Chapter 19- Secretary
"Nagugutom na talaga ako, tara na" hila ko sakanya, break time na at kanina pa nagwawala mga alaga ko sa tyan.
Napatigil ako ng may umapak sa sintas ng sapatos ko.
"Masyado kang nagmamadahil, Hal" yumuko sya at sinipat ang sapatos ko.
Tumingin ako sa paligid, marami ng tao, marami rin napatigil at nanunuod sa eksena namin.
Nakangisi si Aveline na lumapit sa akin.
"Stand still, hal" aniya at tinali ang sapatos ko.
Napangiti ako sakanya nang ngumiti sya sa akin, he pinched my cheeks before kissing my forehead.
May ilang tumili, may ilang kinilig, may ilan ring napairap at iling.
"Kayong dalawa, eksena kayo!" kinikilig na sabi ni Aveline habang nakapila kami. As usual Zarette is holding my tray, sya rin ang nagbabayad kahit anong insist ko.
Hindi nya nalang kasi ako pabaunan rin para di na nya ako kelangan pang bilhan pa ng food.
"Saka ano yung "hal"?" saka sya nag quotation mark sa ere. Nagkibit balikat ako, paano kung makatanong ay parang wala si Zarette sa tabi ko.
"Halimaw, yun sabi nya" walang ano ano ay humalakhak si ate girl! Luminga linga ako at napailing, halos lahat ay nakatingin sa kanya at hindi pa sya tumitigil sa kakatawa.
In just a snap ay tumigil ito at naningkit ang dati ng singkit na mga mata.
"Jinja? (Really?) neo juggo sip-eo? (Do you want to die?)" he glared at Zarette before walking towards our seat.
Jinja lang ang naintindihan ko, meaning non ay really.
Wala lang ekspresyon si Zarette, nasa balikat ko ang isa nyang kamay at ang isa ay hawak ang tray ko.
"Aigoo, isang linggo nalang makakalaya na tayo dito. Anong plano sa summer? Drawing ba?" tanong ni Aveline.
"We're going to the states" sabay tingin sa akin ni Zarette, tumango ako. Iyon naman ang plano talaga, but I've changed my plans. Una akong aalis, gusto ko sumunod sya kung kelan nya gusto basta bigyan nya ako ng isang linggo para makapagisip.
"Balik rin kayo, hangout naman tayo." si Kiko.
"ilang weeks ba tayo don, hal?"
"A month siguro, what do you think?" tumango naman sya sa suhestyon ko.
"So ano nga yung hal?" tanong sakin ulit ni Aveline, kami nalang tatlo ni Prim. Something came up kaya naman agad na umalis ang apat na magbabarkada.
"Hindi ko nga alam, basta isang araw sabi nya nalang na yun ang tawag nya sa akin." kibit balikat ko.
Bumuntong hinga ako at nagisip ng malalim. Should I tell my friends now? Dapat. Sigurado ay sa mga susunod na araw lagi ko ng kasama si Zarette.
"Sana maintindihan nyo ako." panimula ko. Lumapit sila at tila handang makinig sa anumang sasabihin ko.
"Kelangan kong umalis, kelangan kong iwan si Zarette"
"What? Are you kidding us?" tinakpan ko ang bibig ni Aveline, ang daming napatingin sa amin dahil sa pagiging oa nya!
"Ano ba Aveline, patapusin mo muna ako pwede?" she tssed before folding her arms. Daig pa nito si Prim na kapatid pa ni Zarette.
Unti unti kong pinaintindi sakanila kung bakit, ikwinento ko na rin ang lahat, bawat detalye ng nakita ko.
Masakit mang balikan iyon lang ang paraan para kahit paano ay valid ang rason para iwan ko si Zarette pansamantala.
"I think you should go" walang ekspresyong sabi ni Prim, I've never seen her like this, impassive. Tila walang pake na kapatid nya ang iiwan ko.
"I've heard and seen enough, Xochitl. I warned him, I won't give a damn even if he's my brother."dagdag nya. Nakaramdam ako ng lungkot, mukhang masisira ko pa ang magandang relasyon nila ng kapatid nya. "Aveline, we'll tell him the reason once Xochitl is okay, once everything is settled with that girl" tumango naman si Aveline.
