Chapter 68: Galit
"Gago ka! Hayop ka!!!" agad na bumungad ang mga salitang iyon ng makita ni Karlos ang pag panhik ni Mang Hermano sa bahay niya. Dahil sa mabilis niyang pagkilos namataan na lang namin na ilang beses niyang sinuntok ang matanda.
"Awat na!!!" sigaw ni Abel. Dahil sa paghigit nito kay Karlos ay muntikan pa niyang mapunit ng husto ang damit nito.
Si Mang Hermano ay hindi mapigilang maluha. Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang braso pero gusto niyang kumawala doon.
"Lalapit ako! Bugbugin mo na ko hanggang sa mamatay ako!" aniya.
Si Karlos na tila nahimasmasan dahil ay tinitigan lang siya.
"Ano pang hinihintay mo!?" kinuwelyuhan ni Mang Hermano si Karlos pero nagbalik na ito sa katinuan niya.
Kahit hindi naimik ay ramdam ang galit sa mga mata nito. Kung paano ang paghinga niyang may intesidad at ang kamao niya na handang sumuntok. Naglalagablab pa rin siya pero sa palagay ko ay nagpipigil siya. Hawak pa rin siya ni Abel sa braso habang ako ay walang nagawa sa pagpupumiglas ng matanda.
"Pinagsisihan ko lahat! Maniwala ka. Sana maintindihan mo. Hindi ko ginustong patayin si Father. Hindi ko ginusto iyon! Kailangan ko lang na ipagamot ang anak ko"
Unti-unti siyang lumuhod sa harap ni Karlos habang nagpapalis ng luha gamit ang sarili niyang braso.
Yumuko siya. "Patawarin mo sana ako"
"Mang Hermano" tawag ko sa kanya sa mababang tono. Gusto ko siyang itayo pero ayaw niya.
"Patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya!" basag ang boses nito at tila lunod sa sipon.
Ngunit ang lalaking hinihingian niya ng tawad ay parang bato na nakatayo. Walang ibang emosyon ang mukha nito kung hindi ang galit.
Hagulgol ni Mang Hermano ang tanging maririnig pati ang paulit-ulit niyang paghingi ng tawad.
Sa pag ikot ng seradura sa may pintuan ako napabaling. Bumungad ang babaeng nasa mid 40's. Simpleng bestidang abo ang suot nito ay may sakbit na bag sa balikat. Nung nagpunta kami ni Inay sa kanila nangako na sasabihan ko siya agad pag nahanap na si Mang Hermano.
Ang alam ko ngayong araw ay may trabaho siya pero mukhang pinagpaliban niya iyon.
Hindi pag aabogado ang trabaho niya ngayon. Panandalian siyang tumigil ng pag aabogasya matapos mamatay si Tiyo Erman.
Ang alam kong kasalukuyan niyang trabaho ay taga deliver ng mga prutas sa mga bayan na malapit sa El Preve.
Kahit maliit ang sweldo ay pinagtiyagaan niya dahil para sa kanya importante na nakakain siya ng tatlong beses sa isang araw.
"Nasaan si Hermano!?"
Katulad ni Karlos ay hindi namin napigilan ang pagsugod niya. Hinampas niya ng ilang beses ang matanda.
"Dapat sayo ibitin ka ng patiwarik! Ipakain ka sa mga hayop sa gubat! Mamatay tao ka! Wala kang utang na loob sa mga taong tumulong sayo!"
Malakas ang bawat hampas niya. May bakal pa naman ang iilang parte ng bag niya at gawa iyon sa leather kaya maglalatay talaga.
"Sige. Saktan niyo pa ko tutal wala na rin naman akong kwenta!!!"
Humikbi ang matanda sa gitna ng kanyang pag iyak. Si Tiya Flora ay para bang napagod kaya nanlambot ang mga tuhod niya sanhi upang mapaupo siya sa sahig.
