Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 60: Patawarin



"Binasa mo na ba yung script?", Pixie asked while sipping his milktea.

Unang araw ng pagdating ko ay agad niya sa akin pinakita ang script para maging handa ako. Ang sabi niya ay inaral iyon ni Latrelle last week pa matapos ang teleserye nito sa telebisyon. "Yup. Maganda", tipid kong sagot habang nagpapalaman ng tinapay.

Ngayon ay oras ng siesta kaya kagigising ko lang. Si Arrow ay mahimbing na natutulog sa guest room habang si Aria ay naglalaro ng Xbox. Tinuturuan niya si Mang Ben para naman daw hindi mainip. "You look exhausted. Bakit parang problemado ka?", tinignan ko ang sarili ko sa maliit na salamin sa kusina. Dinampot ko iyon sa taas ng refrigerator.

Malalim ang mga mata ko at kitang-kita ang pagkapagod. Kanina lang ako nagkaroon ng sapat na tulog. Sa ilang araw ko dito ay kada gabi hindi ako matulog. Iniisip ko ang kalagayan ni Cade. Iniisip kong hindi yata tama ang ginawa ko na sana ay pormal akong nagpaalam sa kanya. Masyadong magulo ang iniisip ko. Hinimas ko ang aking sentido matapos ibalik ang salamin kung saan iyon nakalagay.

"I'm okay Pixie as always. Alam mo naman ako gusto kong ginagawa ko yung best ko kapag meron akong pelikula"

Binigay niya sa akin ang isa sa mga milktea na nasa katapat niyang mesa. Siguro ang iba don ay para kila Aria, Arrow, at Mang Ben. Kasama rin don ang pizza na in-order ko.

Hindi pa kasi nakakabalik ang ilan kong kasambahay kaya wala pang tagaluto. May tagaluto naman ako, iyon ay si Aria kaya hindi naman ako problemado. Kaya ko naman din maglinis ng bahay dahil tinutulungan naman ako ni Mang Ben. Si Arrow naman walang ibang maasahan sa kanya kundi ang pagrereklamo sa materyales na ginamit sa bahay ko.

Madalas ay hindi ko siya pinapansin kahit si Aria ay problemado rin sa kanya. Dahil pati maliliit na bagay ay ginagawa nitong big deal.

"Milk tea!" si Aria iyon matapos maghikab sa harap ko ng makita ang kanyang paborito.

"Tumawag si Letty naiwan mo yung cellphone mo sa kwarto ko" sabi nito ng naghila siya ng upuan.

Nagmadali naman akong tignan ang cellphone ko.

10 missed calls.

30 messages.

Masyado yata akong bingi na hindi ko narinig ang ringing tone ng cellphone ko. Lalo na itong si Aria dahil patay siya sa tulog kanina lang.

Hindi na ko nag aksaya ng oras na basahin pa ang mga messages nito. Sinarado ko ang pinto para makasiguradong walang makakarinig.

"Hello?" siya ang unang nagsalita. Dinig ko pa ang ingay ng washing machine. Marahil ay naglalaba siya.

"Kumusta bakit ka napatawag?" I have this feeling that it's might be something urgent o baka naman iniintay ko lang na mag update siya tungkol kay Cade.

"Kinukulit ako ni Cade. Ano bang sasabihin ko sa kanya?" iritado ang boses nito. Ang maingay na boses nila Abel at Lois ay dinig din.

Nasaan kaya ang mga ito at masayang-masaya sila?

"Sabihin mo lang na ayos lang ako" gusto kong ako ang magpaliwanag sa kanya pero hindi ito pwede.

"Hindi ka manlang nangamusta matapos mong umuwi dyan" nagtatampo ang boses nito.

"Madami lang iniisip. Wag kang mag alala I'll get you an autograph" tinukoy ko 'yung kay Latrelle. Avid fan kasi si Letty ng lalaking iyon. "Siguraduhin mo lang ha!" sabi nito at natapos na ang ingay ng washing machine.

"Oo naman. Sa susunod ay isasama na kita dito"

Impit siyang tumili na agad naman na sinuway ni Abel.

"Hoy! Sino yang kausap mo ha!"

"Wala! Hindi ko ito boyfriend!" paliwanag ni Letty.

Kahit malayo sila ay pakiramdam ko nakikita ko ang bawat reaksyon ng kanilang mukha.

