Wildest Beast (Hillarca Series 01)

Chapter CHAPTER 5



PUNISHMENT

"Anong ginagawa mo rito?" panakang sabay na saad naming dalawa.

"Pinsan mo siya?"

"Bagong secretary mo siya?" sabay na tanong na naman namin sa taong pinapanood lang kami. Imbes na sumagot ito matalim ang paraan ng pagkakatitig nito sa akin, nang balikan ko ang nangyari kanina. Napangiwi ako. "One hundred percent sure huh!" ismid nito. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko, unang pasok ko pa lang matatanggal pa 'ata ako.

"Ang alin bro? Anong one hundred percent sure? Sure, ka ng ibigay sa akin ang raptor mo?" ngising ani ng taong may saltik na nakilala ko sa rooftop.

"What are you doing here? Nakalabas na ba ang kambal mo?" balik agad ito sa pag pipirma.

"Oo, nakalabas na siya sa kulungan," nanlaki ang mata ko sa kaalamang may kambal ito at ex-convict pa 'ata. No wonder ganun ang mga ugali ng mga ito, hindi kaya may lahi silang mafia. Nanlaki ang mata ko sa naisip. "Oh, kung ano na naman siguro nasa utak mo kamahalan!" matalim ko siyang tinignan.

"Siya ba 'yong taong sinasabi mo sa rooftop ha!" turo ko sa magiging boss ko. Pero agad ko nga rin ibinaba nung masama na naman ang tingin nito.

"Hindi! Hindi ko naman siya pinsan e' kapatid ko 'yan, kung gusto mo puwede naman."

"Tse!"

"Kung gusto mo, puwede kitang dalhin sa pinsan kong irere "

Sabay napunta ang mata namin sa tasang nabasag, madilim ang mata nitong nakatingin sa amin at sabay kaming napatalon sa gulat sa agarang pag sigaw nito.

"Get the fuck out of the room! Now!"

Patakbo naming nilisan ang silid kung saan sa loob nito ay isang dragon, masama kong tinignan ang kapatid ng boss ko. Kung hindi sa saltik na 'to, sa malamang hindi ako pag-iinitan sa unang araw ko!

"Don't worry miss, gano'n lang talaga ang kapatid ko. Mamaya siguro ay tatawagin ka na nito," napaatras ako nung ayan na naman lumapit na naman siya sa akin. Parang bata kung kausapin ako nito dahil sa ginawa nitong pag yuko! "Siguraduhin mong huwag kang lalapit sa mga pinsan ko ha, baka matangay ka." Ngisi nito at demonyong natawa. Bago ko pa man siya tadyakan agad na siyang tumakbo paalis habang patuloy na humahalakhak.

Isang masungit na dragon at isang may saltik sa unang araw Azeria, napabuntong hininga ako. Kaya pa? Napatitig ako sa pinto kung saan ang CEO. Kaya ko kayang pakisamahan ang taong nasa loob nito? Hindi ba ito ang gusto mo Azeria? Ang hindi tratuhing kakaiba?

Nung ma realize ko na tama, tama. Ito nga ang gusto kong scenario, napailing ako at bahagyang napangiti. Well, hindi na masama the good news is wala naman yatang balak tanggalin ako sa unang araw ko, I just make sure not to do stupid next time. Dali dali kong nilapitan ang intercom nung tumunog ito, bahagya pa akong napatingin sa pinto. "Hel-"

"Get ready, may business trip tayong pupuntahan."

"Ha? B-business trip? Wala akong dalang gam-"

"Sarili mo lang ang kailangan ko at hindi mga gamit mo!" sigaw nito sa kabilang linya.

Napa-padyak ako sa inis nung babaan ako nito, natutuwa nga akong makaranas ng ganitong senaryo pero hindi ko kinakaya ang ugaling meron ang CEO! At saka nakakabastos ang sinabi niya, anong sarili ko lang ang kailangan niya?! Lahat na 'ata may topak ha! Nagulat pa ako ng pabalyang bumukas ang pinto, napaka naman.

"What? Ayoko ng patanga tanga, bilisan mo diyan kundi tatanggalin kita ora mismo!" nang marinig ko ang salitang tanggal. Agad ko ng kinuha ang bag ko at ang hudyo ni hindi man lang ako hinintay. Mas nauna pa itong pumasok sa elevator ayan tuloy naiwan ako, umiinit na talaga ang ulo ko rito!