Biglaan siyang humagulgol kaya inalo namin siya ni Abel. Galit rin ako pero hindi ko pinairal ito. Galit ako sa mga taong sangkot ng pagkamatay ni Itay. Pero walang patutunguhan ang galit ko kapag na sobrahan kaya hangga't maaari ay kinakalma ko ang sarili. Kailangan kong mag isip ng tama yun ang paniniwala ko. Kailangan hindi magulo ang isip ko habang nag iisip ako kung paano kakalabanin sina Don Emilio at Donya Leonora.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Sa oras na nagpatalo ako sa aking galit tiyak na hindi ako makakapag isip ng tama.
Matapos na kumalma ang tatlo ay nag usap kami paano namin matatalo ang dalawang Roshan sa husgado. Sapat na ang panlaban pero kailangan namin ng kapangyarihan.
Kakailanganin namin ang tulong mga Abarquez kaya agad kaming pumunta doon. Katulad ng mga Roshan maimpluwensya ang mga iyon sa maraming bagay pero hindi nila ginagamit sa maling bagay. Ang sirena ng ambulansya at sasakyan ng pulis ay nakakabingi sa tenga. Sa paligid ng mansyon ng mga Abarquez nakapalibot ang mga taong nakikiusyoso.
"Ano pong nangyayari?" naunahan ako ni Abel na magtanong sa babaeng galing malapit mismo sa bahay ng Mayor.
"Lolo!!!" hagulgol ng batang babae na may hawak na manika.
Ang iba pang kamag anak nito ay naghihinagpis habang nakatingin sa malamig na bangkay.
Halos mahimatay ang asawa ni Don Mascar dahil sa sobrang pag iyak.
"Inatake sa puso" aniya ng babaeng pinagtanungan ni Abel. Sandali siyang tumigil sa harap namin para kumain ng mansanas.
"Hindi ako naniniwala na atake sa puso ang nangyari. Dati kasi akong kasambahay nila. Ang kwento matagal na talagang gustong patayin ni Don Emilio itong si Don Mascar. Bakit kamo? Lumalakas si Don Mascar sa mga tao. Balita ko nga rin gusto niyang kalabanin si Don Emilio sa susunod na halalan. Kaya iyan tinuluyan na"
Natulala na lang ako sa nangyari sa Mayor. Mabuti siyang tao. Hindi siya namumulitika. Magkaiba sila ng Gobernador. Kapag may proyekto si Don Mascar hindi niya binabalandra ang mukha nito o hindi kaya naman ay ipapaukit pa ang pangalan niya sa building para lang masabi na may utang na loob ang tao sa kanya.
Si Don Emilio ay iba. Lahat halos ng proyekto niya puro mukha niya ang nakabalandra pati na rin ang iba pang pulitiko na tumututol sa kanya.
"Pre, nagtext si Letty. Kailangan ko ng umuwi. Hinahanap na ko nila Inay. Ikaw ba?"
"Uuwi rin ako matapos nito. Hindi ko pwedeng iwan si Mang Hermano sa bahay ni Karlos baka kung anong mangyari sa kanya"
Bumalik kami muli doon. Ang manghuhulang babae ang pinagbantay namin sa tatlo. Hindi naman daw nag away kasi hindi naman nag iimikan kaya wala dapat akong ipag alala.
Pero hindi man sila nag away ay hindi pa rin panatag ang loob ko.
Nang umupo ako sa sala ay kinuwento ko ang nangyari para bang nanlambot sila.
"Kakayanin natin ito kahit wala si Mayor. Basta magtiwala lang tayo" sabi ko sa kanila.
Sana kahit manlang sa sinabi ko ay nabuhayan sila.
"Pre, nag update si Piper sa Facebook. Picture baka gusto mong tignan"
Ngumiti ako ng makitang masaya siya habang may hawak ng pizza.
"Sabihan ko kayang I love you sa comment box"
Nagsimula siyang magtipa pero hinawakan ko ng mariin ang palapulsuhan nito.
"Hindi na nga. Sabi ko nga, ikaw na lang mag comment. Gusto mo?"
Ngumuso ako sa sinabi niya.
"Alam mo tara umuwi na tayo. Ihatid muna natin si Mang Hermano sa simbahan"
Habang nakasakay kami ng tricycle hindi mawala sa isip ko ang ngiti ni Piper. Isama pa ang labi niya. Nangungulila ako sa halik at yakap nito.
May kung anong kumislot sa puso ko. Hindi ko na yata mararanasan ulit iyon.