Chapter 4
I JUST need to talk to you one last time, Elle. After this, I swear, I'm going to sign the papers. Pero sa ngayon, pumunta ka na muna rito. It's an emergency. Something happened and I badly need you. Ayaw man ni Chryzelle ay hindi pa rin niya napigilan ang mag-alala nang muling sumagi sa isip ang ipinadalang text message ni Calix. Anim na araw nang hindi nagpapakita ang asawa sa kanya, hindi tulad noon na para bang customer na ito sa bakeshop niya dahil nakatambay ito roon mula sa pagbubukas nila hanggang sa pagsasara.
Naipilig ni Chryzelle ang ulo sa naisip bago ipinarada ang kotse sa harap ng bahay na hangga't maari ay ayaw niya na sanang muli pang balikan. She felt a pang of vulnerability kicked in her chest. Napatitig siya sa bahay na limang taon niya ring naging tahanan.
"Ipinagawa ko itong bahay walong buwan pagkatapos mo akong sagutin," naalala niyang sinabi ni Calix noong unang beses siyang dalhin nito roon ilang linggo bago ang kanilang kasal. "I was so sure I was going to marry you. Pero ngayon na lang ulit ako makakapasok sa bahay mula nang ma-fully furnished ito. Gusto ko kasing kasama ka. I don't know." Nagkibit-balikat ito. "I just couldn't see myself without you in this house."
It was a peach-colored two-storey house. Ginintuan naman ang kulay ng mataas na gate. It was beautiful. May parisukat na swimming pool sa likod ng bahay at meron ding malawak na hardin na kaagad na bubungad sa mga taong papasok. At the center of the garden was a life-size fountain. Sagana ang hardin sa mga rosas at orchids na mga paborito niyang bulaklak.
Chryzelle could still remember how breathless she was then. The rest of the house was... perfect. Hanggang ngayon ay perpekto pa rin para sa kanya ang bahay. Sadyang hindi lang natupad ang kasiyahang inaasahan niyang mararamdaman sa oras na tumira siya roon.
Lahat ng kagamitan sa buong kabahayan ay halatang sinuring mabuti na nagbigay ng eleganteng aura sa bahay. Walang duda sa bagay na iyon dahil likas na mayaman ang pamilya ni Calix. He didn't even have to work. Dahil alam niyang malaking halaga ang iniwan ng ina ni Calix sa trust fund nito. Both of Calix's parents came from affluent families. Sa pagkakatanda ni Chryzelle ay meron ding bangkong pagmamay-ari ang pamilya ng kanyang biyenang babae. But the two corporations merged to become the Ledesma Commercial Banking Corporation now.
Samantalang si Chryzelle ay sa isang maykayang pamilya lang nagmula. Her family was simple. Pastry chef ang kanyang ina habang architect naman ang kanyang ama na minana rito ng ate niya. Nakapagtapos silang magkapatid sa pinagsamang pagsisikap ng mga magulang. Pinalad lang siya na bahagyang kilala na ang kanyang bakeshop at ilan na ang branch niyon nang makilala niya si Calix.
Ubod ng lalim na hininga ang pinakawalan ni Chryzelle bago tuluyang bumaba mula sa kanyang sasakyan. Dere-deretso na siyang pumasok sa loob. Ang nakangiting mukha ni Matilde na isa sa tatlong mga kasambahay roon ang bumungad sa kanya sa front door. Ipinagbukas siya nito ng pinto.
"Welcome back, Madam."
Napailing si Chryzelle. "Sandali lang ako rito, Matilde. Kailangan ko lang makausap si Calix." Sinikap niyang balewalain ang pagkadismayang lumarawan sa mukha ng babae. "Nasaan ba siya?" "Nasa master's bedroom lang po. Hindi pa siya lumalabas mula kagabi." Pagkabanggit niyon ay napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon sa mukha ng kasambahay. "Nag-aalala na nga po ako." "Gano'n ba?" Napasulyap si Chryzelle sa itaas na bahagi ng bahay. "Sige, aakyatin ko na lang."
Paakyat na siya sa hagdan nang matigilan siya. Nagsimula siyang pagpawisan nang malapot. Palaging ganoon ang pakiramdam niya sa tuwing nakikita niya ang hagdan na iyon at naaalala ang sakit na inabot noong nahulog siya roon na naging dahilan ng pagkawala ng kanyang munting anghel.