"Kami na bahala sakanya, please don't get caught" paalala ni Aveline, I nodded my head as a response.
Somehow I felt relieved, pero nangingibabaw parin ang sakit lalo at naalala ko na naman ang nakita ko.
I think I can never erase that in my mind.
"Its the day." bulong ko sa sarili ko, magkasabay kaming pumasok ni Zarette pero busy sya ngayon dahil sakanya kami magpapapirma ng clearance. Humikab ako at tinitigan ang letter na gawa ko. Okay na siguro to.
I even kissed the enveloped. I tried hard not to cry, kahit pakiramdam ko any time tutulo ang luha ko.
Wala kaming ginawa kahapon kundi magusap, magkwentuhan, maglambingan.
I gave him the chance to tell me what happened, pero wala talaga. Ilang beses ko tinanung kung may gusto ba syang sabihin sa akin, wala sabi nya. But his eyes has a different story to tell.
Ilang beses akong kumatok sa office nya pero walang sumasagot, maybe this is the opportunity to leave this letter on his desk..
Mas okay na rin siguro na wag nya akong makita at wag ko na rin muna syang makita.
Kung desidido sya susundan nya ako, sabi ko sa letter pwede syang sumunod basta bigyan nya ako ng isang linggo.
Alam kong sa isang linggo na iyon okay na ako. Sana okay na rin sya at kaya nya ng magpakatotoo sa akin.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto, nagulat nang makita si Amaryllis sa table malapit sa table ni Zarette.
Anong ginagawa nya dito? Tumikhim ako para maagaw ko ang kanyang atensyon, tumaas ang kilay nya saka sumandal sa kanyang swivel chair. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Humalukipkip sya at nagtaas ng kabilang kilay.
"Im his secretary, oh? Di mo alam? My office is under construction eh, kaya andito ako" may mapangasar na ngiti sa kanyang labi.
"Okay" sabay lapag ko ng letter sa desk ni Zarette. Sumulyap akong muli sakanya bago nag walk out palabas ng room.
I sighed deeply.
Kaya ba hindi nya na ako pinapapunta sa office nya? Napapikit ako at minasahe ang akong sentido.
Sinipat ko ang aking relo at nagsimula nang maglakad papunta kila Prim.
"Kami na bahala, basta ipangako mo babalik ka"
"Oo, saglit lang ako doon." I smiled weakly, bago ako tinalon ng yakap ni Aveline. Prim did the same thing.
Huminga ako ng malalim at tumakbo paikot ng school, searching for Zarette. I changed my mind, gusto ko syang mayakap sa huling pagkakataon.
Hingal na ako kakatakbo, nakalahati ko na ang school pero di ko parin sya mahanap. I only have thirty minutes left!
"Sa kubo! Madox, sa kubo!" tila may lightbulb na nagilaw sa utak ko. Agad kong tinakbo ang daan kahit na pagod na pagod na ako.
Nagaalangan pa ako pero kahit silip lang.
There's a strong force that tells me to back out and run away instead!
And now I understand why.
Nanghina ang tuhod ko, nanginig ang kalamnan ko, naginit ang mata ko at kumirot ang puso ko.
I closed my eyes and wiped away my tears. I sighed in defeat.
I reached for him from afar, before turning my back from him and Amaryllis.
She's on top of him, on his lap. And they are kissing.
Katulad noong isang araw, sa office nya.
Napaupo ako sa gilid at doon niyakap ang tuhod ko. Nang makakalma ay hinanap ko ang sasakyan namin at agad na sumakay sa backseat. I really have to run.
Paulit ulit.
Nakakasawa.
Nakakapagod.
Hindi ko alam kung paano ako babangon sa sakit, pakiramdam ko ay kanina pa pinipiga ang puso ko.
Ayoko dito. Ayoko na dito.
"Ladies and gentlemen, welcome to Las Vegas McCarran International Airport. Local time is 7:30 am and the temperature is ten degrees celcius. Sinuot ko ang aking sunglasses at inayos ang aking scarf, pagkababa ko palang ay ramdam ko na ang nanunuot sa balat na lamig. Huminga ako ng malalim saka pumeke ng ngiti, kumaway habang hila hila ang aking luggage.
