Chapter 52: Sakripisyo
"Kuya!", inalalayan ako ni Cazue sa paglalakad. Hingal akong umupo sa aking kama.
Kinuha niya ang first aid kit sa ilalim ng study table ko. Agad niyang ginamot ang aking sugat.
"Nasaan sina Dero at Inay?", tanong ko habang nagpapatayo sa bawat dampi ng bulak na may betadine sa aking mukha. "Dadalawin lang daw si Tiya Flora", nabanggit ko kay Inay ang tungkol sa kanya na ikinatuwa naman niya.
Simula ng sinabi ko ang tungkol doon ay palaging masaya si Inay. Hindi na rin madalas ang pagiging malungkutin niya sa gabi. Minsan ng dumungaw ako sa kwarto niya ay kausap niya ang larawan ni Itay. Sinabi niyang malapit ng magbigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.
Sa ilang araw kong paghahanap sa kay Karlo, ang kapatid ni Padre Kule, ay hindi ko pa rin siya nahanap. Napag alaman kong isa siyang journalist reporter. Sa kabilang bayan ko nakuha ang impormasyong iyon dahil ang ilan sa mga taga roon ay naging kaibigan nito.
May sabi-sabi rin na patay na ito at meron naman nagsabing kasalukuya itong nagtatago. May kinalaman daw iyon sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga magsasaka.
"Napaano ka Kuya? Gawa ba ito ng mayabang na Arrow?", sabi nito habang patuloy na ginagamot ang sugat ko.
"Magpainit ka na lang ng tubig", tumango siya at ginawa ang sinabi ko.
Tinanggal ko ang damit ko saka hinawakan ang mga sugat at pasa'ng natamo ko.
Lumabas ako ng kwarto pagkakuha ko ng towel sa drawer.
Inalalayan ako ni Cazue papuntang banyo. "Pati ba sapatos mo pinagdiskitahan din ng mayabang na yon?"
Natawa ako sa tono ng boses niya. Mas galit pa siya sa akin samantalang ako ay kalmado na.
"Sa susunod Kuya isama mo ko sa mga lakad mo para naman makabawi ka. Isa pa asa lang naman yon sa mga alalay niya"
Pinili ko na lang manahimik kaysa gatungan ang sinabi niya. Mas uunahin ko pang isipin ang kapakanan ni Piper kaysa bumawi kay Arrow. Alam ko naman ang totoo kaya ganon ang galit niya. Bukod sa ako ang mahal ni Piper. Natatakot siya sa mga hakbang na pwede kong gawin ko.
Nung isang araw ay nahuli ko na mag sumusunod sa aking lalaki habang naglalakad ako. Matagal ng panahon na rin ang nakalipas simula ng may nagmamatiyag ng bawat kilos namin. Napansin kong bumalik ito simula ng nagkaroon ng chismis sa pagitan naming dalawa ni Piper.
Maaga akong gumising dahil maaga palang ay umalis na si Inay upang magsaka. Hindi ko alam kung anong oras silang nakauwi ni Dero kahapon. Hilaw pa kasi ang gabi ng natulog ako.
"Magandang umaga sayo, Pre", si Abel iyon. Ang mga mata niya ay hindi ko maintindihan kung kinagat ba ng insekto o pugto.
May dala siyang sariling tasa saka malugod na umupo sa kusina. Nakade kwatro ang paa niya at panay ang hikab.
Lalagyan ko sana ng mainit na tubig iyon pero napansin kong may laman pala.
"Akala ko naman ay hihingi ka ng kape"
Umupo ako sa tabi niya matapos magsalang ng sinaing. Nalimutan ni Inay magbalot. Siguro bibili siyang lugaw sa kanyang dadaanan. Mahilig siya sa roon lalo na tuwing umaga at may gagawin siyang trabaho. "Nag away kami ni Lois. Ano bang dapat gawin ko? Gusto niyang magtrabaho ako sa kumpanya nila"
Tumikhim ako saka nag isip-isip.
"Ipaliwanag mo sa kanya ng ayos. Ayaw mo bang makasama siya sa trabaho?"
Kung ako ang tatanungin gusto kong magkatrabaho si Piper kung pareho kami ng gusto. Hindi naman sa mababantayan ko siya sa mga umaaligid sa kanya. Gusto ko siyang makasama araw-araw para alam kong ligtas siya. "Hindi ko masabi. Wala pa kasi siyang alam sa nangyari noon"
Tungkol iyon sa mga Vitale. Masyadong madumi iyon dahil nga isa sila sa pinagkakatiwalaan ng mga Roshan ay nakagawa ng ganong bagay ang Ama ni Lois.
Hindi lumitaw ang kasong iyon dahil nanalo si Emilio Roshan bilang gobernador ng panahon yon. Bukod sa makapangyarihan silang pamilya ay mas nadagdagan ang kapit nila dahil sa mga Roshan.
