doon, siguro thirty minutes na rin akong tumatakbo. Tagaktak na ang pawis ko.

Bumagal ang takbo ko nang kalabitin ako ni Prim.

"Tigil na beshy, kami na napapagod sayo e" aniya, huminga ako ng malalim at pinindot ang button ng threadmill.

Inabutan nila ang ng tubig at agad ko naman iyong tinungga at inubos. Even a bottled water reminds me of him.

"Ipost ko tong picture natin Xochitl. Pak ito! Fitness goals!" sabi ni Aveline, tumango lang ako at pinagpatuloy ang pakikinig ko sa music.

"Oh, ang init init nakajacket yung kuya mo." sabay pakita sa amin ng picture ni Zarette na nakahoodie at seryosong seryoso.

Ngumuso ako at tumitig lang doon. Parang yung lalaki sa mall kanina, kainit init nakajacket.

May problema ba tong mga to sa weather? Hindi ba sila naiinitan?

Bakit mas pogi sya ngayon? Bakit mas pumogi sya ngayon? Bakit bumibilis na naman yung tibok ng puso ko?

"I miss you" bulong ko sa hangin bago binaba ni Aveline ang phone nya.

"May hang out rin sila ngayon, gaya gaya." umirap si Aveline bago binulsa ang cellphone nya.

Nag shower na kami pagkatapos mag pahinga. Nakaramdam na ako ng pagod at antok kaya gusto ko ng matulog pagkadating sa bahay.

Pabagsak akong humiga ng kama, sunod naman si Prim. Nagkatabi kami at si Breana at Aveline naman sa kabilang kama.

Now I can feel my sore muscles, ang sakit na ng legs at likod ko.

"Paano bukas? Anong plano?" tanong ni Bree. Nagkibit balikat lang ako, I will never be ready, pakiramdam ko palang ay babaliktad na ang sikmura ko bukas. Nararamdaman ko na ang pagod ko para bukas. Tila ubos ang enerhiya ko sa posibleng mangyari sa school.

Pumikit na ako at nag usal ng panalangin, na sana gabayan Niya ako bukas at bigyan ng lakas.

"Ito, ito susuot mo girl!" sabay abot sakin ni Breana ng puting crochet short. Lahat kasi sila ay nakashort, okay lang naman sa school dahil ordinary na at wala ng pasok. "Eto naman sa top, cropped tank top! And oh, wear this white vest too!" sabi naman ni Prim.

"Para di masyadong girly, wear your adidas superstar shoes." sabay lapag ni Aveline sa sahig ng aking shoes.

Napakagat nalang ako sa labi habang pinagmamasdan ang mga damit na hawak ko.

Pinagtulakan nila akong tatlo papasok ng banyo, napabuga nalang ako ng hangin saka isa isang sinuot ang mga damit na napili nila.

Bagay na bagay naman sya sa akin, kaya nga lang ay ang exposed ang bahagi ng aking tyan.

Tila kinikikig na napapalakpak ang tatlo, pinaupo nila ako sa aking swivel chair kaharap ng aking vanity mirror.

Habang inaayusan nila ako ay naglaro sa isipan ko ang ala ala namin dito sa upuan na to mismo. Napailing nalang ako at sinantabi ang nga iniisip.

Inayos lang ang buhok ko at hinanapan ako ng magandang accessories, no need to apply make up na daw dahil wala namang dapat itago sa mukha ko. Isinuot ko ang aking Dior aviator bago paandarin ang aking kotse. Here we go.

Kabado man ay hindi ko iyon ipinahalata. Nakikisabay pa ako sa pagkanta ng songs na nakaplay habang nasa daan kami.

Halos sabay sabay kaming bumaba ng kotse at lumabas ng parking lot.

Nahagip ng mata ko ang pagbaba rin nila Kiko sakay sa pamilyar na itim na kotse.

My heart began to swell and beat faster than the usual, ginapangan ako ng matinding kaba.

Nilingon ko si Prim at agad naman syang humawak sa braso ko.

Sa aming apat ako lang ang walang dalang payong. Umirap pa si Prim sa akin bago binuksan ang kanyang payong.

"Ikaw babae, di ka na natutong magdala ng payong ano? Walang pambili?" nakisilong ako sa pinagtabing payong nya at ni Aveline. "Oo na po, bibili na" nakangisi kong sabi.

Maraming napatingin sa direksyon namin, may ilan pa akong narinig na nagtatanong kung sino yung babaeng nakaputi... Which is me.

Aveline is wearing blue crochet shorts and floral off shoulder.

Prim is wearing a denim jumper with a black cropped top underneath.

While Bree is wearing black shorts and red tank top.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

My hand is resting on my tummy, may mga lalaki kasing napapatingin sa tyan naming apat, and Im starting to feel uneasy about it.

Hindi lang naman kami ang nakaganitong outfit, may mas daring pa nga na kanina ay tinuro ni Bree.

Nagpapirma ako ng nga documents para sa pagtratransfer ko, madali lang naman pero kailangan ko kasing mag paclearance kay... Chairman. Tama.

