Chapter CHAPTER 21.2
KUMUNOT ang noo ni Gian. Wala rin ito sa sariling sumagot. "Um, nasa 'yo lahat ng pera ko, Lyle?"
"Di 'yan ang ibig kong sabihin." Hindi niya napigilan ang mapahalakhak, pero wala na rin siyang balak na magpaliwanag pa. Sa halip, inabot niya ang kamay ni Gian saka ipinagsaklob ang mga palad nila. Nabigla siya nang mapagtantong ang lambot at ang init ng kamay nito. Samantala, mahina namang sumigaw si Gian at makapukaw ng mangilan-ngilan na atensyon.
"L-Lyle?!" Hindi nito makapaniwalang sigaw.
Umangat ang mga kilay niya bago hinayaang bumagsak ang mga kamay nila.
"O, bakit? Mas magandang maghawak kamay nalang tayo kaysa sa hawakan mo 'ko sa sleeve ng damit, 'di ba? 'Di mo ba naisip 'yon?"
Nanginginig ang mga labi ni Gian na sumagot. "Naisip ko pero baka kasi 'di mo magustuhan."
"Di magustuhan?" Ang dating ng sagot ni Lyle e tila ba hindi siya makapaniwala sa paratang ng binata. "E, ayos lang din sa 'kin na maghawak kamay tayo. Ano pa bang iisipin ng iba?"
"Na... na boyfriend mo 'ko?"
Ah. Natigilan siya. Hindi niya naisip iyon. Bahagya rin tuloy na namula ang mga pisngi ni Lyle pero itinago niya iyon kay Gian. Nag-iwas lang siya ng tingin at inunahan itong maglakad, hindi pa rin bumibitaw sa kamay ng binata. "Hayaan mo sila!" Pilit siyang tumawa. "Kahit naman isipin nilang baka tayo nga, 'di naman nila tayo kilala kaya ayos lang."
Narinig niyang may ibulong si Gian pero dahil maingay din ang madla at paminsan minsa'y may sabay-sabay pa na tumutugtog ang speaker ng ibang tindahan, hindi niya na naintindihan ang sinabi nito. Sinubukan niya rin na itanong kung anong tinutukoy ni Gian hanggang sa bitiwan nito ang kamay niya.
"Gian, ba't ka bumitaw?" Tanong niya.
"S-sandali lang, Lyle. Sobrang sikip na kasi ng daan," sagot naman nito.
Bago pa siya mapalingon para tignan kung ano ang gagawin nito, saka niya naramdaman na humawak ang binata sa magkabilang beywang niya.
Napasinghap si Lyle at napatulala. Halos tumigil siya sa paglalakad kung hindi lang maingat na itinutulak ni Gian na tumuloy. Hindi pa nakatulong na sa kabila ng init at umaalingasaw na sari-saring amoy, mas napapansin niya iyong kay Gian dahil halos dumikit na ang dibdib nito sa likuran niya.
"Makikiraan po," paminsa'y minsa'y sasabihin ni Gian sa mga taong nakakaharap nila.
It was a moment of torture. Lyle feels warm because of Gian's hands placed on his sides. Tipong parang doon talaga iyon nababagay. Parang ginawa ang mga kamay nito para hawakan siya sa beywang. His thoughts are making him confused but as long as Gian's huge hands are making him feel secured, then, what are the odds?
Hindi nagtagal, nakarating na sila sa mga bilihan ng kurtina at tela. Napasinghap pa siya nang bitawan siya ni Gian dahil nakaramdam siya bigla ng panlalamig; sa kabila ng temperatura rito. Awtomatikong hinanap ng mga mata niya ang pigura ng binata at natigilan na naman nang hawakan nito ang kamay niya. Nakanguso pa nga noon si Gian at bakas ang pag-aalinlangan sa mga mata. Kung kaya naman pilit ding ikinalma ni Lyle ang sarili.
Lihim niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Paunti-unti pero nagiging delikado na si Gian sa sistema niyang ang buong akala niya, kay Ridge na habang buhay iikot.
*
"KEEGAN, tumigil ka nga sa kakatawa mo." Hindi niya napigilan na hilutin ang sentido nang bumulahaw ang malakas na pagtawa ng kaibigan sa apat na sulok ng opisina niya. Kanina pa ito ganito at hindi man lang matigil mula sa paghalakhak.
