Chapter 46: Takot na takot
"You knew it Kuya!" di makapaniwalang sambit ni Li.
"Yes. Kahapon ko lang din nalaman. I was also furious when I heard the truth." Hindi ko mapigilang maging malungkot dahil madali akong nagtiwala kaya nangyari Ang lahat ng ito. It's all my fault.
"That bitch. I really want to slap her hard." Gigil nitong saad.
"What will you do now anak?" sambit ni Mom
"Pupunta ako sa party Mom. Kailangan Kong harapin si Venice"
"Kuya!"
"Don't worry Li. Hindi ako punta Doon para ituloy Ang engagement. I need to show up para Hindi mapahamak si Shey at Ang anak ko." Nararamdaman Kong si Venice Ang may pakana ng pagkawala ni Shey. "What do you mean Kuya?" bakas sa mukha nila Ang pagkalito.
"Shey was kidnapped yesterday. I have a feeling that Venice was behind it. And if I won't show up she might hurt Shey and our baby" Napasinghap naman Sila sa narinig.
"What? You mean Shey is pregnant? With your baby?" Sunod sunod na Tanong ni Mom.
"Yes Mom. But for now Mom I need to go there para Hindi makahalata si Venice. With her condition now, she can do anything if she's angry. Let's just pray nothing bad happened sa mag Ina ko." Saad ko. Makakapatay talaga ako pag may nangyaring masama sa kanila.
"Oh God!" Tanging nasambit lang ni Mom
"Li, I need your help. I want you to give this to Mavvy" inabot ko pabalik sa kanya ang flashdrive. "He already knew what to do with that." Alam Kong makukuha na nito Ang nais Kong mangyari. Pagbabayaran ni Venice itong ginawa Niya sa akin. Wala na akong pakialam ano pa man Ang condition nito.
Pagkatapos naming mag usap ay nag ayos na ako. Pagkarating ko sa hotel Hindi muna Ako dumerecho sa venue. Nasa malapit lang din Ako kung saan kita ko Ang kaganapan doon. Sinadya Kong magpahuli para Makita ko Ang galaw ni Venice. Nakita ko itong inaasikaso Ang mga bisita. Nakita ko Rin ang pagdating Ng mga magulang nito. Kita ko rin Ang pagkataranta nito. Marahil sa hindi ko pa pag sipot. Nakatanggap Ako Ng tawag Mula sa kanya pero Hindi ko ito sinasagot. Tinitingnan ko lang kung ano gagawin nito. Nakita kong may tumawag dito at kita sa pagmumukha nito Ang galit. Hindi ko narinig Ang sinabi nito pero may kutob Ako na may kinalaman Kay Shey ang pinag uusapan nito. You will pay for what you did to us Venice!
***End of flashback*** Kasalukuyan...
Nakipagkita Ako Ngayon sa mga taong naghahanap Kay Shey. Wala pa ring progress sa paghahanap nila. Ilang Araw na Rin Ako Dito halos suyurin na namin ang mga kalapit Lugar na pinagdalhan nila Kay Shey pero wala pa rin. Yong araw Naging linggo pero Hindi pa rin ako tumitigil sa paghahanap Kay Shey. Kinausap na Ako Ng kaibigan ni Mavvy na itigil na Ang paghahanap dahil dalawang linggo na pero Wala pa ring nangyari. Mag antay nalang daw kami na may magbigay alam kung may makakita kay Shey dahil naikalat na Rin Naman Namin Ang kanyang pagkawala.
Wala Naman akong nagawa sa desisyon njla. Pero Hindi pa Rin ako titigil sa paghahanap sa kanya. Alam Kong Buhay pa Siya. Hindi ako nawawalan Ng pag asa.
Minabuti Kong pumunta nalang sa hacienda dahil malapit na Rin Naman Ako. Susubukan ko din doon maghanap baka napadpad si Shey doon.
Busy Ang mga tauhan nang dumating Ako sa hacienda dahil sa naiwang pinsala nong bagyo. Ganon pa man binabati pa Rin nila ako. Hindi na ako nagtagal at nakipag usap sa kanila dahil alam Kong Marami pa Silang gagawin. Nadatnan ko si Mang Lando na naglilinis Ng sasakyan pagkarating ko Ng mansiyon.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Mang Lando, nasa loob Po ba si Lolo at Mamita?" agaw pansin ko sa ginagawa ni Mang Lando. Masyado Kasi itong nakafocus sa ginagawa. Hindi man lang Ako napansin.
