Finding Mommy

Chapter 31: Resignation



Lindsey POV

"Bat bigla nyo ako iniwan?" maktol ni bhest. "Wait, umiiyak ka ba?" Tumingin Naman ito sa boyfriend Niyang si Kuya Yael.

"Hindi ko rin alam hon. Basta hinila nalang Niya ako palayo at Bigla siyang umiyak" paliwanag ni Kuya Yael.

"Wag nyo ako pansinin. Masama lang Ang pakiramdam ko." Mahinang sambit ko. Sumama Naman talaga Ang pakiramdam ko.

"Bakit biglang sumama Ang pakiramadam mo? Kanina lang okay ka naman ah! May nangyari ba?" pangungulit pa ni bhest

"Wala nga Bhest. Pwede ba Mauna na ako sa inyo. Masama lang Kasi talaga Ang pakiramdam ko❞ Kanina lang medyo gumaan Ang pakiramdam ko pero nong Makita ko Sila Liam na parang Isang masayang pamilya dinudurog Ang puso ko. Mabuti Naman at pumayag Sila pero hinatid pa Rin nila Ako. Baka daw may mangyari sa akin pag hayaan nila akong umuwi mag Isa Kaya pumayag nalang din Ako.

Kinaumagahan bumalik na Ako sa mansyon. Pagkapasok ko pa lang nadatnan ko na agad si Liam na salubong Ang mga kilay at madilim Ang mga mata mukhang Galit ito.

"Galit ba siya dahil nagday off ako? Nagpaalam Naman akong maayos at nagtext din Ako sa kanya" kausap ko sa Sarili

"G-good morning" bati ko ng makalapit na Ako sa kanya. Kailangan maging magalang ako dahil Siya pa Rin Ang boss ko.

"Is your morning, good?" sarkastiko nitong tanong

"Ganon ba kaimportante Ang pinuntahan mo para magstay ka pa doon?" Dugtong pa nito. Kita ko Ang pag igting Ng panga Niya.

"Oo" tipid Kong sagot. "Excuse me, may trabaho pa ako" Hindi ko na Siya hinintay na magsalita. Naglakad na ako papuntang room para maumpisahan na Ang trabaho ko. Kailangan ko na Rin siyang iwasan.

Hindi ko namalayang nakasunod Pala Siya sa akin kaya nagulat ako nang may humila sa kamay ko.

"So, you're happy huh? F*ck!" Galit nitong sabi. Namumula na Rin Ang Mukha nito at halatang wala itong tulog.

"L-liam, nasasaktan ako" ngayon ko lang Siya nakikitang Galit na Galit kaya natatakot na ako.

"Nasasaktan? How about me, huh? I've been calling you the whole night but I can't reach you! Why? Are you that busy na pinatay mo pa Ang phone mo so as not to disturb you? F*ck, F*CK!" binitiwan nya ako at hinihilot Ang sintido nito na para may kinakaharap na malaking problema. Tumulo naman Ang luha ko. Hindi ko Naman namalayan kagabi na nalowbat Pala Ako. Wala din akong dalang charger. Tinamad na akong manghiram kaya hinayaan ko nalang.

"Pasensya na. Nalowb-" hindi ko natapos Ang sasabihin ko nang bigla niya Akong halikan sa labi. Marahas at mapagparusa Ang paraan Ng paghalik Niya. Nagpupumiglas ako dahil nasasaktan Ako sa ginawa Niya. Lalo namang nag unahan Ang pagpatak Ng luha ko. Bakit ba niya ako ginaganito. Ano bang nagawa ko sa kanya. Impit akong umiyak sa pagitan Ng halik Niya.

"Tama...na.. please" iyak ko. Nalalasahan ko na Rin Ang dugo sa labi ko.

Tumigil Naman ito sa paghalik. Nakita ko sa mata niya Ang sakit pero bigla itong napalitan Ng galit.

"F*CK!" sigaw pa nito bago lumabas. Napaupo nalang ako sa sahig habang umiiyak sapo Ang dibdib ko. Sobrang nakakapagod na rin umiyak. Parang Hindi ko na talaga kakayanin kung magtagal pa ako dito. Tama Ang sinabi ni Ems. Kailangang isipin ko Ang Sarili ko.

Pumunta akong banyo nang mahimasmasan Ako. Mabuti Wala Dito si baby baka matakot pa yon sa sigaw Ng daddy nito.

Bumaba ulit Ako para hanapin si baby. Naabutan ko si Manang Fe.

