Chapter 17- Hal
"Lasagna and carbonara please? And one iced coffee" order ko, may hawak na tray si Zarette at doon nilapag ang tubig na binili nya.
"May ref ka naman ah? Wala ka ng mineral water doon?" tanong ko sakanya.
"Magdedeliver palang mamaya. Yun lang ba gusto mong food? May cake sila dito" sabay turo nya sa blue berry cheesecake, nakalabi ako at tinitigan ang cake. Pero kasi... Calories.
"Hindi na, ito nalang" Umiwas na ako ng tingin sa cake at nilagay ang kakaserve na food sa tray.
"Medyo nalungkot ako para kay Amaryllis" sabi ko, binaba nya ang hawak nyang kutsara saka kumuha ng tissue. "Sinusubuan na nga kita, para ka talagang baby. Madame baby!" saka nya pinunasan ang gilid ng aking labi.
"Uy, may sinabi ako. Nalungkot ako para kay Amaryllis" bumuntong hinga sya at sinubo sa akin ang kutsara na may lasagna.
"Naalala mo nung unang beses natin sa kubo? And now you know, it pains me to push away girls like her. Nalungkot rin ako, pero hindi dapat mag take advantage dahil lang alam mong gusto ka ng babae" he handed me a bottle of water. "Its hard to push them away, but it is harder to fake your feelings for them." patuloy nya.
"Wala ka pang pinaasa?" usisa ko pagkatapos nyang magsalita.
"Mas okay na yung umpisa palang sasabihin mong ayaw mo na. Its better that way than to lead them on. Better than to make them feel that you're willing to reciprocate their love back" ngumiti ako at kinurot ang pisngi nya. "So deep, I can't swim" biro ko. He ruffled my hair saka ulit hinawakan ang kutsara para subuan ako.
"Sabi ko kasi sayo stun! What the hell! Stun nga, yung pangalawang power! Gamit gamit ka ng eudora di ka naman marunong!" bulyaw ni Aveline kay Kiko, andito kami sa office ni Zarette ngayon.
Ako, si Zarette, Aveline, Adeline, Prim, Kiko, Ely at Ryan.
Napapasapak nalang ako nang noo sa bangayan ng dalawang ito. Naglalaro kasi sila nang mobile legends at magkasama sa isang team.
Hindi ko alam kung kelan natuto si Aveline, basta ngayon todo kantyaw na sya kay Kiko.
"Ikaw nga lahat ng kills ko inaagaw mo!" bulyaw pabalik ni Kiko.
"Eh paanong di ko maaagaw mas magaling ako sayo. Suck it up loser!" ganti ni Aveline.
"Hay, ang sakit na ng ulo ko." bulong ko, agad naman hinawakan ni Zarette ang ulo ko at sinandal iyon sa balikat nya.
He's currently working for a report. Magkatabi kami sa kanyang table, ang isang kamay nya ay nasa likod ko at ang isa ay nasa keyboard.
Naawa tuloy ako sa sitwasyon nya, pakiramdam ko ay ngalay na sya ayaw nya lang ipahalata.
"Malapit mo na ba matapos?" Tanong ko sakanya, tumango sya at tutok ang mata sa computer nya.
Inagaw ko ang mouse sakanya at pinunta sa settings para babaan ang brightness.
"Ako nabubulag sa taas ng brightness mo eh" ngumiti lang sya at mabilis na dinampi ang labi nya sa akin, awtomatiko naman ang kamay ko sa paghampas sakanya. Nilinga ko ang paligid para tignan kung may nakakita ba. "Whoo MVP!" sigaw ni Aveline saka sya pumalakpak pagkatapos ay inirapan si Kiko na halatang inis na.
"Ipagkakatiwala ko sayo ang anak ko. Ikaw na ang bahala sa sakanya. Pero... kapag nasaktan ang dalaga ko babaliin ko ang pinagusapan natin" iyon lang ang narinig ko mula sa kusina.
Aalis na sila Daddy papuntang amerika mamaya, at pinatawag nya si Zarette para kausapin. Kahit anong kulit ko ay di nila gustong makinig ako sa usapan nila kaya heto at nasa kusina ako.
Nang nagprisinta akong maghatid ng kanilang meryenda ay tumigil sila sa paguusap at hinintay akong makaalis.
Todo dikit ako ng tenga sa dingding para kahit papaano ay marinig ko sila. Ano kaya yung pinagusapan nila noon?
"What are you doing, Madox?" napatigil ako at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakasandal sya sa hamba ng pinto at nakahalukipkip.
"W-wala. May pinupulot lang" palusot ko, kunwari ay may pinulot ako para epektibo ang akting ko.
