Finding Mommy

Chapter 16: Jealous



Lumipas Ang Araw, linggo pati buwan. Ang bilis talaga Ng panahon. Diko namalayan limang buwan na akong nagtatrabaho bilang Yaya. Sa nagdaang buwan Ang daming nangyari tulad ng pagpapaayos ko ng Bahay Namin sa probinsya. Yong alaga ko Naman Hindi na umiiyak pag nilalapitan Ng iba. Close na Rin Siya sa mga kasama ko sa Bahay Kaya lalong naging Masaya sa Bahay. Yong boss ko Naman ayon palaging busy halos Hindi na kami nagkikita. Kulang nalang iisipin ko iniiwasan Niya Ako. Chos lang.

Flashback:

Naalimpungatan Ako dahil pakiramdam ko may Kasama Ako sa kuarto maliban Kay baby. Kaya binuka ko Ang mata ko at hinagilap Ang paligid. Kita Naman Ang buong paligid dahil sa dim light. Hindi Kasi pwede walang ilaw si baby. Nakita ko Naman Ang boss ko nakaupo sa rocking chair karga si baby.

"Hala, nagising Pala si baby. Bat diko narinig? Ganon ba kalalim Ang tulog ko? lagot na❞ mahinang usal ko. Bumangon na Ako para Ako na mag asikaso Kay baby. Nakita ko namang nakapikit Ang boss ko.

"Hala tulog ba siya? Pano kung mabitawan Niya si baby." Sa isip isip ko. Yumuko Ako para sana gisingin Siya pero naudlot Ng Makita ko Ang Mukha Niya sa malapitan. Eto na Naman Ang puso kong naghuhurumintado.

"Relax heart, Mukha lang yan. Pano pa kaya kung yong sa baba na. Baka atakihin kana" Sabi Ng maharot Kong utak. Hay Malala na Ako. Bat ganito na pinag iisip ko? Pinagnanasaan ko na ba Ang boss ko? Pero kasi di maiwasan na di Siya pagnasaan. Ang guapo Niya Kasi talaga. Ang kinis ng mukha, matangos na ilong, medyo Moreno. Dumako Naman Ang tingin ko sa mga mamasel niyang braso. Ang yummy. Ano pa kaya pag tinanggal na Ang mga damit Niya. Nag init Naman Ang Mukha ko sa pinag iisip ko. Ang bad mo talaga Shey, pinagnanasaan Ng walang kamalay Malay. Umakyat ulit Ang paningin ko sa mukha niya, napasinghap Ako nang makitang dilat Ang mga mata niya. "Tapos ka Ng pagnasahan Ang katawan ko?" Tanong Niya sa husky na boses

Hindi Naman Ako nakagalaw dahil sa gulat at nanlaki Ang mga mata ko. Dagdagan pa ng pagtaas Ng mga balahibo ko dahil sa kanyang boses. Caught in the act ako. Sahig bumuka ka na at lamunin mo na ako. Kinakabahan Ako Lalo dahil unti unting lumapit Ang Mukha Niya. "OMG. Hahalikan Niya ba Ako? Anong gagawin ko? Hindi pwede to." Sigaw Ng utak ko. Pero Hindi magkatugma Ang utak at katawan ko.

Nang malapit na talaga Ang Mukha Niya ay pumikit Ako naghihintay na maglanding Ang labi Niya. Pero ilang minuto na akong nakapikit ay Wala pa rin akong naramdaman. Dahan dahan Kong binuksan Ang Isang mata ko pero Wala na siya sa harapan ko kaya binuksan ko na ng tuluyan Ang mga mata ko. Nakita ko siyang nilapag Niya si baby sa crib. Naglakad na Siya Palabas pero nang nasa tapat ko na siya huminto Muna ito.

"You should go back to sleep. You're still dreaming" Aniya na iiling iling.

"Agh" sigaw Ng utak ko. Nakakahiya talaga. Pinagsasabunutan ko na Ang Sarili Kong buhok. Bakit ko ba kasi ginawa yon. Bakit ba Kasi ako pumikit? Para na akong baliw. End of Flashback

Simula nong mangyari yon bihira ko na Makita Ang boss ko. Pabor din Naman sa akin yon Kasi Wala din Naman akong mukhang maihaharap sa kanya. Magiging awkward lang kami. Hapon Ngayon at nandito kami Ngayon sa sala ni baby, nasa walker Siya habang sumusunod sunod Siya sa akin. Napansin ko Naman na abala Ang mga kasama ko. Nang mapadaan si Marie ay tinawag ko ito. "Marie, Anong Meron? Bakit parang abala kayo"

"Oo Ate Shey, Dito daw kasi maghahapunan Ang mga kaibigan ni Sir" sagot into. Nag paalam Naman ito kaagad dahil may gagawin pa daw siya.

"Sino kayang mga kaibigan Niya? Yon kayang Kasama Niya non sa bar? Kung Sila man makikilala kaya nila ako?" sa isip isip ko. Pero madilim Naman non kaya siguro Hindi Ako makikilala. Pero ano Naman kung makilala nila ako? Parang baliw Kong kausap Ang Sarili. Napa paranoid na talaga Ako. Simula nong magkrus Ang landas Namin Ng boss ko Wala na sa Tama Ang sarili ko. Kalma lang Tayo self. Kailangan pa natin magstay Ng matagal Dito para makapag ipon. Pampalubag loob ko. Wala din sa plano ko Ang umalis Dito at iwanan si baby dahil napamahal na ito sa akin. Ang sarap pa nga sa pakiramdam nong tinawag niya akong Mama at yon pa Ang pinakaunang salita niya. Mangiyak ngiyak pa ako non. Paano kaya kung biglang dumating Ang mommy Niya? Anong mangyayari sa akin? Maging Yaya pa rin kaya ako? Nagising Ang diwa ko nang marinig ko si baby. Nakataas Ang mga kamay nito tanda na gustong magpakarga.