"Iha nakabalik ka na pala"

"Opo Manang. Si baby po?" Tanong ko Kay Manang. Diko pa Kasi ito Nakita simula kaninang dumating ako.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Nasa room nila Mom, sis." Sabat ni Lianne. "Naglasing Kasi si kuya kagabi kaya kinuha Muna ni Mom si baby" dagdag pa nito.

Kunot noo akong lumingon Kay Lianne. Nasa likuran ko kasi ito.

"Wow, new look sis. Ang ganda. Bagay sayo" alangan akong ngumiti baka Kasi magtampo Siya dahil Hindi ako sumama nong niyaya niya Ako kahapon. Baka isipin niyang ayaw ko Siya makasama. "Ahmm.. pinagtripan lang Ako Ng kaibigan ko" kiming sagot ko

"Nagmukha Kang kpop idol" komento pa nito. "Have you seen Kuya? OMG he's wasted last night" nagtaka Naman Ako sa sinabi nito. Bakit Siya nagpakalasing eh dapat nga masaya ito dahil kompleto na Ang pamilya Niya. Gusto ko man tanungin Siya kung Anong nangyari o may problema ba pero pinigilan ko Ang Sarili ko. Ayoko panghimasukan Ang personal na Buhay nila.

Dumating Naman Sila Tita at Tito Kasama si baby.

"Wow iha, you look good on your hair cut." Bungad sa akin ni Tita.

Nahihiya Naman Akong ngumiti sa kanila. Hindi talaga Ako sanay na pinupuri kaya hindi ko alam Ang sasabihin ko.

"Salamat Po Tita. Akin na Po si baby Tita para makakain na Po kayo" namiss ko din Kasi si baby. Isang Araw lang kami Hindi nagkasama. Paano pa kaya pag aalis na ako. Ipinilig ko nalang Ang ulo ko. Kukunin ko na sana si baby nang bigla akong makaramdam Ng Hilo.

"Okay ka lang sis?" nag aalalang Tanong ni Lianne. Malapit lang Siya sa akin kaya nakahawak Ako sa kanya. Inalalayan Naman Niya Ako umupo sa sofa. "Okay lang Ako Li. Salamat"

"Are you sure iha? You look pale" si Tita. Ibinigay Niya Muna si baby Kay Tito.

"Ok lang po talaga Ako Tita. Baka dahil sa pagod lang po ito" nahiya Naman Ako. Kung kailan nakapag day off Ako Saka Naman Ako nagkaganito.

"You need to rest Muna iha. Kami na bahala Kay Ethan"

"Naku, hindi na po Tita. Ok lang Naman Po ako" agap Kong sagot Kay Tita.

"I insist iha. Ihatid mo Muna siya sa room niya Li." Utos nito Kay Lianne

"Okay Po Mom. C'mon sis" Wala na akong nagawa kundi sumunod.

Umupo si Lianne sa gilid Ng kama matapos Niya akong alalayang humiga.

"Sis, you know that you can count on me, right? If may problem ka I'm always here." Parang piniga Naman Ang puso ko. Paano na kaya kapag kailangan ko Ng umalis. Iniisip ko palang nasasaktan na Ako. "Thank you talaga Li." Naiiyak Kong Sabi. Pinahid ko Naman Ang luhang nakatakas sa mata ko. Hinawakan ko Ang kamay Niya.

"Sobrang saya ko na nakilala kita, kayong lahat. Sobrang bait nyo sa akin" humihingos hingos Kong Sabi. Mamimiss ko talaga Sila sobra.

"Of course you're like a family to us. Wag ka ngang magsalita Ng ganyan. Feeling ko tuloy iiwan mo kami. You will not leave us Naman Diba?" naiiyak na Rin nitong sabi. Kaya naiyak Ako Lalo. Grabe napakaiyakin ko Ngayon. Sabagay ganito din Naman Ako noon nong nagpaalam Ako sa pamilya ko at paalis para mag abroad.

"Sige na. Rest ka muna. Magpalakas ka, okay? Call me if you need anything." Inayos Niya Muna Ang kumot ko Bago Siya lumabas.

Hindi ko akalain na ganito Ang kahahantungan Ng pagtatrabaho ko dito. Kung pinigilan Ko lang sana ang damdamin ko Hindi sana ako masasaktan Ng ganito. Masakit man pero kailangan ko Ng umalis dito. Tatapusin ko lang Ang buwan na ito. Magpapasa na Rin ako Ng resignation para makahanap Sila Ng kapalit ko.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.