Chapter 55: Pagkamatay
Someone's POV
"Father napag alaman ko na ang kontrata sa lupa ng mga Roshan ay peke lamang. Nandito rin ang listahan ng mga magsasakang niloko nila at pinatay. Isa rin sa mga kalokohan niya ay Malversation of public funds,", pagpapaliwanag ni Atty. Verticio ang isa sa pinagkakatiwalaan ng kapatid ko.
Isa siya sa kilalang abugado sa bayan na ito. Sa dami ng mga kinalaban nito ay kahit pulitiko hindi niya sinasanto. Kung minsan ay hindi siya natanggap ng bayad lalo na't mahirap ang kanyang kliyente. Makatao siyang abugado na hindi nagtra-trabaho para sa pera.
Nilapag ko ang kape sa lamesita na kanina pang hinihintay.
"Kailangan natin mahanap ang ilang testigo", dagdag ni Atty. Verticio na kasalukuyang sumimsim ng kape.
Ang kapatid ko naman ay tinignan maigi ang ebidensya. Pumasok siya sa kanyang opisina saka sumunod doon si Attorney. Seryoso ang pag uusap nila na para bang hindi maputol-putol.
Nang bumalik sila ay umupo ako sa tabi ni Father Kule, ang kapatid ko. Masyadong malayo ang agwat ng edad namin ngunit hindi nagkakalayo ang ugali namin dalawa.
"Siguradong pag iinitan kayo ni Don Emilio. Nagpunta siya dito nung isang araw hinahanap ka", sabi ko.
Kailan lang ay nagpunta dito si Don Emilio. Nagtaka rin ako kung bakit hindi na lang siya dumiretso sa kapilya para hanapin ang kapatid ko. Kasama rin nito ang mga tauhan niya.
Napag alaman kong sakot sila sa sunod-sunod na pagkamatay ng ilang magsasaka. Sinaktuhan pa nilang may engkwentro ang militar at mga rebelde kaya nagtuturuan ang dalawang panig kung sino nga ba ang may kagagawan.
Isa na rito si Presigo Paez, kailan lang siya namatay. Siguro ay isang buwan palang ang nakakalipas. Isa sa siya sa mga magsasaka na nanawagan ng hustisya upang mabawi ang lupain nito.
Malapit siya sa kapatid ko at ganon na lamang ang simpatya nito sa kanya. Bukod sa maka Diyos ito ay makatao din siya. Sa palagay ko nga ay nag iinit na ang pang upo ng mga Roshan sa kanya. Lalo na't sa pagkakaalam ko ay natunugan ng mga ito na kumakalap siya ng ebidensya para maipakulong siya.
"Hayaan mo siya. Sigurado akong ilang linggo na lang ay matatapos na ito", kalmadong sambit ni Father saka tumango itong si Atty. Verticio.
"Na kay Flora ang ilan pa. Sa totoo lang ay tinutulungan niya ko tungkol dito. Alam mo naman iyon Father malapit iyon sa mga magsasaka"
Bumalik naman ako sa kusina ng maalala ko ang niluluto kong sopas na paboritong ihanda namin kapag may bisita.
Hindi naman gaanong malayo ang kusina sa sala kaya rinig ko ang pagbukas ng pinto at pagtuloy ng bisita. Sandali akong sumilip kung sino ang mga iyon.
Si Engr. Vitale kasama ang isa pang lalaki. Sa pagkakaalam ko ay kaibigan din ito ni Father.
Pinaupo nila ang mga iyon. Nagtatawanan sila ng magsimulang magkwentuhan hanggang sa mukhang sumeryoso ang usapan. Ako naman ay abala sa ginagawa ko. Ang lahok ng sopas ay hinalo ko kasama ang gatas.
Nakakabingi ang katahimikan kaya sandali akong tumingin. Para bang may abutan ng perang na nagaganap pero hindi iyon tinanggap ni Father at ni Atty. Verticio.
Sa gulat ko ay naglabas ng baril si Engr. Vitale. Hindi ko akalain na magagawa niya ito. Nanginginig ang kamay niya habang tinututok iyon kay Atty. Verticio.
