Finding Mommy

Special Chapter 2



Masaya kaming nagsalo salo sa hapagkainan. Nagpasalamat din kami sa mga kapitbahay Namin na dumalo.

Nauna na kami ni Baby magpahinga dahil inaantok na ito. Hinatid Naman kami ni Liam at bumalik Rin ito para maasikaso Ang mga bisita. Kinabukasan papungas pungas akong dumilat nang may gumising sa akin.

"Good morning sis. I'm sorry sis if I disturb your sleep. But you need to wake up na para maaayusan ka na." Nakangiting bungad nito

"Li? Anong ibig mong Sabihin?" naguguluhan Kong Tanong

"Basta. Halika na at maligo na para makapag umpisa na Tayo." Wala na akong nagawa dahil hinila na niya Ako.

Nagulat pa ako paglabas dahil nandito Sila Jan at yong nagmake up sa akin nong birthday. Kahit naguguluhan Ako sumunod nalang din Ako sa mga pinapagawa nila. Pagkatapos Ng make up Natulala ako nang Makita ko Ang wedding dress.

"Sis this is it, your wedding day." Excited nitong Sabi habang hinawakan Ang mga kamay ko. Nag umpisa na Namang mamuo Ang mga luha sa mata ko.

"Hep.. hep.. bawal umiyak. Masisira Ang makeup mo❞ saway pa nito kaya tumingin Ako sa Taas para Hindi tumulo Ang luha ko.

"Pero paano- I mean Wala Naman binaggit si Liam tungkol Dito. Paano Ang preparation?" naguguluhan Kong Tanong.

"Sis don't worry. Actually matagal na nga ito prepared. Di ba nga dapat magpropose si Kuya sayo noong birthday ni Ethan kaso hindi lang natuloy. Nakaplan na yong kasal niyo 1 month after sana Ng proposal non kaso di natuloy. Kaya Ngayon ayaw ng patagalin pa ni Kuya. Ganon ka kamahal ni Kuya Sis. Kaya relax ka lang okay? We got it." Nakangiti nitong Sabi.

"Kaya bilisan mo na baka mainip na yong groom mo at sunduin ka pa dito." Dagdag pa nito

Pagdating sa simbahan, nilapitan Ako agad ng mga oragnizer at inorient sa dapat Gawin. Lumapit Naman Sila Mama at Papa sa akin.

"Ding, Ang Ganda mo talaga❞ mangiyak ngiyak na Saad ni Mama habang inaayos Ang dress ko.

"Ma, Pa sorry Po hindi ko Po Sinabi sa inyo ang mga nangyari sa akin nong nasa Maynila ako pati itong nangyari Ngayon." Malungkot na saad ko. Hindi ako nagkaroon Ng pagkakataon makausap Sila pagdating Namin sa Bahay. "Ding alam na namin lahat ang nangyari. Pinaliwanag na lahat Ng mapapangasawa mo. Kaya wag ka ng malungkot. Dapat Masaya ka Ngayon sa iyong kasal"

"Oo nga ding. Ang bait Ng mapapangasawa mo. Kaya panatag Ako na ipagkatiwala kita sa kanya dahil alam kong nasa mabuting kamay ka. Ngayong mag Asawa na kayo mahalin at alagaan mo Ang iyong pamilya." Saad Naman ni papa. "Tama Ang Papa mo Ding. Kung may Hindi man kayo pagkakaunawaan o problema dapat niyo itong pag usapan. Kung maaari huwag mong hayaang matulog kayo na may tampuhan o Hindi pagkakaintindihan." Payo ni Mama. "O sya. Tama na Yan at tayo na Ang susunod❞ saway ni Papa. Inalalayan Naman nila ako at nag umpisa Ng maglakad.

Nag umpisa na namang tumulo Ang luha ko nang makita ko Ang lalaking unang nagpatibok Ng puso ko. Nakatutok lang Ang paningin ko sa kanya. Nakita ko Ang panaka nakang pagpupunas nito ng mata. Hindi ko inaasahan na Ang unang pagkikita namin na nagbabangayan ay mauuwi Pala sa kasalan.

"Ingatan mo sana Ang anak namin Iho" rinig Kong Sabi ni Papa. Hindi ko namalayang nakarating na pala kami.

"Makakaasa po kayo Pa. Mamahalin at aalagaan ko Ang anak nyo." Niyakap Naman nito si Mama at Papa. Niyakap ko Rin Sila bago kami humarap sa altar.

Walang pagsidlan Ang sayang nadarama ko Ngayon. At sobrang saya ko na nahanap Ako ng mag ama ko para kokompleto sa binubuong Pamilya. At ito na Ang simula. Hindi man naging maganda Ang una naming pagkikita sisiguraduhin Kong pupunuin Namin Ng masasayang alaala Ang aming pagsasama.

***

Komunikasyon Ang Isa sa pundasyon ng matagumpay na relasyon. Ito Ang susi para para maresolba Ang mga Hindi pagkakaintindihan. Sa pamamagitan nito naipapahayag Ang saloobin at mas makikilala Ang bawat Isa. ***Wakas***

Next chapter will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.