"Mommy! Daddy!" bumeso ako pagkatapos magmano.
"Akala ko ba ay sasama si Zarette?" nawala ang ngiti ko sa tanong ni Mommy pero agad rin akong ngumiti ulit.
"Hindi na sya makakasama mommy, may problema kasi sa pamilya nya. So I have to travel alone" sumakay na ako sa likod at doon sumandal.
My eyes stings a bit, wala akong matinong tulog sa sakit ng aking dibdib. Mabuti nalang ay hindi na ako inusisa pa ng magulang ko tungkol sakanya.
"Alam ba ito ng boyfriend mo hija? Are you sure you want to enroll for the next semester? Maraming adjustments ang magaganap and you know that"
"Yes dad and he agreed with me, okay daw po siguro iyon. As long as the next semester ay babalik ako doon" I sighed deeply, pati sa parents ko ay nakakapagsinungaling na ako. "Dad, mom. Akyat na po ako, I'll contact my friends" paalam ko bago pumanhik papunta sa aking kwarto.
"He was devastated! Kung makita mo lang how mad he is, mas gugustuhin mo nalang na dyan ka nalang" kwento ni Aveline. "How is he?" hindi ko napigilan ang pangungumusta sakaniya. Isang linggo na ako dito at ngayon lang ako tumawag sakanila.
Aveline was hesistant, ngayon ko lang sya nakitang nag alangan sa sasabihin.
"He was devastated, and the next day he's with Amaryllis. And you should go on with your life too, my brother doesn't deserve shit from you" ngumiti ako ng mapait sakanilang dalawa. Nanikip ang dibdib ko at bumalik ang pakiramdam na tila paulit ulit sinasaksak ang dibdib ko.
"That quick?" I bit my lip before letting out a loud sigh.
Tumango si Aveline, ngumiti akong muli at iniba ang usapan.
"Do you want us to visit?" may gana na ulit si Prim, tumango ako sakanya.
"Papaalam ako" aniya nilingon sya ni Aveline "Ililibre mo ba ako? Us, sabi mo eh" natatawang tumango nalang si Prim.
Nagplano sila, next week ang dating nilang dalawa. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Nagpaalam na ako dahil lagpas alas dose na rin, antok na ako at gusto ko ng matulog. Antok na antok na ako. I shift from left to right, right to left.
Pangalawang araw ko palang ay magkasama na sila. Ibig sabihin meron talagang namamagitan sa kanilang dalawa.
Maybe I am that fool to believe that he'll stick with me. Yung ako lang.
Maybe I assumed too much, I assumed that I am enough.
I should sleep, ayoko nang paabutin pa sa pag iyak itong pagiisip.
I grabbed my phone and looked at my wallpaper, marahan ko iyong hinaplos.
"Good night, Hal. I hope she can make you happy"
"Hindi mo ba susundan, Za? Na-track naman na natin, everything, even her location." hinawakan nya ang baso at sumimsim doon ng alak.
Hindi tubig kundi alak. Agad na gumuhit ang pait nito sa kanyang lalamunan, it tasted so bitter. Katulad ng relasyon nila... mapait.
"Hindi na. She left, then why would I bother to chase? I just want to make sure that she's safe." bored nyang sabi.
"You wouldn't bother kasi meron ka ng iba agad. Diba, Kuya? Kasi nandito pa si Xochitl meron ka ng iba?" biglang pasok ni Prim. Huminga ng malalim ang magkapatid, nagpapakiramdaman Namuo ang tensyon sa pagitan ng dalawa, Aveline smirked and sat beside Kiko.
"Kung mahal mo bakit mo iiwan? At kung mangiiwan ka man bigyan mo ng tamang rason" uminom ulit sya sa kanyang baso, walang itinira.
A familiar feeling crept into his chest.
Pain.
"Don't play dumb with me, Zarette." she smirked before folding her arms. "Alam mo sa sarili mo na may nagawa kang mali, na may rason kung bakit sya umalis. Maaring hindi nya sinabi kasi gusto nya ikaw mismo ang magsabi kung ano iyon" "And you know now that her reason for leaving you is valid, you're just too proud to admit that you're at fault. Duwag ka! Ayaw mong ikaw ang masisi, ayaw mong ikaw yung mali" sabay hampas nito sa dibdib ng kapatid, ni kahit minsan ay hindi naisip ni Zarette na magaaway sila ng ganito kalala.
