Chapter 64: Trahedya
"Showbiz ka kasi, Piper!" humalakhak si Aria. Akala mo ay nakakatuwa ang kanyang biro.
Ilang minuto palang ang nakakalipas ay para bang oras iyon para sa akin. Hindi ko kinakaya ang tanong ni Pixie lalo pa at nilagay sa gitna ang kinauupuan ko. Kulang na lang tali para magmukha akong may kasalanan. "Sinasabi ko na nga ba. Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?" ang hawak niyang pamaypay ay tinututok sa akin.
Kinuwento ko kay Pixie ang nangyari pero hindi naman gaanong detalyado. Tama ng sinabi ko sa kanya na niligawan ako ni Cade at ayon nakuha niya ang loob ko. Takang-taka pa siya sa nangyari dahil alam niya kung gaano kapili sa lalaki. Pero si Cade yon may kakaiba sa kanya.
Ang tawag kanina ni Letty ay hindi na nasundan. Hindi ko naman nasagot kaya nag aalala ako para kasing urgent iyon dahil sa ilang beses niyang pag tawag.
"Hindi naman sa naglihim ako" depensa ko kahit na alam kong paglihim talaga ang ginawa ko.
"Anong tawag mo don? Tagu-taguan. Nako! Buti na lang talaga! Ikaw nga yung nasa blind item. Hindi na ko tutol dahil alam kong ayaw mo talaga kay Latrelle. Pero hangga't kayo niyong ilihim itago niyo muna"
Nakuha ko naman ang gusto niya. Malaki ang tsansa na biglang kumonti ang manood sa Paper Rings pag nalaman nilang may boyfriend ako at hindi iyon si Latrelle. Sa pag sagap ko rin ng tsismis. May ibang gusto rin ang lalaking iyon kaya tabla kami.
Sana naman yun ay pang seryoso na.
"Hindi masyadong malinaw yung picture. Baka naman may picture ka na mas malinaw"
Bago pa ko makapag browse sa aking cellphone ay naunahan ako ni Aria. Sumilip akong pasimple habang iniistalk nila ang Facebook ni Cade.
"Magsasaka talaga to?" tila ba naglaway si Pixie dahil sa picture nitong topless na may dalang sako ng bigas.
"Obvious naman! Ano bang dala niya? Bigas di ba?" nakatitig din si Aria don at tinignan ang iba pang picture.
"Part time teacher din siya" hindi ko alam kung rinig nila ang sinabi ko pero parang naaliw sila sa kung anong ginagawa nila.
"Artistahin! Grabe naman to'!" kumikinang ang mata ni Pixie ng halos ihalik sa mukha ko ang picture ni Cade na wetlook.
Kunot ang noo ko ng nakita ko iyon. Sino naman kayang nagsabing ilagay niya iyon dito?
"Kalma ka lang girl! Hindi pa kayo nung in-upload yan"
Tama nga si Aria dalawang taon ng nakakalipas simula ng pinost niya ito. May caption pang 'Mainit talaga sa Pilipinas'. Hindi ko alam kung madidismaya ako o mandidiri.
Gwapo naman siya don pero akala mo naman talaga.
"Wala na siguro kayong itatanong sa akin?"
Akmang tatayo palang ako ng tinulak ni Pixie ang magkabilang braso ko. Hindi naman ako nasaktan. Konti lang.
"Paano naman si Arrow? Pwede naman sigurong i-donate ang isang iyon sa nangangailangan?" sabi niya habang nilalaro ang sariling buhok.
Hindi man sila gaanong close ni Arrow pero naging magkasundo ang dalawa nung nandito pa ang isang iyon. Marami silang bagay na pinag uusapan na tanging silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Nalibang si Pixie ng dahil sa kanya. Ilang oras na walang nood ng TV at tanging pag uusap lang habang nakaupo sa sofa ay kaya nilang tagalan. Ganon pa man, straight si Arrow.
"Gusto mo pa sa lalaking iyon? Ang demanding kaya!"
