Chapter 19: Fitting Room
Lumipas Ang mga Araw Hindi na kami nagkausap ni Liam tungkol sa nangyari sa amin. Parang kinalimutan Niya na nga ito katulad Ng sinabi ko sa kanya. Pumapasok Siya sa kuarto Namin para I check niya si baby. Kahit na busy Siya naglalaan pa rin siya ng Oras para makapagbonding Sila Ng anak niya. Kinakausap lang Niya Ako kapag tungkol kay baby. Katulad Ngayon, kinakausap Niya ako tungkol sa darating na first birthday ni baby.
"I want you to help me with the preparations of Ethan's 1st birthday" panimula nito
"Okay" tipid Kong sagot.
"If you have any suggestions please tell me or you can discuss it with Lianne. She will take charge of the preparations. Please help her." Tumatango lang Ako sa kanya.
"Later may pupunta Dito na organizer for the party and I want you to be there with Lianne. Kayong dalawa Ang makikipag usap sa kanila"
"Okay" Wala Naman akong masasabi kundi sumang ayon.
"Yan lang ba Ang sasabihin mo?" irita Niyang Tanong
Kunot noo Naman akong nakatingin sa kanya. Anong gusto niyang Sabihin ko? Sabi naman Niya si Lianne Ang kausapin ko.
"Ahmm.. wa-"
"Never mind" putol niya sa sasabihin ko sabay alis. May tupak talaga itong kumag na to. Ano bang problema Niya. Sarap niyang bangasan ha. Napakasuplado Niya talaga. "Shey" tawag sa akin ni Lianne
"What happened? Bakit nakabusangot yang Mukha mo?" puna Niya nang makalapit na Siya sa akin. Mabuti pa itong Kapatid niya mabait at naging close ko na Rin na kaibigan. Masarap sa pakiramdam na maging kaibigan Siya kahit Yaya lang Ako Ng pamangkin. Mayaman Sila pero mapagkumbaba ito. Kahit yong suplado niyang kuya mabait din Naman pag Hindi tinupak. Hindi sila matapobre.
"Is it kuya again? Hayaan mo na yon. Ganon lang talaga si kuya. Baka nagpapansin lang yon."
"Ha?" takang Tanong ko sa kanya. Anong ibig Niya Sabihin dun.
"Duh.. I don't know if you're slow or you're manhid" saka pinaikutan Ako ng mata. Medyo may pagkamataray Siya pero sanay na ako. Masaya Naman Siya Kasama. Sa sobrang close Namin Minsan sa room na Namin ni baby Siya natutulog pag gusto Niya magmovie marathon at idamay Ako.
"Hindi ko gets ang sinasabi mo❞ kakamot kamot Kong Sabi
"Hay naku. Never mind na nga. By the way, may pupuntahan Tayo bukas Kasama si baby. Magpapasukat Tayo Ng damit para sa birthday party." Excited niyang Sabi.
Napangiti nalang din Ako dahil excited Rin Naman Ako sa birthday ni baby. I'm sure mag enjoy si baby non Lalo na marunong na ito maglakad at nakakapagsalita na Rin ng mga ilang words.
After lunch dumating na Rin Ang organizers. Pinag usapan Namin Ang tungkol sa birthday theme, decorations pati sa food at iba pa. Complete package na. Ang Napili namin ay royal prince theme. Naiimagine ko Naman Ang maging hitsura ni baby. Siguradong sobrang cute nito.
Kinabukasan nagtungo kami sa isang boutique para sa mga ipapagawang damit na gagamitin sa birthday. Bumungad sa Amin Ang Isang sophisticated na bakla pagkarating Namin sa boutique.
"Hi love" bati Niya Kay Lianne at nakipag beso ito.
"Hi mamang. This is my cute pamangkin Ethan and my friend Shey. Shey this is my bff Jan" pakilala Niya sa Amin
"Wow, so cute Naman Ng baby na ito" sabay kurot sa pisngi ni baby. Bumaling Naman Ang tingin Niya sa akin.