He kneeled beside me and checked my hand, ngumisi sya at inalalayan ako tumayo.
"You know its bad to eavesdrop?" tumango ako at sumimangot. "Ano ba kasi pinagusapan nyo?" pangungulit ko. Sumilip ako at wala na si Daddy sa sala.
"You will find out soon, Madox." pumungay ang mata nya at hinawakan ang kamay ko. He kissed the back of my hand before he entwined our hands together.
"Ayoko yan" sabi nya, naghahanap kasi kami ng mapapanuod ngayon at napadako ako sa disney channel.
"Tangled yan, ang ganda kaya nyan!" pasalampak akong umupo sa tabi nya, agad naman nyang siniksik ang kanyang ulo sa leeg ko.
"Okay, you watch." he planted at soft kiss on my neck and down to my shoulder, mahina kong sinampal ang pisngi nya.
"Pervert!" he chuckled and kissed my cheek.
"I just miss you, my Madox" kinilig na naman ako sa pag angkin nya sa akin. I love it when he calls me "My Madox"
Wala na syang nagawa, nakahiga lang sya sa lap ko at nakapikit habang ako nanuod ng tangled. Hawak nya ang kamay ko at minsan ay marahan nya iyong pinipisil.
"Your dad asked me to take care of you" nakapikit nyang sabi, hinaplos ko ang pisngi nya at ang isang kamay ko ay nasa buhok nya
"That's why I'm moving some of my things here, I will sleep here to make sure you're safe.... but your father also warned me" hinawakan nya ang pisngi ko at bumaba iyon sa leeg ko.
"He warned me that we should not do something probihited" nanlaki ang mata ko at naginit ang pisngi. Ano ba, Daddy naman eh.
He lifted his face and poked my forehead.
"There's nothing bad at making love, right? Lalo na pag gusto nating dalawa" pilyo nyang sabi, mas lalong namula ang pisngi ko at nanlaki ang mga mata ko.
"Buang ka ba?" di makapaniwalang sabi ko. He chuckled and wrap his arms around my waist.
"We'll wait till we get married, okay?" he played with my hair, there's a playful grin on his lips. Umirap ako pero hindi na napigilan ang ngiti.
The picture of us getting married excites me! Kahit sobrang aga pa para isipin iyon ay talaga namang nakakaexcite!
"Pero kung gusto mo lang naman i-advance... aray naman Madox"
"Pervert!" tulak ko sakanya, I slightly slapped his face kaya umaray sya.
Tumagilid sya at hinawakan ang kamay ko, medyo malayo na ako sakanya dahil sa pervert thoughts nya. Aigoo, ikakaatake ko to sa puso. "Hal." aniya. I looked at him confusely, habang sya namumungay ang mata.
"I should call you Hal, what do you think?" napaisip ako saglit, tumango kahit hindi ko alam ang ibig sabihin nun.
"Bakit hal? Kasi halimaw ako?" nakataas kilay kong tanong, ngumisi lang sya at kumindat sa akin.
"Kasi Hal.. imaw ako sa..." he looked at the bed and playfully smiled at me after. Agad akong humawak ng unan at hinampas iyon sakanya Oh Lord hanggang kelan ako pagti-tripan ng isang ito?
"Hal, what do you want for dinner?" nasa kusina kami ngayon, nagbukas sya ng ref para maghanap ng mailuluto.
I didn't know he can cook though.
"Can you cook ba? Kahit ano nalang, kung ano specialty mo." umupo ako sa high chair at pinanuod syang maghiwa ng mga rekado.
"Do you like spicy chicken curry?" tumango at ako pasimpleng hinawakan ang cellphone nya.
"My password is your birthday" napapitlag ako sa bigla nyang pag sasalita, ngumuso ako at triny na ilagay ang birthday ko at totoo nga! Bumungad sa akin ang picture ko bilang kanyang wallpaper, hindi ko alam kung kailan kinuhanan ang picture na ito.
"Kelan to?" sabay pakita ko sakanya ng aking litrato, ngumiti lang sya at bumalik sa pagluluto.
"Last year, school fair. Yan yun noong tinutukso ka kay Daevon, alam mo badtrip talaga ako nyan eh pero di ko mapigilan sarili ko na kuhanan ka ng litrato." nakapamewang sya at nakataas ang kilay para ipakita na badtrip nga sya ng araw na iyon.
I opened his gallery and saw a folder full of my pictures. Nalaglag ang panga ko dahil halos lahat ay stolen pictures!
Ang mga pinakabagong picture sa gallery nya ay ang mga picture naming dalawa.
