Special Chapter 1
Shey (POV)
One week na kaming nakauwi sa mansion. Ginugol ko Ang Oras sa pag aalaga sa anak naming si Ethan. Hindi pa Rin Ako makapaniwala na Ako Ang tunay na Ina ni baby. Dati pangarap ko lang yon tapos ngayonp nagkatotoo na. Bumabawi din Naman si Liam sa Amin. Kaso diko maiwasan na Hindi mainis dahil Ang daming bawal. Tulad Ngayon nag iimpake kami dahil magbabakasyon daw kaming dalawa.
"Babe Ako na Dyan. Di ba Sabi ko sayo bawal ka magbuhat" saway Niya. Binuhat ko lang Naman Ang maliit na duffle bag.
"Ang Gaan lang Naman nito oh" itinaas ko pa ito para Makita niya.
"Kahit na babe. Ako Ng bahala dito. Ilagay mo lang Dyan yong mga gusto mong dalhin. Umupo ka lang Dyan o kaya magpahinga ka na." Naparolyo Naman Ako Ng mata. Buong maghapon na nga Ako natulog tapos Ngayon gusto na Naman niyang matulog Ako. Hinayaan ko nalang ito at tahimik na umupo sa kama habang pinagmamasdan ito.
Hapon na kami nakaalis kinabukasan. Hinatid kami ng kaibigan nitong si Mavvy. Piloto pala ito at ito Rin Ang may ari ng sinasakyan naming eroplano. Grabe Ang yayaman Pala ng mga kaibigan ni Liam.
Nakatulog Ako buong byahe. Hindi ko man lang naramdaman Ang pagbaba Namin sa eroplano at pagsakay Ng sasakyan. Nagising lang Ako nang huminto Ang sinakyan Namin. Tumingin Ako sa labas. Gabi na Pala. Hindi ko alam kung saan kami. Ang Sabi lang ni Liam resort ito na pagmamay Ari Ng Kaibigan Niya.
Dumerecho naman kami sa kuarto namin. Maganda ito at Malaki. Nag order lang si Liam Ng makakain Namin. Pagkatapos Kumain natulog din ulit kami dahil maglakad lakad daw kami bukas at papanoorin Ang sunrise. Naexcite Naman Ako dahil first time ko lahat itong maranasan.
Nandito kami Ngayon sa dalampasigan kakatapos lang Namin maglakad lakad. Nakayakap sa akin si Liam sa likod habang tinatanaw Ang pagsikat Ng araw.
"I love you babe" Saad ni Liam habang pinatakan ng halik Ang buhok ko. Sobrang suerte ko talaga sa taong ito.
Kumalas Ako sa pagkakayakap Niya at humarap sa kanya. Hinawakan ko Ang Mukha Niya at tumitig sa mga mata nito.
"Thank you babe. Alam mo bang ngayon ko lang naranasan ito? Dahil mas inuuna ko noon Ang pagtulong sa pamilya ko. Akala ko buong Buhay hindi ko na itong hindip maranasan. Ang sarap sa pakiramdam na naranasan ko ito kasama ka." Pagtatapat ko sa kanya. p
"Don't worry babe. Pagkatapos mong manganak magbakasyon Tayo kahit saan mo gusto Kasama Ang mga anak natin." Saad nito habang inaayos Ang buhok ko na nililipad Ng hangin.
"Makasama lang kita at Ang mga anak natin babe sapat na sa akin. Mahal na mahal kita Liam" madamdamin Kong Sabi sa kanya. Bakas sa mga mata nito Ang saya. Siniil Niya Ako Ng halik sa labi na buong puso ko Namang tinugon. Sobrang nag enjoy kami sa dalawang Araw na pamamalagi Namin sa resort. Hindi na kami nagtagal dahil may pupuntahan pa daw kami. Excited naman ako dahil may mapupuntahan na naman akong ibang lugar.
Katulad Ng dati natulog lang din Ako buong byahe. Nagising Ako na nasa loob na ng silid. Wala sa tabi ko si Liam kaya bumangon Ako. Nasaan kaya kami? Tiningnan ko Ang buong paligid Ng room. Nahagip Ng mata ko ang Isang box kaya lumapit Ako dito. Binasa ko Naman Ang note na nakalagay.
"Hi Babe, please wear this. I love you" basa ko sa note. Binuksan ko Naman Ang box. Isa itong peach elegant dress na above the knee. Ano na naman kaya Ang pakulo nito.
Excited akong Pumasok Ng Cr at nag half bath. Pagkatapos ay isinuot ko na Ang dress. Mabuti nalang kasya ito at Hindi ganon ka iksi. May lace din kaya Hindi expose masyado Ang balat ko. Naglagay lang Ako Ng light make up na tinuro pa sa akin ni Lianne. Nang makontento na ako sa hitsura ko sinuot ko na Ang sandals na Hindi kataasan. Tama lang na maging komportable ako.
Pagbukas Ng pintuan bumungad sa akin ang ingay sa baba. Parang maraming tao. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Nang nasa kalagitnaan na ako Nakita ko si mama at papa na nakaabang sa akin.
"Oh my God! bakit nandito Sila mama at papa?" Kausap ko sa sarili. Nasa bahay ba ako? Ito na na Ang Bahay namin.
"Ma, Pa!" sambit ko sa kanila nang tuluyan na akong makababa. Niyakap Naman Ako ni Mama.