Kaya nung nasa basement na ako, at nang makitang pasakay na ito sa sariling sasakyan. Tinakbo ko na ang distansya, balak pa 'ata na iwan ako at gustong lakarain ko nalang 'ata! Nagngingitngit ako sa galit hindi ako palamurang tao, pero pang ilang mura na 'ata ang nasabi ko sa isip ko. This is frustrating me like crazy!

"Maaga ka ngang pumasok ang bagal mo namang kumilos!" sigaw nito. Siguro sa buwisit at baguhang pag trato ng ganito, naputol na ang pagtitimping kanina ko pa pinipigilan.

"For your damn information, it's my first day so it is freaking understandable why I'm acting like this! And for goodness's sake, there's no such person told me what I'm going to do. They just instruct me to follow to your so what instruction!" We have an eye-to-eye battle, but in the end, he was the first who look away. Pero narinig ko pa ang pag mura niya kahit pa sinadyang mahina lang. Wala kaming imikan sa mga sumunod na segundo, pero nagtaka ako nung huminto kami sa isang mall. Kahit nagtataka man, the fact that I burst out tahimik na lang ako sa tabi habang sinusundan siya.

Pumasok kami sa dresses section, pagkakita sa kasama ko agad lumapit ang sales lady. Napatingin pa nga ito sa akin at klarong nakita ko kung paano nanlaki ang mata niya.

"Good morning engr. De Ferrer, ano pong hinahanap niyo sir?"

He cleared his throat. At binalingan ako nito kaya pinagtaasan ko naman siya ng kilay.

"Choose anything you want chèrie."

Hindi ako kumilos dahil sa gulat sa paraang pag tawag nito sa 'kin. Hindi naman ako puwedeng mag-assume na namali ito sa pagtawag, at hindi ako ang tinatawag nito. Pero mataman itong nakatitig sa akin, wala na ang kaninang malamig at iritang mga sulyap nito.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Constantine..." malamig na sabi nito. Malamig man ang pagkakatawag niya...pero bakit ang tunog sa akin ay malambing? What was that?

"B-bakit?" hindi ko maiwasang ma utal. Kanina lang pa sigaw kung tawagan ako nito ngayong malambing ang tunog para sa akin...nakakabaliw pala.

"Pumili ka na ng kakailanganin mo, hindi ba kailangan mo ng mga gamit...especially mga damit?"

Tumango naman ako pero kunot ang aking noo. Ibig sabihin bibilhan ako nito? Really? But why?

"Sinong magbabayad?" napakurap kurap ang sales lady na nasa harap ko. Sa narinig ay parang may mali akong nasabi sa agarang pag ngiwi rin nito. "Do you have money?" tanong nito.

"Money is not a problem to me." agarang sagot ko naman sa kanya.

"Then why did you apply for secretary?" hindi agad ako na ka pag salita. Pinaningkitan naman ako nito sa mata na ani mo'y binabasa. Binalingan nito ang sales lady na matamang nakikinig sa amin. "Assist her," saka siya tumingin ulit sa akin. "pumili ka ng damit na hindi madaling punitin. That's for your own sake." namilog ang mata ko sa sinabi nito. Halos matumba pa ang sales lady pagkarinig sa sinabi niya, bago ko pa mahanap ang salita.

Agad na itong umalis habang nakapamulsa. Ang mga nakakasalubong nito ay natatangay ang mata sa kanya, and what he said? Hindi madaling punitin?! Matalim sinundan siya ng tingin, nagngingitngit ako sa galit.

"M-ma'am, dito po tayo," nauutal na ani ng sales lady habang nakaalalay sa akin. Napabuntong hininga ako. "ano pong gusto niyo?" agad ko siyang binalingan at mukha siyang takot. Takot pa 'ata na sa kanya mabaling ang inis ko. "Narinig mo naman ang sinabi niya hindi ba?" masungit kong aniya. Naiinis na naman ako pagka-alala sa nangyari kanina.

"O-opo. Dito po 'yong section na may mga makakapal ng tela." Ngiwing anito. Napahalukipkip ako at nagawi ang tingin ko sa itinuro niya. Nilapitan ko ang mga damit na sinabi niya at marahang hinaplos, napakunot noo ako at binalingan siya agad.

"Hindi ako komportable sa ganitong mga tela." Matamang saad ko.

"Po? Pero ito lang po kasi ang may makakapal na tela, 'di po ba sabi ni engr. na mga telang hindi madaling punitin ang kukunin niyo po."

"Siya ba ang magsusuot sa mga damit na 'to? Hindi di ba? Ako, ako ang magsusuot kaya ako ang susundin mo. Ito ang mga gusto ko." saad ko. Pagkatapos akong makapili ng mga ka kailanganin ko. Nang pumasok ang hudyo, halos ma mutla na sa kaba ang sales lady.