Nawala lahat ng emosyon sa mga mata ni Lyle nang pukpukin ni Keegan ang lamesa niya. Dahilan upang mag-vibrate iyon at halos mahulog ang iilang paperworks niya. Mabuti nalang, mabilis siyang kumilos at nasalo ang mga iyon sa kabila ng last minute na pagkahulog ng mga papeles.
"Pasensya ka na Ly, a? Natutuwa talaga ako sa kwento mo, e. Katagal na niyan, pero gusto ko rin sanang isipin na baka ako lang ang nag-iisip ng ganon. Paano ba naman kasi e head over heels ka masyado kay Ridge kaya parang imposible." Nagngitngit ang mga ngipin niya. "Wala pa naman akong sinasabi, Kee. Nakatalon ka na nga kaagad sa mga konklusyon mo?"
"Oo naman! E, kung ipatawag mo ko rito, parang may urgent na nangyari... tapos babanggitin mo lang pala iyong pangalan ni Abellardo na para kang may malaking problema!"
"Kasi malaki nga!"
"Oo, malaki si Abellardo pero 'di mo pa naman nakita iyong nasa ibaba- aray! Joke lang!" Hindi naituloy ng binata ang pilyo nitong biro nang abutin niya ang lapis at ibato iyon sa gawi ng binata. "Gigil na gigil! 'Di ba, mahal 'yong lapis mong 'yon?!"
"Makakabili pa 'ko non," aniya bago ipinahinga ang likuran sa backrest ng kinauupuang swivel chair.
Nang kumportable na sa posisyon, muling nasapo ni Lyle ang ulo bago hinilot ang sentido.
Lunes ng tanghali noon at pinilit niyang papuntahin si Keegan dito sa opisina niya. Naisip niya ring huwag munang bumisita kina Gian at sa karinderya nalang din bumili ng kakainin. Inutusan pa niya ang kaibigan na bilhan siya ng pagkain habang papunta rito dahil sa sobrang problemado niya.
Natakot din kasi siya na baka makita siya ng isa sa mga crew ni Gian tapos malaman nitong sa iba muna siya bumili samantalang may pagkain naman sa café nito.
Moreover, the reason why he asked Keegan to drop by is to talk to him about Gian. From his recent behavior to Lyle's reaction about them. Kaya lang, natawa ang binata nang nakarating dito sa opisina niya dahil tila raw ba nadi-distress siya sa mga nangyayari.
"O, ano bang ikukwento mo?" Aliw nitong tanong nang mahimasmasan na sila pareho.
Kunot noo niyang pinagmasdan ang kaibigan. "Nitong nakaraan, kakaiba iyong kinikilos ni Gian."
Naghalumbaba ang binata at pineke ang kuryoso nitong ekspresyon sa mukha. Hindi nga lang pinatulan ni Lyle dahil wala siyang oras sa ganon.
"Pag nagkakatsansa 'yon, biglang bumabanat sa 'kin tapos noong minsan... um, pinayagan ko naman siya na hawakan ako sa kamay pero..." Bwisit, hindi niya masabi na hinawakan din siya ni Gian sa magkabilang beywang at ang sarap noon sa pakiramdam.
Umangat ang mga kilay ni Keegan. "Banat? Paanong banat? Pick-up lines ba? Saka anong nangyari matapos ninyo mag-holding hands?"
Umiling siya at idinismiss ang usapan tungkol sa hawak kamay. Baka ano pa ang masabi niya at lalo lang itong maaliw sa mga ganap sa kanya. Although, Lyle can still afford to be honest about some stuff, he does not really like it when Keegan's taking his misery as his form of entertainment.
"Oo, iyong mga ganon. Wala ring kaso sa 'kin dahil ikaw mismo e pinagpa-practice-an ako 'pag natotorpe ka pero 'pag si Gian ang gumagawa, may epekto sa 'kin."
"Tulad ng?"
"Pag-uusapan pa ba natin 'yan?" Tanong niya pabalik, dahilan para mapahalakhak si Keegan dahil mukhang alam na rin naman nito ang sasabihin niya. "Di lang ako kumportable na ganon iyong nararamdaman ko samantalang sa kanya mismo nanggaling na may iba siyang gusto."
