Finding Mommy

Chapter 29: Transformation



Kasalukuyan kaming kumakain Ngayon Ng breakfast Kasama Sila Tita, Lianne at Sila Manang Fe. Wala si Tito at Liam dahil may inasikaso daw sila. Tatlong araw na Rin Ang nakalipas Mula nong birthday ni baby. Hindi ko pa Nakita si Liam o makausap man lang simula noon. Siguro abala Siya sa girlfriend Niya Ngayon. Iniisip ko pa lang na magkasama Sila parang tinatarak na Ng kutsilyo Ang puso ko. Ganon na kalalim Ang nararamdaman ko Kay Liam. "Shey, punta tayong mall. Let's do shopping." Masiglang pag yaya ni Lianne.

"I agree iha, go out and pamper yourselves" segunda ni tita

"Actually Tita, magpapaalam Po sana akong magday off Ngayon. Balik din Po ako bukas ng maaga" paalam ko. First time ko itong magpaalam para mag day off.

Nagkatinginan Naman Sila Tita at Lianne. Nagtaka siguro Sila dahil Hindi Naman Ako nag de-day off. Pero kailangan ko talaga ito Kasi parang Hindi Ako makahinga dito. "Nagpaalam ka na ba kay Liam, iha?"

"Ahmm.. Hindi pa po tita. E-text ko nalang Po Siya Mamaya" Sana Naman payagan nila ako.

"Okay iha. Kami na Muna Ang bahala sa apo ko. Basta magsabi ka din kay Liam ha❞ sumilay Naman Ang ngiti ko sa pagpayag ni Tita.

"Opo. Maraming Salamat Po." Bumaling naman Ako Kay Lianne.

"Pasensya na Li, may pupuntahan lang Ako. Promise babawi Ako Sayo next time." Nakita ko Kasi Ang lungkot sa mga mata niya. Baka nalungkot Siya dahil sa Hindi ko pagsama sa kanya.

"Okay lang sis. Basta next time ha kahit saan tayo pupunta" nakangiting sabi ni Lianne. Gusto ko din sana yon kaso sa ngayon kailangan Kong dumistansya sa kanila para pag dating Ng panahon na aalis na Ako dito Hindi ako masyadong masaktan. Ngayon pa lang sasanayin ko na Ang Sarili ko.

Pagkatapos kong maasikaso si baby ay umalis na Ako. Pero Bago Ako umalis nagtext muna Ako Kay Liam. Hinintay ko pa Ang reply nito kaso natapos ko nalang asikasuhin si baby ay wala rin akong natanggap na reply.

Nandito na Ako Ngayon sa boarding house ko. Dumaan Muna ako Kay Nanay Perla para ipaalam na nandito ako.

"Nanay" tawag Pansin ko Kay Nanay Perla na busy sa pagprepare Ng mga sangkap na lulutuin Niya.

"Shey, Ikaw ba yan?" lumapit Ako sa kanya at nagmano.

"Opo Nanay. Kumusta na Po kayo?"

"Ok naman Ako. Ikaw na Bata ka hindi ka man lang nagpasabi na dadating ka." Panenermon pa niya. Napangiti lang Ako. Namiss ko talaga si Nanay. "Pasensya na Po Nay. Bigla ko Po kasi naisipang magday off kaya Hindi ko po kayo nasabihan na pupunta Ako Ngayon." Paliwanag ko sa kanya

"Ok lang anak. Buti napadalaw ka dito. Pupunta ka na na sa room mo? Malinis Naman yon dahil Araw araw ko pinalinisan yon."

"Maraming salamat Po Nay. Sige Po akyat Muna Ako Nay" paalam ko Kay nanay. Ayokong abalahin pa siya sa mga gagawin niya.

Pagkarating ko sa room ko Ganon pa Rin Ang ayos Ng mga gamit ko pero malinis ito. Humiga muna ako sa higaan ko habang hinihintay si Ems ang best friend ko. Nagkausap kami kagabi na magkikita kami dahil Plano ko magday off kahit Hindi pa ako nakapagpaalam. Natext ko na Rin Siya kanina na papunta na ako dito.

"Bruha ka, bat Ngayon ka lang nagpakita ha?" bungad Niya agad sa akin pagkabukas ko Ng pinto.

"I miss you bhest" niyakap ko siya Ng mahigpit. Hindi ko napigilan Ang pagtulo Ng mga luha ko. Parang nakahanap Ako Ng kakampi.

"Oy bhest, umiiyak ka ba?" Puna Niya. "Biro lang Naman yon. Hindi ako Galit Sayo" hinagod niya Ang likod kaya lalo akong umiyak. Hinayaan niya lang akong umiyak habang nakayakap sa kanya.

Naupo kami sa maliit na sofa nang mahimasmasan Ako. Tinaasan Naman niya Ako Ng kilay.

"Magtapat ka nga, buntis ka ba?" kunot noo Naman akong nakatingin sa kanya.

"Buntis?" balik Tanong ko

"Pano ba Naman Kasi kung makaiyak ka parang Kang nabuntis na Hindi pinanagutan" pagtataray Niya.

