Chapter 14: Kaagaw
Ilang araw simula ng nakita kong muli ang unang dalagang nagpatibok ng puso ko. Nalaman ko kay Abel na nagbabakasyon pala ang isang iyon at gusto munang mamahinga sandali sa industriya ng pag aartista. Pero pansamantala lamang iyon at hindi naman aabutin ng ilang buwan.
Mabuti nga't ang lugar namin ang napili niyang pagbakasyunan. Malayo ang aming baryo sa mismong bayan kaya sigurado akong mas kakaunti lamang sa bilang ng aking mga daliri ang makakakilala sa kanya.
Sa amin kasi ay iilan lang ang nabiyayaan magkaroon ng telebisyon. Ang iba ay nakikinood lang sa kapitbahay. Imbis kasi na ipangbili ng telebisyon nilalaan na lang ang pera pangbili ng ulam.
Ngayong umaga ay sumabay sa akin si Abel papasok ng kanyang eskwelahan. Naghahabol ng grado ang isang ito. Mabuti na lamang at mabait ang kanyang propesor kaya't pinayagan siyang magsubmit ng mga requirements upang mapunan ang mga pagsusulit na wala siya. Malalagot siya sa kanyang mga magulang kapag hindi siya nagtapos ng kolehiyo ngayong taon.
Lampas ng isang buwan ang pagitan ng graduation namin kaya't nauna akong nagtapos sa kanya. Mabait ang opisyales ng kanyang eskwelahan. Hinahayaan nitong makahabol ang mga estudyanteng pwede pang mapabilang sa listahan ng mga magtatapos.
"Pre, lakas talaga ng appeal mo", siniko niya ko ng nasa tapat na kami ng kanyang eskwelahan. Patawid pa lamang kami ay nakatanghod ang iilang babae sa amin.
Ang iba ay inayos pa ang pagkakabutton ng kanilang blusa. Kumikinang ang mga mata nila ng mahagip ko ang tingin nila dahil sa pagtawid namin ni Abel mula sa kabilang kalsada.
"Wag puro babae atupagin mo", pagpapaalala ko sa kanya. Hindi lang halata kay Abel pero Hopeless Romantic ang isang ito. Hindi ko alam kung ilang beses na siyang nabigo sa pag ibig. Hindi ko rin alam kung kailan niya minahal ang kanyang sarili.
Wala siyang ginawa kundi maghabol ng maghabol ng babae.
"Ito naman, O. Lampas na ang three month rule namin ni Mara", ngumuso siya habang nakaway sa mga babae. Nagpapagwapo pa ang isang ito. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ng sarili nitong mga daliri. "Hindi naging kayo. Sige na, pumasok ka na don. Puro ka pa-gwapo", dahil sa pagtulak ko sa kanya ay isang babae ang natabig niya.
"Paumanhin. Ito kasing kaibigan ko...", hindi na naipagtuloy ni Abel ang dapat niyang sabihin ng makita kung sino iyon.
Kung hindi ako nagkakamali siya si Lorey Isabelle Vitale, ang unica hija ng kanyang pamilya. Parehong negosyante ang kanyang mga magulang at ang nakakatanda nitong kapatid na si Arrow ay kilala dahil sa pagiging magaling na inheyero nito. Ang bunsong kapatid niyang si Siege ay kasalukuyang Junior High School na isa sa mga estudyante ko.
"Lois?", humalakhak si Abel sa magandang dalaga. Nakabestida itong kulay dilaw na hanggang tuhod at naka doll shoes na kulay itim. Hawak niya ang shoulder bag nitong yari sa balat ng hayop.
Tinaasan siya ng kilay ng dalaga at saka mariin na tinulak sa akin. Mabuti na lamang at nasalo ko ang kaibigan ko kung hindi madudumihan ang puti niyang polo kung babagsak siya sa kalsadang puro gabok.
"You're still alive? Akala ko naman dinispatsa ka na ni Mara", batay sa aking pagkakaalam ay magkatunggali silang dalawa sa pagiging Magna Cum Laude. Hindi man iyon kita sa mukha ni Abel ay matalino ang isang ito.
