Can I be Him?

Chapter CHAPTER 21.1



LYLE had been noticing something since earlier. In the midst of speaking to Gian with his never-ending rambling about his line of work, the other male has not really responded to him properly aside from letting out a short hum or a quick nod. But he seems to be listening, though? What makes Lyle think that Gian was not paying attention?

It could be the way how his eyes remained on him, staring at him 'dreamily'? Or was it just his imagination?

"Gian," tawag niya rito, ngunit wala talagang konkretong sagot liban sa mahinang paghimig, "Gian, nakikinig ka pa ba sa 'kin?"

That question seemed to snap the male out of his reverie. Napatuwid ito ng upo at umatras mula sa pagkakahalumbaba. Ilang beses din itong napakurap-kurap bago siya nagtatakang pinagmasdan.

Alright, maybe Lyle was just fooling himself earlier about Gian, listening to him. It seems like the male was lost in his pool of thoughts while he was busy rambling here.

Magtatampo ba siya?

"Gutom ka na ba?" Ito na lamang ang itinanong niya noong walang sinabi si Gian.

Ipinilig nito ang ulo. "Um, gutom? 'Di-hindi pa naman. Anong oras pa lang at kararating ko lang talaga."

Well, that is true. Maagang pumunta si Lyle ngayon sa cafe ni Gian dahil wala naman silang gagawin ngayon sa Primivère. Kumbaga, parang day off na lang din nila pero dapat, nakita niya ang attendance ng mga kasama. Niyaya niya ang mga ito sa café ni Gian pero ang sabi nila, roon na lamang sila sa building. Hinayaan naman niya.

Tignan mo tuloy, alas nuebe pa lamang ng umaga, halos kabubukas lamang ng café at kararating pa lamang ni Gian sa trabaho, nakatambaynna siya rito. Nagulat pa nga ang isa samantalang madalas, oras na siyang bumisita. "Ikaw Lyle, kung gusto mong kumain, ako na mag-aasikaso ng gusto mo?" Alok nito.

Lyle pressed his lips together. Nabigla siya. Hindi naman niya pinapakuha ng pagkain si Gian, e. Busog pa rin siya. Masyado pang maaga para mananghalian!

"Hindi na, ikaw lang iniisip ko. Natulala ka kasi sa 'kin habang nagkukwento ako sa 'yo."

"Eh?" Namilog ang mga mata ni Gian bago tuluyang namula ang mga pisngi nito. "Na-natulala ako sa sa 'yo? Hala, pasensya na!"

"Oo, kaya nga tinatanong kita kung kumain ka ba. 'Wag mo nang pansinin. I didn't think that it's weird, anyway."

Bagamat sinabi niyang walang dapat alalahanin si Gian, hindi pa rin niya napigilan ang binata na mataranta at mahiya. Panay itong nagso-sorry sa kanya kahit wala naman dapat ika-sorry. Nangyayari naman din kasi sa kanya ang matulala. In the end, Lyle let out a chuckle, thinking that Gian was too cute for his own sake.

"Ah, 'wag mo 'kong tawanan. Mahihiya ako lalo."

Itinago ni Gian ang mukha sa mga palad na siyang nakapagpatawa lamang lalo kay Lyle.

"Wala ka namang dapat ikahiya? Liban na lang kung may ibig sabihin 'yong pagtitig mo sa 'kin kanina?"

"Wala!" Gian defended albeit his voice was muffled due to how he covered his face, "iniisip ko lang na-"

"Ang daldal ko?" Natatawang agap niya sa binata.

Nabigla si Gian sa pag-agap niya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang terminong ginamit niya para i-describe ang sarili dahil kunot noo itong umiling.

"Di, a. Iniisip ko lang na ang cute mo habang nagkukwento ka, Lyle," kalauna'y anito na siyang nakapagpagulat sa kanya.

Siya naman ang napaupo ng tuwid at nawala ang naglalarong pilyong ngisi sa mga labi niya. Namimilog ang mga mata niyang pinagmasdan si Gian, and the other does not seem to realize what he just said! Segundo pa ang lumipas bago nito natanto ang sinabi. Napatalon ito sa kinauupuan at hiyang-hiyang nag-iwas ng tingin.

"Wa― walang malisya, a!" Paliwanag nito.

