Chapter 10:Abarquez
Nagpaliwanag si Abel kung bakit hindi siya nakasunod sa akin. Tumawag daw kasi si Manang Eve sa kanya. Napahaba ang kanilang usapan. Humingi din siya ng tawad dahil kung may nangyaring masama sa akin ay dahil sa kapabayaan niya. Ako naman na ngayon na naghihintay sa maliit nilang sala para sa hapunan ay abalang kausap ang aking ina.
"Yes, Ma? Don't worry about me"
Nalaman kasi ni Mama na may armadong lalaki na galing dito kanina kaya agad siyang napatawag ng mabakantehan siya ng oras. Ilang beses niya kong kinukulit na umuwi na lamang sa mansyon at dun aliwin ang sarili ko. "Hindi nga. Where's Papa is he okay or busy with our business?"
Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ni Mama ngayon sa ibang bansa dahil may inaayos silang may kinalaman sa aming negosyo. Siguro yung mga Amerikano pinuntahan nila. Sa pagkakaalam ko ay balak nilang gawing komersyo ang ilang ektarya ng lupain dito.
"Nasa Siargao ang Papa mo", nagkamali pala ako ng pagkakalaam. Akala ko pa naman ay inaasikaso niya na ang bago niyang proyekto.
Pero kung nasa Siargao siya ngayon marahil ay bibili siyang bahay bakasyunan doon. Wish ko lang! Dahil alam niyang paborito ko ang lugar na iyon. Nakakatawang isipin na nakapunta na ko sa iba't-ibang bansa ngunit ang Siargao ay hindi ko pa napupuntahan. Wala kasing setting sa naging Teleserye o movies ko ang Siargao. Kalimitan ay sa Manila o hindi kaya sa ibang bansa.
Siguro pupuntahan ko na lamang iyon sa nalalabing linggo ng bakasyon ko. Mas maiging magpakasaya ako sa probinsya kung saan ako pinanganak.
"Akala ko lilipad kayong Amerika ngayong linggo?", mula sa kabilang linya ay narinig ko ang pagbukas ng abaniko niya.
"Hindi pa, anak. Kinansela muna iyon ng Papa mo. Marami pa siyang aasikasuhin bilang gobernardor. Idagdag pang uuwi ngayon ang isa sa taga pagmana ng mga Vitale"
For sure my Mama is talking about the mayabang Arrow Vitale. He's one of the finest Engineer in the country. Bukod sa matunog ang apelyido ng pamilya nito ay kilala siya dahil sa sarili nitong kakayahan. May sabi-sabi na matinik siya sa mga babae. Pero wala naman akong pakialam sa kanya. He's not even important to me.
"They will going to visit our Country Club around this month"
Oo nga pala. Ka-sosyo din pala ng aking pamilya ang mga Vitale in terms of business matters. Sila halos ang nagdidisenyo ng mga bahay ng aming subdivisions. Kaya malaki ang utang na loob namin sa kanila.
"Ma, I'm busy!", ayokong makita si Arrow. Baka panain ko siyang sadya.
Kahit hindi ako abala ay kusang lumabas sa bibig ko ang salitang iyon para makalusot. But I think it's not gonna work.
"Hindi naman kita ipagkakanulo kay Arrow. Maliban na lang kung tipo mo ang isang iyon", humagikhik si Mama. Kahit ang hagikhik ni Manang Eve ay narinig ko din.
Napansin ko naman na nakikinig si Letty dahil umupo siya sa tabi ko at pinahina ang volume ng maliit na TV.
Dahan-dahan siyang namamapak ng adobong karne na nilagay niya sa maliit na mangkok.
"Hindi pinagkakanulo pero ikaw pa itong kinikilig", napagkawala ako ng mahabang paghinga.
"I'm just excited seeing you dating with someone!", giit nito.
"Basta Anak pabor sa akin kung isa sa mga ka-sosyo natin ang makakatuluyan mo lalo na kung si Arrow", talagang napana siguro siya ni Arrow.