Nag fill up na ako ng form, at handa na rin ang clearance ko. Huminga ako ng malalim habang nasa harap ng pinto ng office nya.

This is it. This is really is it.

My girls hugged me and told me to keep my cool.

Kalma Xochitl, kalma.

Lumunok ako at inayos ang aviators ko, pinihit ang door knob at pumasok.

Wala na ang table ni Amaryllis na dati ay dalawang hakbang lang ang layo sakanya, at tila may extension room na dahil may pinto na sa gilid.

Pinatong nya ang kanyang paa sa kanyang desk at tumitig sa akin, he bit his thumb at nagtaas ng kilay.

"Change your clothes" napakunot ang noo ko.

"Uhm. Ano yun?" I asked.

"I said change your clothes" hinawakan nya ang kanyang ballpen at pinaikot iyon sa kanyang daliri.

"Hindi ba pwedeng, pasok ka? Tuloy ka?" bulong ko sa sarili ko. Ano bang problema nito at pinagpapalit ako ng damit?

"I am here to have my clearance signed and my outfit has nothing to do with it, Chairman" I flashed a fake smile at him umayos sya ng upo at hinarap ang kanyang computer.

"Then I won't sign your fucking clearance." naginit ang dugo ko at namigat ang pag hinga ko. Lalo pa at nakakainit talaga ng ulo ang pagmumura nya.

What the fuck is wrong with this guy?

"Close the door when you leave" aniya. Naglakad ako palapit sa direksyon nya at pinatong sa desk nya ang aking clearance.

"Do you really have to ask everyone to change their clothes before you sign? Ang alam ko kelangan lang bayad ang fees at walang bad mark." tiningala nya ako at ngumisi sa akin.

"Lady, I don't fucking care about your fees and your bad marks. I can pay for your fees and I know everything about your grades, violations and such. I am asking you to Change your clothes and I'll sign those papers" "Nakakagago ka na ah! Ano bang problema mo sa damit ko?! Ang dami dyan mas daring pa sa suot ko!" yamot kong bulyaw sa kanya, nakakainis na ah!

Pinitik nya ang tyan ko saka itinali ang vest ko

"Are you flirting with me then?" nangaasar nyang sabi. "You don't have to show some skin, I'll sign all of these shits once you change" Humalakhak ako at pumamewang sa harap nya. Jerk!

"The last time I check wala namang dress code! Yung damit ko lang yata ang prinoproblema mo, o talagang iniipit mo ako sa sitwasyon na to? At ako pa talaga lalandi sayo? Sorry to burst your bubble but I prefer the loyal type of a guy" nawala ang ngiti nya at biglang sumeryoso. Uh oh.

May hinila sya sa kanyang drawer, puting polo. Ito yung polo na binigay nya sa akin noong prom. Inilapag nya yun sa harap ko at hinarap ang kanyang computer.

"Aanuhin ko yan?" masungit kong tanong.

"Kainin mo" walang gana nyang sagot.

Napaiwas ako ng tingin ng makitang binabasa ng kanyang dila ang kanyang labi.

What the hell, Xochitl!

"Pirmahan mo na yung clearance ko, pinapatagal mo lang eh"

"Kung sinunod mo na ako kanina pa, eh di napirmahan na yan. There's the bathroom" aniya sabay turo sa pinto ng banyo.

Hinablot ko ang polo nya inalis ang vest ko. He tssed and looked away.

"Ginagago mo ba ako? Alam mo ba yang ginagawa mo? You're undressing in front of me!" pagalit nyang sabi habang nakatalikod.

"Bakit ako maghuhubad sa harap mo, aber? Assumero ng taon! Okay na ba?" tumaas ang kilay nya at tumitig sa akin. He seemed so annoyed, yan tama yan. Itinali ko sa bewang ko ang kanyang polo. Okay naman kasi yung damit ko ah!

Tumayo sya at hinapit ako sa bewang, my heart beat started to race when I felt his hand on mine.

Napatigil ako at napalunok, tila nanuyo ang aking lalamunan. Tila nabuhay ang mga paru paro na dalawang buwan kong sinubukang patayin.

I

I guess two months is not enough to let go of the butterflies.

"Isusuot mo yan o ako magsusuot sayo?" nanlaki ang mata ko at uminit ang pisngi ko. May mapanuksong ngiti sa kanyang labi.

Hawak nya ang strap ng tank top ko!

"Ughh! Pervert!" sigaw ko pagkatapos ko syang itulak ng malakas at padabog na naglakad papunta sa banyo.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

I smelled his polo and it smells exactly like him, the scent lingered on my nose. Nawala ang pagkabadtrip ko sakanya sa amoy ng polo nya.

It suited me well. Natakpan rin nito ang aking shorts. Sinilid ko sa aking bag ang aking tank top at vest.

Inayos ko ang aking sarili bago lumabas ng banyo. Napapitlag ako nang makita ko sya sa gilid at nakasandal sa pader, hawak hawak ang nakarolyong mga papel. "Pipirmahan mo rin naman pala eh. Ibabalik ko tong polo mo kay Prim mamaya" tumalikod na ako at naglakad.