"Bakit mo masyadong pinersonal ang bagay na iyon? Labas ka na don wag kang mag alala. Hindi naman ako mangingialam sa kung anong desisyon mo"
Sa isang banda ng isip ko ay totoong kaibigan si Abel. Ilang beses niyang pinatunayan iyon. Isa na rito ang ngayon. Inisip pa ang nararamdaman ko kaysa sa kanya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Hindi naman sa wala akong utang na loob sa mga magulang niya pero alam mo naman kung na ayoko sa ginawa nila. Para ko na rin pinagkanulo ang sarili ko kung pati sa kumpanya nila ay makikisali ako"
Noong nalaman niya ang tungkol dito. Ilang beses niya kong kinausap. Gusto niyang bitiwan ang scholarship pero hindi niya ginawa. Kulang ang pinagsamang sweldo ng magulang niya pangbayad ng matrikula niya sa eskwelahan. Dagdag pang nag aaral din si Letty.
May sweldo ang kapatid niya pero hindi rin yon sapat para sa pang araw araw nilang gastos. Sa katunayan nga siya dapat ang magiging personal driver ni Piper pero hindi pumayag si Mang Ben. Imbis na si Abel ang lumayo ay siya na lang. Sumasideline naman si Abel pero magastos kasi ang kaibigan kong ito. Mahilig siyang makipagpustahan sa basketball pero natatalo lang.
"Maiintindihan ka naman niya. Wag mo lang siyang bibiglain sa malalaman niya"
Marami pa kaming napag usapan ni Abel na hindi lang tungkol sa kanilang dalawa ni Lois. Nalaman niya kay Letty na nag utos ang mga Roshan sa mga tao nito at sa pulis na hanapin si Piper.
Binantaan niya ko na baka pag initan ako ng mga iyon. Dagdag pa nito inalis sa trabaho ang isa sa mga kasambahay nitong kasama ni Piper ng gabing iyon.
Tanghaling tapat ay nag aabang ako ng pag uwi ni Inay pero imbis na siya ang dumating ay grupo ng mga pulis. Akala ko ay aarestuhin ako. Kahit ang dalawa kong kapatid ay nagulat. Mabuti na lang at ang hepe ay mabait sa akin. Nagtanong lang naman siya tungkol sa nangyari ng gabing iyon at umalis din kaagad.
"Kuya, saan ka pupunta?", si Dero na kausap ang kalaro niya sa labas ng bahay.
"Importanteng lakad lang", napansin kasi nito ang pagpalit ko ng damit at ang basa kong buhok.
"Kuya gusto ko din ng ganito!", tinuro niya yung hawak na robot ng batang kalaro niya.
"Bibilhan kita basta umuwi ka bago ka maabutan ni Inay na naglalaro sa kalsada"
Tama naman ang panahon. Hindi maaraw at hind rin maulan kaya hindi ko siya pinigilan sa gusto niya. Nagawa niya na rin naman mag aral kanina.
Umupa ako ng tricycle na naghatid sa akin sa bundok na iyon. Nahirapan akong kumbinsihin siya dahil delikado ang lugar na iyon. Mabuti nga't mabait siya kaya sa huli ay pumayag naman.
Ang bawat paghakba ko ay maingat. Hindi ko inalintana ang kaba basta mailigtas ko si Piper, yun ang mas mahalaga.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Kagaya ng nakita ko kahapon ay grupo iyon ni Masha tinuturuan niyang humawak ng baril ang mga bagong salta kung tawagin nila.
Napaisip ako kung saan kami pwedeng dumaan ni Piper ng hindi nila napapansin.
"Cade!", si Loel iyon.
"Saan kami pwedeng dumaan ni Piper? Baka mapahamak kami"
Nakatungo kami habang nag uusap. Pumunta kami sa may ilog.
"Dito ka maghihintay. Pagbutihan mo ang pagtago. Mamaya lang ay babalik na sina Masha doon. May bagong recruit kasi ang isa sa mga kasamahan ko"
Tumango saka niya ko iniwan. Nakamasid lang ako sa paligid habang ilang minuto ang paghihintay.
Naging alerto ako ng may marinig akong naglalakad.
Tumalon ang puso ko ng makita si Piper. Buhat siya ni Loel sa likod. Nang lumakad siya at makatawid sa ilog at agad akong lumabas sa aking tinataguan. Hindi ko napigilan ang emosyon ko. Ang pagkaulila at pag aalala sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit saka hinalikan sa noo.
Hindi na kita hahayaang mawala. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari ulit ito.
Sa pagyakap niya sa akin ay ramdam ko ang pagkasabi niya. Ang paglandas ng luha niya ay hindi napigilan. Kasalanan ko ito kaya siya nahirapan.
Nakaramdam ako ng galit sa sarili ko lalo ng makita ang marka kung paano siya pinahirapan ng mga iyon.
Ilang minuto ng pasasalamat ay hinigit kong mabilis si Piper. Naging matulin ang pagtakbo ko dahil sa ilang beses na pagputok ng baril hanggang sa binuhat ko siya.
Ilang beses siyang nagmakaawa para kay Loel. Pero hindi ko ito pinansin kahit mabigat sa loob ko ang nangyari ay hindi namin siya pwedeng balikan. Alam kong maiintindihan ako ni Loel. Masasayang ang sakripisyo niya kaya kahit lingon ay hindi ko ginawa.