Finding Mommy

Chapter 6: Baby



Paglabas ko Ng elevator, naglakad-lakad lang Ako sa hallway. Mangha Naman akong nakatingin sa labas dahil kita mula dito Ang mga nagtatayugan at nagtataasang mga buliding sa labas dahil sa salamin lang Ang nagsilbing pader sa building na ito. Naglakad pa Ako Hanggang sa Makita ko na Ang pinto Ng CEO's Office. Kumatok Muna Ako Ng tatlong beses ngunit Wala akong makuhang sagot Mula sa loob. Salamin Ang door kaya sumilip silip pa Ako kung may tao sa loob pero puro puti lang Ang Makikita sa loob. Kaya dahan-dahan Kong tinulak Ang door. Hindi Muna Ako tuluyang pumasok sa loob. Pinagmasdan ko Ang kabuuan Ng office. Kung namangha na Ako sa labas, mas Lalo Naman akong namangha Dito sa loob ng office. Ang Ganda Ng mga kagamitan at Ang linis. Halatang panglalaki itong office. Napansin ko Naman Ang Isang crib?

"Ha? paanong may crib Dito sa office?" takang tanong ko sa Sarili

"Baka may anak na yong boss" sagot ko lang din sa Sarili kong tanong

"Ano ba Yan self, parang Tanga lang?" Kastigo ko sa sarili ko

"Who are you?" rinig Kong Tanong Ng Isang babae

Napaigtad Ako dahil sa Gulat. Tumingin Ako sa pinaggalingan Ng boses at napanganga Ako sa aking nakita.

"Wow, Ang Ganda Naman Niya. Parang siyang barbie. Ang liit ng Mukha. Ang sexy pa, para siyang Ms Universe" mahinang sambit ko. Diko talaga mapigilang mamangha sa kanya.

"Excuse me" untag Niya. "I said, who are you?" ulit niyang Tanong

Napatayo Naman Ako Ng maayos. "Good morning ma'am, I'm Lindsey Llano and I'm here to apply for a job" sagot ko na medyo kinakabahan

"I see. Please come inside." Sabi nito. Mukha naman itong mabait.

Pagkapasok ko sa loob, pinaupo Naman Niya Ako agad sa may sofa. Bigla Naman nagring ang cellphone Niya.

"Yes Mang?" sagot nito sa tumatawag

"Ok Mang, give me 15minutes...ok thanks. Bye!" at binaba Niya na Ang phone

"Its good you're here. I really need to go now. Malelate na Ako sa appointment ko." Sabi niya sa akin pagkatapos nitong ibaba Ang tawag.

Kunot noo Naman akong tumingin sa kanya. So Hindi Siya Ang mag iinterview sa akin.

"Please watch him for me." Turo niya sa bata na nasa crib. "Nasa meeting lang Ang daddy niya." Kapag umiyak Siya Meron na siyang nakaprepare na milk Kunin mo lang Dyan sa table." Dagdag pa niya

Tulala lang akong nakikinig sa kanya. Halos Wala along naintindihan sa mga sinasabi Niya. Naguguluhan Ako.

"Ano daw? Babantayan ko Ang bata? Nandito Ako para mag apply Ng trabaho Hindi mag bantay Ng baby." Sa isip-isip ko

"Pero Ma-"

"Wait, do you know how to take care of a baby?" putol Niya sa sasabihin ko sana

Parang Wala Naman sa sarili akong tumango tango.

"Good. Ok I have to go now." Hindi pa man Ako nakapagsalita ay Nakita ko na ito sa may pintuan at nagmamadali. Napatayo at Bumuntong hininga nalang Ako. Hindi ko inaasahan ito. Tiningnan ko Ang baby tulog na tulog pa ito.

"Grabe Naman Sila. Ipinagkatiwala agad nila sa akin ang anak nila. Hindi ba Sila aware na baka may Gawin akong masama sa anak nila. Sabagay, kung may gagawin man ako siguradong Hindi ako makakalabas dito kayak siguro panatag Sila" mahinang usal ko

Uupo na Sana Ako SA sofa nang marinig Kong pumalahaw ito Ng iyak. Natataranta naman Ako, Hindi Malaman ang gagawin.

"Ok, relax. Inhale exhale. Kaya ko to" pagchecheer ko sa sarili ko

Naglinis Muna Ako Ng kamay at Kinuha Ang milk bottle sa table.

"Hello baby, gutom ka na hmm? You want milk?" pinakita ko pa Ang bote. Ngunit Hindi pa Rin ito tumigil sa pag iyak kahit na tinapat ko na Ang bote sa bibig nito. Kaya Lalo akong nataranta.

"Baby, Anong problema ha. Tigil ka na sa pag iyak please. Diko na alam Ang gagawin eh" kausap ko sa kanya Akala Naman maiintindihan Niya yong mga sinasabi ko.

