Chapter CHAPTER 14
Love
Hindi na humupa ang kaba ko magmula pa kanina. Kahit pa nasa sariling cabin na hindi ko pa rin magawang kumalma, nanlalamig rin ang mga kamay ko na kahit anong hugot ko ng hininga para sana kahit pa paano'y kumalma. Pero mas lumalala lang ka pag aking ginagawa.
Wala sa hinagap ko na sa islang ito ay makakaharap ko ang mga kamag-anak ni Rezoir. Ilang buwan na rin ang nakalipas, at ang mas malala pa ay natuklasan ng mismong kapatid nito na buntis nga ako. Napahilamos ako sa mukha, anong gagawin mo ngayon Azeria?
Kung tumakbo kaya ako? Hindi, napailing ako. Hindi puwede, hindi ko puwedeng ipahamak ang anak ko. Kung gano'n ay idadaan ko na lang siguro sa masinsinang usapan si Reign, gagawin ko lahat para maintindihan nito ang mga bagay bagay kong bakit ko nagawa ito.
Iyon nga ang nasa isip ko na aking gagawin kaya naman muli ay lumabas ako, para sana harapin ulit si Reign pero bumungad sa aking mata si aling Luleng. Ayon nga sa kanya nagpapahinga nga ang mga bisita, kaya wala akong choice kundi ang maglakad lakad na lang sa gilid ng karagatan. No'ng unang linggo ko dito ay ganito rin ang ginagawa ko, ang paglalakad sa gilid ng karagatan ang aking nakasanayang gawin sa hacienda. Kaya kahit no'ng nandito na sa isla ay hindi ko kayang tanggalin ang nakasanayan kong gano'n, malayo layo na rin ang nilakad ko.
Napahinto lang no'ng matanaw si Reign ilang hakbang sa akin, sa unang pagkikita namin ay talagang ipinakita na nito sa akin ang pag ka side nitong medyo pilyo. Kaya ganun na lamang ang kaba ko nung ilang hakbang ay tumigil ito at umupo, at mula dito sa kinatatayuan ko ay kita ko kung gaano ito ka seryoso.
Hindi ko na kailangan tumakbo, hindi dahil sa hindi ko kaya. Dahil alam ko, kung tumakbo man ako si Reign ang mismong magsasabi sa kapatid niya kung nasaan ako. Sa huli magpapagod lang ako, at isa pa...tama na ang unang pagtakbong aking ginawa. Hindi ko na papaabutin sa dalawang pagkakaton, humigit ako ng malalim na hininga bago ko tuluyang nilapitan ang kinaroroonan niya.
Todo ingat ako sa pag-upo, nang maging kumportable na ay hinaplos ko ang tiyan ko. Nasa gano'ng akto ako no'ng nilingon ko si Reign at naabutang nasa tiyan ko ito nakatingin, nailang ako saglit. Pero nawala ang gano'ng pakiramdam no'ng siya na mismo ang nag bukas ng panimulang paksa.
"It nice to see you again Azeria, hindi ko lang inakala na sa ganitong pagkakataon at panahon," hindi ko alam ang sasabihin kaya tahimik lang ako. "My brother was pain in the ass front the first page, kung tutuosin kami ng kakambal ko ang sakit sa ulo sa pamilya. Pero kung siya na ito ang nagloko, masasabi mong magugulo rin ang aming mundo."
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, maybe because this is my first time to have a conversation with him like this. Isa pa, sa ganitong point of view pa. May kinalaman sa kuya niya, iyon siguro ang dahilan Azeria.
"My brother is the nicest among of us," natawa si Reign sa sariling salita. "kahit sinong taong makakarinig sa sasabihin ko ay tiyak na sasalungatin ako. Well, that's true...mahirap paniwalaan ang mga haka hakang nabaon na sa isip ng mga kakilala. But the real thing is, sometimes I pity him. Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na lumaki siyang walang kalinga ng ina." Napaawang ang bibig ko, nanginginig rin ang mga kamay ko.
Dahil alam ko, I know what's the feeling without mother on your side.