"Keep it, its yours anyway" aniya.

"I missed you" lumingon ako para kumpirmahin ang narinig ko, pero busy naman sya sa kanyang computer. Saka bakit nya naman iyon sasabihin diba?

Nagkibit balikat nalang ako at lumabas ng kanyang office. Guni guni ko lang siguro.

"Oh bakit nakabihis ka na?" salubong ni Prim.

"Tanungin mo sa kapatid mo" masungit kong sabi.

Hinila nila ako sa round table at doon pasalampak na pinaupo.

Iniikutan nila akong tatlo habang nakaupo ako, kulang nalang ay yung ilaw na gumagalaw sa kisame.

Nagpipigil ako ng tawa habang pinagmamasdan ang mga mukha nilang sobrang seryoso.

"Alam naming miss mo sya, pero bakit ang bilis sinuko ang bataan bes?" sabi ni Aveline. Kumunot ang noo ko, umikot ulit sila.

"Bakit sa school pa? May hotel naman, may bahay" sabi ni Breana, tumaas ang kilay ko at ngumiwi. Umikot ulit at si Prim naman.

"Bakit mo naman ibinigay ang bataan beshy?" tanong nya, tumayo ako at hinarap silang tatlo.

"Ano bang pinagsasabi nyo? Buang ba kayo? Pinagpalit nya ako ng damit! Hindi nya pipirmahan ang clearance ko hangga't di ko sinusuot tong damit na to!" umirap ako sakanila at para bang nabunutan sila ng tinik sa sinabi ko. "Ang protective naman pala ni Chairman" ngisi ni Bree, humagikgik ito at marahang hinampas si Aveline.

"Baka kasi ayaw niyang may makakita ng abs ng friend natin maliban sakanya. Ang possessive naman pala" hinampas nya rin pabalik si Bree.

Umirap ako at humalukipkip bago umupo. Nagsiupuan na rin sila at tumabi sa akin.

"Ibig sabihin ba nun gusto ka parin ni Chairman? Yiee, im so kilig!" si Bree.

Hindi ako aasa. I don't want mixed signals. It's so confusing.

"Hindi naman naging sila ni Amaryllis, that's what I've heard" si Aveline.

"Yeah, yeah. They're just flirting around" walang ganang sabi ni Prim.

"If you still love him and he feels the same, hindi ko mapipigilan iyan. But I can prevent him from hurting you"

Ngumiti ako at kinurot ang pisngi nya, napakaswerte ko talaga dito sa best friend ko. Kahit na kapatid nya ay kaya nitong kalabanin para sa akin.

Kumakain na kami dito sa parehas na round table, marami kasing tao sa cafeteria kaya dito nalang. Isa pa, tahimik dito.

"Totoo nga yung sinabi nila, you're back." lumingon kami at nakita si Amaryllis at ang kanyang mga kaibigan.

"Sexy, maganda. Iyon ba ang ginawa mo sa Amerika? Nagpaganda? Para pag balik mo dito nakakaakit ka na? Para hindi ka na pinagpapalit sa akin?" uminom ako ng tubig bago ngumiti sa kanya. "Hindi naman ako pinagpalit, may lumandi lang talaga" Her grin faded.

Lumunok sya at nagkibit balikat. Ang bilis nya naman mapikon.

Inagaw nya sa akin ang bottled water at tinangkang isaboy sa akin iyon, sinalag iyon ng isang kamay.

Napaawang ang bibig ni Amaryllis at napaatras.

Kinuha ni Zarette ang bote at ibinalik sa akin. Pagkatapos ay inayos ang kwelyo ng damit ko. Nakatingala lang ako sakanya at nakatitig sa mata nya.

"Her polo suits her well right?" saka sya humarap sa magkakaibigan. "This polo is mine by the way" nakangiti nyang sabi.

"Babasain mo yung polo ko?" ngumisi si Zarette at tinapik ang braso nya.

"H-hindi chairman" nanginginig nitong sabi, nilingon nito ang mga kaibigan at sabay sabay silang umalis.

"Gustong gusto mong makalibre ng ligo dito sa school" masungit nyang sabi sa akin, napataas ang kilay ko sa kanyang sinabi.

"Pakisabi kasi sa Amaryllis mo na tantanan ako, okay ba yun? Now shoo away!" marahan ko syang tinulak. Hinuli nya ang kamay ko at binalot sa bewang nya. "A-ano ba?!" nahihiya kong sabi. Nakasandal na ako sa dibdib nya at ramdam ko na ang init ng hininga nya.

"Kuya, let go" sabi ni Prim. He tssed, inikot nya ang kamay ko sa bewang nya na kahit anong hila ko ay hindi ko parin mabawi sa higpit ng pagkakahawak nya. Mga ilang segundo rin ay binitawan nya na ang kamay ko, walang salita syang umalis at bumalik sa office nya.

"Buang." bulong ko bago umupong muli, nilantakan ko nalang ang pagkain ko para makaiwas sa sasabihin nila sakin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.