Chapter Chapter 6: Puberty Hits
"Wow? Hindi ka na pala maarte. Anong nangyari sayo?"
Natawa ako sa kanyang tanong. Hinampas siya ng kapatid nitong nakaupo sa kanyang tabi.
"Sabihin na nating natuto ako sa community service namin noong first year college ako", pagsagot ko ng pag may malalaki sa aking tono.
It was challenging. Iyon bang gigising kami ng maaga ng mga groupmates ko para maipaghanda ng makakain ang mga bata sa lansangan at turuan sila. Hindi naman dapat ganon ang aking community service. Nahuli lamang ako sa pagregister kaya imbis na ka-department ko ang kasama ko. Sa education students ako napabilang. I have no choice that time lalo pa't my cousins are watching every actions and decisions that I made.
It was actually fun teaching street children ng walang halong kaartehan. Hindi ako pwedeng magluto. All I can do is magtadtad ng mga ingredients pero minsan ay hindi na nila iyon pinagagawa sa akin. Pero I insisted na dapat ay maghirap din naman ako paminsan-minsan. Katulad nga ng aking sinuhestiyon mahirap na trabaho ang binigay nila sa akin.
May mga bata na minsan lang maligo kaya ang iba sa kanila ay ako ang nagpapaligo. Syempre nung una ay may kaartehan pa kong taglay pero ng tumagal at nasanay ay nawala din iyon. Lalo ng masaksihan ko kung gaano kahirap ang buhay nila sa lansangan.
Kaya nga sobrang pasasalamat ko sa Diyos. Dahil ang problema ko lamang ay ang pagsikat ng araw sa umaga upang makabangon samantalang ang mga batang iyon. Pag gising pa lamang sa umaga problema nila ay makakainn maghapon. "Pasensya na Piper ito lang ang nakayanang iluto ni Kuya. Nagtext naman kasi ako sa kanya na darating ka tapos hindi yata binasa", Letty stared angrily to his brother. How I wish I have brother like him. Pinagsandok ako ni Letty ng kanin saka nilagyan ng bulanglang na sitaw ang plato ko.
"It's fine with me. Anong akala niyo sa akin hindi ako sanay sa ganitong pagkain?", malaki ang pag ngisi ni Abel sa kanyang kapatid. Nanunuya ang ngising iyon.
Tumayo ako upang maghugas ng kamay saka bumalik sa aking pwesto. Pinagmasdan lamang nila akong kumain.
"Uhmm. Piper, hindi halatang hindi ka maalam magkamay. Saka sinabawan yan", para bang pilit ang ngiti ni Letty dahil sa ginawa ko.
"Oo nga pala. Gagamit na lang ako ng kutsara", muli akong tumayo saka naghugas ng kamay.
"Kumusta pala ang buhay artista? Akala ko malilimutan mo na kami", hindi ko alam kung bakit kapag nasa harap ng hapag kailangan pag usapan ay ang pagiging artista ko.
But I have no choice to answer his question. Kuryoso siya sa buhay ko.
"Hindi kita malilimutan, Abel. Paano ba naman ang lakas mong mang asar nung bata pa tayo", he laughed out loud.
Nakataas ang isang paa niya habang nakain. Para bang sarap na sarap siya sa pagkain.
"Bakit parang walang alam ako sa ginawa sayo ni Kuya?", pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Abel.
I rolled my eyes. "Inasar niya ko dun sa eww! Batang lalaki na hindi ko naman tipo"
Uminom si Abel sa kanyang baso bago nakuhang magsalita.
"Maka eww ka dyan. May natitira pa palang kaartehan sa katawan mo. Pag nakita mo yun baka mapa aww ka sa sarap", hinampas siya ng kanyang kapatid sa braso nito.
"Aray ko naman, Letty! Miss na miss mo kong hampasin. Ano?", singhal nito sa nakababata niyang kapatid.
"Kung anu-ano kasing sinasabi mo kay Piper", lumabi ito.
"Hindi na batang musmos si Piper sa mga ganong bagay", tama naman siya. Nasa tamang edad na ko saka ilang lalaki na rin ang nahalikan ko sa industriya ng pag a-aartista. Pero hindi naman iyon halik na malalim katulad ng mga may bed
scene.