"I don't know the reason behind of your suddenly out of appearance, pero hindi ko na kailangang malaman. Kung mas may karapatan man dito, it's my brother Azeria. My brother would be jerk and evil sometimes, but a broken stone can behard to fix in a lifetime." Tumayo na ito at hindi pa man ako nakakahupa sa mga sinabi nito, pero namutla na akong totoo sa sunod na sinabi nito.
"You should talk to him, mahirap ang maging bastardo Azeria. My family has a history of it, and I know my brother doesn't that to happen again."
Pag ka alis ni Reign hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng mga luha sa mata ko. Hanggang sa unti-unti ang iyak ay naging hagulgol na, oo alam ko ang pakiramdam na parang may kulang dahil lumaki naman ako na walang ina sa tabi. Ang malaman na ganito rin ang naging sitwasyon ni Rezoir...bigla ay para akong nahuli sa sariling kasalanan. Gano'n ang aking nararamdaman, para akong nagkasala rito even it's the other way around.
Muli.
Kuwinekwesyon ko na naman ang sariling pagpapasya, tama pa ba ang ginawa ko? Tama pa bang lumayo ako na hindi pinapakinggan ang rason at dahilan nito? Nasapo ko ang bibig ko...dahil alam ko pride ko ang mas nangingibabaw sa time na 'yon.
Dahil oo nga naman, ang bilis na nga ng pangyayari sa amin. Naniwala ako sa mga salita niya...pero sa isang iglap it turns out that ako lang pala ang tuluyang nahulog.
Nasa dagat lang ako hanggang sa bumaba na ang araw. Ang plano kong pakiusapan si Reign na huwag sabihin sa kapatid niya, but in the end he gave me a realization. Sa maikling salita niya, alam kong ayaw nitong palakihin ko ang pamangkin niyang hindi kilala o walang kalinga ng isang ama.
Ayaw ko rin. Ayaw ko rin naman na mangyari 'yon sa anak ko, nung maging malamig na ang ihip ng hangin. Agad na akong tumayo, kanina ay pinuntahan rin ako ni manang Luleng. Marahil dahil nakita ang mugto kong mata, ipinangsawalang bahala na lang niya ang nakita. Agad rin itong umalis na hindi na ako pinipilit, sa pag harap ko sa aking likuran ay saka ko naman makakaharap ang tiyak kong lolo ni Rezoir at Reign.
Base na rin sa pag-uusap na naganap kanina. Magiliw ako nitong nginitian, na sa pag ngiti nito ay parang mula bata ako ay kilala na. Gusto kong maiyak, marahil ganito na lang kabilis ang mga nararamdaman ko dahil na rin sa pagbubuntis ko siguro. At ang pangalawa ay aware ako sa kasalanan ko sa kanyang apo.
"Maaari ba kitang imbitahin para magkape hija?"
Pinagbigyan ko ang gusto ng matanda, para na rin maybe humingi ng tawad kung sakali mang may ideya na nga siya. At itanggi ko man, gusto kong makibalita kung ano na ang nangyayari sa buhay ng apo niya. Kung kasal na ba sila ni Althea? Pait akong napangiti.
"You could smile but your eyes can't hide your true feelings," Agad kong ibinaba ang kapeng hawak sa mesa na gawa na galing pa sa puno ng niyog. "Azeria right?"
"O-opo."
"Hindi ko inakalang makakatagpo ako ng isang Tacata, sa unang subok kong manatili ng matagal sa isla." Tawa nito pero natigilan ako nung may mapagtanto. "P-paano niyo nalaman ang totoo kong apelyido?" utal na saad ko.
Oo, alam naman ng mga tao rito sa isla ang totoo kong pagkatao. Pero ilang oras pa silang dumating rito, kaya alam kong sa oras na 'yon imposibleng may na kuwento na ang mga tao rito tungkol sa akin sa kanila. Kumbinsi akong gano'n ang tagpo, pero...paano? Paano nito kilala ang totoo kong pagkakatao?
Hindi kaya...pati rin si Rezoir alam na ang totoo? Hindi ba kung gano'n nga ang nangyari, dapat akong matuwa. Pero, hindi ko alam pero parang mas bumigat pa 'ata ang pakiramdam ko sa nalaman.
