Chapter 11: Apelyido
Cade's POV
"Anak, sinabi ko naman sayong ayos lang ako", sabi ng aking Ina habang ginagamot ang sugat niya.
Nakaupo kaming dalawa sa labas ng bahay habang pinagmamasdan ko ang nakababata kong kapatid. Mukhang handa na siyang magsaka ngayong araw. Sinabi niyang siya muna ang papalit kay Inay para may tumulong sa akin. Si Cazue kasi ay maagang pumunta ng kabundukan upang kumuha ng kahoy na gagamitin panggatong.
"Inay, ilang beses ko ng sinabi na wag ka ng sumali sa protesta ng mga magsasaka", muli kong tinignan ang mga sugat niya sa braso at tuhod nito.
Kita ko kung paanong pinagtabuyan sila ng mga gwardiya ni Don Emilio - ang gobernador ng aming bayan. Hindi ko alam kung paanong nagpalinlang ang mga tao sa kanya. Sinabi niya noon sa bago siya mahalal bilang gobernador kapag nanalo siya ay ipapamigay nito ang lupang sakahan. Pero binigo niya ang mga tao. Isa na doon ang aking Ina.
"Anak", hinawakan niya ang magkabilang braso ko.
"Kung hindi ako sasali. Mawawalan ng saysay ang pagkamatay ng iyong Itay. Dapat nating ipaglaban ang lupang sa atin", sa malungkot at itim niyang mga mata ay kita ko ang sarili kong repleksyon. Hinalikan ko siya sa noo saka tumayo.
"Inay, maniwala ka sa akin mababawi din natin iyon. Sa ngayon ay konting tiis pa", sabi ko sa kanya.
"Kuya. Tara na, kanina pa tayo iniintay nila Mang Garber. Baka nandon na si Mang Gracio. Malilintikan tayo", pagpapaalaala sa akin ng bunso kong kapatid.
Mukhang handang-handa na siya dahil bihis na bihis siya at may dala pang gamit. Nagdala rin kami ng pagkain na binalot sa dahon ng saging para sa aming tanghalian.
"Lakad na, Anak", sabi ng aking Ina na tumayo na rin at iginaya kami sa labas ng aming pultahan.
"Inay, masisigurado ko sa inyo mababawi natin iyon basta't mangako ka sa akin na huwag ng makisali sa protesta", tumango naman siya sa sinabi ko.
Nang may tumigil na tricycle ay sumakay na kami aking kapatid.
"Dero, huling sama mo na ito sa akin. Hindi ka pa pwedeng magpagod sa bukid dahil wala ka pa sa wastong edad", sabi ko sa aking kapatid ng nagsimulang umandar ang tricycle na aming sinasakyan.
Nasa elementary pa lamang si Dero at hindi pa hubog ang katawan nito para sa gawain sa pagbubukid. Ayoko sanang isama siya ngunit sutil ang batang ito. Siya daw muna ang papalit kay Inay bilang katulong ko sa pagsasaka ngayong araw. Hindi ko alam kung paanong pakiusap ang ginawa niya kay Inay para payagan siya sa kanyang gusto.
"Kuya, bakit ikaw? Kwento noon sa akin ni Itay bata ka pa lang ay nahasa ka na sa pagbubukid", katwiran niya habang ngumuso.
Wala naman akong ibang magagawa noon kundi ang tulungan ang aking Itay dahil si Inay ay alaga si Cazue na noon ay maliit pa. Saka madalas sakitin ang Inay kaya hindi siya pwedeng magbukid.
"Magkaiba ang sitwasyon ngayon, Dero. Kaya huwag kang makulit", ginulo ang maitim niyang manipis na buhok.
Inabot ko ang bayad sa tricycle driver ng makababa na kami. Mabuti na lamang kahit lampas na ng alas otso ng umaga kami nakapunta dito ay wala pa si Mang Gracio.
Nang makita kami ng kapwa namin magsasaka ay ngumiti sila sa amin at binati kami habang nagsisimula na silang magtanim. Ang iba naman ay inalok pa kami ng bibingka ng binaba namin ang aming gamit sa kubo. Siguro kanina pa sila nagtatanim kaya namamahinga sila ng ganitong oras.
Ang ilan din kasi sa mga magsasaka ay hindi na nag uumagahan para madaling matapos sa aming gawain.
Nagsimula na kami ng aming kapatid habang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa iilang dalaga doon na talaga namang nakatingin sa akin.
Ang ibang lalaki naman kagaya ni Mang Garber ay nakikipagkwentuhan sa akin.
