Chapter 7:Lecio
"Paano naman nangyari iyon?", kanina pa ko pabalik-balik sa paglalakad habang hawak ang aking baba at nakapatong ang isa kong kamay sa aking braso.
Si Letty na abalang inaayos ang gamit ko sa may cabinet ay nakapokus lamang sa kanyang ginagawa. Kanina niya pa ko hindi iniimik. Marahil ay napagod siya sa paglalakad naming dalawa. Idagdag pang inaayos niya ang gamit ko. Nang makitang nakaupo na siya sa malaking papag na may foam ay tumabi ako sa kanya. Tatlo lang ang kwarto nila at hindi kasing laki ng kwarto. But the space is fine with me. Makakagalaw pa rin naman ako ng ayos. Sabi ni Abel ang pangatlong kwarto ay para sa kanyang mga magulang na minsan lang umuwi lalo na si Mang Ben dahil abala siya sa pagiging driver ko.
Bahagyang lumangitngit ang pagpag ng sinubukan kong humiga. "Oww"
"Matibay ito kaya wag kang mag alala. Saka kung hindi ka komportableng may katabi sa pagtulog. Pwede namang sa sala ako matulog mamayang gabi", alam niyang noon pa man ay hindi ako sanay na may katabi sa kama kahit ang mga magulang ko ay ayokong katabi maliban lang kapag nakulog at kidlat.
Pero sa Laguna ay wala akong katabi kapag may kulog at kidlat kaya ang tanging ginagawa ko na lamang ay intayin ang takot kong mawala bago muling matulog. Swerte na lang ako kapag dumadalaw sina Mama at Papa sa aking mansyon. Parehas nila akong tinatabihan upang mawala ang takot ko.
"Hindi ako mag iinarte. It's part of my vacation!", lalo pa kong naglikot kaya lumangitngit ng mas malakas ang papag.
"Bago ko makalimutan Piper paano kayo nagkakilala ni Cade? Tapos umakto ka pang parang may amnesia. Kaya hanga ako sayo eh artistang-artista ang dating mo. Yun nga lang halatang kinilig ka ng makita siya kanina. Ulam na ulam ba?", gusto ko sanang matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko lang.
"Ulam nga at hindi ko iyon maipagkakaila. He's freaking handsome. Hindi ko alam anong ginamit niyang skin care products para magkaganon siya. I wonder kung ilang beses siya nag gy-gym kada araw. Nagkilala kami dahil kay Abel", tumikhim ako sa sarili kong sinabi habang nakatingin sa bubong nilang walang kisame.
Naramdaman ko ang pag ihip ng hangin. Akala ko'y binuksan niya ang bintana upang maging mapresko ngunit binuksan niya pala ang electric fan na nagbubuga rin ng mainit na hangin. It's really hot in here pero kailangan kong tiisin. "Hindi siya nag gy-gym at wala siyang oras para sa ganong bagay. Siguro kaya ganon ang katawan niya dahil sa pagsasaka", maybe she's right.
"Tara. Dun tayo sa may terrace. Mas mahangin", sumunod naman ako sa kanya.
Muntik pa kong matalisod sa aking paglabas ng makita kung sino ang kausap ni Abel. Tumigil ang pagtatawanan nila ng makita akong nakatayo sa may hamba ng pintuan.
Matinding pakikipagtitigan ang ginawad naming dalawa sa isa't-isa ng magtama ang mga mata namin. Natigil lang iyon ng kunwaring umubo si Abel.
Umupo ako katabi ni Letty at malayo ang distansya ko sa lalaking nakatitigan ko.
"Hindi ka na ba masyadong binabanas?", tumango ako sa tanong ni Letty. Tama siya mas mahangin dito kaysa sa loob. Ang mapreskong hangin dahil sa mga puno ay masarap sa pakiramdam. Ngayon na lamang ako nakalasap ng sariwang hangin na galing sa kalikasan. Matagal na rin ang huling punta ko sa kakahuyan, iyon pa ay yung huling pagsama ko kay Kuya Wyn.
"Kailan mo pala balak magturo sa public school?", tanong ni Abel sa lalaking ngayon ay binitawan ang hawak nitong sumbrero.
"Hindi pa ko nakakapag LET. Nagrereview pa lang ako", ibig sabihin ay pagtuturo ang tinapos niya. Ano kayang major ang kinuha niya? O baka naman Elementary ang kanyang tinuturuan?
Kung highschool man ang kanyang tinuturuan I'm sure his students will love to attend his class everyday.
"Kuya lutang ka ba? Fresh graduate palang si Cade paano yan makakapag LET agad", saad ni Letty. "Dulot siguro yan ng pag inom niya kagabi", dahilan ni Cade.
"Hang over. Oo... Tama", napakamot si Abel sa kanyang ulo tila nag iisip bakit niya iyon naitanong.
Si Letty naman na nasa tabi ko ay bahagyang lumapit sa akin. Bumuwelo pa siya sa kanyang pagbulong upang hindi mahalata.
"Magna cum laude siya ng kanilang batch", nagpigil ako sa pagkagulat dahil baka mapansin nilang nakikinig ako sa usapan.