She remembered the horrifying feeling that she felt when she saw how blood ran down her legs. She remembered the fear and the pain. Parang kahapon lang mula nang mangyari iyon. Mariin siyang napapikit sandali para kalmahin ang sarili, pagkatapos ay halos takbuhin ang hagdan na umakyat.
Get this over and done with, Chryzelle, pagpapaalala niya sa sarili bago nagmamadaling kinatok ang pinto ng master's bedroom. Ilang minuto pa ay lumabas mula roon si Calix na mukhang pagod na pagod ang anyo. Nakapantulog pa ito. He was wearing his white pajama terno. Magulo pa ang buhok at bahagyang nanlalalim ang paligid ng mga mata. Pero sa kabila niyon ay gwapo pa rin ito sa kanyang paningin.
Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay naipilig ni Chryzelle ang ulo. Pilit na pinapormal niya ang boses nang magsalita. "Ano'ng emergency ba ang sinasabi mo? Sabihin mo na kaagad nang matulungan na kita para makuha ko na ang annulment papers at nang makaalis na ako kaagad."
"I have cancer."
Simpleng tatlong salita mula kay Calix pero sapat na para pansamantalang tumigil sa pagtibok ang puso niya.
"THE DOCTOR said that it's an acute lymphocytic leukemia," pagpapatuloy ni Calix bago derektang tinitigan sa mga mata si Chryzelle habang sa isip ay pilit na inaalala ang mga linyang minemorya niya noong nagdaang gabi. "Noong nakaraang araw ko lang nalaman. Sa 'yo ko lang sinabi. I... I don't know what to do."
"C-can I come in?" nanginginig ang boses na wika ni Chryzelle nang sa wakas ay magsalita.
"Sure." Niluwagan ni Calix ang pagkakabukas ng pinto. Sinadya niyang guluhin ang kwarto para mas makumbinsi ang asawa tungkol sa pinagdaraanan niya.
Naupo si Chryzelle sa gilid ng kama. Sumunod naman si Calix at naupo sa tabi nito pero siniguro niyang may sapat na distansya sa pagitan nila. He didn't want to ruin the plan by being too clingy, though he wanted so much to touch her and kiss her right that very minute. Every inch of him was dying to hold her.
"Are you... s-sure? H-how?" Napahawak si Chryzelle sa noo. "I mean... you've got to be kidding me."
"Cancer isn't something I'll make fun about, Chryzelle."
"Oh, God, Calix."
Pinagmasdan niya ang gulantang na anyo ni Chryzelle. Ikinuyom niya ang mga kamay para pigilan ang sariling yakapin ito. He had never seen anyone so beautiful even with the horrified expression on her face. Nakalugay pa rin ang light brown na alon-along buhok nito na hanggang balikat na lang ang haba. He had always found her hair... sexy. Parang hinugot naman mula sa manika ang mukha nito. Bilugan ang light brown ding mga mata ni Chryzelle na tinernuhan ng pilik na kay hahaba at kay lalantik. Perpekto ang hugis ng maliit pero matangos na ilong nito. Ang mga kilay ng asawa ay natural ang magagandang arko. And her full, luscious lips were the same lips he had been dreaming to kiss over the past nights.
Heck, baby, I miss you so damn much.
"My joints always hurt the past few days. Pabalik-balik din ang sama ng pakiramdam ko at pagsusuka ko. I was feeling really tired and I've lost my appetite." pagre-recite ni Calix sa mga impormasyon na nagmula kay Derek na ilang sintomas raw ng cancer. "Noong una akala ko, epekto lang iyon ng pagka-miss ko sa 'yo. Kaya nagulat ako nang magpa-check up ako four days ago at malamang 'yon ang diagnosis."
"W-where was that?"
"Saint Luke's. Si Derek mismo ang gumawa ng tests sa akin."
Nabigla si Chryzelle.
"But of course, humingi ako ng second opinion mula sa ibang doktor. Pero pareho pa rin ang naging diagnosis." Tumayo si Calix at kinuha mula sa drawer ang mga pinagawa niya sa Recto na resulta ng physical exam, blood tests, chest X-ray at bone marrow biopsy. "These are the tests results."