Kung anime character lang si Gian, baka siya iyong character ngayon na pa-swirl na ang mga mata. Mapupula ang mga pisngi nito. Mukhang balak nang daigin ang kamatis. Ang cute lang.

Hindi nagtagal, mahina siyang natawa. "Kaya ka nakatitig sa 'kin dahil pakiramdam mo, cute ako? Gian, a. Baka mamaya, ako pala talaga 'yong crush mo."

Tila ba tinangay na ng hangin ang pagdipensa ni Gian sa sarili noong magbiro si Lyle. Bigla itong natulala. Mataman siyang pinagmasdan at tila hindi malaman kung paanong magre-react. Parang PC na nag-lag? Buff? Loading. One thing is for certain, he accidentally threw the male off. So, he decided to tease him again.

"Ako 'yong crush mo?" Biro ulit niya, pero mas emphasized ang bahid ng pagkagulat.

Tila ba roon pa lamang rumehistro kay Gian ang paratang niya. Mabilis nitong iniangat ang mga kamay at natatarantang iwinagayway ang mga kamay sa hangin. "Hin-hindi, a! Natigilan lang ako sandali!"

Nagpahalumbaba siya at nakangising pinanood ang pagpa-panic ni Gian. Halos maningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ito. Ang cute, lalo na noong subukan nitong itago ang mukha gamit ang mga palad.

"A-anyway," Gian tried to divert the conversation but when he saw how Lyle's grin grew wider, his cheeks became redder if it is still possible, "Ly-Lyle, 'wag ka namang ganyan. Kinakain na 'ko ng hiya rito, o. Kung naririnig mo lang pa'no magwala puso ko rito."

"Huh? Wala naman akong ginagawa. Kasalanan ko bang guilty ka?"

The moment Gian stared at him incredulously, all he could do was to let out a chuckle. O sige na, ida-drop na niya ang pang-aasar kay Gian at baka mamaya, hindi na ito magpakita sa kanya. His cheeks are so red too, someone might mistake him for feeling sick.

"May sasabihin ka dapat, 'no? Ano 'yon?" He asked once he's finally calmed down.

Gian's forehead creased and at some point, he also seemed to have calmed. "Sasabihin? Oh. Um, ano lang naman, uh. May gagawin ka ba ngayon?"

"Hm? Wala naman. Gusto mo bang lumabas?"

"Ye-yeah, 'yan dapat ang itatanong ko." Kabado itong tumawa bago nag-iwas ng tingin. Kinamot din ni Gian ang likuran ng ulo niya. "Para ano lang, um, change of environment? Para 'di tayo lagi rito sa café ko." "O, wala namang problema sa 'kin kung dito tayo palagi, though."

Katunayan, mas gusto niya ang ambience ng lugar na ito kaysa sa iba. He always feels at home whenever he is here.

"O-oh, si-sige." Gian averted his gaze and right now, he scratches his cheek instead.

Katahimikan. Nagbaba ng tingin si Lyle sa lamesa noong sandaling namatay ang sigla. Mukhang gusto talagang umalis ni Gian ngayon, a? Hm, wala rin naman siyang gagawin.

"Sige na nga," pagsuko niya, at halos matawa siya noong parang kunehong biglang sumigla si Gian. Parang may bunny ears ito na biglang tumayo dala ng tuwa.

In the end, he cannot help it but to chuckle.

Planning your weekend reading? Ensure you're on 000005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Ano ba 'yan Gian, para kang kuneho. Ang cute-cute mo."

*

"SIGURADO ka bang ayos lang na dito ka mag-park, Gian? Mukhang hindi naman ito pupwedeng parking-an dahil katapat ng building ng 6/99," tanong ni Lyle habang iniikot ang mga mata sa buong kapaligiran.

He felt extremely awkward when he caught a glimpse of the security guard near them. Naniningkit ang mga mata nito at mukhang nakikinig sa usapan nila. Pero si Gian, wala namang pakialam at nginitian lang ang secu. Animo'y wala itong nilalabag na batas sa harap ng establisyimyento.

"Gian," tawag niya sa kaibigan.

Nilingon siya ng binata. "U-um, 'wag kang mag-alala, Lyle. Dito ako madalas nagpa-park t'wing gusto ko ring mag-apo. Alam mo na, hanggang ngayon kasi, wala pa ring designated na parking lots para rito."