"Sana nakita mo kung gaano kalala yung sakit sa mata ni Xochitl habang sinasabi sa amin kung ano yung rason nya." singit ni Aveline.
"Huwag mong ligawan, huwag mong iparamdam na mahal mo ang isang tao kung sa huli hahalik ka rin ng iba na para bang wala kang pinangakuan ng pagmamahal mo." she dropped a hint. Zarette bit his lip before throwing the shotglass to the wall.
"Wag mo ng sundan yung kaibigan namin, stay with your hoe. Leave Xochitl alone" may diin na sabi ni Prim. Padabog itong umalis ng office at padabog ring sinara ni Aveline ang pinto. "Last five" tagaktak ang pawis ko habang nagjajumping rope, kelangan kong magpapawis dahil sa sobrang lamig ng Vegas. Isa pa ay balak kong magpapayat pa.
Its been two months, masaya naman ako dito. I'm enjoying my stay here, naenjoy ko rin ang lamig ng panahon.
"Nakailan ka ngayon? I beat my own record, naka one hundred and fifty ako" inalis ko ang headset ko at kinuha ang aking towel, si Breana iyon bago kong kaibigan.
Nagkakilala kami dito sa gym last month, nakilala na rin siya nila Prim, Adeline at Aveline. Magkakasundo naman sila, nagkasundo pa nga kaming sabay umuwi para makapag hang-out kaming lima. "One twenty lang, ang sakit sa paa nitong sapatos ko." umupo ako sa bench at tinanggal ang sapatos ko, napabuntong hinga nalang ako nang may nakitang paltos.
"I think I should take off my shoes, rest ng kaunti at mag jump rope ulit. I'll beat your record" humagikgik kaming dalawa at sabay na uminom sa mga water bottle namin.
"Ilang lipstick ba kailangan mo? Parang weekly bumibili tayo dito ah" kung puro healthy snacks ang nasa basket ko, puro lipstick at iba pang make up products ang nasa kanya "Syempre, kapag uuwi tayo wala akong pasalubong kila Prim. So I have to buy." aniya.
Katulad ni Prim ay sobrang kikay nitong si Breana, fashionistang fashionista. Mahilig rin sya magtravel, mahilig sya sa make up.
"So. Paano kapag uuwi tayo? Syempre hindi naman maiiwasan na magkita kayo nung Zarette mo." tanong nya habang nasa counter kami.
"Hindi ko pa naisip. Saka ano ka ba, oo magkikita kami pero di naman ibig sabihin magbabalikan kami. Hindi naman naging kami officially." tila may bumara sa lalamunan ko.
"Back to the usual, iyon siguro. Ang alam ko sila na rin talaga ni Amaryllis. Magkikita kami, oo. Yun lang yun." hindi na sya muling nagtanong pa, kaya naman nagpasalamat ako na wala ng sumunod na tanong. Kung magkikita kami, eh di magkikita. Let things be.
Hindi pa ako handa, I will never be ready to face him again, to see him with her. But I should not be afraid, ako yung nangiwan pero hindi ako ang nagkamali.
"Kamusta sya?" tanong ko, busy si Breana sa pag check ng mga pinamili nya habang ako kausao ko sila Prim.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Prim rolled her eyes before puckering her lips.
"Beastmode! Serious black mode on!" napataas ang kilay ko. "Bakit?" usisa ko.
"Wala, miss ka lang non. Nakita kasi na nagbra-browse ako ng sexy pics mo. Tapos nabeastmode." I tssed, pinagloloko na naman ako nito.
"Wag ka nga!" suway ko sakanya.
Tinaas nya ang kanyang phone at pinakita ang basag na screen protector nito.
"Do I look like I'm kidding? Binato ang phone ko! Binato! Xochitl, binato!" may gigil nyang sabi. Napailing nalang ako, nagulo na naman ang takbo ng utak ko. "Baka kasi love naman nya talaga si frenny!" tukso sakin ni Breana, ngumiwi si Prim at umirap.