"Oo nga pala. Hinahanap pala ng Mama mo yung Romeo and Juliet. Galit na galit nga kanina at hindi makausap ng ayos ng Papa mo"

Biglang naging malakas ang pintig ng puso ko. Dahil inuwi ko ang librong iyon kasama ang mga larawan na kailangan ko. May hahanapin akong tao at buti pinaalala iyon ni Letty ng hindi niya namamalayan. "Hindi ko alam kung nasaan baka hindi niya lang maalala kung saan niya nilagay"

Sinungaling ka, Piper. But your acting is good. Alam kong makukumbinsi ko siya.

"Sana nga. Mukhang importante kasi yung libro. Ilang beses kasing nagdabog si Donya Leonora"

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

There's something fishy na hindi ko alam kung alin kaya gusto kong alamin. The girl named Prescilla looks like me. O, baka lang naman nag i-ilusyon lang ako.

"Piper" sa nginig ng kamay ko ay halos mawalan ng balanse ito. Buti na lang at madali akong nakahuma.

Mumukat-mukat si Arrow na nakahawak sa serudura ng pinto.

"I'm sorry nakatulugan kita kanina. Gagalingan ko na lang. Babawi ako mamaya"

Kahit medyo mainit ang dugo kay Arrow ay nakakatulong siya sa sa akin para masaulo agad ang script ko. Nung una ay mukha pa siyang napipilitan at nahihiya dahil sa pagtawa ni Aria. Malakas kasing mang inis ang babaeng iyon pero si Mang Ben ay tuwang-tuwa sa kanya.

Alam niya naman na hindi gagawin ni Arrow ang bagay na hindi siya interasado.

"Tara na. Hinahanap ka ni Pixie. Sino ba 'yang kausap mo?"

Gulantang akong napatingin sa aking cellphone. Sigurado akong nakikinig si Letty kaya hindi siya naimik mula sa kabilang linya.

"Co-artist lang"

Tumango naman siya parang hindi sigurado kung maniniwala sa akin.

"Uh huh? Alam kong wala kang close na kapwa mo artista"

Hindi ko alam kung anong pinupunto but I really want to end our conversation lalo na at naghihintay si Letty.

"Magpapaalam lang ako sa kausap ko, Arrow. May milktea doon para sayo"

Ilang segundo pa siyang tumitig bago umalis. Huminga ako ng malalim ng makitang tumalikod na siya.

"Letty nandyan ka pa ba?"

Buhay ang tawag pero walang nasagot. Tahimik din ang background nito.

"Letty?" para bang may kung ano akong naramdaman. Weird cause something I don't know gives me chills.

"Liyag" tuyo ang boses nito. Hindi ako makaimik. That husky and sweet voice I know it's him.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Suddenly, I want to hug and kiss him.

"Alam kong naririnig mo ko. Kahit hindi ka umimik basta makinig ka lang sa akin" may tumusok na kung ano sa puso ko.

Alam ko maiintindihan niya kung bakit ko ito ginawa.

"Mahal na mahal kita. Sa pagbalik mo sana ay mahal mo pa rin ako at ang pinaka importanteng sasabihin ko sayo ay..." He breathed heavily.

"Sana mapatawad mo ko"

Hindi ko na napigil ang sarili ko.

"May ginawa ka bang kasalanan?" nag iipon ang luha ko sa aking mga mata.

"Malalaman mo rin pagbalik mo dito. Hindi iyon kasalanan, Piper. Pero gusto kong patawarin mo ko"

"Mahal kita kaya kahit anong bigat pa niyan ay mapapatawad kita"

Malakas ang pagtibok ng puso ko.

"Kahit pa may kinalaman iyon sa pamilya mo?"

Hindi ko nakaimik.

"Ang pamilya mo Piper... Sila... Sila ang pumatay sa Itay ko... Sa iba pang magsasaka... Sa iba pang testigo..... Kaya sana patawarin mo ako..." Huminga ulit siya ng malalim.

"Patawarin mo ako dahil nangako ako sa aking Itay na bibigyan ko sila ng hustisya. Patawarin mo ako"

"Handa akong lumaban at ipakulong ang mga magulang mo. Kaya sana patawarin mo ako"

Ilang patawad sinabi niya. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang sumaya dahil makakamit na ang hustisya? O, malungkot dahil makukulong ang mga magulang ko?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.