Hindi na lamang umimik. Dahil sa huli ay magtatalo lang kaming dalawa.
"Don't forget! Uuwi ka dito. Okay? We'll going to have a dinner with them", paalala nitong muli bago niya tuluyang patayin ang tawag.
Iritado naman akong naglakad sa kusina habang nakasunod si Letty sa akin. Pinaghila ako ng upuan ni Abel ng matapos na siya sa paghahanda ng pagkain.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Humalumbaba ako sa mesa at saka tamad na nagsimulang kumain.
"Piper, wag kang humalumbaba sa harapan ng pagkain. Tinatanggihan mo ang grasya", parang si Manang Eve ang isang ito. Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin sila sa ganong food etiquette. Maging si Abel ay napailing sa ginawa ko kaya umayos ako ng pagkakaupo.
"Alright. Magkakamay lang ako", dahil napansin kong nakakamay silang pareho.
"Wag na!", parehas nilang pagtutol. Lumabi naman ako ngunit dahan-dahan silang umiling.
"Paano ako matuto nito?", I rolled my eyes. Kung bakit kasi hindi ako tinuruan ng aking mga magulang mamuhay ng payak para naman hindi ako magmukhang mangmang kapag nagkakamay. "Sige na. Kung anong gusto mo", napilitang sinabi ni Abel.
"Bago ko makalimutan. Bakit hindi mo ko sinama kanina Letty?"
"Mahimbing ang tulog mo hindi ba sinabi sayo ni Kuya? Saka sabi naman niya naaliw ka naman sa pagpasyal mo kasama si Cade", nag ngitian silang dalawa ng kanyang kapatid.
Pakiramdam ko ay masasalang ako sa hot seat.
"Hindi ako namasyal kasama siya. It's just that...", hindi ko na lamang tinuloy ang gusto kong sabihin. It's tiring to explain myself gayong hindi naman yata nila ako paniniwalaan.
"Oo nga pala. Naalala ko! May kasiyahan sa plaza sa nalalapit na araw", masayang sinabi ni Abel habang nakataas ang isang paa nito habang nakain. Kumuha siya ng isang sili sa isang platito na nakalagay sa gitna ng mesang kahoy na pinagkakainan namin.
"It's that a party?", para bang lumiwanag ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Oh my! It's my first time na makaranas ng party sa ganitong bayan!
"Dapat ay maghanda na agad tayo Letty! Magpapatahi tayo ng damit! Bibili ako ng hermes bag para bagay sa damit nating ipapatahi ko", pumalakpak pa ko sa sarili kong sinabi.
Nakatingin lamang silang dalawa na para bang maraming tanong ang mga mukha nila.
"Why? Don't you like it? Beautiful dress made by my own designer?", tanong ko kay Letty.
Kinamot niya ang dulo ng kanyang ilong gamit ang sariling braso.
"Ah. Kasi... Piper... hindi ito yung party na akala mong pang mayaman", paliwanag ni Abel at pilit siyang ngumiti.
"Yun naman pala. It's ok. Pupunta pa rin ako. Dapat mamili tayo ng susuotin kung ganon", tumango naman si Letty sa sinabi ko.
Ano kayang isusuot ko sa party na hindi naman daw magarbo sabi nitong si Abel?
Sa mga napapanood ko noon ay sobrang oldies ng suot ng mga dumadalo sa ganong kasiyahan. But it doesn't matter. Kahit anong damit pa yan o dahon lang ang suot ko. I'm sure I'm always the star of the night. "Para saan nga pala ang party na yun? Celebration of what or whom?"
"Selebrasyon dahil anihan ng mais ngayong buwan", hindi ko alam na may corn plantation pala sa lugar na ito.
"Meron palang taniman ng mais dito", tumango-tango ako dahil sa nalaman.
"Oo. Meron pero malayo iyon dito. Pag aari iyon ng mga Abarquez", saad ni Abel.
Abarquez sounds familiar. Hindi ko lang maaalala kung saan o kanino ko narinig ang apelyidong iyon.