"Tacata, of course alam ko kung gaano matunog ang apelyido. Matunog sa buong Pilipinas, at isa pa nasa iisang lugar rin ang ating mga angkan. Romblon is where you can find our treasure empire hija, and I know your grandfather Vicente. After all he's, my friend."
Nang mabanggit nito ang aking lolo, may mga larawang sumagi sa isip ko.
Hillarca.
Nanlaki ang aking mata, kilala at talagang matunog ang mga Hillarca. Dahil sila ang pinaka-impluwensiyang angkan sa Romblon, and in fact mas matunog ang kanilang apelyido sa buong Pinas. Yes, I'm aware how powerful they are. Pero hindi kailan ko man sinubukang i-background check ang mga ito. Kaya kilala ko lang sila bilang isang mayamang pamilya...pero walang nababanggit sa akin si lolo.
"I guess, walang nasasabi sa'yo ang lolo mo. May mga bagay rin kasi na nangyaring hindi na pag kaunawaan, pero hindi ko lubos isipin na kahit sabihin man lang na kaibigan ako nito. Walang balak ang lolo mo na magkuwento patungkol sa aking pagkatao."
Sadness is evident in his eyes and voice.
"Ano po bang nangyari?"
Gusto ko rin malaman, sa anong kadahilanang walang nasasabi sa akin si lolo sa mga ganitong bagay. I know its not a big deal, pero hindi ko mapigilang hindi magtaka. May kaibigan itong hindi ko lubos inakala at isang Hillarca pa, pero... Rezoir is his grandson.
Then....
"Hindi ko na rin maalala ang nangyari hija, but one thing that I know. Vicente still hates me."
Gusto kong itanggi ang sinabi nito, Don Vincentius Aristaeus Tacata is the nicest people, I could know. Hindi kayang magtanim ng sama ng loob sa napakahabang panahon ang lolo ko, pero hindi naman lahat ay alam ko ang tungkol dito. "But seeing you here, hindi ko gustong umasa hija. Pero ngayong nakita kita, and you're carrying my grandson. Isang Hillarca, umaasa akong ikaw ang susi sa nasirang pagsasama."
Hindi ko maintindihan, hindi ako makasabay ng agos ng aming usapan.
"H-hillarca? Aren't Rezoir De Ferrer?" paanong magiging Hillarca ito?
"He is. Ang apelyido ng yamao kong asawa ay De Ferrer, he used his grandmother surname. Rezoir is my first grandson, sa kanya lahat mapupunta ang mga kayamanang meron ang aming pamilya. Patakarang akin pang naabutan sa aking ama, pero ang apo ko," umiling ito at bahagyang natawa.
"He leaves my own house to become an independent, I know how stupid of his to act that way. Sa maniwala ka man hija, I did that stupid stunt too. Makikita mong talagang nagmana sa lolo," tawa nito ulit. Pero sa bawat pag tawa niya, namumuo ang mga luha sa bandang gilid ng kanyang mga mata. "after that stupid stunt, he become a successful. Kung may isang bagay man akong hindi gusto sa kanya, iyon ay kung gaano siya ka adapt sa pagiging mag-isa." Tuluyan ng bumagsak ang mga luha nito, siyang ikinatuod ko sa aking kinauupuan.
"My apo suffer a lot hija...and I know you too. Am I selfish if I want the two of you could be the key to reconciling things that I can't fix?" malungkot nitong saad. "W-wala po talaga akong maintindihan." Naiiyak ko ring saad. Hinawakan nito ang mga palad ko at nginitian. Pero tulad ko'y nanginginig rin ang kanyang mga palad.
"M-mahalin mo lang ang apo ko Azeria, katulad ng pagmamahal na ibinigay niya sa'yo no'ng una. Just love him."
Sa gano'ng diskusyon kami natapos ni Don Sebastian, nakabalik na ako sa cabin. Binalik balikan ko ang pag-uusap na naganap kanina, at tulad kanina ay gulong gulo pa rin ako. Hindi ko matiyak ang mga bagay na tinutukoy nito, hindi ko rin mapangalanan itong nararamdaman ko pag ka tapos ng aming pag-uusap.
