Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 51: Buhay Siya



Cade's POV

"Umbagan niyo na yan!", hiyaw ni Arrow.

Totoo nga ang banta ni Lois sa akin na gusto akong tyempuhan ng Kuya niya.

Matapos nila akong abangan sa kanto kung saan madalas akong nadaan pauwi galing trabaho ay agad may pumalo sa likod ko.

Nang nagkaroon ako ng malay ay heto ako nasa harap ni Arrow kasama ang mga alalay niya.

Ang unang suntok ay sa mukha ko, sa pangalawa naman ay sa tiyan sanhi para maubo ako at sa pangatlong pagkakataon ay sinipa nila ang alulod ko kaya napaluhod ako.

"Saan mo dinala si Piper? Pinagkanulo mo siya sa mga rebelde?", iyon ang sinabing dahilan sa akin ni Lois kung kaya't nag aapoy sa galit si Arrow.

Buong gabi akong hindi nakatulog ng mawala sa Piper sa tabi ko. Hindi ako napakali kahit na sinabi ni Sandra na baka umuwi siya kaagad dahil sa pagkainip. Pero kilala ko si Piper siya yung taong nagpapaalam sa lahat ng bagay. Nang dumako naman ang umaga ay nagtanong-tanong ako sa mga peryantes pero ang sabi nila hindi nila nakita si Piper.

"Hindi ka ba iimik? Wala ka bang bibig?!", mariin niyang sinuntok ang labi ko na sanhi para pumutok iyon.

"Siguro nga ay parte ka ng rebeldeng grupo. Akala mo ba ay makakamit mo ang gusto mo?", natatawa niyang sambit saka kinuha ang baseball bat na hawak ng isa sa mga alalay niya.

"Magsalita ka!", malakas na hampas ang natikman ko mula sa kanya. Hindi ko napigilan ang paglabas ng dugo sa bibig ko.

Ngumisi ako sa kanya. "Kahit anong sabihin ko. Hindi mo naman paniniwalaan hindi ba?"

Nagsiklab muli ang galit nito. Ilang beses niya kong sinuntok hanggang sa pinagtulungan nila akong lahat.

"Sa muling pagkikita namin dapat mong siguraduhin na lumayo ka na kay Piper. Kung may kinalaman sa pagkawala niya mas matindi pa dyan ang gagawin ko"

Sa huling pagkakataon ay inundayan niya ko ng pagsipa sa tiyan. Kinuha ang sapatos ko saka sinilaban iyon sa harap ko. Ilang minuto ng bago mawala ang anino at tawanan nila ay sumunod akong lumabas sa warehouse. Malayo ito sa daan ko pauwi liblib ang lugar na ito kaya wala niisang sasakyan.

Kahit masakit ang katawan at batuhan ang daan ay sinikap kong maglakad. Ilang oras na masakit na paglalakad iyon. Kung minsan ay may bubog akong natatapakan. Hindi ko ininda ang sakit sa bawat pagtanggal ko dito.

Sandali akong umupo at nagpahinga. Kinapa ko ang cellphone sa akinh bulsa. Mabuti na lang at makapal ang tempered glass nito. Sinikap kong tawagan si Abel pero walang signal.

Hindi ko alam kung saan banda ng El Preve ito.

"Dalian niyo ang paglalakad!", pamilyar ang boses na iyon. Ang boses na buo parang hindi pang babae. Mahaba ang itim nitong buhok at may bandana siya sa ulo. Ganon din ang porma ng mga kasama niyang lalaki. Bago nila ako mapansin ay agad akong nagtago sa damo ng talahiban. Tiniis ko ang kati kaysa makita nila ko.

Panay silang naka long sleeves at sira-sira ang pantalon. Mga armado sila.

Kung hindi ako nagkakamali ay pinsan ko ito si Masha. Hindi ko akalain na umanib na rin pala siya sa mga rebelde. Kung dati ay barbie ang hawak nito at makukulay na bulaklak ngayon ay nag iba na. "Wag mo silang takutin, Masha. Buti nga at may bagong recruit tayo", pinaka matangkad sa kanilang lahat ngunit parang inipit ang boses niya.