"Hindi ka naman stalker ano?" kantyaw ko sakanya, he stood at my back and hugged me tightly.
"I am just that obssessed." sininghot nya ang leeg ko at bumalik sa pagluluto
"Mas maganda ka noong mas mataba ka, ewan ko ba kasi kung bakit ka pa nagpapayat" reklamo nya habang hinahalonang niluluto.
"Anong hinihimutok mo dyan? Okay nga eh, sexy na ako" I said grinning while browsing his gallery. Naumay na ako sa kakakita ng mga pictures kong stolen.
"Paano naging okay? Yung mga lalaki napapatingin na sayo, some are watching you walk, some are watching you smile. Noong prom ang daming nagabot ng bulaklak sayo." masungit nyang sabi pagkatapos patayin ang stove. Napangiti nalang ako, nagseselos sya. Yiee nagseselos talaga sya!
"What's mine is mine, I am that obssessed. I am that possessive."
"Hay, nakakapagod umupo. Sakit na ng pwet ko!" free cut kasi kaya naman heto at tambay kami sa mga round table malapit sa cafeteria.
Ayon kila Aveline at Kiko malakas ang signal dito. Kaya heto, nagbabangayan na naman sika dyan sa lintik na mobile legends na yan! Kung bat ko pa kasi sinabi yang laro na yan kay Kiko eh.
"Pwede mag cr fast?" paalam ko, tumango ang katabi ko at sinabing magingat ako. Ten steps away lang naman ang cr mula sa tinatambayan namin.
I checked the cubicles at pinili ang pinakamalinis, kumuha muna ako ng tissue bago ginawa ang dapat kong gawin sa banyo.
Nagaayos na ako nang makarinig ng hagikgikan sa labas ng cubicle ko, I didn't mind baka kasi mga schoolmates ko lang iyon na magc-cr.
Kahit anong pihit ko ay tila may pumipigil sa kabila ng pinto. I can't open the freaking door!
"May tao ba dyan? Patulong naman pabukas nung pinto, please?" Sigaw ko mula sa loob ng cubicle, I tried to open the door again at doon na unlock. Kasabay non ay ang pagsaboy sa akin ng malamig na tubig.
Sa sobrang dami ng isinaboy ay hindi ko na nakita pa ang gumawa, tumama pa sa noo ko ang handle ng timba.
"Oh shit, oh shit" mura ko habang pinagmamasdan ang uniform kong basa ng tubig.
Binalot ng lamig ang katawan ko, my uniform is dripping wet.
Napakagat labi ako at nagisip kung anong gagawin ko. I left my phone at hindi ako pwedeng lumabas ng ganito.
Kahit malapit lamang ang tambayan ay nakakahiyang lumabas ng ganito ang sitwasyon.
Napaatras ako nang pumasok sa cubicle si Amaryllis at ang mga barkada nya kasunod ang pagpasok ng walang emosyon na si Zarette.
The Zarette that I know is more dangerous when he's calm.
I know he's pissed. Bigtime.
Pinulot nya ang timba at tinitigan ito. Ilang beses akong lumunok nang ang kaninang walang ekspresyon nyang mata ay napuno ng galit!
His eyes reflected how angry he is, maging ako ay natatakot sa kung anong susunod nyang gawin.
I felt a lump on my throat.
"Zarette wag!" sigaw ko nang umamba itong ihahampas sa magkakaibigan ang timba, huminto sa ere ang kamay nya at lumipat ang tingin sa akin. Amaryllis and her friends are covering their heads. Ang isa ay napaupo pa.
I bit my lip and sighed heavily. Namigat ang paghinga ko at walang humpay sa bilis ang pag tibok ng puso ko.
"See you in my office this afternoon" maawtoridad nyang sabi. Humakbang sya palapit kay Amaryllis at ngumisi dito.
"I have no respect left for you" her lips quivered in fear, bumagsak rin ang balikat nito.
Hinila ako papalabas nang banyo at agad kaming sinalubong ng mga kaibigan naming kanina pa pala naghihintay sa labas.
"Eyes on the fucking floor now!" my knees trembled, papadaan kami nang pathway at maraming napatingin.
Lahat nang nandoon ay nagbaba ng tingin.
Mahigpit ang hawak nya sa kamay ko, sa sobrang higpit ay batid kong magmamarka iyon.
I've never seen him like this, and I don't want to see him like this in the future. Nakakatakot, nakakakaba.
"Zarette"
"What!?" napalunok ako nang magtama ang mga mata naming dalawa, his eyes were filled with anger.
Hindi ko kayang tumingin sa mga matang iyon. Those were the eyes that looks at me with adoration.