"Naku Po Señorito. Kayo Po pala. Pasensiya na Po Hindi ko Po kayo napansin. Nasa loob po sila" Saad nito pagkakita niya sa akin.
"Ayos lang Po, walang problema. Sige Po." Pagkasabi ko non nagtuloy tuloy na Ako sa loob. Dumirecho Ako Ng kusina dahil nandoon daw Sila Sabi ng katulong na nakasalubong ko kanina.
"Lolo, Mamita" tawag ko sa kanila. Gulat Naman itong napatingin sa akin.
"Apo, bakit naman Hindi ka nagpasabi na dadating ka pala" Saad ni Mamita sabay yakap sa akin. Niyakap ko na Rin si Lolo.
"Halika ka na Apo. Upo ka na para makakain na Tayo. Teka lang Ikaw lang ba mag Isa?" Tanong ni Mamita na tumingin pa sa likuran ko na parang may hinahanap.
"Ako lang po mag Isa Mamita"
"Akala ko ba dadalhin mo dito Ang babaeng mahal mo pag dadalaw ka dito?" may himig tampo pa na Saad ni Mamita.
"Ano ka ba Lena. Pakainin mo Muna yang apo mo siguradong gutom at pagod Yan sa biyahe" saway ni Lolo. Natawa Naman ako dahil nakasimangot si Mamita.
"Wow, Ang daming pagkain at mukhang masarap ah" Saad ko pagkaupo ko. Nagutom ako nang Makita ko ang mga pagkain. Dalawang linggo na rin ako hindi nakakain ng maayos dahil sa paghahanap Kay Shey.
"Naku Apo, masarap talaga Yan. Si Linlin lahat nagluto niyan." Pagmamalaki pa ni Mamita. Hindi ko na napansin Ang sinabi nito dahil gutom na talaga Ako kaya nag umpisa na akong kumain. Totoo nga Ang sinabi ni Mamita. Masarap nga Ang mga pagkain kaya ganado akong Kumain.
"Nasaan na Ang batang yon? Ang tagal naman nakabalik Dito." Sambit ni Mamita habang palinga linga na parang may hinahanap.
"Ana, pakitawag mo na nga si Linlin para makasabay na sa Amin Dito" utos nito sa Nakitang katulong.
"Who's Linlin Mamita?" curious Kong Tanong.
"Yong tinulungan Namin Ng Lolo mo Apo. Kabait na Bata at maganda pa❞ pagmamalaki pa nito kaya lalo tuloy akong nacurious.
"Kawawa nga Ang batang yon. Alam mo bang dalawang beses na Namin siyang nailigtas Apo. Imagine the coincidence?" Magsasalita pa sana ako nang may nagsalita.
"Mamita, sorry Po natagalan Ako" para akong nanigas sa kinauupuan ko dahil kaboses ni Shey ang nagsasalita. Hindi ko ito nakikita dahil nakatalikod Ako sa kanya.
"Okay lang Iha. Mabuti Naman nandito ka na para mapakilala Rin kita sa Apo ko." Pagkasabi non ni Mamita ay nilingon ko ito. Nanlaki Ang mga mata ko nang Makita ko si Shey sa harapan ko.
Nakangiti itong tumingin sa kinaroroonan ko pero nawala Ang ngiti nito at napalitan Ng takot nang Makita Niya Ako. Bigla Naman Akong napatayo sa kinauupuan ko. Pero unti-unti siyang umaatras na parang takot na takot na Nakita niya Ako.
"Shey" sambit ko. Lalapitan ko na sana ito pero Bigla itong tumakbo.
"Shey!" tawag ko sa kanya at sinundan ko na rin ito. Narinig ko pa Ang tawag nila Mamita pero Hindi ko na ito Pinansin. Kailangan Kong mahabol si Shey baka may mangyaring masama dito. Hindi ko akalain na Dito ko lang Pala Siya matatagpuan. Pero bakit takot na takot Siya sa akin nang Makita niya ako?