Chapter 16- Love & Hate
"Daddy! Ang aga mo ngayon ah?" humalik ako sa pisngi ni Daddy saka nag mano. He look so tired and unhappy.
"Anong meron daddy? May problema ba?" nagaalala kong tanong sakanya. Sumandal sya sa back rest ng couch at huminga ng malalim.
"Your lolo is in hospital" doon palang ay ginapangan na ako ng matinding kaba. My lolo is sick, mayroon itong liver cancer na nadiagnosed lamang noong nakaraang taon. Lola and Lolo are residing in the states.
"He's in critical state, kailangan syang maoperahan as soon as possible. But don't worry too much hija, you can stay here at kami na lamang ng mommy mo ang pupunta" ngumuso ako at bumuntong hininga. "But I will come if you need me, dad. Malapit naman na ang bakasyon." sabi ko, sumandal ako kay daddy at agad nya rin akong niyakap. Si Daddy ang paboritong anak nila Lolo, kaya naman malapit talaga sila. Nagbook ng flight sila Daddy papuntang Vegas, at sa isang linggo na ang alis nila. Mamimiss ko sila ni mommy, pero hindi naman ito ang kauna-unahang pagkakataon na nalayo sila sa akin.
Last year lang ay ilang buwan rin sila na nagbantay kay Lolo. Siguro ay bibisita nalang rin ako pagkatapos ng bakasyon, kahit isang linggo lang. Namimiss ko na rin kasi sila lolo at lola.
"Bakit ka nakasimangot dyan?" tanong sa akin ni Aveline, bumuntong hinga ako at ipinatong ang ulo ko sa aking mga kamay.
"Si Lolo kasi, critical daw sa ospital. Nagaalala lang ako" kilala na halos ni Aveline ang pamilya ko, alam nya na rin ang kalahati ng istorya ng buhay ko.
Malimit kasi syang nagkukwento ng mga pangyayari sa buhay nya, nakaraan man o kasalukuyan.
Madaldal si Aveline, parang ako lang. Kaya siguro nag click kami noong una palang.
"Sana gumaling sya. Wag ka na malungkot, gagaling si Lolo Theo." hinaplos nya ang likod ko bago sumandal sa akin. Sana nga gumaling si Lolo, sana talaga.
"Ano ba to, ang hirap ng spelling. Kainis!" bulong ko sa sarili ko
Nagbabasa ako ng libro habang naglalakad, minememorya ang bawat meaning ng mga salita para sa quiz mamaya. Ang hilig kasi ng Prof namin ng identification, minsan nakakainis na. Napatigil ako ng may narinig na boses, ilang beses rin akong luminga para hanapin kung saan nanggagaling yun.
"Zacchaeus Everette" tawag ng pambabaeng boses. Nagkubli ako sa isang matayog at malaking puno habang pasimpleng sumisilip sa dalawang taong nakatayo sa harap ng swing.
Si Amaryllis at Zarette.
"S-sorry, nacarried away lang ako. I should call you chairman." paghingi nya ng dispensa. Dapat ba akong matuwa, magpasalamat dahil parang ako lang ang pwedeng tumawag sakanya sa kanyang pangalan?
"Sorry rin kung hindi kita sinagot noon, I was scared back then. Masyado pa akong bata, marami rin akong naririnig na playboy ka kaya dumoble ang takot ko. Ngayon, I have the courage.... But I'm not sure if you're still into me" napalunok ako sa narinig, tingin ko ay hindi ako dapat nandito.
May parte sa puso ko na gusto nang umalis, pero mas malaki ang parte na gustong makinig at alamin ang mangyayari.
"Gusto ko lang sabihin na gusto kita! Andoon pa rin yung saya kapag kasama kita, tulad noon na sinusuyo mo pa ako." napaupo nalang ako sa malaking ugat ng puno at doon pumikit.
"Chairman, I still like you. Do you still like me?" tila nabingi ako sa narinig. Napahawak ako sa dibdib kong naninikip.
Napapikit at napakagat labi ako habang hawak ko ang dibdib ko, I suddenly felt like I am not breathing at all. The oxygen from the tree isn't sufficient enough.
Yes, he told her that he still like her. Masokista nga yata ako dahil andito parin ako at hindi pa umaalis.
Akala ko ba ako?
Akala ko lang ba yun?