"Ang ganda mo ding." Mangiyak ngiyak nitong sabi. "Ang suerte Namin Sayo ding dahil sobrang bait mo. Ikaw lahat Ang sumalo sa mga problema Namin kaya nagpapasalamat kami sayo. Kaya Ngayon gusto Namin Ikaw Naman Ang sumaya" naguluhan naman ako sa sinabi ni mama. Tumingin Ako Kay papa na tumatango lang. Masaya Ako na magaling na siya.
Hindi ko Naman namalayan Ang paglapit ni Liam.
"Babe, Ma, Pa" tawag Pansin Niya sa Amin. Lalo Naman akong naguluhan. Paano Sila nagkakilala? Palipat lipat lang Ang tingin ko sa kanila. Binigyan ko Naman Ng explain look si Liam. Ngumiti lang ito sa akin. Hinawakan nito ang mga kamay ko.
"Babe, matagal ko ng nahingi Ang kamay mo sa pamilya mo. Matagal ko na din itong Plano pero Hindi umaayon Ang pagkakataon. Dapat noong birthday Ng anak natin ko pa ito ginawa. Pero Ngayon Hindi ko na papatagalin na gawin ito." Bigla itong lumuhod at inilabas Ang maliit na box kaya napasinghap Ako at napatakip sa aking bibig. Nag umpisa na ring mag unahan sa pagtulo Ang aking mga luha.
"Babe, Ikaw Ang matagal na naming hinanap Ng anak natin na kokompleto sa pamilyang pangarap Kong buuin. Will you Marry me?" Tanong nito habang inilalahad Ang ring sa harapan ko. Kaya lalo akong naiyak. Hindi ko inaasahan na gagawin niya ito Dito pa sa pamamahay Namin at sa harap Ng magulang ko.
"Yes babe.." sagot ko na may kasama pang tango. Hindi na kailangan magpaligoy ligoy dahil gusto ko Rin magkasama naming buoin Ang aming pamilya. Nakita ko ang pagpatak ng luha nito habang sinusuot niya Ang singsing sa daliri ko.
"I love you babe." Saad nito pagkatapos isuot Ang singsing at niyakap Ako Ng mahigpit. God maraming salamat Po na ibinigay niyo sa akin Ang taong ito.
Narinig ko Naman Ang palakpakan kaya kumalas Ako sa pagkakayakap. Nakita ko Ang pamilya ni Liam pati mga kasama sa bahay, sila mamita, mga kaibigan nito, si Ems at Kuya Yael kasama si Nanay Perla at Ang pamilya ko. Nandito Sila lahat. Pati mga kapitbahay namin nandito din. Hindi ko Sila napansin kanina.
Niyakap ko Sila mama at papa. Grabe sobrang namiss ko Sila. Isa Isa din Silang lumapit sa Amin at binati kami. I
"Welcome to our Family iha" nakangiting Saad ni Tita at niyakap Ako. Niyakap din Ako ni Tito, Mamita at Lolo. Pati Sila Manang Fe ay binati at niyakap Ako.
"Oh my God Sis, sa wakas natuloy Rin" Saad Naman ni Lianne. "I'm so happy for you and Kuya Sis." Niyakap ko Naman ito
"Thank you so much sis" ngumiti Naman ito. Ang swerte ko talaga sa kanila. Hindi man Ako nagkaroon Ng maraming Kaibigan pero nagkaroon Naman ako ng totoong kaibigan na Hindi ako iniwan.
"Bhest, I'm happy for you." mangiyak ngiyak Naman na Saad ni Ems.
"Bhest, namiss kita sobra" niyakap ko na Rin ito
"Gosh, kaloka ka inunahan mo pa kami" Napakunot noo naman ako sa Sinabi niya. Paanong inunahan eh mas nauna ngang nagpropose si Kuya Yael sa kanya. "Tsk. Ang bagal nyo Kasi" singit Naman ni Liam
"Congrats bro. Wag mong papaiyakin itong little sister ko ha. May utang ka pa sa akin. Sisingilin kita pag nalaman Kong sinaktan mo si Shey" banta ni Kuya Yael.
"I assure you bro, kung iiyak man si Shey siguradong dahil sa sarap- Este sa saya yon" natatawang Saad ni Liam kaya hinampas ko ito.
Niyakap ko na rin si Nanay Perla. Mabuti Naman nakasama siya. Dinala naman ako ni Liam sa mga kaibigan Niya.
"So, totoo na talaga ito brad. Hindi ka na magpapakalasing. Grabe ka pa naman makaiyak non" pangbubuska ni Mavvy
"Gago. Tingnan natin pag dumating Ang babaeng magpapabaliw Sayo. Baka Hindi lang iyak Ang gagawin mo❞ Banat din ni Liam sa kanyanh kaibigan
"Ako? Iiyak dahil sa babae? No way!" confident pa nitong Sabi
"Tss. Nasasabi mo lang Yan ngayon dahil Hindi mo nararamdaman yon True Love" ayaw din talaga patalo ni Liam.
"Tama na Yan❞ saway ni Xylex. "Ang importante masaya na Ngayon ang kaibigan natin. Dapat nga may inuman para i-celebrate Ang huling araw Ng pagiging single Ng kaibigan natin kaso bawal maglasing dahil kailangan magising Ng maaga bukas para sa big day. Masyadong atat Kasi itong kaibigan natin." dagdag pa nito "Anong big day?" singit ko Naman
"Wag mong pansinin Yan babe. Hilo pa Yan dahil sa byahe kaya kung anu anong pinagsasabi" Saad ni Liam. Nagtawanan Naman Ang mga kaibigan nito.