Finding Mommy

Chapter 45: The truth



"Tumawag Siya kani-kanina lang sabi niya pauwi na daw Siya. Dumaan lang daw siyang park kaya natagalan Siya Ng uwi. Nag uusap lang kami nang biglang namatay Ang cellphone niya. Iniisip ko nakasakay na siyang sasakyan kaya naputol ang usapan namin. Pero hanggang ngayon hindi pa rin daw siya nakauwi sa boarding house niya. Nag alala na ako kaya pinapuntahan ko na Siya kay Yael. Tinatawagan ko Ang phone Niya pero nakapatay ito." Mangiyak ngiyak niyang Sabi. Biglang tumunog Ang cellphone nito.

"Hon ano na? Nakita mo na si Shey?"

"Ano? Oh my God!" tuluyan na itong umiyak. Nilukob Naman Ang buong katawan ko Ng takot. Sh*t may nangyari bang masama Kay Shey?

"What's wrong? Nasaan raw si Shey?" nag aalala ko ring Tanong nang matapos itong makipag usap.

"Nasa police station daw si Yael Kasama yong nakakita at nakapulot Ng mga gamit ni Shey. Sabi nong nakakita may dalawa daw lalaki na nakatakip Ang Mukha na sapilitang hinihila si Shey papasok Ng sasakyan." nanginginig nitong Sabi. Para akong nanogas dahil sa narinig ko. Kasalanan ko lahat ito.

"Oh God, sana walang mangyaring masama Kay Shey at sa anak namin. F*ck! Hindi ko kakayaning may mangyari sa kanila." Sa isipan ko.

"Saang police station daw sila?" Saad ko nang mahimasmasan ako. Pagkasabi nito kung saan nagmamadali na akong umalis.

"Wait lang, Sasama Ako" sumakay kami agad Ng sasakyan at tinungo Ang police station. Naabutan Namin ang kuya ni Shey na may kausap na pulis.

"Hon, ano nang Balita?" Tanong Ng kaibigan ni Shey sa fiance nito.

"I-checheck pa daw nila ang mga cctv" sagot nito

"Nasaan yong nakakita?" singit ko sa kanila. Tinuro Naman nito Ang isang babae na kausap Ng pulis. Hinintay ko Muna Silang matapos mag usap. Kailangan makakuha Ako Ng impormasyon sa mga dumukot para makagalaw din ako. Hindi ko kayang maghintay lang at walang ginagawa.

Pagkatapos kong makausap Ang witness kinausap ko Naman Ang kuya ni Shey.

"Please call me kung may Balita kayo. Gagawa din ako Ng paraan para mahanap Siya." Binigay ko sa kanya Ang number ko. Kinuha ko na Rin Ang number niya.

Kailangan Kong umuwi sa mansion. Aalamin ko kung may kinalaman si Venice sa pagkawala ni Shey. Pinaharurot ko ulit Ang sasakyan ko patungo sa bahay. Bumaba Ako at agad hinanap si Venice. Pero Wala ito sa bahay. Pumasok Ako sa office ko at tinawagan si Mavvy. Alam kong matutulungan niya Ako sa paghahanap Kay Shey.

Pagkatapos kong makausap si Mavvy nakatanggap Naman ako Ng message galing Kay Venice.

From Venice:

Hi love. Hindi Ako makakauwi. May pupuntahan pa akong friend para mainvite sa engagement natin bukas. See you tomorrow. Love you!

"F*CK!" Naihagis ko Ang cellphone ko sa galit. Subukan mo lang saktan Ang mag ina ko Venice! I will kill you with my own hands." Sigaw ko. Nanghihina akong napaupo.

Halos Hindi ako nakatulog magdamag dahil sa pag aalala Kay Shey at sa anak ko. Nandito Ako ngayon sa aking opisina. Naghihintay pa Rin ako Ng Balita tungkol kay Shey pero Hanggang ngayon Wala pa rin.

Biglang may narinig ako na parang alarm galing sa box ni Shey kaya hinanap ko ito. Nakita ko Ang Isang Relo na tumutunog. Ito yong nakikita kong suot-suot Ng anak ko. Kinuha ko Ang cellphone at tinawagan si Mavvy. Alam kong may alam siya sa mga ganito.