Akala ko ba ako yung gusto nya?
Bakit may iba pa? Bakit pati sya? Hindi ba pwedeng ako lang yung gusto mo, Zarette? Am I not enough?
Tumayo ako at sinikap na pigilan ang pagluha. I am such a masochist for watching her wrap her arms around his waist.
Tahimik akong umalis sa lugar na iyon. Halos takbuhin ko ang comfort room, ni-lock ko ang pinto at wala sa sariling napaupo.
"Kaya ka ba natawag na comfort room kasi marunong kang magcomfort?" wala sa sarili kong sabi.
Niyakap ko ang tuhod ko at doon ipinatong ang aking ulo.
Ang bilis. Akala ko ako lang. Bakit pati sya gusto mo din? His words are like daggers, pakiramdam ko ay nakabaon iyon sa puso ko at paulit ulit na itinatarak doon.
Pero sino ba ako para magdemand na sana ako lang, na sana sakin lang sya? Hindi ba ay hindi kami?
Maybe his love for me is enough for him to say he loves me, but it isn't sufficient to make him stick with me. Hindi yun sapat para ako lang.
Maybe I am just a phase for him to go through.
Napapitlag ako ng tumunog ang aking cellphone. I reached for it and answered, I didn't even bothered to look for who is calling.
"Madox" I let out a sigh, and closed my eyes. Ilang beses akong huminga ng malalim bago tumikhim.
"Oh?" tanging naisaboses ko. Tila may bumara sa lalamunan ko, bumalik rin ang tila tambol na kabog ng dibdib ko.
"Are you okay? Where are you?" tumikhim akong muli at marahas na pinunasan ang isang takas na luha.
"O-oo naman. Okay lang ako. Ano ka ba? Nasa cr ako. Medyo masakit lang yung puso-n ko" I bit my lower lip and suppressed my sob.
"Do you want me to come over? Do you have your visitor today?" may himig ng pag aalala sa tono nya, inaakala nya sigurong meron akong dalaw ngayon.
"A-ano wag na. Okay lang ako, palabas naman na ako." tumayo ako at nagpagpag ng aking p. e pants. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang mata kong basa ng luha.
"Kita nalang tayo mamaya" saka ko binaba ang tawag. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang gripo para maghilamos. Pagkatapos ay nagsuklay at nagpolbo, tumikhim at huminga ng malalim. Ilang beses kong tinapik ang dibdib ko pagkalabas ko ng banyo, sinundan ko ng tingin si Amaryllis na tumatakbo at nagpupunas ng mata.
Anong nangyari don?
Nareceive ko ang text ni Prim, nasa cafeteria raw sila at nagla-lunch na sila nila Aveline. Lumiko ako at tinahak ang daan papuntang cafeteria, papasok na ako ng bigla ring sulpot ni Zarette.
I tried hard not to look sad. Pumeke ako ng ngiti, ngiting hindi umabot sa puso.
Agad syang umakbay sa akin, never minding the looks from our schoolmate. Umarte nalang ako na walang nangyari, na wala akong nakita.
Para hindi ako masaktan. Pero hindi, masakit talaga. Yung tipong kada tibok ay kumikirot.
"What's your order?" tanong nya sa akin, as usual ay may bitbit syang pagkain nya.
"Gusto ko lang ng iced coffee" pilit kong nilagyan ng buhay ang boses ko, nilingon nya ako at tila inoobserbahan ang mali sa inaasal ko.
"Nakakapagod... Magreview! Mag iced coffee muna ako para lumamig ulo ko" ngumiti ulit ako sakanya, I even leaned my head on his arm.
Nakahinga ako ng maluwag nang ngumiti sya, he's buying my acts. Sumiksik ako sa tabi ni Aveline ng tunguhin namin ang table ng barkada, he look so disoriented kaya nagtaas ako ng peace sign. "Gusto ko lang sa gilid" palusot ko. Umusog si Aveline para bigyan sya ng espasyo, I snatched her arm and shot her a look.
Naguguluhan man ay umusog syang muli papalapit sa akin. Pumwesto si Zarette sa likod ko saka sinandal ang ulo sa balikat ko.