Ang katabi naman nitong si Hermano ay hindi alam ang gagawin. Binigay sa kanya ang baril nito habang ako ay bilis-bilis na nagtago sa ilalim ng mesa. Nagtitipa ng numero upang matawagan ang pulisya pero wala manlang sumasagot. Nagpadala na lang ako ng mensahe hanggang sa nakarinig ako ng sunod-sunod na pagputok ng baril.
"Anong gagawin natin!", naghihikaos at sigaw na sabi ng kasama ni Engr. Vitale.
"Hanapin mo yung ebidensya!", singhal naman nito sa kanya.
Dahan-dahan ngunit mabilis ang paglabas ko papunta ng likod bahay. Umaalingaw-ngaw ang sirena ng mobil ng pulis.
"Dalian mo!", aniya Engr. Vitale. Nang makasiguradong lumabas na sila ay saka ako umalis sa aking pwesto. Unang tumambad sa akin si Atty. Verticio na maraming tama ng bala sa katawan. Halos mawalan ako ng dugo dahil sa nakikita ko ngayon.
Sumunod naman ay ang kapatid kong nakahandusay at halos lumangoy na sa sarili nitong dugo. Hindi ko napigilan ang pagyakap sa malamig nitong bangkay.
"Kuya! Kuya!", halos mawalan ako ng boses habang pinagmamasdan siya.
Hindi ko maiwasan na magwala sa harap ng mga pulis dahil sa bagal ng kanilang pag responde.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Ang isa don ay kilala ako dahil naging kaklase ko siya noong highschool pa lang kami. Dumating din ang SOCO upang alamin ang pangyayari.
"Tumakas ka na. Sigurado akong ikaw ang isusunod nila", bulong niya. Pero mariin ang naging pag iling ko.
"Makinig ka sa akin, Karlos. Kung hindi ka magtatago ay isusunod ka nila. Sigurado akong ayaw mong masayang ang pinaghirapan ni Father. Hindi ba? Pati yung pinaghirapan mo. Ilan na sa mga kasama mong reporters ang pinatay. Panay hindi ito ineembestigahan. Kung imbestigahan man ay agad na sinasara ang kaso"
Isa ako sa mga journalist na nag co-cover ng tungkol sa mga patayan na nagaganap sa lugar na ito. Pero wala ako ng pinaslang si Presigo Paez, ang nag cover nito ay ang kaibigan ko. Alam niya ang detalye na frame up lang ang nangyari. Ang mismong si Don Emilio dito kasama si Engr. Vitale na pinahirapan muna nila bago patayin. Nung una ay hindi ako naniniwala sa paratang niya kay Engineer pero ngayon malinaw na sa akin ang lahat.
"Sa ngayon ay wag ka munang magpakita para sa kaligtasan mo. Lumayo ka muna", tinapik ako nito sa braso.
"Alam ng aming hepe ito bago pa mangyari kaya hindi agad kami naka responde", pahabol pa nito. Mabuti nga't ang mga kasama niyang pulis ay kilala din ako.
Simula ng umalis ako sa bahay na iyon na malayo sa kapitbahay ay hindi na ako muling tumapak doon Namuhay akong mag isa bilang ibang pangalan hanggang sa isang manghuhula ang nakakuha ng tiwala ko.
Hindi pa rin naman naaalis sa isipan ko ang hustisya pero natatakot ako na baka mapunta ito sa wala kagaya ng mga naunang sumubok.
Nang makita ang anak ni Presigo ay nabuhayan ako pero hindi pa rin iyon sapat.
Nilinisin ko ang puntod ng kapatid ko na ilang buwan ko ng hindi nadadalaw. Malayo kasi ito sa Gurabo. Sa El Preve siya inilibing dahil doon ang unang naging kapilya nito.
Pinalabas nilang pinatay ng magnanakaw ang kapatid ko. Nabalitaan ko rin na sumunod dito ay pagsunog sa dating tinitirhan nilang mag asawa. Napag alaman kasi na himalang nabuhay si Atty. Erman Verticio at doon na siya natuluyan. Ito rin siguro marahil ang naging dahilan ng pagtatago ni Atty. Flora Verticio, ang asawa nito.