Chapter 20: Roof Deck
Pumili nalang Ako dun sa mga damit na medyo ok para sa akin. Ayoko yong iba kasi maiiksi tapos ung iba naman masyadong daring kaya pinili ko yong kaya Kong isuot na comfortable Ako. Pinarisan ko ito Ng wedge na sakto lang Ang Taas. Hindi Ako sanay sa get up na ito pero kaya namang tiisin. Masasanay din siguro ako pag lagi akong magsusuot Ng ganito. Lumabas na Ako Ng fitting room pero nagulat ako nang si Liam lang Ang nadatnan ko na titig na titig sa akin. Nasaan si Lianne at Jan?
"Ahmm.. nasan sila?"nahihiya Kong Tanong. Ngunit nakatitig pa Rin Siya akin. Feeling ko namumula na yong Mukha ko kaya yumuko Ako para Hindi niya Makita Ang pamumula Ng mukha ko. "They're outside" rinig kong sagot niya. Kaya napaangat Ako Ng Ulo at tumingin sa kanya. Kaya nagkasalubong Ang aming mga mata. Pero dahil Hindi ko kinaya Ang mga titig Niya umiwas nalang Ako. "Diyos ko, Ang puso ko. Relax lang heart. Titig lang Yan" saway ng utak ko.
"Sige magbibihis lang ako" paalam ko sa kanya. Pambihira talaga yong dalawang yon. Kinukulit nila akong magsukat ng mga damit tapos iiwanan lang Pala nila ako. Himutok ko sa Sarili ko. Tatalikod na sana ako ng bigla itong tumayo at nagsalita.
"Wait" Lumapit Naman ito sa akin
Lalong nagwala Ang puso ko nang nasa harapan ko ito.
"B-bakit" nauutal Kong sabi. Ano ba Yan yon lang sasabihin ko utal utal pa.
"Don't change. Wear that." Kunot noo naman akong napatingin sa kanya.
"Sh*ty. Ang guapo Niya talaga. Parang Ang sarap haplusin Ng Mukha niya" sa isip isip ko
"You're so beautiful with that dress." Bulong nito sa tenga ko. Automatic Naman nagsitayuan Ang mga balahibo ko nang maramdaman ko Ang hininga Niya. Nag init Bigla Ang katawan ko.
"Oh God. Ano na itong nangyayari sa akin. Bakit Ganon nalang Ang epekto Ng ginawa niya sa akin?" sambit ko sa sarili.
"L-liam.." kabadong sambit ko. Nakatitig na Naman Kasi ito sa akin.
"I miss you!" sambit nito. Di pa man naproseso Ng utak ko Ang sinabi niya ay lumapat na Ang labi niya sa labi ko. Nanigas lang Ako sa kinatatayuan ko at Nanlaki Ang mga mata ko sa ginawa Niya. May nagring na cellphone na nagpabalik Ng diwa ko kaya naitulak ko siya. Gulat Naman siyang tumingin sa akin kaya yumuko Ako. Nakayuko pa Rin Ako habnag sinasagot Niya Ang tawag.
"Let's go❞ biglang Sabi nito kaya tumingin Ako sa kanya pero likod nalang niya Ang Nakita ko papalayo kaya nagmamadali akong sumunod baka makatikim na Naman Ako ng masarap este kasupladuhan Niya Pala.
Nakita ko si Jan na nakikipagkwentuhan sa receptionist pagkalabas ko. Tumingin Naman Sila sa akin. Kita ko sa Mukha ni Jan Ang pagkamangha nang Makita niya ako habang papalapit sa akin.
"OMG. Soo beautiful. Bagay na bagay Sayo darling. I'm so excited na sa gagawin kong gown sayo" excited nitong Sabi.
"Salamat." Sabay ngiti sa kanya.
"Nasaan Pala si Lianne?"
"Umuwi na Sila ni baby. Alam ko nagpaalam na Siya Kay kuya niya."
"Hala, Teka mauuna na ako Jan. Salamat ulit." Hindi ko na hinintay Ang sagot Niya at nagmamadali Ng lumabas.
"Paano na ako nito uuwi. Wala pa Naman akong dalang Pera. Hindi man lang Ako hinintay." Mangiyak ngiyak Kong sambit sa sarili ko.
Pagkalabas ko Nakita ko si Liam na nakasandal sa hood Ng sasakyan Niya. Kita sa guapo nitong mukha Ang pagkainip.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"What took you so long" Tanong nito nang Makita ako. Binuksan Naman Niya Ang pintuan Ng sasakyan.