Hindi ko napansin ang pagkuha ni Aria ng tsitsirya sa taas ng refrigerator.
"Ay! Basta" aniya Pixie. Ngumiti ako sa kanilang pagtatalo. Namiss ko silang kasama pareho. Para bang kakabalik ko lang galing El Preve.
"Saka patay na patay si Arrow sa kaibigan ko. Suntok sa buwan na magbago isip non!" sabi ni Aria na ngumunguya. Inalok niya ako pero hindi ako mahilig sa ganon kaya tumanggi ako. Dahan-dahan akong tumayo para hayaan sila.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"May pag asa pa naman na magustuhan ako ni Arrow! Mag ka-vibes kaya kami!" si Pixie.
"Eh! Basta pusta ako hanggang sa huli si Piper pa rin ang gusto non!" si Aria na hindi makapagsalita ng ayos dahil may kinakain. Lumunok pa siya para makabwelo. Umiling na lang ako sa pagtatalo nilang hindi matapos. Dumiretso ako ng kwarto. Nandon ang cellphone ko sa side table at ilang beses na tumunog. Unknown Number...
Sino naman kaya ito? Nung huling may tumawag sa akin ay manloloko. Sinabi niyang nanalo ako sa Lotto kahit hindi naman ako nataya at kailangan kong magbayad ng limang libo para makuha yung prize. Bu-bwelo palang ako ng higa para matulog ay tumawag na naman itong muli. Pero hindi ko iyon pinansin.
Nagtaklob ako ng unan pati ng kumot.
"I-block number ko na talaga ito!" pagalit kong sabi. Sinikap kong abutin ang cellphone. Papatayin ko na sana ang tawag para ituloy ang binabalak ko pero may ilang messages akong hindi sinasadyang mabuksan. Galing din iyon sa hindi kilalang numero. Sa unang salita palang alam ko na kung sino iyon.
20 unread ;messages.
Piper, sagutin mo na.
Piper, ;ako to' si Letty.
Para bang nangati ang kamay ko. Hindi ko na inintay na siya ang tumawag.
"Piper! Buti naman tumawag ka! Kanina pa kita kinukulit!"
Ano naman kayang meron at ganito na lang ang pagkakaba sa boses niya?
"Bakit kasi ibang number yung gamit mo?"
"Wala nga akong pangtawag. Kay Inay ito"
"What is it? Dalian mo na. I'm sorry I just need to sleep. Pagod kagabi" mahinahon kong sabi. Pang bawi sa matapang kong tono.
Humiga ako ng unti-unti habang binabalot ang sarili sa kumot.
"Narinig ko ang usap-usapan ng mga magsasaka. Si Cade, simula ng umalis ka minamatyagan siya ng mga tauhan ng pamilya niyo"
Nawala ang antok ko sa sinabi nito.
"Hindi yan totoo, Letty"
May kung anong pait sa dila ko. Para bang tinusok ako nito kahit na malambot iyon. Sumagi na naman sa isip ko na sila mismo ang pumatay sa sarili kong magulang.
"Makinig ka sa akin ipapatay si Cade ng mga magulang mo lalo na ng Papa mo. Galing mismo sa bibig nila!"
Abot-abot ang kaba ko. Nagmadaling isuot ang tsinelas na pangbahay. Naghanap akong damit pamalit para sa paghahanda ko sa pagbalik doon.
"Nasaan si Cade, Letty!? Ang pamilya niya! Nasaan sila!?"
Naalala ko si Dero ang nakakabata nitong kapatid. Ang nanay niya at si Cazue. Kinakabahan ako para sa kanila. Isa na naman itong trahedya.
"Hindi ko alam kung saan sila nagtatago. Pero may bago akong number ni Cade. Tawagan mo na lang siya"
Kailangan ko silang itakas doon. Sasabihin ko kay Cade ang lahat. Handa akong makipagtulungan sa kanila. Hindi lang para sa hustisya ng namatay kong mga magulang kundi para na rin sa iba pang tao.