"Are you done?" tanong nito.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Yes engineer." matamis ang paraan ng pagkakangiti ko kaya hindi nito napigilang hindi mapakunot noo. May pagdududa niya akong tinignan, bago pa niya kunin at tignan ang laman ng paper bag agad ko na itong kinuha at nilagpasan siya. Nang makalabas ako ay nilingon ko siya, naabutan kong ibinigay nito ang credit card sa sales lady. Pero kita ko kung paano napatiim bagang ito nang may sinabing ano ang sales lady, sa malamang sinabi niya na hindi ko sinunod ang utos nito. Ha! Ang init na nga ng pilipinas, tapos pagsusuotin pa ako nito ng mga makakapal na tela. Ang kapal naman ng mukha niya kung inaakala niyang susundin ko siya!

Kilala ko naman na ang sasakyan nito kaya na una na ako sa kanya sa basement, nakatayo ako roon at hinihintay siya nang matanaw ko na itong palapit. Matalim ang pagkakatingin nito sa akin pero mas dumilim nga lang nung mapunta sa paper bag na bitbit ko. Tumigil siya sa harap ko at napamaywang, tiningala ko siya at mataman rin nakipagkumpetensyang makipagtitigan sa kanya.

"Let me see the f*cking dress!" galit na sabi niya.

"Hindi puwede! At ano bang kinagagalit mo e' bumili na nga ako ng mga gamit na kinakailangan ko!" halos magsitayuan ang mga balahibo ko sa sunod nitong ginawa.

Hinawakan ako nito sa baywang at...idinikit niya ako sa kanyang katawan! Namimilog ang mata kong napahawak sa kanyang dibdib at sinisiguradong hindi maglalapit ang aming mga mukha. Agad siyang yumuko at matamang bumulong sa tenga ko.

"Subukan mong suotin 'yan mamaya...paparusahan kita." Inis ko siyang itinulak at pinakawalan naman ako nito. Napakagat ito sa labi at namumungay ang mata ng makitang namumula na ako sa galit. Bago ko pa siya mabugahan ng apoy agad na itong pumasok sa sariling sasakyan.

May kumuha sa sasakyan niya nung nasa airport na kami. Mabuti na lang at nakasanayan kong dala dala palagi ang passport ko, at sa Cebu pa lang ang business trip nito. May business trip pala siya ni hindi man lang sinabi ng maaga, tsk! Kung talagang ganito ang ugali niya hindi na talaga ako magtataka kung mag resign lahat ng naging secretary niya.

Ako? Pinasok ko na 'to e' paninindigan ko na ng husto. At saka habang hindi pa naman nakakamatay ang kasungitan niya, talagang mananatili ako 'nu!

"Mr. De Ferrer what drinks do you want sir?" sa tanong na 'yon nung stewardess. Napatingin ako ng wala sa oras sa katabi ko, bakit parang may ganitong tagpo akong naaalala?

"Give me wine please...and give her juice para lumamig ang kanyang ulo." Nginitian ako ng stewardess sa sinabing 'yon ng hudyong 'to. Ni hindi ko pa nga alam ang pangalan niya.

"Thank you." sagot ko nung ibinigay na ng stewardess sa akin ang juice. At nung iwan na kami nito, tinanong ko na ang pangalan ng katabi ko.

"What's your name?" pinagtaasan naman niya ako ng kilay.

"You applied in my company without knowing my name huh," nginisian ako nito. Pero sa paraang pag ngisi niya masasabi mo na agad na hindi ito natutuwa. "saka mo na ako kausapin ka pag nasa good mood na ako. Baka gusto mong parusahan na kita dito?!" madilim na ang anyo nito kaya napalunok ako at ayan na naman siya sa mga parusang sinasabi niya. Sino bang tao ang gustong maparusahan? Wala! Kaya hindi ko na siya pinakialaman.

Pero ayoko namang dumalo sa business trip nito na hindi ko man lang alam ang pangalan niya. Kaya tinanong ko ulit siya at naputol na 'ata ang litid ng pasensya niya kaya tinotoo na talaga nito ang sinabing parusa.

Naramdaman ko na lamang ang pagsakop ng labi niya sa labi ko, napako na ako sa kinauupuan ko dahil it's not a smack kiss. It's freaking torrid kiss! And worst this is my first kiss!

"Subukan mong suwayin ako ulit, hindi lang 'yan ang matatanggap mo." banta nito.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.