Nahiya naman ako sa magna cum laude. Samantalang ako'y hindi na nakatapos ng pag aaral. Hanggang unang semestre lang ng third year ang tinapos ko.
"Piper, dala ni Cade. Baka gusto mong tikman", inipod ni Abel ang pinggan na may dahon ng saging papunta sa akin.
Dali-dali namang kumuha ng tinidor si Letty at binigay iyon sa akin. Tinitigan ko pang maigi kung ano iyon.
Kunot-noo kong tinusok iyon ng pauti-uti.
"Saan ito gawa? Bakit parang kulay lupa tapos may kanin?", napakamot si Abel sa kanyang ulo.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Sinukmani ang tawag dyan", sabi ni Letty.
"Walang lason yan", napatingin ang aking mga mata sa lalaking nagsabi nito. Hindi ko naman iniisip na may lason ito. Nagtataka lang ako kung bakit ganito ang itsura. "Pre, tabi nga muna", pagkakuwan ay nagpalit sila ng pwesto.
Kinuha niya ang tinidor sa kamay ko saka kumuha ng isang slice. Sinubo niya iyon sa akin. Hindi ko alam kung paano naging mabilis ang pagkilos niya. Wala akong nagawa kundi kainin iyon. Ang magkapatid naman ay nanonood sa amin habang natatawa. Kaya't inagaw ko kaagad kay Casimiro ang tinidor. Inayos ko ilang hibla ng aking buhok na nakaharang sa aking mukha. "Kaya ko na to'. Thank you", pilit kong pagsusungit sa kanya. Umusli ang kaunting ngiti sa labi nito.
"Masarap di ba?", tanong ni Letty. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Siguro itong sinukmani.
Napalunok na lamang ako sa sarili kong inisip.
Hindi ko akalain na ang sarap niya magluto.
"Oo. Tikman mo rin", ginawa niya naman ang sinabi ko at nag thumbs up.
"ABEL! CADE!", malakas na sigaw ng lalaki. Nakatayo ito sa may labas ng kahoy na gate nila Abel at unipormado siya.
"Lecio! Pare! Tuloy ka!", maagap na sabi ni Abel at agad namang tumayo si Cade.
Nang makarating sa pwesto namin ang lalaki ay agad niyang sinalubong ng yakap ang dalawa. Tinanggal niya ang sariling saklob at saka nagpaypay gamit nito.
Ngiting-ngiti naman siya sa akin. Wala ang isang ngipin niya sa unahan. Ganon pa rin pala ang isang ito akala ko'y tutubuan pa siya ng ngipin.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Kung si Cade ay patpatin. Noon si Lecio naman ang mataba na mahilig kumain ng suman.
"Umaasenso ka na ah!", tapik ni Abel sa braso nito. Halata naman sa damit niya at init-init ay naka tuxedo siya.
"Buti naman napadalaw ka. Akala namin hindi ka na uuwi matapos ang ilang buwan na wala ka dito", sabi ni Cade na inalok niya ng sinukmani ang lalaki. Subalit umiling lamang ito ng inabot sa kanya ang pinggan. "Dadalaw pa rin naman ako. Yun nga lang minsan", patawa-tawang sabi nito.
"Bakit naparito ka?", tanong ni Cade. Madaldal naman pala siya pero kapag ako ang kausap niya ay parang wala siyang makuhang salita para kausapin ako.
Ang dami niyang tanong kay Lecio ngunit ako ay hindi manlang tanungin.
"Kinausap ko kasi yung buyer ng lupa at bahay namin. Sa wakas ay bibilhin niya na", mas lalong lumawak ang ngiti nito.
"Ikaw din Abel iniintay ka na ng America. Dun ka na magtrabaho o kaya sa Singapore. Maganda ang kitaan don ng mga Engineer kaysa naman dito. Gagaya ka pa kay Cade puro pagtatanim ang alam", halakhak nito na akala mo'y hindi naging magsasaka ang mga magulang niya.
"Oo nga eh. Ang hirap magtanim ng palay magkano lang makukuha mo sa pag ani. Isama mo pa yung collateral niyo sa lupa. Saka karamihan sa mga sakahan ngayon ginagawa ng subdivision kaya tiba-tiba talaga ang mga Engineer", sabagay tama nga naman siya. Yung mga nakikisaka sa aming lupa ay may bayad talaga sila. Kung hindi sila nakabayad ay sa amin na ng tuluyan ang kanilang lupa. Kaya hindi ko maintindihan sa mga tao kung bakit nila ginigiit na sa kanila ang lupa. Matagal ng sa amin iyon. Panahon pa ng grand-grand parents ko.
"Ewan ko ba kay Cade bakit pagiging guro ang nagustuhan at hindi maiwan itong sakahan", dagdag ni Abel sa kanya sinabi.
Tumikhim si Cade at bubuwelo na sa pagsagot.
Siguro kung naging Engineer siya tiyak na mas lalong mahuhumaling ang mga babae sa kanya. Kung sabagay nakukuhamaling din naman ang pagiging guro at the same time ang pagiging magsasaka.