"Hello Brad, come to my house asap. May ipapakita Ako Sayo na maaaring makatulong sa paghahanap Kay Shey." Binaba ko agad ang cellphone pagkatapos naming mag usap.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Saktong natapos ang tawag ay may narinig akong katok Kaya tumayo ako at binuksan Ang pinto.

"Mamita, kayo Po Pala. Pasok Po kayo" niluwangan ko ang pinto para makapasok ito. Hindi ko na sila naasikaso simula nong dumating Sila sa bahay dahil sa sunod sunod na problema ko.

"Pasensya ka na apo. Hindi na Namin mahihintay Ang party mo. Kailangan na naming umuwi ni Lolo mo dahil nagkaroon din Ng problema Ang mga tauhan natin doon sa Hacienda" malungkot na Saad ni Mamita.

"Okay lang Po Mamita, naiintindihan ko po. Hindi Naman din matutuloy Ang engagement. Pasensya na po kayo kung Hindi ko man lang kayo naasikaso habang nandito kayo. May malaking problema lang po ako" malungkot kong Sabi. Gusto ko mang tumulong sa problema sa hacienda pero pinoproblema ko pa Ang paghahanap Kay Shey.

"Anong ibig mong Sabihin apo? Nagtatakang Tanong nito. Bakas din sa mukha nito ang pag aalala.

"Saka ko nalang Po ipaliwanag Mamita pag naayos ko na Po lahat. Promise po dadalawin Po namin kayo Doon Kasama Ang mahal ko❞ nakangiting Saad ko. Ayoko Ng sabihin pa Ang nangyari baka Lalo pa ito mag alala. Isa pa may kinakaharap din silang problema.

"O sige apo. Asahan ko Yan ha❞

"Opo Mamita. Mag ingat Po kayo pauwi" niyakap Niya Muna Ako Bago ito lumabas

Hindi nagtagal dumating Naman Ang kaibigan ko.

"What is it brad?" Tanong agad Ni Mavvy pagkabukas ko Ng pinto.

Pumunta ako sa aking table at may kinuha. Inabot ko ito sa kanya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Nakita ko Yan sa mga naiwang gamit ni Shey" Sinuri Naman Niya ito.

"Dadalhin ko ito para mapakita ko sa kaibigan ko. Maaaring makatulong nga ito sa paghahanap Kay Shey. Tawagan kita kaagad pag may progress. I need to go brad. Time is ticking." Saad nito. Sana nga makatulong ito sa paghahanap Kay Shey. "Thanks brad"

Pagkatapos namin mag usap ay pinuntahan ko Ang aking mga magulang para kausapin Sila. Kumatok Muna Ako sa room nila.

"Anak, bakit ganyan Ang hitsura mo?" puna ni Mom pagkapasok ko Ng room nila. Magulo pa Kasi Ang hitsura ko at halatang walang tulog.

May kumatok sa room at inuluwa Ang Kapatid ko na mukhang Galit.

"Kuya! It's good you're here. Hindi mo pwedeng ituloy Ang engagement nyo ng babaeng yon!" taka ko itong tiningnan. Mukhang may alam na ito sa nangyayari.

"Stop it Li. Your Kuya has decided already." Saad Ng Dad nila

"But Dad, she's fooling us. She's fooling you Kuya! Here!" may inabot itong USB. Kunot noo naman akong tumingin sa kanya.

"I told you. I don't trust that bitch. Mas Lalo akong naghinala nong Makita ko kung paano Niya tratuhin Ang mga katulong lalo na si Shey. I felt like she's planning something that's why I asked Mavvy's help. Naglagay ako Ng camera sa loob Ng room nila Shey pati sa sala at kusina. I also looked over what happen to her 2 years ago and I was shocked of what I've found Kuya. Please look for yourself. You've been deceived by that bitch!" Mahabang paliwanang nito. Bakas naman sa mukha ng mga magulang ko Ang gulat at pagtataka. Hindi ko akalain na gagawa Ng paraan si Lianne para Hindi matuloy Ang kasal Namin ni Venice. Kaya ngumiti Ako sa kanya. Hindi Niya talaga hahayaan na masira o mapahamak Ako. Nagtataka Naman ito sa naging reaction ko.

"Kuya, I'm telling the truth!" sigaw pa nito.

"I know Li. Kaya nga nandito Ako to talk to you that you don't need to attend the party dahil walang magaganap na engagement." Saad ko na nagpagulat sa kanila.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.