Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 67: Nagsisisi



Pinatuloy kami ni Mang Hermano sa nagsisilbi nitong bahay. Maliit iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood

"Opo, Inay. Uuwi rin ako kinabukasan", sabi ko bago binaba ang tawag.

Nagpaalam akong may kailangan akong gawin. Hindi ko detalyadong sinabi dahil alang-ala ito sa kaligtasan ng matandang nasa harap ko.

"Kain na kayo" alok niya.

Tinulungan siya ni Abel sa paghahain ng pagkain. Ako naman ay tinitignan ang mga picture frame sa maliit nitong cabinet. Larawan ng masayang pamilya kasama ang pumanaw na si Fr. Kule. May larawan pang kasama ang aking Itay. "Magkakilala po ba kayo ni Itay?"

Naghila siya ng upuan pagkatapos magsalin ng tubig sa aming baso. Ako naman ay nakisalo sa pagsisimula ng kumain.

"Oo, kakilala ako ng Itay mo pero hindi kami gaanong malapit sa isa't-isa"

Tumango ako sa paliwanag niya. Si Abel ay tahimik na kumakain sa tabi ko. Parang hindi siya namamahay. Kung gaano siya kadami kumain sa kanila ay gano'n din siya rito.

"Hinay-hinay ka lang" aniya ng matanda sa kanya.

Tumawa naman si Abel kahit puno ng pagkain ang bibig nito. "masarap po kasi ang luto niyo"

"Mabuti nga kahit sinigang na bangus ay naipagluto ko kayo. Simula kasi ng namatay ang asawa ko ay wala na kong napatunguhan sa buhay. Buong buhay ko nagsisisi ako sa ginawa ko kina Erma at Fr. Kule" Sinabawan niya ang pagkain ko.

"Nangulila ako sa ganitong bagay. Ang anak kong lalaki ay isinuka ako. Hindi niya matanggap na pumatay ako ng tao. Hindi niya alam para iyon sa kanya"

Namuo ang luha sa tagiliran ng mga mata niya.

"Kung gusto niyo po malimit namin kayong da-dalawin?" si Abel iyon na ngumiti sa kanya.

Sa palagay ko naawa rin siya sa sitwasyon ng matanda. Kahit sinong tao ay maaawa sa kanya.

"Nakakahiya naman sa inyo" aniya Mang Hermano. Kita sa mga mata niya ang natatagong saya.

Ilan taon na siguro siyang naninirhan ng mag isa sa ganitong kasikip at lumang bahay. Ilang hampas ng malakas na bagyo ay baka bumigay ito.

"Wala po 'yon! Saka kung gusto niyo po contact-in namin 'yung anak niyo"

Palihim kong sinipa si Abel sa ilalim ng mesa. Tinignan ako nito saka nagkibit-balikat na para bang walang mali sa sinabi niya.

"Wala na kong magagawa sa anak kong iyon. Hindi niya alam na para iyon sa pagpapagaling niya. Pero ang tanging naging kapalit lang nito ay kalimutan ako"

Tumayo siya para magpunas ng luha gamit ang dulo ng madumi niyang damit.

"Naging emosyonal ako pasensya na"

"Natural lang naman po iyon kasi magulang kayo na nangungulila sa anak"

Awang-awa ako habang tinitigan siya. Sana ay hanapin siya ng anak nito at bigyan siya ng panahon para magpaliwanag.

Matapos kumain ay umupo kami labas ng bahay niya. Mapresko ang hangin dahil maraming puno sa paligid. Ang mga alitaptap ay sumasayaw sa kadiliman ng gabi.

Marami kaming pinagkwentuhan isa na don ang karanasan niya matapos gawin ang krimen na iyon.

Dito siya nakatira sa Gurabo noon pa man kaya kilala siya ni Fr. Kule. Hanggang sa nagpalipat-lipat sila ng bahay dahil sa trabaho niya at ng kanyang asawa.

Nakilala niya si Don Emilio ng minsan siyang nagtrabaho sa mga Vitale para sa pagpapagawa nito ng tulay na proyekto ng mga Roshan.

