Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 61: Sorry



"Salamat sa palagian na food truck" si Director Della na kanina ay nakikipagtawanan sa ibang staff bago pumunta sa aking tent.

"Hindi po sa akin iyon galing" sabi ko habang nag re-retouch.

Sa halos tatlong buwan na taping ay hindi pumapalya na magpadala ng food truck si Arrow. Para bang wala siyang pakialam sa pera na ginagastos niya.

Sabi niya ay sisikapin niyang bumalik dito para sa promotion ng pelikula kapag magaan ang kanyang schedule. Hindi ko naman siya masabihan na wag na dahil nakakahiya sa ginagawa nito para sa akin. "Sa rumored boyfriend mo? Si Arrow Vitale hindi ba?"

Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"Hindi, Direk. We're just friends. Alam naman iyon ng iba dito lalo na ni Aria"

Speaking of Aria. Ngayon lang pumunta sa set ang babaeng iyon pero hindi naman mahagilap. Panay ang kuha ng nakaw na litrato kay Latrelle.

"Si Aria? Iyon bang nasa kabilang tent?"

Hindi ko sigurado kung nandon nga siya pero tumango na lang ako.

"We'll start in ten minutes okay?" lumabas naman siya at nasalubong pa si Pixie na bumili ng paborito nitong inumin.

Ano pa nga ba? Milk tea.

"Stress ako don! Akalain mo ba naman may mga fans na naka recognize sa akin!" hinablot niya ang tissue na hawak ko. Ginamit niyang pang punas sa pawis nitong parang nagmantika sa kanyang mukha. Nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. Naghila siya ng upuan sa tabi ko saka ako tinapik.

"Nasaan na ba yung hair stylist at make up artist mo?" tinignan niyang sandali ang labas.

"Hayaan mo muna sila. Simula kanina ay hindi pa kumakain ang mga 'yon" Tumikhim siya saka sinarado ang tent.

"Sasamantalahin ko muna ang ilan pang minuto. Kaya humarap ka sa akin"

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya at minuwestra niyang ibaba ko iyon.

"Totoo bang ikaw ang nandito sa blind item? Ang mga fans niyo ni Latrelle ay dinagsa ako kanina para masagot ang tanong nila. Kahit ako din, napapatanong. Ano nga bang nangyari sayo sa El Preve?" Sigurado akong malaki ang hinala si Pixie dahil magaling ang instinct niya.

Binaling ko ang atensyon sa salamin saka inayos ang hair pin bago nag hair spray. "Don't ask me about that. Hindi ako yan"

Sa tagiliran ng mga mata ko ay nag browse muli siya sa kanyang cellphone.

"Isa pa ito. Ang sabi dito, isang artista ang dinukot. Bakasyonista sa isang probinsya"

Walang kahit na sinong ang nakakaalam tungkol dito. Ang lahat ng media ay binayaran nila Mama at Papa bago ako bumalik dito. Just to make sure na hindi ito kakalat. "Hindi naman sa ano ha. Kasi Piper napansin ko may iilan kang peklat. Alam kong hindi ka naman pabaya aa katawan. Ano ba talagang nangyari sayo?"

Para bang nanuyo ang lalamunan ko kahit ilang segundo lang ang naging pagtitig niya sa akin.

"Mag sh-shoot na daw po!"

I almost had a heart attack. Mabilis akong tumayo at hindi na inayos ang ilan pang mga make ups na nakakalat sa mesa.

"I need to go, Pixie. We'll talk about it sometime"

Pero malabo yatang mangyari na pag usapan natin ang bagay na iyon.

Lumabas na rin si Latrelle kasama ang isa pang artista na hindi ko kilala galing sa kanyang tent. Hindi ako nagulat ng makitang kumuway si Aria malapit doon.

He's wearing a strawberry shirt and denim shorts. Ang sandalyas niya ay halos mapigtal ng patakbong lumapit sa akin.

"Good luck! Actually, I'm happy that you're okay with Latrelle. Sana ay hanggang doon na lang yon!"

Tuwang-tuwa siya habang nakikisuyo na abutan siya ng upuan.

Gabi na ng natapos ang aming shoot. Nakailang take pa ko sa isang scene dahil lumilipad ang isip ko sa kaninang tanong ni Pixie.

Pagpasok ng van ay agad akong natulog. Tahimik ang paligid at tanging kanta lang sa radyo ang siyang maririnig. Para bang hinehele ako nito sa bagal tunog nito. Mahimbing ang aking pagtulog hanggang sa naalimpungatan ako dahil sa pagpasok namin sa garahe.

Nag oatmeal lang ako para sa hapunan. Masyadong pagod ang aking katawan para manatili pang mulat kahit alas otso palang ng gabi.

"Sobrang diet naman niyan"

Pinagbalat niya ko ng mansanas bago niya pinusod ang nakalugay kong buhok. Maalaga si Aria bilang kaibigan kaya mahalaga siya sa akin. Niyakap ko siya habang nakatayo saka hinagod niya ang buhok ko.

"Anong drama yan?"

Nanatili lang akong tahimik at pagod na nakayakap sa kanya. Gusto kong mabawasan kahit kaunti ang pagod ko.

Nakakapagod malaman ang mga bagay. Parang hindi ko yata kakayanin sa mga susunod pang araw.

"May tumawag kanina sa landline mo" bulong iyon na halos hindi ko marinig.

Inakyat ko ang aking tingin dahil nakaupo lang ako.

"Ang gwapo ng boses. Yun pala si Cade!"

"Shhh!!! Baka marinig ka ni Pixie" humagikhik siya sa sinabi ko.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Kinukumusta ka lang niya. Sinabi pang wag ko na daw sabihin. Eh kaso madaldal ako" kinamot niya ang sariling ulo.

"Wag na muna natin siyang pag usapan" pagod akong naglakad papuntang kwarto. Si Pixie ay kababa lang galing don na hinakot ang gamit ko.

"Magpahinga ka na" tinapik ni Pixie ang balikat ko.

Si Aria naman ay nakasunod sa likod ko.

"Aria, wala ka pa bang nahahanap na bagong kusinera?"

Yung kusinera namin ay tumawag sa akin kailan lang. Hindi na siya makakabalik dahil masyadong malayo ito sa kanilang probinsya at gusto niyang lingguhan ang uwian. Idagdag pang nakahanap siya ng trabaho doon. Babalik naman ang dalawa pang kasambahay pero matatagalan din sila. Kung wala dito si Aria sigurado akong makalat ang aking bahay.

Masyadong mahaba ang pagstay ko sa shoot kaysa dito kaya wala akong panahon para maglinis.

Bukas naman ay tigil muna kami kaya pwede akong tanghaliin ng gising.

"May mga nahanap na ko. Nilagay ko sa table mo yung mga resume nila tignan mo na lang"

Pinagbuksan niya ko ng pinto saka lang siya umalis ng makitang magpapalit ako ng damit.

"Maiwan na kita" aniya.

Tinignan ko naman isa-isa ang mga resume na sama-sama sa isang folder. Natigil lang ang ginagawa ko ng may tumawag.

Si Papa lang pala iyon. Humiga ako sa aking kama saka nagtipa ng mensahe.

I'm sorry, anak.

Kumunot ang noo ko.

There's nothing to say sorry. Hope you're doing fine, Papa.

Nagtaklob ako ng unan habang iniintay ang reply nito pero mas nauna pa ang pagdalaw ng antok kaysa sa mensahe nito


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.