Mapapatay ako ni Mama kapag nagkataon. My mom is conservative and dalagang Pilipina. Sumikat siya sa pag aartista ng kapanahunan niya na wala siyang sexy scene. Maliban na lamang nung kailangan niyang mag bikini sa isa sa mga movies niya.
Sa gitna ng pag aasaran ng magkapatid ay may nakapagpawala sa sistema ko. I almost had a heart attack.
"Abel. Pwede bang makahingi sa inyo ng dahon ng saging?"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nang tinignan ko kung sino ang nagsalita ay nalaglag ko ang kutsarang hawak ko. Dali-dali ko namang pinulot iyon sa sahig saka pinaltan ng ibang kutsara.
"Mawalang galang sa pag kain niyo. Pumasok na ko sa loob para kasing walang nakakarinig sa akin sa labas", kumamot sa ulo ang lalaking nasa harap ko. He's wearing a white fitted sando at naka shorts lamang siya na gutay-gutay. Plus ang hot niya with his hat na pang magsasaka.
Namalayan ko na lamang na pinunasan ni Letty ang mukha ko gamit ang kanyang piece towel.
"Namamawis masyado ang mukha mo", pagganyak ay inagaw ko iyon sa kanya at ngumuso siya ng bumalik sa kanyang pwesto.
Nakangiti siyang abot langit. What's with her?
Binalik ko na lamang ang mga mata ko sa lalaking nakatayo pa rin sa harap ko. Ngayon ay nagpapaypay siya gamit ang kanyang saklob na dala.
"Sige, Pre. Kumuha ka na lang dyan sa may bakuran", tatalikod palang ang binata ng nagsalita muli si Abel.
"Pre, sandali nga muna. Lumapit ka", tinignan ko si Abel tila may binabalak siya.
Sinunod ng binata ang sinabi nito. I can feel his hotness. Para bang sinisilaban ako. Piper! Kumalma ka. It's just him! One of your farmers! Isa sa mga naglilingkod sa pamilya niyo. Wag kang matunaw sa kanya. "Si Piper alala mo pa?", hindi siya sumagot sa tanong ni Abel. Sandali niya lamang akong tinignan.
Ang itim niyang mga mata ay malamig na tumingin sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba kong ngumiti o ano. Pero sa huli ay pilit akong ngumiti.
"Marami pa kong gagawin"
Nang mawala siya sa aming mga mata ay para bang nakahinga ako ng maluwag.
"Kuya! Hindi mo manlang pinakilala ng ayos ang ating Senyorita sa kanya", Letty growled at him.
Oo nga! Hindi niya manlang ako pinakilala. Kahit shake hands ay hindi ko manlang nagawa. I wonder kung gaanong katigas ang kamay niya dahil sa gawain niya sa bukid. Ganon din siguro katigas ang defined muscles nito. "Hindi na kailangan. May past silang dalawa at alam kong kinalimutan na iyon ni Cade kagaya ng ginawa ng ating Senyorita", sumipol-sipol siya bago tuluyang tinapos ang kanyang pagkain. Nilagay niya ang pinggan sa lababo. "What do you mean past? Wala pa kong nagiging boyfriend"
Humagalpak sa tawa si Abel na ngayon ay nasa sala. Nakaupo siya sa kawayan na upuan at nagpaypay gamit ang abaniko.
"Siya lang naman yung batang pinandidirahan mo noon. Yung nagbibigay sayo ng palay bilang bouquet ng bulaklak"
Kunot ang noo ko sa sinabi niya. Si Letty naman ay nag iisip din. Pero nagliwanag ang mukha nito saka humagalpak sa tawa.
"Ah. Naalala ko na!", pumalakpak pa si Letty sa kanyang naisip.
Nag isip pa ko ng maigi habang nakain. Nabitawan ko ang aking kutsara ng naalala ko kung sino iyon.
"Siya si Casimiro? Casimiro Declan Paez?", tumango ng dahan-dahan si Abel ng tinignan ko siya with my eyes widened.
Hindi ko akalain na la-laking matipuno ang isang iyon. With his body na mukhang stick at amoy lansangan? Puberty totally hits him.