Chapter 13; Katanggap-tanggap
Kagagaling ko lamang sa sakahan upang kunin ang naiwang tubigan ni Dero sa kubo. Kinabukasan ko na sana kukunin iyon ngunit nagtotopak aking kapatid. Mahalaga iyon sa kanya dahil bigay yun ng aking Itay bago nangyari ang gabing iyon.
Hindi na ko nagtricyle kaya't sa hindi ako sa mismong kalsada dumaan kundi sa likod ng mga bahay. Dapit-hapon na kaya't panay abala ang mga tao sa pagluluto ng kanilang hapunan. Kita ko kasi ang usok mula sa maliliit na bahay pataas sa bubong nito.
Habang naglalakad sa madamong daanan ay kita ko kung paanong pumulas ang mga tao sa kani-kanilang mga pwesto. Kanya-kanya silang pasok sa loob ng tahanan. Ang mga bata naman ay sinuway ng isang matandang lalaki na may hawak ng pamatpat. Hindi ko masyadong kita ang kanyang mukha dahil sa harang ng mga matataas na damo sa may manggahan. B
Gumawi ang tingin ko kung saan siya nakatingin habang sinusuway ang mga makukulit na bata. Kunot-noo akong nagmadali sa paglalakad ng makita ang dalagang tumayo mula sa kinauupuan nito.
Hinigit ko naman siya agad. Baka kung anong mangyari sa kanya dito. Pinatahimik ko naman siya agad. Ang dami niya pang sinasabi habang tinitigan ko ang mga armadong lalaki. Iniisa-isa nila ang iilang bahay. Nakahinga lamang ako ng maluwag ng mawala na sila sa aming paningin.
Si Piper na nagmadaling umalis dahil sa pagkakahila ko sa kanya ay agad na nagulat sa sinabi ko.
"Magtago ka! Bumalik sila!", sa isip ko'y natatawa ako sa kanyang reaksyon. Sa pagmamadali niyang magtagong muli ay nahiga siya sa ibabaw ko.
Mas nagpigil ako ng tawa ng makitang nakapikit ang magandang dalaga dahil sa pagdikit ng aming katawan. Hindi ko alam kung may gusto ba siya sa akin o ano. Pero sana manlang kahit kaunti ay meron.
"Wag kang pumikit. Hindi ito ang tamang lugar para sa pagpapantasya mo sa akin!", kita ko kung paanong nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
Ang ganda niya kahit anong ekspresyon ng mukha nito.
"In your dreams! You homicidal maniac", sa pagkainis niya ay hindi manlang ako tinulungan. Umuna pa siyang maglakad sa akin at iniwan ako.
Nang makabawi ako ng tayo ay sumunod agad ako sa kanya. Nagmamartsa pa siyang naglakad pauwi kila Abel. Parang bata ang isang ito. Nangangalit ang mga mata nitong nakatingin sa kaibigan ko. Mukhang bagong ligo ang isang ito o baka naman pinopormahan niya si Piper?
Aba. Magkakasubukan yata kami.
"Ako pa ngayon ang homicidal maniac? Alam mo ba ang ibig sabihin non?", hindi naman siya umimik sa sinabi ko.
"Kung hindi ka pumikit sigurado akong hindi ko naman masasabi iyon", lalo pang nagtagis ang mga ngipin nito sa sinabi ko. Ganyan nga kahit galit ka ay gusto ko ang ekspresyon ng mukha mo. "Pre, ba't mo naman ginagalit si Senyorita?", singit ni Abel ng makalapit na siya sa amin.
Inayos ko ang pulbos ng aking kaibigan. Napailing na lang ako. Parang bata ang isang ito. Maglalagay na nga lang ng pulbos ay hindi pa inayos.
"Hindi ko alam bakit siya ang nagalit. Eh dapat ako nga itong magalit sa kanya", sinamaan niya ko ng tingin saka umiwas.
