Chapter 54: Pinag isa tayo
"It's delicious!", aniya Piper habang kumakain ng pares. Ngayon palang siya nakatikim ng ganito. Habang tinitigan ko siya ay natutuwa ako. Kahit nakaw lang ang sandaling magkasama kami ay masaya siya.
Dinala ko siya sa kinainan kanina ni Lolo Hermano. Umasa kong baka nandito siya pero ang sabi ng serbidora ay minsan lang niya makita yon.
Kwento niya pa ay napunta lang ang matanda dito kapag may kasama. Minsan ay binibigyan niyang pagkain kapag nahuhuli niyang nakatanaw lang ang matanda sa labas.
"Bakit ang bagal mong kumain? Ayaw mo ba ng lasa?", tanong ni Piper na pang abot ang subo ng kutsara.
"Hindi naman. Gusto ko kasing pinapanood kang kumain", namula ang magkabilang pisngi niya.
"Mabuti na nga lang at dito mo ko dinala. Minsan lang akong kumain sa lugar na hindi ako kilala", totoong hindi siya kilala. Pagpasok palang namin ay tinanggal niya kaagad ang suot nitong peluka at salamin pero wala manlang nakakilala sa kanya.
Maliban na lang ang may ari ng kainan na ito. Sige pa ang tanong niya kay Piper habang namimili ito ng order. Kwento nito ay gusto niya ng fashion sense ng girlfriend ko. Sayang nga lang daw at hindi pang babae ang katawan niya kaya hindi niya lubos magaya si Piper.
"Madalas kitang mapanood sa TV! Kabog ang mga damit mo doon! Saka tignan mo ngayon! Simple shirt and jeans ay dalang-dala mo", madaldal niyang kwento na para bang hindi tumatalsik ang laway niya sa akin. Si Piper naman ay ngiting-ngiti sa lalaki.
"Talaga po? Salamat po ha. Sakto may hand lotion ako dito sayo na lang. It's my way of thanking", aniya Piper saka binigay ang produktong inendorsa niya sa TV. Minsan ko ng ginamit iyon pero hindi sanay ang kamay ko kaya tinigil ko. "Saka pwedeng pa-picture na rin mamaya pagkatapos niyong kumain?", kumikinang ang mga mata niya habang iginaya kami sa aming pwesto.
"Yeah. Sure. Why not?", sagot ni Piper. Labas ang pantay niyang ngipin sa pag ngiti.
Yun nga ang ginawa ng lalaki matapos namin kumain. Ang ilan niyang serbidor ay nagtaka dahil sa inasta nito pero ang iba sa kanila ay nakilala din si Piper. Hindi naman nila pinaglagpas ang pagkakataon kaya kumuha din silang litrato kasama nito.
"Sorry. It's not supposed to be like that"
Naglalakad kami pabalik ng simbahan para magdasal.
"Masasanay din ako saka minsan lang iyon"
Hinuli ko ang kamay niya saka sinalikop iyon sa akin. Nangusap ang aming mga mata ng nagtagpo iyon.
"Siguro dapat na rin akong magsanay kung paano maging photographer"
Tumawa kaming dalawa sa sinabi ko. Nang makabawi sa aming paghinga ay ako naman ang nagsalita.
"Ayos ka na ba ngayon?", pinasadahan kong maigi ang mukha nito. Sariwa pa ang mga sugat kaya kitang-kita na tinakluban niya lang iyon gamit ng make up niya.
Iritado siyang lumayo ang tingin. Pilit na iniiwas ang mukha niya.
"Gusto kong makita yan. Nagpakonsulta ka na ba? Hindi mo dapat tinatakpan yan ng kung ano dahil baka maimpeksyon"
Tahimik lang siya habang dinuduyan ang kamay ko. Para siyang batang pinagalitan ng magulang.
"Liyag", hinigit ko siya palapit sa akin saka hinalikan sa noo. Para siyang bagay na mabilis mabasag kaya niyakap kong siyang maingat.
"Kung anuman ang problema mo nandito lang ako. Kahit hindi ko alam yan nandito lang ako. Sasamahan kita. Magkasama tayong haharapin ito. Kung gusto mong umiyak ay nandito lang ako", unti-unti kong naramdaman ang pag higpit ng yakap niya at ang init ng luha nito sa damit ko.
"Alam kong masama ang loob niyo ni Donya Leonora sa isa't-isa. Ramdam ko iyon ng kaunin ka kahapon. Ramdam ko iyon dahil hindi ka sumasagot sa mga tawag ko. Iiyak mo lang yan tapos magdarasal tayo", hinagod ko ang likod niya hanggang sa matapos siyang humagulgol.
