Captivating my Heart

Chapter 15 He courting me



kagabi pa ako paikot ikot sa kama ko, wahhhhhhh nasabi ko yun sakanya ng ganon ganon lang, wahhhhhhh nakakaiha. *tok *tok *tok

"Zeindy" napatigil ako sa pag ikot ikot ko, tumayo ako at lumapit sa pintuan at agad yung binuksan.

"Dad?"

"Nanjan na sila Zin at may kasama silang isa pang lalaki" sino naman yun.

"Susunod na ako Dad, kukunin ko lang ang gamit ko" kinuha ko na ang gamit ko at bumababa na, nakarating ako sa sala at nakita silang tatlo na nakaharap sakin at may isa pang lalaki ang naka upo at nakatalikod sakin, sino kaya ang isang 'to? Agad akong lumapit at nagulat ako ng makita ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Since nandito kana sasabihin ko na sakanila" tinignan ko siya ng may pagtataka, tumingin ako kila Zin, Kal, Cai at Dad, lahat kami nagtatanong "Zin, Kal, Cai and Sir hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa" tumingin siya sakin tsaka tumingin kay Dad "gusto ko pong ligawan si Zeindy" napatulala ako dahil sa sinabi niya, parang sirang plaka yun na paulit ulit na rumerihistro sa utak ko.

"Kaya mo bang pasayahin at protektahan ang anak ko?" otomatikong napalingon ako kay Dad.

"Hindi ko po maipapangako pero gagawin ko po ang lahat para mapasaya siya at maprotektahan" sagot niya.

"Then good luck ijo" wait hindi ko madigest.

"Thank you sir"

"Stop calling me sir, just call me tito or if you want dad" ngumiti si Dad sakanya.

"Wait.... Wait, Dad pinamimigay mo na ba ako?" Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa pisngi.

"Dalaga na ang prinsesa ko, and to answer your question my princess, hindi kita pinamimigay, gusto ko lang na maranasan mong mahalin ng ibang tao, kaya binigyan ko siya ng blessing, tsaka hindi pa naman kayo ikakasal, I want you to be happy" he kiss my forehead, binitawan niya ako at hinarap si Benedict "ijo take care of my princess" sabi niya at inabot ang kamay ko kay Benedict.

"I will Tito" tumingin siya sakin at ngumiti.

"Sige na mauna na kayo at baka mahuli pa kayo sa mga klase niyo" bumalik ako kay Dad at niyakap siya.

"See you later Dad"

"See you later my princess" umalis na ako sa pagkakayakap sakanya.

"Dad we gonna go" tumango siya, lumapit na ako kila Zin, nakatingin sila saking tatlo na nagtatanong, ngumiti lang ako at nauna ng lumabas, sigurado ako magtatanong sila. Nasa labas ako ng sasakyan ni Zin at inaantay silang tat-apat pala, bakit naman kasi pumunta siya ng basta basta, buti hindi siya natamaan sa tatlong yun.

"Bakit inunahan mo sila, parang balak ka pa nga nilang kausapin" napatalon ako sa gulat dahil sa nagsalita na yun.

"Anong ginagawa mo dito?" Nasa loob pa siya kanina ah.

"Binababantayan ang nililigawan ko" napatikom ako ng bibig dahil dun, ano Zeindy hindi ka ganyan dapat lumalaban ka ng sagutan sakanya.

"Benedict bakit ka pumunta samin?" Pagtatanong ko, para na rin maiba ang usapan.

"Tulad nga ng sabi ko manliligaw ako at isa pa gawain ng matinong lalaki na ligawan ang magulang at kunin ang blessing nila"

"Bakit ngayon?"

"Dapat ba kahapon o bukas? Pwede ring sa weekend" napatampal nalang ako sa noo ko.

"I mean sana sinabihan mo muna ako, pano kong may nangyari sayo? o sinaktan ka nila" nag-aalala kong sabi.

"Chill, walang mangyayari sakin, nakipag usap ako ng maayos sakanila at isa pa kilala na ako nila Zin" hayst buti nalang at maayos ka kong hindi, nako hindi ko na alam kong ano pang mangyayari sakin.

"Benedict!" Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ako sa magkabila kong balikat.