Namungay ang mata nya nang marealize na ako ang kaharap nya, he wrapped me into a hug so tight that I can almost feel his heart beat.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Kinuha nya ang bathrobe nya na nasa kanyang gym bag at iyon ang ipinasuot sa akin.
Sa layo ng nilakad namin mula cafeteria hanggang parking lot ay medyo naarawan ang aking basang damit.
Even my shoes are wet!
Alangan pa akong sumakay sa kotse nyang bagong carwash kahapon, nakakahiya naman basa ang damit ko.
"Sakay na, Hal. Natutuyuan ka na" walang bahid ng galit ang boses nya, he seem so calm in a good way.
Inalalayan nya akong sumakay saka nilagyan ng seatbelt, hindi ko na pinabuksan pa ang aircon dahil sa lamig na galing basa kong damit.
Nakaupo sya sa swivel chair ko habang naghihintay sa akin. Nag p. e nalang ako dahil iyon ang utos nyang isuot ko.
Nag hila ako ng upuan at pumwesto sa likod nya, sinantabi ko ang suklay at yumakap sa leeg nya.
"Are you done, hal?" tumango ako.
"Are you still mad? Wag ka na magalit." humarap sya at sinenyas na umupo ako sa lap nya. Pagkaupo ko ay ibinalot nya ang kamay ko sa leeg nya.
"Don't be too hard on Amaryllis and her friends, nalibre lang ako ng ligo wala namang nangyaring masama sakin"
Pumungay ang mga mata nya at inayos ang mga takas kong buhok.
"I have to, para hindi na nila ulitin"
"Community service nalang? Pwede? Nothing too serious, Zarette. Please?" he tssed ang grabbed my book again, binuklat nya iyon at hinanap ang pahina kung saan sya huminto ng pagbabasa. He's a fast reader. Kagabi lamang sya nagsimula at nasa page seventy na sya.
I lifted his face, closed my eyes and leaned closer. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi nya sa aking labi.
I can feel him smile in between our kisses, di ko rin mapigilan ang mapangiti.
"Hal, let's stop na kung ayaw mo mag advance" sabay tingin nya sa maayos kong kama, he chuckled when I rolled my eyes on him.
Napatigil ako nang makitang naglilinis na sila Amaryllis, iniwan na ako ni Zarette sa classroom pagkapasok namin ng school.
"Bakit community service lang? Dapat dyan expulsion!" napahalukipkip si Aveline, maging si Prim ay napataas rin ang kilay.
"Okay na yan, hindi naman ako nasaktan. Ako nagsabi na yan lang" I said, pumasok na ako ng cafeteria at dumiretso sa ref.
"So hihintayin mong saktan ka nila? Gusto mo ng sapak?" umangil ito at umirap sa akin. Ang maldita talaga ni Aveline, mabuti pa ako mabait. Hihi.
Pabalik na kami ng room, tapos na ang vacant at tapos na kami magkwentuhan at kumain.
Napatigil ako nang may humablot sa braso ko, si Amaryllis.
Ngumisi sya at ibinagsak ang hawak nyang walis.
"I really can't believe na sa katulad mo papatol si Chairman, ang alam ko mataas ang standards nya sa babae." she said sarcastically, naginit ang tenga ko at pakiramdam ko ay gusto kong ihampas sa kanya ang binitawan nyang walis. But I am not that unclassy. Kung mababa ako ay mas mababa sya. I won't act shit just because the one that I love doesn't love me back.
Hinarangan ko si Aveline at ngumiti sakanya.
I got this.
Pinulot ko ang walis at inabot iyon sakanya ng may kaunting pwersa. Napaaray sya bahagya, ang arte nito hindi naman malakas!
"Ang sabi sakin ni Zarette kapag nagmahal ka wala yan sa ganda, nasa pagkatao yan. So reflect, maganda ka naman, nasan ang mali sayo?" I smiled at her and her friends before walking past them. Nakahinga ako ng ng maluwag nang makalayo kami sakanila. Aveline pats my back, habang si Prim nginitian ako.
Nauna ng pumasok si Aveline sa classrom nila dahil ilang rooms ang pagitan papunta sa room namin.
"I got your back always beshy, sabihin mo lang sa akin kung guguluhin ka pa nung mga yun. Pero syempre okay din kung sa kay Zarette ka unang magsasabi"
"Ayoko madamay kayo. Okay lang naman ako, meron naman si Zarette." sumandal ako sa kanya at doon ngumiti.
Meron akong mga kaibigan. Meron akong Zarette. I think I am blessed to have them. Wala na akong mahihiling pa.