Pinagpapawisan na Ako Ng malagkit. Wala naman kasi akong alam sa pag aalaga Ng baby. Parang gusto ko na Rin sabayan Ng iyak si baby. Paano ba ito.

"Focus self, focus. Ano ba dahilan kung bakit umiiyak Ang baby?" kausap ko sa sarili

Nag isip Naman Ako at tiningnan Ang diaper ni baby kung may poop o wiwi.

"Kaya Pala eh, nagpoop ka Pala. Stop crying na ha. Lilinisin ko na." kausap ko ulit Kay baby

Pagkatapos kong linisin at palitan Ng diaper medyo na relieve naman ako dahil tumigil Naman ito sa pag iyak. Nilalaro ko ito at kumaway kaway pa Ang mga kamay at paa.

"Ang cute mo Naman baby. Maganda at guapo malamang parents mo noh." Hindi ko Naman mapigilan na panggigilan ito Lalo na Ang chubby cheeks nito. Napansin ko Naman na Panay Ang pag open ng bibig nito at tinataas Taas Ang kamay na parang gustong magpakarga.

"Hungry ka na ba? Gusto mo kargahin kita?" Tanong ko Kay baby Akala mo naman sasagot

Kumuha Muna Ako ng pangsapin ko sa katawan at nagspray Ng alcohol mahirap na baka makakuha pa Ng virus si baby. Lagot Ako. Tapos kinarga ko na Siya. Pumunta ako sa sofa para Doon umupo. Nilalaro ko muna ito bago pinapadede. Saktong naubos Ang milk ay nakatulog na rin ito. Tinanggal ko na Ang bote sa bibig at kinarga ko pa ito Ng ilang minuto bago binalik sa crib.

Nakahinga Rin ako Ng maluwag. "Hay, nagutom Ako dun ah. Kaya pala lunch time na Pala. Ang tagal Naman ni Boss. Hindi ko Naman pwede iwanan si baby baka magising ito. Gutom na talaga Ako Kasi tinapay lang kinain ko kaninang Umaga. Haist" kausap ko sa sarili

Wala akong magagawa kundi Ang hintayin Ang daddy ni baby. Titiisin ko nalang Ang gutom. Kinuha ko nalang Ang cellphone ko para maglaro habang naghihintay. Sakto Namang tumawag si Ems ang friend ko. Sinagot ko ito agad baka magising pa si baby sa ingay.

"Wow, dka Naman masyado excited noh, sagot agad eh." Naparolyo Naman ako ng mata kahit do niya nakikita.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Bat ka napatawag" mahinang sagot ko sa kanya mahirap na baka magising ulit si baby.

"Kukumustahin lang kita kung nakakabangon ka pa. Naloka ako sayo kagabi, halos gumapang ka na nung hinatid kita kagabi. Nagtaka pa Ako Sayo Kasi tuwid ka pa naman nong naglakad Tayo paglabas Ng bar. Anyare?" "Hindi ko alam. Baka naghalo na yong Hilo, antok at pagod na nararamdaman ko kaya Ganon." Pilit ko Naman hinihinaan Ang boses ko para Hindi mabulabog Ang tulog ni baby

"Napagod ka sa pakikipag away. Pero good thing nakipag away ka kasi nalibre Tayo kagabi" humalakhak pa ng tawa Ang Gaga

"Tse, nang dahil din kagabi nalate ako sa job interview ko" maktol ko dito

"Oh no.. so pano Yan. Mag apply ka na naman ulit ng panibago?" alam kong malungkot din ito dahil alam Niya Ang hirap ko para lang makahanap Ng trabaho

"Malamang. Mabuti nalang may nagmagandang loob na pinag apply ako dito sa kompangyang pinagtratrabahuan Niya. Kaya nandito Ako Ngayon naghihintay Ng mag iinterview sa akin. "Talaga? Kaya ba ganyan Ang Boses mo?"

"Oo. Nandito Kasi Ako sa loob ng office." Pangatwiran ko

"O Siya sige. Mamaya nalang kita ulit guluhin para makapag concentrate ka dyan. Galingan mo ha. Good luck Bhest. Sana masungkit mo Yan."

"Tsk! Ano yon mangga lang?" pamimilosopo ko pa. Kung magkasama lang kami siguradong nabatuka na Ako niyo.

"Gaga. Nagawa mo pa talagang isingit Yan. Sige na maghanda ka na dyan. Good luck"

"Thanks bhest.. Sige ibaba kon ito. Bye." Nakangiti akong pinatay Ang tawag. Kahit papano medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Panaka naka akong tumitingin Kay baby at sa orasan na nasa wall.

"Ano ba Yan? Bat Ang tagal Naman? Alam kaya Niya na may naghihintay Dito? Tsaka iniisip kaya non Ang baby Niya" reklamo ko


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.