Chapter 63: Picture Frame
"This is super elegant!" aniya Aria nasa tabi ko. Nauna na si Pixie dahil sa mga kaibigan niyang Manager din ng ibang artista.
Naghihiyawan ang mamahalin nilang suot dahil sa kintab nito. Almost all of the woman are exposing their skin. Pahabaan din ng dyamanteng hikaw. Walang magpapahuli sa pataasan ng kanilang heels. "Gorgeous! The queen is here!" isa siya sa batikang direktor na kilala ko. He's wearing a cream tuxedo. Talaga namang kitang-kita ang pagiging gastador nito dahil sa mamahaling F. P Journe watch nito. "Thank you!" nahihiya kong sabi. Si Aria ay siniko pa na para bang inaasar ako.
Anyways, thanks to her. I love what I'm wearing. It's a Charlize Theron Gucci cream dress. I have a simple earings that matched to it. While Aria is wearing a light pink dress that has a side slit and a knot.
May ilan din na nakipagkamay sa kanya dahil kilala ang pamilya nito dahil sa sikat na disenyo nila sa bahay ng ilang kilalang tao. Ilan din dito ay kilala si Aria hindi dahil sa pamilya niya kundi dahil sa achievements nito sa iba pang larangan. Magaling kasi itong kumanta at sumayaw.
Ayaw niya nga lang mag artista. Dahil hindi raw iyon ang kanyang passion.
"You look beautiful!" her eyebrows raised while she looks at me from head to toe.
Her sound a bit of sarcasm but I'm used it. Sabi nga nila, insecurity kills.
"Ang ganda rin ng kasama mo. You're Aria. Am I right?"
Ang bestfriend ko ay umayos ng tayo.
"Yes. Ako nga" ramdam ko ang pagtataray sa boses nito.
"Puberty really hits you hard.
Kumpara ng nakita ko noon ay iba ka ngayon" grabe naman ito sa papuri. Really na nga hard pa?
Napaikot na lang ang mata ko.
"Thank you" Aria said confidently.
"Itong si Piper maganda rin naman. Pero..." sandali siyang ngumisi habang pinasadahan muli ako ng hindi magandang tingin.
"Retokada" maliit ang pagtawa ng mga nasa likuran nito. Ang kaibigan niyang artista rin na palaging nasa supporting role.
"Retokada? Kung 'yung ilong mo kaya ang pitikin ko ng magkaalaman? Saka pag artista retokada agad? Kapag ordinaryong tao puberty hits?"
Tila nainis siya sa sinabi ko. She flipped her while leaving infront of me.
"Where's the lie?" pigil ang tawa ni Aria.
Sa malayo ay nandoon ang mahabang hagdan. Nagsimula na ang mismong party. Ang debutante ay naglakad pababa doon habang may spotlight sa kanya. Naalala ko noong birthday ko ng nagdalaga rin ako. Ayaw ko man pero ganito rin ang ginawa nila Mama at Papa.
Sandaling kumirot ang dibdib ko ng naisip ko sila.
Naging maganda ang buong takbo ng gabi. Sinayaw ako ni Latrelle na kumuha ng atensyon sa mga nandoon. Ang ilan naman na artistang ayaw sa akin ay halos patayin ako sa tingin. Iba kasi sa kanila ay nag audition sa Paper Rings na movie pero hindi sila ang nagustuhan.
Ang ilan naman ay gustong makatambal si Latrelle. Sa huling sandali ng gabi ay hindi pinalampas ni Aria ito. Siya na mismo ang nag ayang isayaw ni Latrelle.
Tawa siya ng tawa habang hinahampas ang lalaki. Para bang close sila dahil sa ginagawa nito. Halatang kinikilig siya dahil sa pamumula ng kanyang pisngi.
I wonder kung okay ba talaga siya at naka move on na sa kanyang ex boyfriend.
Kahit mag isa akong sa table ay masaya akong pinapanood sila. Lalo pa akong naaliw ng biglang umeksena si Pixie sa gitna ng pagsasayaw ng dalawa. Parang teleserye na pinag aagawan ang isang lalaki.
Hinila palapit ni Pixie sa kanya si Latrelle at hindi naman pumayag si Aria dito kaya hinila niyang pabalik sa kanya.
May binulong si Latrelle sa kaibigan ko na siya namang naging dahilan ng pag nguso nito. Umupo siya sa tabi ko na lupaypay ang balikat.
Walang anu-ano'y inubos niya ang wine na iniinom ko. Nagulat ako roon kaya napatingin ako sa gulat. Pero ang mga mata nito ay parang tinutusok si Pixie.
Oo nga pala crush din ni Pixie itong si Latrelle. Wala naman iyon sa lalaki dahil sanay naman siyang gustuhin ng kahit na sino.
Madaling araw na ng natapos ang party kaya hindi na kami nakapagpalit ng suot. Lahat kami ay nakatulog sa sala. Kanya-kanya ng pwesto. Ako sa pinaka malaking sofa. Habang si Aria ay sa sahig. Parang hindi lalamigin ang likod nito. Si Pixie ay sa pinaka maliit na sofa.
Si Mang Ben naman ay nagtimpla ng gatas para sa akin. Aalukin sana ang dalawa pero nauna pang natulog sa akin.
Lampas na ng tanghali ng magising kami. Ang niluluti ni Manang Digna ang siyang nagpagising sa akin.
"Kanina ka pa tumatawag ang kaibigan mo. Letty ang pangalan"sabi nito habang pinagtitimpla ako ng tsa'a.
Si Aria naman ay hindi diretso ang lakad palapit sa kinauupuan ko. Inalalayan ko pa siyang umupo dahil para bang tutumba ito.
Gulo ang buhok nito para bang may panis pang laway ng pinunasan niya ang tabi ng sariling labi. Ngumiwi na lang ako.
"Kape po ako, Manang" nakailang tequila kasi ito kagabi. Panay ang ungot na kesyo palagi na lang siyang inaagawan.
Si Pixie naman ay nakangiti ng bumawas ng juice sa pitcher. Kanina pa siyang ganyan ng gumising siya. Parang may kung anong milagro sa buhay niya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Titigan ko pa lamang ang dalawa ay parang representa sila ng magkaibang anyo ng buhay.
Pumunta ako sa kwarto dahil narinig ko ang malakas na ringing tone ng cellphone. Sobrang lakas nito dahil pinaglaruan iyon ni Aria habang nasa party kami.
Naramdaman ko ang hangin at unti-unti itong lumakas. Ang frame na pinaglalagyan ng picture namin ni Cade na nasa may bintana ay nalaglag.
Isa-isa kong pinulot ang bubog at nasugatan ang kamay ko.
"Akala ko kung ano yung nabasag. Ayos ka lang ba?", si Pixie iyon. Siguro nagbalik na sa katawang lupa ang katinuan niya.
"May sugat ka! Ako ng bahala dito" sabi nito.
Kumuha naman ako ng alcohol at bulak matapos sabunin ang daliri ko.
"Teka nga. Alaga ko. Sino itong lalaking kasama mo?"
Imbis na kabahan ako dahil sa pamahiin na dala ng pagkabasag ng picture frame ay kinabahan ako kay Pixie.
I faked a smile.
"I'll explain. But let me talk first"
Roasted ka mamaya, Piper.