Kaba, pangamba at pag-aalala. Naghalo halo na, at isang Hillarca si Rezoir. Tulad ko'y binago rin nito ang apelyido, pero ako pa rin ang mas nagsinungaling sa pagitan naming dalawa. Apelyido lang nito ang pinalitan, pero ako ay buong pangalan. Sinubukan kong umidlip, baka sakaling huwag ng mag-isip ng mga bagay bagay. Pero gising na gising pa rin ang aking diwa, hirap akong ipahinga ang utak.
May isa lang akong napagtanto, sina Reign at Don Sebastian. Nagmamakaawa ang mga ito na mahalin ko rin si Rezoir, hindi ko naman itatanggi na hindi ako nahulog rito. At baka mahal ko na nga, hindi naman ako masasaktan ng todo kung hindi pagmamahal ang nararamdaman ko.
Mahal ko siya, pero sa ginawa ko. Mamahalin pa kaya niya ako? Hindi lang ako lumayo, tinago ko pa ang pagbubuntis ko. Oo, handa ako sa galit na maitutuon nito sa akin. Kung sakali mang magkita na, pero natitiyak kong hindi na ako nito mamahalin. Una pa lang naman, I did question his love for me...kung mahal nga ba ako nitong totoo o sadyang sa isang mainit lang na halik. Doon lang ito magsasabi.
Isang buwan na lang at isisilang ko na ang apo ng mga Hillarca. Isang bagay na hindi ko lubos maintindihan, ang katotohanang. Isang Hillarca ang nasa sinapupunan ko, hindi ko lubos isipin na kahot na sa sinapupunan ko pa lamang ay maraming bagay na ang dapat isa alang-alang.
"Every firstborn will inherit all the money our family has, and you carrying a firstborn in this new generation. Sana naiintindihan mo ang pinupunto ko hija."
Firstborn. Hillarca.
Ibig sabihin lamang wala na akong kawala, hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas. Pero tiyak makakaharap ko na siya ng walang panahong sinasayang, I don't want my child to be raise in incomplete family. Pait akong napangiti, sa lahat ng mga nangyari sa ganitong pag-iisip rin ako huminto.
Pamilya.
Makisabay sa agos ng panahon, at siguro ay gano'n na lang ang aking gagawin ngayon.
Nang malaman kong isang Hillarca ang aking dinadala, hindi na ako dapat magtaka. They have their own ways as we do. Kaya bahagya akong nagtaka nang imbes na galit ang makita ko sa kanyang mukha...payapa. Bahid ng payapa ang kanyang mukha, na kahit ako ay nag-uumpisa nang matakot na makitang ganito lang ang nakukuha ko.
Hindi sa gusto kong magalit siya ng tuluyan sa akin, iba lang kasi ang dating.
It is because I'm pregnant? Kaya pinapakitaan niya ako ng ganito, parang...hindi totoo.
Kasalo nila ako sa kanilang almusal. Oo, hindi ko itinatanggi na gulat ako no'ng makita siya. Pero kasi expect ko na e', narito ang lolo at kapatid niya. Kaya expect ko ng kinabukasan narito na siya, at totoo nga. Narito na nga siya. Iyon lamang ay tahimik lang ito, balik sa dating pagiging pilyo si Reign. Na kahit ako ay namamangha na sa kanya, kaya nitong maging seryoso kailan niya gusto. Paminsan minsan nilang sinasali si Rezoir, pero tipid lang rin ang mga sagot nito. Pero kung magbabase ka sa mukha niya, okay naman siya.
Kaya hindi ko napigilang lapitan siya no'ng mga ilang minuto ay nag kanya kaniya na kaming apat. Tanaw nito ang karagatan, kung pagmamasdan ko siya dito sa aking kinatatayuan. Mapapaisip ka talaga, kung kaya mo ba siyang abutin? Kasi iyon ang nararamdaman ko ngayon, sa panonood ko pa lang sa kanya. Parang ang gaya niya ang hindi mo dapat pangarapin.
Agad kaming nagkatinginan nang magpasya itong lumingon rito, wala pang ilang segundo nung talikuran ako ulit nito at nagsimula ng humakbang palayo.