"Kelan pala uwi nyo?" nagbilang ako sa daliri ko, two weeks from now ay uuwi kami para bumisita. Isa pa kailangan kong kunin lahat ng papeles ko sa school. "Fourteen days! I bought you some lipsticks, ang kay Aveline naman yung lipstick daw ni Bok joo!" si Breana.
"Kamsahamnida unnie!" napapalakpak pa si Aveline.
Tag mo friend mong kinain na ng sistema ng Kdrama. Tagging Aveline.
"Tulungan nyo ako sa papers ko ah?" paalala ko.
"Ayoko nga! Dito ka na kasi, diba Bree? Dito ka rin naman diba?" tumango si Breana. Nasa iisang school lang din kami ni Breana, may binisita lang sya dito sa U. S. Sumimangot lang ako, paano ay gusto ko rin umatras. Kapag nagaral ako ay kailangan kong ulitin ang last year level ko na tinapos ko sa Pinas. "Madadagdagan ka pa ng taon dyan, you'll get delayed! Dito ka nalang" dagdag ni Prim.
"Pagisipan ko pa. Pero kasi... Basta ayusin ko nalang papers ko!"
"Ooh! Manilé! Init mo parin, dagdag ka pa sa hotness naming dalawa" inalis ni Bree ang kanyang sunglasses at luminga linga sa paligid ng NAIA. "Xochitl! Bree!" rinig kong tawag samin ni Aveline, ano ba yan parang nakamegaphone si friend.
Hila hila ang luggage bag ay tumakbo kami papunta sa kinatatayuan nila.
"Oh my gosh! Ang payat mo na! Mas payat ka na sakin" sabay hawak sa bewang ko, nagkalaman at tumaba ang dalawang ito, paano kasi ay laging gutom si Aveline. "Nakakainis nga, mas fit na sya sakin!" sabay pamewang ni Bree.
"Thank you po" aniya sa aming driver. Diretso muna kami ng bahay, doon muna sya matutulog ng ilang araw dahil nga nagpapasama ako.
"Nagdala rin kami ng gamit namin, di naman ata fair na si Bree lang ang makikisleep over sayo" sabay pakita ni Prim ng maleta nila. Maleta. Malaking malaking maleta.
"Parang dinala nyo na bahay nyo ah" natatawa kong sabi nang makapasok sa kotse.
Sumakit ang ulo ko sa init at jetlag, mabuti nalang at maayos na ang mga kwarto nang makarating kami sa bahay.
"Magpapalit lang ako" paalam ko nang makapanhik kami sa taas. We will all stay sa guest room dahil doon may dalawang queen sized bed. Ginapangan ako ng lungkot pagkapasok ko ng aking kwarto, nagflashback lahat ng alaala namin ni Zarette sa kwartong ito.
I can never look at my room the same way again, lagi akong makakaramdam ng lungkot, ng panghihinayang.
This room will constantly remind me of him.
Kahit anong pagkukunwari ko sa Amerika, kahit anong gawin kong pagpapasaya sa sarili ko lagi at lagi ko parin syang hanap. He gave me memories that I can't let go.
Ang hirap pakawalan ng taong nagturo sayo kung paano masaktan, magselos, maging masaya at magmahal. Inabot ko ang itim nyang unan at agad iyong niyakap, naamoy ko ang pamilyar na bango ng pabango nya Naalala ko nang araw na iyon, hindi ito ang amoy ng damit nya nang yakapin ko sya. Amoy babae. Kinalma ko ang sarili ko at lumapit sa closet ko para makahanap ng damit. I need to change before I sleep. Kahit tinamaan ng jetlag nakuha pa naming magpuyat at manuod ng Crazy Beautiful You ng KathNiel. Ang sakit na ng pisngi ko kakangiti. Send help! Wala ng paglagyan kilig ko! Gusto ko gumulong sa kilig dahil doon sa last scene. Nakakainis, sila na may love life na maganda! "Anong balak natin bukas? Shopping? Hang out?" tanong ni Bree, nagaayos na kami para makatulog. "Pahinga. Yun ang tamang gawin" sagot ko. Umirap sya sa akin bago nya pinatay ang lampshade. Pahinga. Pahinga ang kailangan ko.