"Huh?" Muling tumawa ang kaibigan. "Paano mo naman nalaman na may ibang gusto?"
Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!
"Siya mismo nagsabi noong ipinanood ko sa kanya 'yong video ng turn ko sa fashion event sa LA."
Biglang bumakas ang pagtataka sa mukha ng binata kaya marahas na bumuntong hininga si Lyle. Doon din siya nagsimulang magkwento dahil nadulas si Gian nang aminin nitong may iba siyang nagugustuhan. Malinaw pa nga iyon sa isip ni Lyle dahil pinaratangan niya ito na baka tipo lang talaga ang mga modelo na nirentahan niya noong araw na iyon.
Napaismid tuloy si Keegan. "Ang bilis mo namang nag-assume samantalang 'di mo naman tinanong kung sino. Paano kung ikaw pala tinutukoy ni Gian?"
"Sira ulo ka talaga. Ba't ko naman itatanong? Isa pa, ba't naman ako e ang sinasabi ko sa 'yo, halata naman kay Gian na straight siya."
"At ba't din naman hindi? Magkaibigan kayo, Lyle. 'Di ba, normal lang naman sa 'tin na magkwentuhan tungkol sa mga ganyang bagay?"
Napailing siya bago ikinumpas ang isang kamay. "Oo pero ibang usapan 'pag si Gian. 'Di ko alam, Kee. Wala akong lakas ng loob na buksan 'yong usapang 'yon."
"Huh, never have I ever thought that there would be someone else who would affect you as much as Ridge does. Nagsabi ba si Abellardo kung sino iyong nagugustuhan niya?"
Kinagat niya ang loob ng mga pisngi bago tinapik-tapik ang lamesa.
"May nabanggit naman kaunti tulad ng nakilala niya raw sa café niya iyong babae."
Muling umismid ang kaibigan. "Nakilala ka rin naman niya sa café, a."
Bumusangot siya. Oo alam niya pero hindi iyon ang punto niya. Bahala na, hindi na niya papatulan ang sagot na iyon ni Keegan at sa halip, ipagkukrus ang mga braso niya't mag-iiwas ng tingin. Iaanalisa ang sarili dahil naguguluhan din siya. "Hay nako, Lyle." Madramang bumuntong hininga si Keegan at umiling. "Di ko alam kung ganyan ba talaga mga type mo e, pero hilig mo sa mga taong may ibang gusto, 'no?"
Hindi siya makapaniwalang napasinghap sa paratang ni Keegan. "Kung makapagsalita ka, parang ginusto ko. Samantalang kailan ko lang naman nalaman na may ibang gusto pala si Gian."
"Huh, sagarin mo na rin pagdadahilan mo. Sabihin mo sa 'kin, straight si Gian at wala kang tsansa."
"Isa pa 'yon," maliit ang boses na sagot niya.
Keegan blew out a loud breath directed to some of his own stray hair looming above his forehead. "Di naman porket straight iyong tao, wala pa ring tsansa na magkagusto sa kapwa lalaki. Ni minsan, 'di ko narinig kay Ridge na bakla siya. Sabi niya rin naman hindi dahil mas madalas pa rin daw siyang tumingin ng mga babae."
Hindi siya makapaniwalang napatitig kay Keegan. Sa isip-isipan niya rin, nakikini-kinita niya ang itsura ng dalawa sa gym habang mayroong dumadaan na magandang babae.
"That's cheating," aniya.
Humalakhak si Keegan. "Alam naman niya, kaya nga pinipigilan niya sarili niya. Masyado 'yong head over heels doon sa jowa niya. Mas mahal niya iyon kaysa sa libido niya. Moreover, do you get the point?"
Isang malalim na buntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Lyle. Oo, gets niya. Mayroon naman kasi talagang instances na straight ang lalaki pero nagkakagusto pa rin sa kapwa lalaki. Ang kaso, madalas, specific ang taong ganoon. Hindi na kayang tumingin sa ibang lalaki liban sa nagugustuhan nila.
Hindi niya alam kung anong tawag sa ganoong klase ng sekswalidad dahil napaka-rare noon. Pero ito ba ang ipinupunto ni Keegan? Na may tsansa na siya iyong gusto ni Gian? Malabo pa rin.