"Mahirap talagang intindihin ang mga babae. Binabaligtad nila ang sitwasyon", ayan tama nga Abel. Kampihan mo ako. Pa simple akong kumindat sa kaibigan ko at nag okay sign naman siya. Alam niyang hindi na ko galit sa kanya dahil sa sinabi niya. Kilala niya ako, minsan ay mabilis akong magalit pero mabilis din naman mawala iyon.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Oo nga, Pre. Ang sakit sa ulo. Kung type nila tayo. Magtapat sila sa atin hindi yung kung ano pang ibang bagay ang iniisip", humalakhak kaming dalawa ni Abel sa sinabi ko. Pag ganyak ay papasok na sana si Piper sa loob. Pero pinigilan ko siya.
"Saan ka pupunta?", pagalit niyang inalis ang kamay ko. Sa susunod ay baka hindi niya na magawa ito sa akin. Hindi niya na nanaisin na ialis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.
"Sa susunod wag kang masyadong pahalata", pahabol kong sinabi. Tumilos ang labi nito bago tuluyan kaming iwan ni Abel na tinatawanan siya.
Sa susunod na pagtilos ng kanyang labi nito ay hahalikan ko na.
Nang maiwan kami ni Abel ay hawak niya ang tiyan niya dahil sa pagtawa.
"Ang saya mo ah?", bati ko sa kanya.
"Syempre naman. Nga pala pre baka gusto mong bigyan ako ng mangingibig?", tinukoy niya ang mga babaeng nakatingin sa akin. Kasabay nilang bumaba si Letty mula sa tricycle. May hawak siyang bayong kaya't agad siyang inalalayan ng kapatid niya.
Kumindat si Abel sa mga babae pero imbis na matuwa sa kanya ang mga iyon ay nanlisik ang mga mata nito.
"Kuya, para kang may epilepsy ah", hagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi ni Letty.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Panira ka naman kapatid", sabi ni Abel.
"Tanggapin mo na Kuya wala kang makakasamang dilag sa darating na pagtitipon sa plaza"
Nang sinabi iyon ni Letty ay napaisip ako. Hindi naman ako mahilig dumalo sa kasiyahan pero kung dadalo si Piper ay makikisaya rin ako.
"Hoy! Pre!", sabi ni Abel sa akin ng hinampas niya ko ng bayong na hawak.
"Ireto mo naman ako", ilang beses niya ng sinabi nito sa akin. Pero ang huling reto ko sa kanya hindi naging matagumpay. Sapagkat nalaman namin na kaya pumayag ang babaeng mapalapit kay Abel ay dahil sa akin. Ako ang talagang gusto niya at hindi ang kaibigan ko.
Nalaman namin iyon ng dumating si Mara nung graduation ko. Dun siya mismo nagtapat ng nararamdaman niya.
"Kuya, wag na. Asang-asa ka sa mga reto. Tanggapin mo na lang na hindi ka kagusto-gusto", pang aasar ng sariling kapatid niya sa kanya.
"Ikaw din! Tanggapin mo na lang na si Lecio hindi mo na maabot!", sa gitna ng halakhak ni Abel ay hinampas siya ng kanyang kapatid.
Matagal ng may gusto si Letty kay Lecio. Hindi namin alam kung anong malinaw na nangyari sa pagitan nilang dalawa. Sa pagkakaalam ko ay maraming nanligaw kay Letty. Nagsisibak ng kahoy. Nasama kay Abel pamumundok nung wala pa silang kalan na bakal.
Siguro dahil sa dami ng nanliligaw noon kay Letty ay nawalan ng lakas ng loob si Lecio.
Pero ako, naghintay ako ng mahabang panahon. Alam kong imposibleng matanggap ako ng kanilang pamilya pero gagawin ko ang lahat upang maging katanggap-tanggap ako. Malaman kong gusto na ko ni Piper ay hindi ako susuko.