Dahil Biyernes ngayon, dito siya kaagad inaya ni Gian. Unexpected nga dahil wala sa itsura nitong gustong mag-apo. Gian reeks an aura that of a rich kid, after all. Moreover, isa ito sa mga pangkaraniwang ganap sa Angeles. Parang divisoria sa Maynila pero mas maliit. Kaya lang, ang sitwasyon? Ganoon din. Madalas siksikan at laganap pa ang nakawan.

And now that they're here, Lyle also thought of checking out some fabrics. Mas maraming naglalabasan na magandang kalidad tuwing apo. Bukod doon, mura pa, kayang-kaya ng budget ng Primivère lalo na at nagsisimula pa lamang naman siya.

Isa pa, dala nila ang kotse ni Gian. Pumayag din itong doon ilagay lahat ng telang mabibili niya.

"Sigurado ka bang hindi aarurin 'yang sasakyan mo?" Muli niyang tanong nang makalapit na sa kanya si Gian. Nanlaki naman ang mga mata ng binata at mas nadepina ang berde nitong mga mata. Kalaunan, hindi napigilan ng kaibigan na matawa sa iniisip niya.

Nailing ito. "Imposible namang makapag-araro pa sila kung siksikan dito? Saka... hm, alam ko pinapayagan talaga basta apo. Sinabi ko naman sa 'yo, e. Wala kang mapa-parking-an dito."

"Kahit saan? Kahit sa may eskinita nalang malapit doon sa Mercury drugs."

Kinamot ni Gian ang pisngi. "Di ba dumaan na tayo ron pero walang pwesto? Dito nalang, marami pang tao na dumadaan. Mababantayan kotse ko."

Kung sa bagay, nakakatakot nga namang mag-park sa tinutukoy niyang eskinita. Lalo na at noong dumaan sila, may naabutan pa silang gulo dahil mayroon palang nakawan na naganap. Sige na nga, kung hindi ba naman maaararo itong sasakyan ni Gian, palalagpasin na niya.

Hindi nagtagal, pumunta na sila ni Gian sa pinaka malapit na entrance ng apo. Natawa pa nga siya nong ma-intimidate si Gian sa siksikan. Inadbisa niya rin ang kaibigan na ilagay ang mga gamit sa pouch niya dahil hindi pwedeng hindi siya magdadala ng ganon. Nang sa ganoon, walang makalkal ang snatcher sa bulsa niya.

"N-nakakakaba naman. Ang tagal ko nang 'di pumunta rito. Last two months pa yata huli," komento ni Gian noong oras na subukan na nilang makipagsiksikan.

Dahil nasa harap siya ng binata, nilingon niya pa ito at naabutan na panay ito sa paghingi ng tawad sa mga hindi sinasadyang mabunggo. Napakabait. Kaunti nalang e baka magising nalang siya isang araw at may halo na sa ulo si Gian. "Ba't ka naman kakabahan? Nasa akin naman mga gamit mo, Gi. Walang mawawala sa 'yo."

"M-meron, a. Ikaw," mabilis naman nitong sagot.

Lyle's heart skipped a beat. Ayan na naman! Pinagpa-praktisan na naman siya ni Gian. Seriously though, there shouldn't really be any problems but it's Gian and recently, he feels different whenever he's around. But oddly enough, it's not making him uncomfortable.

Nang mapansin ni Gian ang reaksyon niya, tumikhim ito at dinagdagan ang sinasabi, "nasa sa 'yo kasi ang mga gamit ko... 'di ba?"

Nahimasmasan lang si Lyle noong may tumikhim sa harap niya. Hindi niya napansin na may tao pala sa harapan niya! Kaya tumuloy siya sa pakikipagsapalaran. Kalaunan, nakahanap naman silang dalawa ng medyo maluwang na lugar kaya kahit papaano e magkatabi na sila habang dumadayo sa kaloob-looban ng apo.

"Ang daming tindahan. A-ah, meron pang nagtitinda ng posters ng paborito kong video game!" Ani Gian, parang bata at mukhang tuwang-tuwa.

Pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan at bagamat side view lang ng mukha nito ang nakikita ni Lyle, hindi niya napigilan ang ngumiti. Lalo na noong makita niya kung gaano ka-excited ang kaibigan sa nakita. "Gusto mo bang daanan muna?"