Hindi naman siya ganito nung highschool kami pero nagbago ang lahat ng nag kolehiyo kami. Siguro epekto ng pagkakaiba namin ng eskwelahan. Idagdag pa yung mga binabasa niya sa wattpad na maganda ang trabaho ng Engineer at yun ang gusto ng mga babae.
"Dinispatsa? Aba. Syempre hindi. Ikaw siguro ang may pakana nito? Sige na. Ikaw na ang Magna Cum Laude ng batch natin", mukhang napipikon si Abel sa kanya.
"You should be more thankful loser. Dahil bukod sa naging scholarship ka ng pamilya namin eh sinalba kita sa pagbagsak mo", mukha namang mabait kahit papaano si Lois. Hindi lang halata sa kanya. "Ok! Salamat!", sarkastikong sinabi ni Abel.
"That's good!", saka umunang maglakad ang babae papasok ng kanilang eskwelahan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Swerte nga itong si Abel dahil sa prestihiyosong paaralan siya magtatapos. Sabagay, wala naman sa pangalan ng paaralan iyon nasa tao pa rin kung paano siya lilipad para tuparin ang kanyang pangarap.
"Pre, una na ko ha. Baka malate ako sa klase ko", hindi ko na inintay ang sagot niya. Sumakay na ko ng jeep papunta sa eskwelahan kung saan ako nakakuha ng trabaho.
Swerte ko nga't nirekomenda ako ni Mang Imben sa trabahong ito. Kahit na panandalian lamang ito dahil substitute lamang ako ay ayos na rin sa akin. Tamang-taman din dahil hindi ko na kailangan mag review center para makapasa sa LET. Ang mag self study at turuan ang mga bata ang siyang magiging pundasyon ko para makapasa ng LET. Para sa aking pamilya lalo na kay Itay.
Kahit bago ako sa eskwelahang ito ay mainit na pagtanggap ang pinadama nila sa akin. Hindi sila gaanong mahigpit sa patakaran. Pala ngiti rin ang karamihan ng mga guro dito.
"Hi, Sir Cade!", pagbati sa akin ng ilang mga guro na nakasalubong ko sa hallway.
"Good morning!", masigla kong pagbati. Ang ilan naman ay napaimpit na tumili.
"Mukhang hindi siya magsasaka. Ano?", rinig kong bulungan ng pumunta ako sa faculty ng mga guro.
Kahit na hindi ko sila diretsong tignan sa sulok ng mga mata kita ko kung paano sila tumitig sa akin. Nag umpukan sila sa isang teacher's desk at pakunwaring may ginagawa kahit wala naman. Napansin ko iyon dahil baligtad ang lesson plan na hawak ng isa sa kanila.
"Hindi ko alam kung bakit siya naging teacher. Ang bagay sa kanya yung may kinalaman sa pag ne-negosyo o hindi kaya inhenyero"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nakailang bukas pa ko ng drawer bago ako makahanap ng chalk. Gusto ko lang maging handa para sa aking klase dahil baka wala na namang chalk sa silid na iyon.
"Pasalamat ka nga at may co-teacher tayong gwapo", hagikhik ng isa sa kanila.
Bago ko rin malimutan ay dapat akong magdala ng sariling eraser kaya't naghanap muli ako. Sa susunod ay aayusin ko na itong gamit ko.
"Parang gusto ko na lang maging estudyante niya!", mas lalong umingay sa loob ng faculty kahit na iilan lang kaming nandito. Paano ba naman ay hindi lang sila nakuntento sa paghahampasan kundi tumili rin sila ng mahina. Akala nila ay hindi ko iyon rinig.
Natigil lamang ang kanilang pag uusap ng may lumapit sa akin.
Sa wakas pati eraser ay nahanap ko na. Pinagpatungan pala iyon ng projects ng mga estudyante ko.
"Ayt. Dumating na mang aagaw", sabi ng isa sa kanila kaya kanya-kanya na silang labas ng pinto.
Isang babae ang lumapit sa akin. Mestisa ang kanyang balat at binigayan niya ng kwintas ang kanyang unipormeng pangguro.
"Hi! Bakit parang late ka yata ngayon?", napalunok ako ng sumilip bahagya ang dibdib nito ng umupo sa aking desk. Hindi ko alam kung sinadya niya iyon o ano.