"Hi darling. Are you also a model?" Tanong nito sa akin. Mukha ba Akong model sa suot Kong ito? Nakajeans lang Ako at simpleng t-shirt.
"Ahmm. Hindi Po. Yaya Po ako ni baby" tipid ko Naman itong nginitian.
"OMG! Really?" oa naman itong tumili.
"Opo" sagot ko na nagpataas Ng kilay nito.
"Girl Ang Bata ko pa ha, wag mo na Ako I-po. Halos magkasing edad lang Tayo at magkasing Ganda." Nag flip pa siya Ng kanyang invisible hair. Kaya napangiti Ako. Ang cute Niya Kasi tingnan.
"Anyways, let's go inside na para maumpisahan ko na kayong sukatan" anyaya ni Jan. Naaliw talaga Ako sa kanya. Ang kulit niya Kasi at maarte magsalita. Nauna munang sukatan si baby. Hawak hawak ko ito dahil malikot. Sumunod Naman si Lianne. Naaliw lang ako nakatingin sa kanila dahil sa kanilang harutan. Sinasali din Naman nila ako. Panay lang Ang halakhak ko dahil sa kakulitan ni Jan.
"You're turn Shey" Sabi ni Lianne
"Ha?" takang Tanong ko. Bakit kasali Ako sa pagsusukat. Hindi Naman na kailangan.
"Anong ha? Sabi ko Ikaw na Ang susunod na susukatan."
"Bakit?"
"Anong bakit? Lutang girl? Syempre para sa birthday ni Ethan"
"Oo nga pero bakit kasali pa ako sa susukatan eh Hindi Naman Ako magpapagawa Ng damit" pangatwiran ko
"Syempre lahat Tayo magpapagawa ng damit. Even Sila Manang Fe pero may pupunta nalang don sa house para sukatan sila" paliwanag ni Lianne
"Akin na si Ethan" Wala Naman akong nagawa kundi sumunod. Naglakad na ako papunta Kay Jan. Tiningnan Ako ni Jan Mula Ulo Hanggang paa. Nahiya naman ako sa ginawa Niya.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"You know what girl, pwede ka maging model. Matangkad ka Kasi at maganda. Tisay na tisay. May lahi ka ba? Siguradong gaganda ka lalo pag naayosan" puri nito
"Naku, hindi ko kaya Yan Kasi Hindi Ako confident." nahihiya Kong sagot. Totoo Naman yon. Mas gusto ko pang nasa Bahay lang. Ayoko Kasi yong nasa akin ang atensyon Ng mga tao. Hindi ako sanay.
"Madali lang Naman yong confident. Sanayan lang Yan. Kailangan mo lang lumabas sa comfort zone mo❞ giit pa nito.
Ngumiti lang Ako sa kanya bilang sagot. Wala akong masabi dahil Hindi ko Naman iniisip yon. Malayo sa personality ko Ang maging model.
Uumpisahan na sana akong sukatan ni Jan nang bumukas Ang door at iniluwa si Liam? Kaya napalingon kami sa kanya
"Oh kuya, you're here na. Sit here Muna Kasi susukatan pa si Shey" Sabi ni Lianne
Salubong Naman Ang mga kilay nito habang nakatingin sa Amin. Bad mood ata Siya Ngayon.
"Are you the one who will do that? Don't you have girl assistant?" Puna Niya kay Jan. Nagtaka Naman Ako sa inasta Niya.
"Meron Naman akong assistant pero Wala Siya Ngayon kaya Ako Ang gagawa nito. Bakit may problema ba?" takang Tanong din ni Jan "Why kuya?" si Lianne
"Never mind. Just continue." Nakahalukipkip itong nakaupo sa sofa. Kinuha Niya si baby at nilalaro pero panaka naka pa rin tumingin ito sa amin.
Matapos akong sukatan ay pinagtry pa ako ni Lianne Ng mga damit. Kung ano-anong damit ang dinadampot Niya. Tumututol Ako pero makulit talaga Siya. Kaya heto Ako Ngayon sa fitting room. Parang gusto ko Ng umiyak dahil nakailang balik at palit na Ako pero Wala pa Rin siyang nagustuhan.