"I have so much paper work for today." bulong nya sa akin. "Could you stay in my office for two hours? Vacant naman natin, you can take a nap there" tumango lang ako para hindi nya mahalata. Isa pa ay papanindigan ko na ang pagiging martyr ko. Hehe
"Anong drama nyong dalawa?" tanong sa akin ni Aveline nang bumili si Zarette ng tubig. Lumabi ako at nagtaas ng dalawang kilay. Walang pasabing pinitik ni Prim ang noo ko. Aish! "Maang-maangan pa! Ano nga?" tumaas ang boses at kilay nya, ginala ko ang mata ko at nilapit ang mukha sakanilang dalawa.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Wala lang, pms ako. Ang sakit ng puson ko talaga, may extra pad ba kayo?" napahinga sila ng maluwag, while I felt bad. I lied.
Nagsinungaling ako sa mga kaibigan kong gusto lang akong protektahan.
Tahimik lang ako habang naglalakad kami papunta sa office nya, habang sya nagkukwento kung anong nangyari sa araw nya kahit magkaklase lang kami. He's very talkative today, siguro dahil masaya sya? Masaya din naman ako kahit hindi ako sapat para mapasaya sya. Hihi, that's love and stupidity combined.
Madox sat in the couch, grabbed her phone and opened her favorite game app. She seems to be a little off and that bothers him.
Sure, he knows her that much. That he knows when she's uncomfortable, upset or just moody. But this one, he can't define her mood today.
He sat on his swivel chair, opened a folder and started scanning the files. But he can't get his eyes off of her, may mali sa Madox na kasama nya. She isn't the exuberant Madox that he knows. Hindi naman nya matanong. Alam nyang nagsinungaling ang dalaga sa mga kaibigan, of course she'll do the same with him.
Ilang minuto rin bago nya nilapag ang hawak nyang folder at huminga nang malalim. He cleared his throat and walked towards her.
He bit his lower lip while watching her, tulala lang ito at nakatingin sa picture nilang magkayakap habang nasa locker room bago ang laro nila noong isang linggo.
"My Madox, what's wrong?" as if she came back to her senses parang napatalon ito, she faked another smile.
"Wala lang, ang saya lang natin tignan dito" she said. Hindi nakaligtas sa paningin nya ang pekeng ngiti ng babae sa harap nya.
Umupo sya sa tabi nito at niyakap ang dalaga, she remained impassive and cold. Tila pagod ito at wala sa sarili.
"You know you can tell me everything" bulong nya sa dalaga, umiling ito at sumandal sakanya.
"Iniisip ko lang si Lolo, nasa ospital sa abroad. Nagaalala lang ako" palusot nang dalaga, he was somewhat convinced but he knows that there's more than that reason. "Gusto mo ba dalawin?" tanong nya, tumango ang dalaga at sumandal sakanya. She sighed deeply, he kissed her head while patting her back.
"We will visit him as soon as this semester ends" tiningala sya ni Madox at sumandal ulit.
"Tayo? Sasama ka?" tanong nito.
"I'll buy us our tickets." sagot nya. She silently prayed for it to happen.
Parang sirang plaka ang narinig nyang paguusap ni Amaryllis at Zarette kanina. Paulit ulit iyon sa utak nya kaya naman balisa sya.
Kahit yakap sya ni Zarette ay di maalis sakanya ang ang pagiisip. Pakiramdam nya ay di sya sapat, na kulang na kulang parin sya.
He kissed her forehead, and he decided to tell her what happened today. Yung totoo, yung detalyado.
"Amaryllis and I had a small talk awhile back" she bit her lip and became uneasy. She wanted to cover her ears.
Kung gaano sya katapang na nakinig sa usapan kanina ay syang duwag nyang marinig iyon kay Zarette mismo.
"She asked me if I still like her. And I told her yes." she covered her ears and scooted away from him. She can't handle it anymore, why is he so insensitive?
Hinawakan ni Zarette ang kamay nya at binaba iyon, yes he told her that he still like her pero hindi doon natapos ang pag uusap nila.
"Yeah, she's prettier and sexier than you. But I don't care about the looks, I love you kahit kasing bilog ka pa ng mundo. I told her that I love someone else and that's you" she covered her face, hiding her crimson red face. "Ano? Hindi man lang kinilig?" natatawang tanong ng binata. Hinampas nya ang dibdib nito bago sumandal doon.
"Niloloko mo lang ako eh." he tssed and hugged her tight.