"H-huh?" Tila nagulat pa ang binata. "Sigurado ka ba, Lyle? Baka gabihin tayo sa pamimili."

"Bakit tayo gagabihin? 'Wag mo sabihing gusto mong mag-stay diyan? Gian, a. Baka gusto mo ring makipagtsismisan sa may-ari," biro niya. Nag-aalangang pinasadahan ng tingin ni Gian ang maliit na tindahan. "Di- 'di naman. Hm, kaya lang, 'di naman kasi official na merchandise."

Iyon lang. Kung kalidad, mas maganda kung sa mga opisyal na tindahan ng merchandise bibili si Gian ng mga souvenir.

"Pero mukha kasing nahihirapan din si kuya sa pagtitinda," dagdag nito bago siya nilingon at nginitian, "bibili lang ako sandali, Lyle."

Hindi alam ni Lyle kung magugulat pa ba siya sa kabaitan ni Gian, pero sinundan niya ito. Nasa kanya kasi ang pera ng binata. Hindi lumipas ang sampung minuto, marami na kaagad dala si Gian na poster. Marahil, kinse piraso iyon na iba-iba ang tema at ang pinanggalingan na video game?

"Ang saya ni kuyang nagtitinda sa dami ng binili mo, a. Nakamagkano ka nga ulit?" Panunudyo niya habang inirorolyo ni Gian ang mga poster.

Mahina itong tumawa. "Limang daan? 'Di ko alam, e. Natuwa kasi ako na mura lang. Sana nakatulong din 'yong pera kay kuya."

Ha, ang bait talaga. Napangiwi siya sandali bago niya ibinalik ang mga mata sa daraanan nila. Hanggang sa mapansin niya na hilain ni Gian ang dulo ng sleeve ng suot niyang damit. Marahan tuloy siyang bumaling doon bago nagtatanong ang mga mata na ibinalik ang paningin sa kaibigan.

"Gian, baka malukot 'yong sleeve ng damit ko," biro niya, kahit na hawak iyon ni Gian sa paraang hindi malulukot ang parteng hawak nito.

Awtomatiko naman siyang binitiwan ni Gian. "Huh? 'Kala ko hawak ko ng maayos..."

"Binibiro lang kita." Nagpameywang siya at mahinang tumawa. Namamangha naman siyang tinitigan ng kaibigan ngunit hindi ito nagsalita. "Ano ba palang balak mo at doon ka humawak?"

"A-ah... ano kasi."

Nagpalipat-lipat ang mga mata ni Gian sa kumpol ng mga taong nasa harap nila at sa kanya. Marahil, doon palang nito napansin na walang-wala ang baha ng tao sa parteng ito ng lugar kung ikukumpara sa may entrance kanina. Hindi rin sigurado si Lyle kung bakit. Siguro dahil mas maraming kainte-interesanteng produkto rito?

Alam niya kasi, malayo ang parteng ito ng apo mula sa simbahan, e. Isa pa iyon, sobrang matao roon dala na rin ng mga taong nais humabol sa pagsisimba.

"Baka... magkahiwalay tayo bigla," kalauna'y dugtong ni Gian sa sinasabi.

He figured it out somehow, hence; Lyle offered a hand to the other male. Hindi naman nito kaagad napansin iyon dahil tila ba sinusuyod nito ang daraanan nila. Kaya rin naman kasi nito dahil matangkad siya.

"Gian," tawag niya rito. Napangiti siya nang kaagad itong lumingon sa kanya, pero ipinapakita pa rin niya ang kamay niya sa binata, nagtataka tuloy nitong ibinaba ang tingin doon.

Kumunot ang noo ni Gian. Wala rin ito sa sariling sumagot. "Um, nasa 'yo lahat ng pera ko, Lyle?"

"Di 'yan ang ibig kong sabihin."

Hindi niya napigilan ang mapahalakhak, pero wala na rin siyang balak na magpaliwanag pa. Sa halip, inabot niya ang kamay ni Gian saka ipinagsaklob ang mga palad nila. Nabigla siya nang mapagtantong ang lambot at ang init ng kamay nito. Samantala, mahina namang sumigaw si Gian at makapukaw ng mangilan-ngilan na atensyon.

"L-Lyle?!" Hindi nito makapaniwalang sigaw.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.