"Zeindy" tinignan ko siya sa mata "nagsabi na ako sa Dad mo para alam niya, ayokong naglilihim lalo na sayo, araw araw naman kitang liligawan eh" nag-iinit ang pisngi ko, shacksss, umiwas ako ng tingin sakanya "namumula ka ba?" "Hindi 'no" tangi ko, pero sa totoo lang pulang pula nako, I'm sure mukha nakong kamatis.

"Eh bakit ka umiiwas?"

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Wala lang" inangat niya ang mukha ko at tinignan ako, nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya "Benedict!"

"HAHAHAHAHAHA namumula ka nga"

"Shut up"

"HAHAHAHAHAHA ang cute mo palang kiligin" panunukso niya, tinignan ko siya ng masama.

"Cute your face" tumalikod na ako sakanya.

"Oh hindi pa nga kayo may LQ na agad" sabi ni Kal, nagtawanan naman sila.

"Hindi ako natutuwa kaya manahimik kayo" nagpipigil sila ng tawa, mautot sana kayo.

"Tara na nga pfft" bwesit ka talaga Cai, sinusumpa kitang maging palaka bwesit.

"Hey hime, pahiram muna si Benedict mamaya may pag-uusapan lang kami" sabi ni Zin, bahala na sila jan, kong gusto nila sakanila na.

"Go on, take him"

"HAHAHAHAHAHA" mga bwesit sila pinagtatawanan lang ako. pumasok nalang ako sa sasakyan ni Zin at hinayaan na sila dun, maghanap sila ng kausap, bahala sila hmmp.

"Sumakay na kayo" sumakay si Zin sa driver seat, sumunod naman yung iba, dito ako umupo sa shotgun seat, sumakay silang tatlo sa likod namin, nasa gitna si Benedict, nasa kanan naman si Cai at sa kanina si Kal. Pina-andar na ni Zin ang sasakyan niya. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana.

"Ehem" paninira ni Kalisto sa katahimikan.

"Kal? may sakit ka ba?" Napatirik nalang ako ng mata dahil sa abnormal na tanong ni Cai.

"Wala pre, sign lang yan" sign? Para saan?

"Benedict" sabi ni Zin at tumingin sa rear mirror "anong dahilan mo bakit mo liligawan si Zeindy?"

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

"Hindi ko kailangan ng Malalim na dahilan para ligawan siya, basta mahal ko siya then that's it" hindi pa din ako lumilingon sakanila, pinakikingan ko lang sila. "Maipapangako mo bang hindi mo siya sasaktan at paiiyakin?" Boses ni Kal yun.

"Hindi" napatulala ako dahil sa sagot niya.

"Bakit hindi?" Tanong ni Cai.

"Hindi ko maipapangako ko pero gagawin ko lahat para lang hindi siya masaktan at umiyak, gagawa ako ng paraan para mapasaya siya" napangiti ako sa sagot niya. "Then let's talk later" akala ko tapos na yan.

"Talk about what?" Tanong ni Benedict.

"Boys talk" sabi ni Zin, nakarating kami ng school na wala akong kinakausap sakanila, umuna nalang ako at iniwan sila, may boys talk pa sila baka ma op lang ako kaya mauna nalang ako, nakarating ako sa room at agad na umupo, hindi ko na pinansin yung mga tingin nila. Nag antay lang ako dito at makalipas ang kalahating oras nakita ko silang tatlo sa may pintuan, teka bakit tatlo lang sila nasaan si Benedict? Agad akong tumayo at lumapit sakanila, hinawi ko si Cai dahil nakaharang siya.

"Cas!" agad ko siyang nilapitan "anong nangyari sayo?"

"Wala lang yan" tinignan ko sila Zin, Cai at Kal, pati sila meron din.

"Anong wala, tignan niyo nga yan"

"Tumulong lang kami kasi may babaeng muntik ng mapagtripan sa labas ng school" tinaasan ko sila ng kilay.

"At bakit kayo lumabas ng school?"

"Ganito ako na magpapaliwanag, pagka-alis mo tinawag kami ni kuya kasi napansin niya yung babae na niligtas namin na parang hinahabol, ipinasok namin yung babae sa loob ng school at muntik ng pumasok ang mga uhugin na yun, kong hindi dahil samin baka pinasok na ang school" mahabang paliwanag ni Zin.

"Halikayo" hinatak ko sila.

"Saan?" At sabay sabay pa sila.

"Ipagagamot natin yang mga sugat niyo" pumunta kami ng clinic para gamutin ang nga sugat nila.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.