"Get inside" walang kaabog abog nitong Sabi. Napasimangot Naman Ako sa inasta niya. Kanina lang ninakawan Niya Ako Ng halik tapos Ngayon susungitan Niya Ako. Sarap hambalusin. Napaka ungentleman pa niya. Nagmamadali na akong sumakay baka bugahan na talaga Ako Ng lalaking ito. Hindi pa man Ako nakaupo Ng maayos ay nagsalita na naman ito kaya napatingin Ako sa kanya.
"I saw you talking to him. Are you that close?" Tanong Niya na parang Hindi niya nagustuhan Ang ginawa ko.
"Ahh.. Kasi may sinabi lang siya sa akin❞
"What?"
"Tungkol sa gagawin niyang gown?" Hindi siguradong sagot ko. Baka Magalit na Naman Siya Kasi nagpagawa Ako Ng gown.
"Tss" Sabi lang nito at pinaandar na Ang sasakyan Niya. Tahimik lang Naman Ako habang nakatingin sa labas. Kita na sa labas ang unti unti pagbukas Ng mga ilaw. Maggagabi na Pala. Nag alala Naman Ako Kay baby. Gusto ko sanang magtext kina Manang Fe para kumustahin ito kaso nasa baby bag Ang cellphone ko na naiwan sa sinakyan Namin kanina. Ayoko Namang abalahin Ang boss ko. Napabuntong hininga nalang Ako. Nagulat Naman Ako nang lumihis Ang sasakyan. Kita ko Ang Isang restaurant?
"Baka magtake out Siya Ng pagkain" sa isip isip ko. Naramdaman ko namang huminto Ang sasakyan kaya umayos akong umupo.
"Let's eat first." Saad nito Kaya napalingon Ako sa gawi niya. Bumaba na Siya kaya napasunod nalang akong nakatingin sa kanya. Binuksan Niya Ang pinto sa side ko na nagpakunot Ng noo ko.
"Seryoso ba siya? Kakain talaga kami na kami lang dalawa?" Kinikilig Naman Ako sa naisip ko.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Gaga. Kung makakilig ka naman Akala mo dinidate ka. Para kakain lang dahil nagutom Siya at Wala siyang choice kundi isama ka." Saway Ng inggitera Kong utak
"Hey, what are you thinking?" untag niya. Diko namalayan nakatulala na Pala ako. Pahamak talaga itong utak ko.
"Sure ka na kakain tayo Dito? Pwede Namang sa bahay nalang Tayo kakain" pangungumbinsi ko. Nakakahiya Naman Kasi Kumain Kasama Siya. Baka ano masabi Ng mga taong Makita sa amin. Ayoko pa Naman sa lahat ang attention. Pag Siya Kasama ko siguradong makukuha Niya ang attention Ng mga tao.
"I don't want to be stuck in the traffic. So we better eat first"
"Okay" Wala Naman akong magawa kundi sumunod nalang sa kanya.
"Good evening Sir, Ma'am." Bati sa amin ng gwardiya
Namangha Naman Ako pagkapasok Namin. Napakasosyal Ng kainan at Ang dami na ng mga kumakain.
Napasinghap Ako Ng hawakan ni Liam Ang kamay ko. Kung titingnan para kaming magkasintahan na naghoholding hands. Nag init na Naman Ang Mukha ko at ramdam Kong parang nagrambulan Ang mga laman loob ko. Gosh kinikilig talaga Ako. Inalalayan pa ako paakyat Ng hagdan.
"Naku Liam ha Todo alalay ka sa akin para Hindi ako malaglag dito sa hagdan pero pag nahulog Ako Sayo baka Hindi mo naman ako saluhin." Himutok ko sa sarili ko. Nakarating kami sa parang roof deck.
Mas Lalo Naman akong namangha sa Nakita ko. Napakaromantic ng Lugar na ito para sa Isang date. Kita Dito sa Taas Ang namumutakting ilaw ng mga kabahayan at mga gusali pati mga sasakyan. Pero nakakapagtaka dahil walang katao tao dito kami lang dalawa? Lumapit pa ako sa may railings para Makita Ang kabuuang Lugar. Ngayon ko lang naranasan Ang makapunta sa mga ganitong Lugar. Dati Bahay trabaho lang Ako. Di ko naranasan Ang mamasyal. Di ko maiwasang malungkot na Marami na Pala akong namimiss na mga Lugar na maari ko sanang mapuntahan at maenjoy. Habang nagmuni Muni Ako Bigla namang may pumulupot na mga kamay sa bewang ko. Heto na Naman Ang puso Kong parang Hindi mapakali. Hindi Naman Ako makagalaw sa kinatatayuan ko.