He's mad, now he's mad at me. Hindi na nito kayang itago, kung gano'n maaaring pinakiusapan siya ni Don Sebastian. Pero ngayon wala na kami sa paningin ng matanda, heto na siya. Ipinapakita na niya ang totoong nararamdaman, sa mga mata ko lang. Ako lang.
May sariling pag-iisip ang mga paa kong sinundan siya. Sinubukan ko siyang tawagin, pero hindi ako nito pinapansin. Lakad at takbo ang ginawa ko para lamang maabutan siya, hindi rin pamilyar sa akin ang daan na binabagtas niya. Natigilan ako nung tumigil na siya sa paglalakad, napahilamos ito sa sariling mukha. He looked at me with his bloodshot eyes.
"Bullshit Azeria!" sigaw nito.
Napapikit at napatalon ako sa pagsigaw nito...hindi na rin ako nagtaka sa pag tawag nito sa totoo kong pangalan.
"T-tangina...walong buwan. Walong buwan akong naghintay at naghanap! And freaking what?! You're carrying my damn blood, my child! Why?! w-why did you leave without telling me a damn thing huh?!" Sapo ko ang bibig ko, galit itong humakbang at niyugyog ang balikat ko.
"A-after a painful event...nakaya mo pa rin akong iwan. You're so cruel, ano bang ginawa ko ha? Anong puwedeng bagay ang maaari mong isungbat sa akin para gawin sa akin 'to?! Ano?!"
Gusto kong isungbat sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Althea, kung paano niya ako pinagmukhang tanga. Pero, hindi ko kayang ibuka ang mga bunganga ko at sabihin ang mga bagay na nasa isip ko rito! Kinain ako ng awa at...pagsisisi. Ngayong kitang kita ko ng harap harapan na nasasaktan siya, mas nasasaktan pa kaysa sa akin na nagawan niya ng kasalanan.
"I" hindi ko masabi sabi ang nasa isip na alam kong ikakasakit niya rin ng husto. Kaya mas pinili ko na lang na itikom ang bibig ko, at hinayaan na lamang siyang sumabog. Idinaan ko na lang lahat sa iyak, kinimkim ko na lang lahat. "A-ano Azeria? Kahit kasinungalingan na lang, tangina tatanggapin ko!"
Doon na ako sumabog, kaya hindi ko napigilang hindi siya sigawan.
"I-ikaw! Ikaw ang mas maraming kasinungalingan rito!"
"R-really? Sa'ang parte ako nagsinungaling ha? You know that in the first place that what have I done and said it's fucking true Azeria! it's fucking real!!!"
"R-real? K-kung naging totoo ka, sa tingin mo ba tatakbo ako? Hindi! Hindi ako tatakbo Rezoir kung naging totoo ka man, at isa pa... sino ba ako? I am not even your damn girlfriend! Isa lamang akong babae na kaya mong dalhin sa kama. Gagawing asawa pero ka pag katotohanan na wala na!"iyak ko at natulala naman siya.
"W-why do you have an idea...like that? How the fuck did you come up with that idea?!"
"I-its Althea! Inalokan mo rin siya ng kasal hindi ba?" pagak akong natawa at inis siyang itinulak. "S-she fucking wearing a damn ring, Rezoir! Ako? Ako na inalokan mo pero walang pruweba...ano sa tingin mo ang mararamdaman ko ha?" pagod ko siyang pinagmasdan.
"Kikilalanin kang ama ng anak mo, hindi ba at 'yon naman ang gusto mo?"
"Y-you know my answer to that Azeria! Hindi ako magpapakahirap hanapin ka, kung ang nasa sinapupunan mo lang na ngayon ko lang nalaman ang pakay ko. Think again, kung kinakailangang paulit ulit kong sabihin sa'yong totoo ako. Gagawin ko, j-just.. just don't think of leave me again. If you really love the baby...please let fix this. Kahit hindi ngayon, basta bigyan mo ako ng pagkakataon."
I do love the only person who gives me the courage to still hope...the child in my womb. Pumikit ako at nagpasya.