Maingay ang paglalakad nila habang pinagmamasdan ko. Ang ilan ay hawak nila sa may bandang likod ng damit. Kagaya ng ginagawa ni Masha sa kunong bagong recruit nila.

Hindi nila pinatawad kahit bata o babae man. Naalala ko ng may nag recruit din sa akin noon. Muntik akong madala ng panibugho ko. Pero sinabihan ko ang sarili na hindi ako gagamit ng dahas.

Sa pagkakaalala ko ay si Apong iyon. Siya ang bagong pinuno ng mga rebelde ng namatay ang kanyang Ama dahil sa engkwentro. Madalas noon mangyari ang sagupaan sa pagitan nila at, ng militar. Iyon din ang naging panakip-butas ss pagkamatay ng aking Ama. Nagturuan ang dalawang panig noon. Masyadong magulo na naging dahilan ng pagsiklab muli nang galit ng mga rebelde.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Hoy! Kanina pa kumakain dyan! Bilisan mo ang lakad!", aniya Masha na para bang siya ang pinuno ng grupo. Kung hindi ako nagkakamali ay si Loel ang pinagsabihan niya. May hawak itong tinapay at nahuhuli sa lakad. Paakyat sila ng bundok. Hindi ko akalain na dito pala ang kanilang pugaran. Minarapat ko silang sundan. Ang mga yapak ng paa nila sa lupa ay siyang naging gabay ko. Ayoko silang pagbintangan pero sila lang ang tanging nasa isip ko ang dahilan kung bakit nawawala si Piper.

Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya at itatakas ko siya. Sigurado akong balot siya ng takot sa oras na ito. Kumirot ang puso ko sa sarili kong inisip. Kung hindi ko sana siya iniwan doon ay hinid mangyayari iyon.

Sumigaw si Masha tila pinagsasabihan niya ang mga kasama. Nakarinig din ako ng ilang beses na pagputok at pag hagulgol.

Tahimik akong nakaabot sa kanilang tinutuluyan parang isang seremonyas ang nasaksihan ko ang pagpapatunay na gusto nilang umanib.

Sa sulok ng mga mata ko ay may papalapit sa akin pero bago ako tumayo sa tinataguan ko ay nakilala ko siya kaagad. Sumenyas siyang wag akong maingay.

"Mapanganib dito!", nilibot ni Loel ang mga mata niya saka inalalayan ako palayo doon.

Sa may manggahan kami nag usap. Binigyan niya ko ng tubig galing sa bag nito.

"Cade, delikado ang lugar na to'. Hindi ka pwede rito. Kung makita ka nila tiyak na papatayin ka nila"

Hindi ako nakaramdam ng takot sa banta nito.

Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat. "Si Piper? Kinuha ba nila?"

Ilang segundo bago siya sumagot. Inalis niya ang mga kamay ko.

"Oo. Nandito siya pero hindi biro ang lumapit sa kanya. Tanging pinagkakatiwalaan lang ni Apong ang pwedeng makalapit sa kanya"

Ilang segundo akong nag isip.

"Kilala ako ni Apong baka pwede ko siyang pakiusapan"

Lumamlam ang mga mata niya. Kasabay ang pag ihip ng malamig na hangin na tumagos sa aking balat.

"Alam mo kung gaano kalaki ang galit niya sa mga pulitiko lalo na sa mga Roshan"

Yumuko kami ng may kumaluskos na mga dahon.

"Cade, kailangan mo ng umalis", pero hindi ako natinag.

"Hindi ako aalis hangga't di ko kasama si Piper"

Tinitigan niya kong mabuti tila ba ineeksamina ako. Bumuntong-hininga siya.

"Bukas bago magdapit hapon sa may sapa doon tayo magkita. Tutulungan kita para makatakas si Piper"

"Salamat, Loel", tinapik ko ang braso nito saka dahan-dahan akong naglakad palayo.

"Loel, may kasama ka ba dyan?"

Huminto ako sa paglalakad dahil sa nagkusa kong katawan na lumingon. Mula sa pwesto ko ay hindi niya ko kita ngunit silang dalawa ay kita ko. Ang balahibo ko ay nagtaasan ng makita siyang nakatayo at nagsalita. Paano nangyaring buhay siya?

Sa isang banda ng isip ko ay bakit hindi siya nagpakita sa loob ng ilang taon.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.