"Are you tired already hmm?" kaya kinarga ko na. Pinupog ko Naman ito Ng halik at pinangigilan. Ang cute Kasi talaga Ng machubby niyang Mukha. Naggiggle Naman ito. Hindi na Namin namalayan na gumabi na. Bumalik na kami ni baby sa kuarto at nilinisan na dahil Oras na Ng tulog Niya. Tamang nailapag ko na siya sa crib Ng may kumatok sa pinto.

"Ate baba na daw po kayo para maghapunan" bungad sa akin ni Marie pagkabukas ko Ng pinto. Sabay na Rin kami bumaba

Pagdating ko sa kusina ay nagulat Ako dahil ibang tao Ang nakaupo doon. Yon na siguro Ang mga kaibigan ni Liam. Nakatingipn Naman Sila sa akin. Yong iba nakita ko pa na parang shocked nong Makita Ako. "You're here. Sit down" biglang Sabi Ng boss ko. Taka Naman akong tumingin sa kanya. Bakit yong iba wala dito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Ahmm Mamaya nalang Ako kakain. Sabay na Ako kina Manang Fe" alangan Kong sagot at tipid na ngumiti. Bakit Naman Ako sasabay sa kanila.

"Just sit. Tapos na silang Kumain" seryoso at may diing pagkakasabi nito. Kaya nagmadali na akong umupo. Sinumpong na Naman Kasi Ng kasupladuhan mahirap na baka bugahan Ako sa harap ng mga kaibigan Niya. Bat ba bad mood ito. "Brad, Hindi mo naman sinabing may itinago Kang magandang dilag dito sa pamamahay mo. Kung Hindi pa ako pumunta dito diko pa masisilayan Ang Ganda Niya." Biglang sambit ng lalaking nasa harapan ko. Guapo Rin ito at palangiti, pero Mukha itong playboy.

"Hindi mo ba siya ipapakilala sa Amin brad?" Tanong ulit ng lalaki

"Tss" rinig Kong sagot Ng boss ko.

"She's Lindsey. They are my Friends Mavvy, Xylex, Jairus, Brian and his wife Tiffany, Brett and his wife Alexa." Isa Isang pakilala Niya.

"Hello" nahihiyang bati ko sa kanila.

"Hi beautiful lady" Sabi ng lalaking kaharap ko. Sa pagkakatanda ko siya si Mavvy. Tumayo ito at naglahad Ng kamay sa akin kaya tumayo na Rin Ako. Aabutin ko na Rin sana ang kamay Niya ng isang dumadagundong na boses ang nagpahinto sa gagawin ko.

"Don't you dare!" Nagulat Naman akong lumingon sa boss ko. Ano na namang problema niya?

"Hi. Sorry I'm late" biglang sulpot ni Lianne. Nagtaka Naman itong nakatingin sa Amin. Nararamdaman niya siguro Ang tensyon.

"What happened here?" takang Tanong ni Lianne at palipat lipat na nakatingin sa Amin.

"Relax brad, Ang high blood mo Naman" Sabi ni Mavvy pero nakatingin sa akin

"I'm telling you man, if you will not behave I will drag you out from here" Sabi Ng boss ko na masamang tumingin Kay Mavvy.

"So possessive brad" sagot ni Mavvy na pangiti ngiti pa

"C'mon guys. What are you talking about?" Tanong ulit ni Lianne at tumingin sa akin kaya yumuko nalang Ako. Ano ba yan, paano pa ako makakakain nito kung ganitong mainit Ang ulo Ng boss ko. Ano ba ikinagalit nitong kumag na ito. "Someone got jealous" Sabi nong isang kaibigan Ng boss ko at nagtawanan sila maliban sa aming tatlo Ng boss ko at Lianne. Diko Naman nagets yong sinabi Niya. Sino Naman Ang nagseselos? Ang gulo nila ha.

"Shut up Leveste!" Singhal Ng boss ko. At Lalo namang nagtawanan ng malakas Ang mga kaibigan Niya na parang nang aasar. Kaya napangiti na din Ako. Nakakahawa Kasi Sila. Pero nawala din agad ang ngiti ko Ng binigyan Ako Ng matalim na tingin ng boss ko. Kaya yumuko Ako ulit. Ang kj talaga sarap batukan nakikitawa lang Naman ako.

"Stop it na guys. You pissed him off already. Let's eat nalang please" pakiusap ni Lianne. Mabuti nalang nandito Siya. Mahirap na baka magkagulo Sila Dito.

Nakita ko Naman na nag umpisa na Silang Kumain kaya Kumain na Rin Ako. Para Namang Hindi ako matunawan nito. Paano Kasi feeling ko may nakatingin sa akin kaya inangat ko Ang paningin ko at Nakita ko nga si Mavvy na nakangiting nakatingin sa akin kaya tipid din akong ngumiti sa kanya.

Pagbaling ko Naman sa boss ko Nakita ko Naman siyang masama ulit Ang tingin kay Mavvy. Hay. Bahala kayo Dyan Basta kakain Ako. Sa wakas natapos din Ang matensyong hapunang iyon. Lumipat Naman Sila sa Sala pero nagpaalam na ako. Diko na kakayanin na Kasama Sila. Bumalik nalang ako sa kuarto.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.