Kasagsagan noon ng laban ng mga Roshan sa Abarquez. Isa siya sa mga nangandidato para sa pamilya kapalit ng danyos na sapat pangkain ng pamilya niya. Hanggang sa nanalo si Don Emilio bilang gobernador. Nangangarag ang gobernador sa kalagitnaan ng kanyang pamamahala. Maraming reklamo dahil sa pangunguna ni Fr. Kule. Nang nalaman ng gobernador na malapit ang pari sa kanya at kailangan niya ng pera sa anak nito. Sinamantala iyon ng gobernador.

Matapos niyang ginawa ang krimen. Aamin sana siya sa kasalanan pero bago niya gawin iyon ay nakarating sa mga Roshan ang balita.

Pinaghahanap siya ng mga ito hanggang sa akala ng mga tauhan ng Roshan ay patay na siya. Mabuti na lang at nagmagandang loob ang taong nakakita sa kanya. Swerte niya dahil doktor iyon sa medisina. Ilang tama ang baril ang natamo niya pero nabuhay pa siya. Ang doktor na tumulong sa kanya ay nang lumaon namatay dahil sa sakit. Doon nagsimula ang pagiging pulubi ni Mang Hermano.

Nang nakapunta siya sa El Preve agad niyang dinalaw ang mansyon ng mga Roshan. Gusto niyang ipahiwatig ang pagbabalik niya. Gustuhin man niyang hanapin si Karlos pero naunahan siya ng takot. "Nung nakita kita gusto kong sabihin sayo ang lahat. Gusto kong tumulong pero pinangunahan ako ng kaba" aniya habang nakatingin sa maliwanag na buwan.

Walang bakas na pagdududa ang naramdaman ko sa sinabi niya. Kitang-kita naman kung paano siya naging miserable at pagsisihan ang ginawa niya.

"Kung makukulong ako ay maluwag kong tatanggapin iyon"

Nang lumalim ang gabi ay pumasok na kami sa loob.

"Pasensya na kayo unan at banig lang ang meron ako"

Naglatag kami sa maliit niyang sala matapos walisan ni Abel ang sahig.

"Sanay naman po kaming matulog ng walang kumot" si Abel.

Sa gitna ng pagtulog ko dumalaw sa panaginip ko si Piper. Tinatawag niya ang pangalan ko habang umiiyak siya. May hawak siyang tali habang binubuhol iyon. Biglaan akong bumangon kaya nailumpangatan si Abel.

"Ayos ka lang ba, Pre?"

Hawak ko ang dibdib ko dahil sa paghabol ko ng hininga. Nagmadali siyang abutan ako ng tubig.

"Napanaginipan ko si Piper malungkot siya"

Kumamot ang kaibigan ko sa kanyang ulo.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Alam mo tignan mo na lang ito"

Halos maitapon ko ang cellphone niya. Ano naman kaya at bakit balingkinitan na babae ang pinakita nito.

"Makatabing ng cellphone ko parang ikaw ang bumili ah" reklamo nito.

"Ayusin mo kasi ang pinag iisip mo" singhal ko.

Maliwanag ang cellphone nito habang nag i-iscroll siya sa Facebook.

"O, ayan. Nang makita mong ayos lang ang liyag mo"

Kumunot ang noo ko ng makita si Arrow kasama siya. May iba pa siyang kasama sa picture pero hindi ko maiwasan na makita si Arrow na nakatabi sa kanya.

"Mas lalo ka yatang babangutin sa nakita mo. Matagal na yan. Ayan pa 'yung unang linggo na umuwi si Piper sa Laguna saka nag usap naman kayo hindi ba?" Hindi ko alam kung pag uusap ba iyon.

"Nag usap?"

Tumango siya.

"Oo. Nag usap kayo sa tawag di ba?"

Umismid ako. "Sandali lang 'yon at hindi manlang ako nilambing"

Tinakluban ko ang bibig niya dahil sa pagtawa nito ng malakas.

"Baka magising si Mang Hermano!" bulalas ko pero parang hindi siya nakikinig. Tawa pa rin siya ng tawa.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.