"I am not dumb to do that. Alam ko ang consequences na haharapin ko kapag niloko kita, magaaway kami ng kapatid ko, ng mga kaibigan ko, at mawawala sakin yung babaeng mahal ko." ngumuso lang sya at tinago parin ang kilig.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Dalagang Pilipina ako... ng slight" sabi nya sa sarili.
"Kaya ba tumatakbo si Amaryllis kanina at parang umiiyak?" she asked her self. Tiningala nya ang binata at binasa ang emosyon nito sa mata.
Umirap sya at sumandal ulit sa dibdib nito, saka doon abot tenga na ngumiti.
"Bakit mo naman sinabing gusto mo sya?" tanong nya, gusto nya itong malaman kahit papaano. May rason kung bakit nya sinabi iyon, at iyon ang gusto nyang malaman.
"I like her as a friend now, hindi ko na nga maalala kung bakit ko ba sya ginusto noon."
"Eh bakit ako? Bakit mo ako ginusto? Pag may nakilala kang bago at mas better sa akin for sure nakakalimutan mo rin yung rason kung bakit mo ako ginusto" umirap ang dalaga at bumalik sa dibdib nito
"Hindi ako maghahanap. You're more than enough." humigpit ang yakap nito sakanya, saka nya naramdaman ang halik nito sa ulo nya.
"Madox, hug ko?" parang batang sabi ng binata, kahit yakap nya ito ay hindi naman ito yumayakap pabalik.
"Ayoko, bilhan mo muna ako ng food" ngumuso ito, parehas silang natawa nang tumunog ang tyan nya.
Tumayo ang binata at mabilisang pinatay ang computer nya. Saka hinila patayo ang dalaga nang magkalapit na sila, she landed right into his arms at doon ay muli syang niyakap.
Nakaakbay si Zarette sakanya habang naglalakad sila papuntang cafeteria, nagtatawanan dahil nakita nilang nagbabangayan na naman si Aveline at Kiko.
"Paano pag nainlove si Kiko kay Aveline?" ngumisi lang ang binata at inamoy ang buhok ng dalaga.
"Ipagdadasal ko nalang ang kaibigan ko" sagot ng binata. Humalakhak silang dalawa, napatigil nang may tumawag kay Zarette.
The voice is so familiar, hindi na kailangan pang lumingon.
"Excuse me miss" and she shoved Madox away from Zarette.
"What now, Amaryllis?" walang ganang tanong ng lalaki, Madox watched as his jaw clenched when she touched his arm.
Naginit ang dugo nya, kinailangan nya pang paypayan ang sarili para kumalma. Mas lalong uminit ang ulo nya ng haplusin ng dalaga ang mukha ni Zarette na dapat ay sya lamang ang humahaplos. Pinalis ni Zarette ang kamay nito.
"Back off" he said in a low warning tone, napaatras ang dalaga at napakagat sa labi nito.
"Sabi mo gusto mo pa ako, pero hindi ganun kagusto katulad ng dati. Madali lang naman ako mahalin, you just have to try again" she almost begged, she's really desperate now.
Mahal nya ang binata, mahal na mahal. Noon pa man ay mahal nya na ito, she was just so scared that she didn't took the risk.
Ngayon ay handa na syang ibigay ang lahat, basta ang pagmamahal nito ang kapalit.
"There's a fine line between like and love. I like you as a girl, but that doesn't mean that I love you or I will love you. I have already told you that someone owns me already, saan doon ang hindi malinaw?" her eyes began to water while his remained impassive.
Hindi malaman ni Madox kung paano sya magrereact. Tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib.
Ngunit ayaw nya namang ngumiti na parang siraulo sa sitwasyon nilang tatlo ngayon.
"I know I am better than that girl" dumako ang tingin ni Amaryllis kay Madox, napalunok ito at sinalubong ang galit na tingin ng dalaga.
"What matters is she can make me happy, the way that you can't" doon na tuluyang napaluha ang dalaga at tumakbo palayo.
Napapikit si Madox, she felt bad for Amaryllis. Kahit papaano ay nakaramdam sya ng awa para sa dalaga.
Kumapit sya kay Zarette, mabilis na nawala ang maawtoridad at masungit na awra ng binata. He even smiled at her and kissed her forehead. Nawala ang tensyon nang tumunog ulit ang tyan nya.