Napatulala naman ako sa sinabi niya. Parang Ganon na nga Rin Ang nangyari sa akin yon nga lang Hindi ako buntis

"Ano na magsasalita ka ba o magsasalita ka?" Natawa Naman Ako sa sinabi Niya. Alam Kong pinapasaya lang Niya Ako Ngayon. Kaya nagday off talaga Ako para Makita siya Kasi gusto kong ilabas Ang saloobin ko at sa kanya ko lang yon magagawa. Para na kasing Sasabog Ang dibdib ko kung hindi ko pa ito mailabas.

Inumpisahan ko Naman ikwento sa kanya Ang lahat Ng nangyari. Mataman lang itong nakikinig sa akin. Walang salita o ginawang pagputol sa kwento Basta hinayaan Niya lang ako Hanggang sa matapos. Medyo guminhawa Naman Ang pakiramdam ko pagkatapos magkwento.

"OMG.. Teka lang Ang hirap i-absorb ng mga sinabi mo." Napahilot Rin ito sa sintido Niya

"Kaya Pala Ganon ka kung makaiyak Kanina. Paano na Yan? Anong gagawin mo?" nag aalala niyang Tanong.

"Wait bhest, Diba maraming beses niyo ng ginawa yong ANO. May protection ba kayo?" napaisip Naman Ako sa sinabi Niya. Alam ko never gumamit si Liam ng proteksyon tuwing ginagawa Namin yong ANO. Hindi Rin Ako nagpipills. Nakita niyang umiling Ako kaya napatakip Siya Ng bibig.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Paano Kong mabuntis ka? May pamilya na yong tao" nanlaki Naman Ang mata ko sa sinabi Niya. Hindi ko naisip yon. Paano nga Pala kung mabuntis Ako?

"Hindi Naman siguro. Wala Naman akong nararamdamang kakaiba❞ Hindi ko alam Kong Siya ba Ang kinukumbinsi ko o Ang Sarili ko.

"Eh paano nga kung Mabuntis ka?" Tanong Niya ulit

"Hindi ko rin alam bhest. Basta Ang alam ko Hindi ko kayang sirain Ang pamilya ni baby" kung sakaling mangyari man yon magpakalayo layo Ako para Hindi ako makasira Ng pamilya.

"Hay sana nga hindi mangyari yon kundi malaking problema talaga yon." Tama Naman Siya Lalo na Ako lang Ang inaasahan Ng pamilya ko. Wala din akong masyadong ipon dahil sa pagpapagawa ko Ng Bahay Namin sa probinsya. "Wala ka bang balak umalis sa trabaho mo ngayong dumating na Ang Mommy ng binabantayan mo? Baka Lalo ka lang masaktan pag magstay ka pa doon"

"Alam ko Naman yon. Kaso Hindi ko pa kayang Iwan si baby. Siguro antayin ko nalang na sabihan akong umalis na. Ramdam ko na Rin Naman na hindi yon magtatagal Kasi mukhang Hindi na nila ako kailangan. Kaya na Naman nilang alagaan si baby kahit Wala Ako." Mahabang litanya ko.

Napabuntong hininga naman ito. "Kung Ako lang Ang masusunod ayaw na kitang pabalikin don. Pero kung Yan Ang desisyon mo Wala akong magagawa. Basta nandito lang Ako. Isang tawag mo lang sasagutin ko agad.. Este puntahan Pala kita agad❞ natatawa niyang Sabi kaya napatawa na Rin Ako. Kahit kailan talaga tong kaibigan ko na to isisingit talaga Ang kapilyahan.

"Nga Pala, Ang Ganda mo Lalo Ngayon. Hiyang ka yata doon. Tsaka nag iba na Rin Ang pananamit mo❞ sinipat sipat Naman Niya Ang kabuuan ko.

"Paano namang Hindi Ako mahiyang Doon, eh Ang Sarap Ng mga pagkain at Ang babait Ng mga tao. Napakamaalaga." Kung maari lang talaga ayaw Kong umalis Doon dahil napamahal ko na Ang mga Kasama ko doon. Para ko na Rin Silang pamilya.

Suot ko Naman Ngayon Ang damit na binili ni tita nong minsang nagshopping kami as bonding daw Namin. Para itong Korean style na pang ootd. Above the knee Ang haba pero hindi Naman masagwa tingnan. Ngayon lang din Ako ngasusuot Ng ganito Kasi puro Ako jeans at shirt dati.

"Bagay Sayo Ang suot mo❞ napatingin Naman ito sa buhok ko. Sa tingin palang nito Alam ko na Ang binabalak Niya.

"Tara sa mall. It's time for transformation. Yan Ang mga gingawa kapag broken hearted para makamove on agad" napailing nalang Ako sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba eh. Napapayag din Ako sa kakukulit Niya kaya nandito na kami sa mall kasama namin si Kuya Yael Ang anak ni Nanay Perla na seaman. Umuwi na Pala ito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.