Planning your weekend reading? Ensure you're on 05s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading! "Malabo kung kaming dalawa," kalmado pero medyo dismayado niyang sagot.
Keegan let out a trill. "Imposible? Bakit, sila na ba nong tinutukoy niya?"
"Hindi," mahinang sagot niya.
"O, ba't naman hindi? Itsurang 'yon ni Abellardo tapos ang ugali, pang-anghel? Good boy ba! Idagdag mo pa na mapera siya, parang ang labong ma-basted ang isang 'yon! Torpe lang talaga!" Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Lyle. Hindi niya alam kung anong itinutulak nitong si Keegan, e. Sila ba ni Gian o iyong babaeng nagugustuhan nito? Mariin niya ring ipinikit ang mga mata bago pilit na ngumiti. Kaya lang, ilang beses ding kumibot ang sulok ng labi niya kaya pumalya ang get up niya.
Oo, alam niya ring gwapo si Gian at kulang nalang e biyayaan ni Hesus ng halo para i-accentuate na anghel talaga siya. Alam niya rin na mapera pero hindi iyon importante sa kanya. Masayang kasama ang binata at walang oras na hindi siya naaliw dito. Imposibleng hindi nga iyon magustuhan ninuman. Sa huli, itinuon ni Lyle ang atensyon sa huling sinabi ni Keegan.
Torpe si Gian. Oo, hindi maikakaila. Nalungkot tuloy siya nang maisip na kung malakas ang loob non, baka sila na ngayon noong tinutukoy nito. Lalo tuloy bumilis at dumiin ang pagtapik niya sa lamesa. Nakakairitang isipin na may ibang kasama si Gian, a. Tapos hindi pa nakatulong na habang nandito siya, iniisip na delikado ito sa sistema niya, ang bilis niya nang magselos samantalang hindi naman niya matanggap ang nararamdaman!
Akala niya si Ridge lang at ilang beses niya ring hiniling na sana, si Ridge nalang! Pride niya ba ito o iyong siya na hindi lang talaga magawang bitiwan ang binata? Iyong siya na hindi maka-move on dahil may gustong gawin nang magkaroon na ng closure ang nararamdaman niya.
"Pero maganda na ring wala pang sila 'no, Lyle?" Kalauna'y sambit ni Keegan, dahilan upang maimulat niya ang mga mata at hanapin ang kaibigan na noo'y nakahalumbaba't mukhang inoobserbahan siya.
Bahagya niyang ipinilig ang ulo pababa. "Bakit mo naman nasabi?"
"May oras ka pa, makakapag-isip ka pa rin. Maso-sort out mo pa 'yong nararamdaman mo para kay Gian."
Namula ang mga pisngi niya. "Sira ulo. 'Di naman siguro ganon. Mas malalim pa rin kasi 'yong kay-"
Hindi na natapos ang sinasabi ni Lyle nang putulin ni Keegan ang sinasabi niya.
"Naku, ako e tigil-tigilan mo na sa ganyan! Ginagamit mo nalang yata na excuse si Ridge nang hindi mo ma-confront iyong nararamdaman mo kay Gian!"
"Hindi sa ganon! Pero alam mo naman kung anong gusto ko kay Ridge."
Nagsusukatan ang tinginang ibinalik nila sa isa't isa. Nagtagal din iyon dahil namutawi ang katahimikan at tanging paghuhumiging nalang ng AC sa opisina ni Lyle ang bumabalot sa kapaligiran. Hanggang sa si Keegan ang mismong sumuko. Naghalumbaba ito pero naiirita pa ring ipinukol sa kanya ang paningin.
"E, paano 'yang nararamdaman mo kay Gian?"
Hindi niya alam, kaya hindi rin siya nakasagot. Kaya nag-iwas lang ng tingin si Keegan at tumitig sa pinto ng opisina niya.
"Sa bagay, kahit naman anong gawin natin, si Ridge pa rin ang gusto mong i-prioritize. Wala ka rin namang kasiguraduhan kay Gian kaya sige... bahala ka. Kung saan ka masaya, i-pursue mo 'yon."
Nadidismaya rin siya. Ang hirap magkagusto sa iba lalo na kung magulo ang puso't isipan mo. Kung wala pa ring closure sa nakaraan. Bakit ba siya ganito?