"Nasaan ang Inay mo? Bakit si Dero ang kasama mo?", nilingon ko ang kapatid kong malayo na ang agwat sa akin. Talagang nalilibang siya habang kinakantahan ang mga kababaihang nagnanakaw ng tingin sa akin. Pati ang ilang magsasaka ay nawili din sa kanya.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Nakiprotesta ho. Ayon, nagpapagaling pa", maikli kong paliwanag.
"Dapat nga si Mang Imben ay hindi na rin pumunta dito. Tignan mo naman at sugatan din siya", nakaalalay sa kanya ang isang dalaga. Anak iyon ni Mang Imben. Ang alam ko'y pareho silang balo ng aking Ina. Kaya anak niya na lang ang natulong sa kanya.
Ilang oras pa kaming nagkwentuhan hanggang sa sumapit ang tanghali. Ang karamihan sa amin ay pumunta ng kubo upang uminon ng tubig.
Hanggang sa dumating si Mang Gracio ang tagapamahala ng lupa ng pamilya Roshan. Katulad ng dati ay wala itong inatupag kundi magsermon na akala niya'y hindi mahirap ang aming ginagawa.
Dati rin siyang magsasaka ngunit hindi ko alam kung paanong nabaligtad ang sitwasyon. Kumpara sa amin ay maigi na ang kanyang buhay. Naghihirap pa rin naman ang isang ito pero hindi katulad ng paghihirap na dinadanas namin. Nang napagtanto kong kapatid ko ang kanyang napansin ay naging iritado ako. Kaya nagmadali akong lumapit kagaya ng isang dalaga na kasama si Letty. Halata sa suot niyang bestida ang pagiging mayaman. Idagdag pa yung saklob niyang maganda ang pagkakaburda ng disenyo.
Nasilayan ko lamang ang mukha nito ng kaunting lumihis ang saklob nito sa kanyang ulo. Muntikan pang malaglag iyon.
Nang makita ang mukha niya ay para bang natunaw ako sa kanyang kagandahan. Pinagmamasdan ko siyang magsalita habang iritado sa ginawa ni Mang Gracio.
"Mang Gracio, pag pasensyahan niyo na lang ang kapatid ko kung mabagal siyang kumilos. Ako ng bahalang mag disiplina sa kanya ngunit wag niyo siyang sasaktan. Kapwa lang tayo mga trabahador dito", napaawang ng kaunti ang bibig niya sa sinabi niya ko.
Pakalagay ko'y na gwa-gwapuhan siya sa akin. Sa tingin niya palang ay kakaiba ang pinapahiwatig nito. Hindi ko alam kung natatandaan niya pa ba ko o sinawalang bahala niya na ako.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Si Letty na nasa likod niya ay pasimpleng bumulong pero hindi ko nahimigan ko ano iyon.
Tinanong niya ang pangalan ng kapatid ko
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "What's your name kid?" ngunit hindi umimik si Dero na nagtatago sa aking likod.
"Dero ang pangalan niya", matipid kong sagot.
Ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Matapos ng ilang taon na hindi pagkikita akala ko ay may pagbabagong magaganap pero hindi pala. Ang bata kong puso ay binihag niya pero kahit noon pa 'yon ay hanggang ngayon hindi ako makawala.
Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita. "si Dero..."
""Ayos lang naman siya kaya 'wag kang mag alala", paos kong sambit.
Dali-dali kong hinigit si Dero. "Kuya nasasaktan ako"
"Pasensya na." Saka ko niluwagan ang hawak sa kamay niya.
"Kuya", mahinang himig ng kapatid ko ng dinala ko sa kubo para tignan ang sugat nito.
"Siya ba yung babaeng nasa picture?", tinutukoy niya yung nasa wallet ko.
Ang picture niyang iyon na pinasadya ko pa.
Lumuhod ako upang magpantay kami ni Dero."Oo, siya nga 'yon." Ngumiti ako.
"Masama rin ba siyang tao?" inosente ang mga mata nito. Tungkol iyon sa pagiging Roshan ni Piper. Matunog ang apelyido nila bilang magnanakaw pero kahit na gano'n ay malakas ang simpatya sa kanila ng mga tao.
"Iba siya, Dero. Hindi masamang tao si Piper. Balang araw magiging parte siya ng pamilya natin. Papaltan ko ang apelyido niya. Kaya dapat hindi gano'n ang tingin mo sa kanya. Mabait siya hindi lang halata", sinabuyan ako ng putik ng aking kapatid. Saka siya tumawa.
"Mais ka ba, Kuya? Kasi ang korni mo!"