Kinuha ko ang suklay niya sa shoulder bag nito saka pinusod ang buhok niya. Ang tissue niya ay ginamit kong pamunas sa mukha nitong basa saka pinolbohan siya. Suminga rin siya sa panibagong tissue na hawak ko. "Nakakahiya!", para bang hindi siya galing sa pag iyak dahil sa wagas nitong pagtawa. Paano ba naman ay umawas ang sipon niya.
"Bakit mahihiya? Sipon lang yan", sabi ko.
Buong paglalakad namin ay puro tawanan ang ginawa namin. Walang humpay na usapan para bang walanh problema kinabukasan. Masaya ang bawat minutong hindi ko makakalimutan. Yung tawa niya, yung pagsimangot niya, basta ang lahat.
Sinabi niyang malapit na siyang bumalik sa Laguna kaya gusto niyang sulitin ang nalalabing mga araw. Tumawag si Pixie ang manager nito na mapapadali ang uwi niya dahil sa upcoming endorsements niyang dapat gawin. Hindi ito pwedeng tanggihan dahil malaki ang pangalan nito sa industriya.
Mahinang pagtakbo ang ginawa namin ng pumasok kami sa simbahan. Saktong may misa pala ngayong oras. Malapit sa may hulihan kami pumuwesto.
"Swerte na nga", sabi ko. Ito ang isa sa hiling ko ang makasama siya habang nakikinig sa salita ng Diyos. Isa rin sa pinaka malaking hiling ko ay maikasal sa kanya, sa simbahan ng El Preve.
"Oo nga. Maybe it's a sign that we'll last forever", humagikhik siya sa sariling sinabi.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Ang matandang babae na katabi ay dinilatan kami ng mata. Sumenyas siyang wag maingay kaya kinagat ni Piper ang ibaba nitong labi.
"Wag daw maingay", paano ay humagikhik pa rin siya.
Buong misa ay hindi maiwasan tumingin ng matanda sa amin.
"Naalala ko yung kabataan ko sa inyo", sabi nito.
Dahil nasa unahan namin siya at siksikan dahil sa dami ng taong kasabay namin ay para bang nakasunod kami sa kanya.
"Magtitirik din akong kandila", bumili din siya sa pinagbilhan ng matanda.
"Yung asawa ko naalala ko sa kasintahan mo", panimula ng matanda habang sinisindahan ang hawak niya.
"Ganyan din siya sa akin. Swerte ko rin dahil kahit kailan ay hindi siya nagkaroon ng kerida. Dahil ako lang ang sinasamba niya. Ako lang ang minahal niyang babae sa tana ng buhay niya. Yun nga lang ay maaga siyang nawala. Kaso lang hindi niya natupad yung huling pangako niya", na kuryoso naman ako kahit si Piper ang kausap nitong nasa unahan ko.
"Ano po yon?", ani Piper.
Bakas ang lungkot sa mukha nitong lumalaw na ang balat dahil sa katandaan.
"Ang mamatay kaming magkasama"
Gulat si Piper sa sinabi nito.
"Mahirap po iyon pero hindi po ba dapat kayong matuwa dahil minahal niya po kayo na ikaw lang?"
Hindi ngumiti ang matanda at umuna ng maglakad ng inabot ng tindera ang sukli nito.
"Sa palagay ko takot lang siyang mag isa", sabi ni Piper habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep.
"Nakakatakot naman talaga"
Tumingin siya sa akin.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Siguro naman may anak siya kaya hindi siya nag iisa"
"Hindi rin iyon sapat, Liyag"
"Sapat na iyon!", kumunot ang noo niya.
"Sige nga. Kakayanin mo bang mag isa kung patay na ko?"
Ngumiwi ang mukha nito saka hinampas ako.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Ibang usapan yung kanila. Matanda na sila at may anak"
Sumeryoso ako ang tingin ko sa mga mata nito.
"Kasi ako, kung mamatay ka, mamatay din ako"
"You're dramatic", aniya saka hinila ako sa nagtitinda ng toron.
"I love you para hindi ka na mag drama", sabi niya.
"Ayoko niyan"
"Eh. Ano ba dapat?"
"Mahal kita. Pag I love you magkahiwalay ang I sa You. Pero sa mahal kita pinag isa tayo"
Tumango-tango siya na para bang nagandahan sa sinabi ko.
"Mahal kita, Liyag", siya lang ang nakikita ko sa paligid. Sa lakas ng tibok ng puso ko alam kong siya na talaga. Siyang-siya na.
Para bang namilipit ang dila ko kaya hindi ko kaagad nakasagot pero nalabanan ko naman iyon.
"Mahal din kita, Liyag"
Alam kong mahirap na laban ito pero kakayanin natin dalawa.