Nanlalambot na inabot ng kanyang asawa ang mga iyon at binasa.
Nakokonsensiyang napahugot si Calix ng malalim na hininga. Alam ng Diyos na ayaw niyang lokohin si Chryzelle. But he knew he was on the verge of losing his wife completely. Sa tuwing tinititigan niya si Chryzelle, puno ng hinanakit at pait ang nakarehistro sa mga mata nito. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin para makapasok uli sa buhay nito. Alam niyang punong-puno na ang asawa sa kanya at wala na siyang ibang paraang maisip.
This whole cancer thing was Calix's
only card and he was laying it completely on the table. Isang buwan lang siyang magpapanggap para muling makuha ang loob nito Sa kalaunan ay ipapaliwanag din. niya rito ang lahat. Right now, pretend was the only thing he could do to get near her. Ang mga bagay na hindi nila nagawa noon ay pipilitin niyang gawin lahat nang kasama
ang asawa. Pagkakasyahin niya ang mga iyon sa loob ng tatlumpung araw.
Tinulungan din siya ni Derek. Ibinigay nito sa kanya ang mga impormasyon tungkol sa isang cancer patient. Nag-research na rin siya ng iba pang detalye tungkol sa sakit niya. Nag-print siya ng mga iyon para mas maunawaan at mapag-aralan.
Babawi siya kay Chryzelle sa loob ng
isang buwan. Pupunuin niya ng magagandang alaala ang mga panahong magkakasama sila-kung papayag ito.sa hihilingin niya-para kapag dumating ang panahong
kailangan niya nang
.nét
rito ay bigyan siya nito ng konsiderasyon kahit paano kung sakali mang tuluyan na talagang makipaghiwalay si Chryzelle sa bandang huli ay wala siyang mas
malaking pagsisisihan dahil nakabawi na siya rito sa sariling paraan, kahit pa mali ang paraang
naisip.
"Mahirap daw talagang tukuyin kung paano nagkakaroon ng leukemia ang isang tao. But they told me that it was probably genetics. My late grandfather died of the same disease," dagdag ni Calix na may bahid ng katotohanan. Sa takot niyang magkatotoo ang mga sinasabi ay totoo ngang nagpasuri siya sa kaibigan. But Derek declared he was a hundred percent healthy.
"I'm lost, Chryzelle-" Nabigla si Calix nang lumuluhang sinugod siya ng yakap ng asawa. Napapikit siya. Her arms would always be his home. Gumanti siya ng mas mahigpit na yakap. "Derek told me that the number of leukemia cells increases rapidly and that... it usually worsens very quickly."
Dinig na dinig ni Calix ang pag-iyak ng asawa. "C-Can I ask a favor, Elle? Just this one last favor?"
"W-what?" Chryzelle's voice broke.
"Derek told me about the
chemotherapy. Pero ayokong sayangin ang araw ko sa ospital sa isang bagay na wala namang kasiguruhan. Kung magpapa-chemo man ako, gusto kong makaipon na muna ng sapat na alaala na dadalhin ko habang nagpapagamot. Kaya nakikiusap ako sa 'yo..." Napahugot si Calix ng malalim na hninga. "Be with me at least for a month. Hindi na kita guguluhin pa pagkatapos. I will sign the annulment papers as well. I... I just need you right now. Ikaw na lang ang meron ako. Hindi ko naman maasahan si Papa. And I... I'm scared. I'm so scared to lose you right now, Elle. This is pathetic. But I've never been this scared in my whole life."
Humiwalay si Chryzelle sa kanya. His jaw clenched upon seeing her tears, sa kaalamang siya na naman ang may kagagawan ng mga iyon.
Mabining hinaplos ng asawa ang kanyang mga pisngi, pagkatapos ay marahang ngumiti. "Who am I to say no?" namamaos pang sagot nito. "I promise I'll be with you every single step of the way, Calix. Kakayanin mo 'yan." Muli siyang niyakap nito. "Wag kang matakot. I will be by your side. We're in this together."
Dapat ay matuwa si Calix dahil umubra ang kanyang plano. Pero nang mga sandaling iyon ay parang binabayo sa sakit ang puso niya. Did he really have to pretend to have a life-threatening disease first before he could talk to his wife longer, before he could hold her like this?☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐☐