Wildest Beast (Hillarca Series 01)

Chapter CHAPTER 1



DE FERRER ANG sabi sa akin ni papa namatay raw si mama nung isilang ako nito, nakakalungkot man na lumaki akong walang kalinga ng isang ina. Hindi naman nagkulang si papa, siya na ang tumayo bilang isang aking ama't ina. Kaya kahit mapagtripan minsan sa paaralan, lahat ng 'yon nakaya kong lagpasan. Ayokong makita ni papa na mahina ako, ang sabi niya ako ang kalakasan niya kaya kung magiging mahina ako mawawala rin ang lakas niya. Kaya naman patuloy akong nagiging matatag.

Lumuluwas kami sa Manila kapag death anniversary ni mama. Manila ang lugar kung saang ipinanganak ang aking ina, lugar na kinalakihan niya at lugar rin kung saan siya inilibing. Siya lang naman ang binibisita namin dahil walang kamag anak si mama na nakatira sa Maynila, 'yon ang sinabi ni mama kay papa. Nakakapagtaka man at naguguluhan hindi na ako nagtanong kay papa, sapat na ang pagbisita sa kanya kahit isang beses sa isang taon. Ngunit sa pagkakataong 'to hindi ko kasama si papa, naiwan ito sa hacienda dahil kinakailangan niyang ayusin ang problema. Kaya ang pinsang kong sina Red, Theo at Lucas ang kasama, ang tatlo ay kasulukuyang naninirahan sa Maynila isa pa ay dito rin sila nagtratrabaho.

Mabuti nga 'yon dahil pagbista lang naman sa sementeryo ang ginagawa ko kapag lumuluwas, kaya naman masasabi kong hindi ko pa saulo ang lugar. Ni hindi ko alam kung saan ako paparoon o parito, ang papa lang naman ang maalam sa Maynila kaya kung kasama siya'y walang magiging problema. Kaya nagpapasalamat at natutuwa akong may pinsan akong narito, hindi na ako mangangamba.

Napatingin ako sa bulaklak na alam kong kalalagay lang, white roses. Hindi lang ito ang pagkakataong nakita ko ang bulaklak, I find it odd dahil sa araw na siyang pagbisita ko ay siya ring pagbisita ng taong sino mang may ari sa bulaklak na 'to. Napatingin ako sa pasilyong maaaring paglabasan ng taong naglagay sa bulaklak, pero ang napansin ko lang ay ang lalaking kasulukuyang naglalakad habang sa tenga nito ay ang telepono. "Ayos ka lang?" si Theo.

"Ha? A-ayos lang," muli ay napatingin ako sa pasilyo kung nasaan ang lalaki kanina. "I think I saw a familiar face."

"Isa siguro sa mga masugid na manliligaw mo." Komento ni Lucas. Umiling lang ako at bahagyang napangiti, ibinaba ko na ang bulaklak na dala. A white rose also, I want to know the person who are visiting her nakakapagtaka lang kasi na alam niya ang paboritong bulaklak ni mama. If my memories are not tricking me, papa mention to me na siya lang ang nakakaalam sa paboritong bulaklak ni mama. Imposible namang si papa dahil magkasama kami kung bibisita man, at isa pa ngayon ay natitiyak kong nasa hacienda ito.

Hindi kami nagtagal sa sementeryo, sa hotel kami nalalagi ni papa kung papamaynila kaming dalawa. Pero ngayong hindi ko ito kasama ngayon ay napagpasyahan na sa condo ako ni Lucas magpapalipas ng gabi. May malapit na restaurant sa condo ni Lucas, doon namin na pag usapan na kumain ng pananghalian. Tahimik kong inobserbahan ang lugar, kung hindi casual ay mga naka formal na suot ang aking nakikita.

"Nasabi sa akin ni tito na balak mong dito sa Maynila magtrabaho Azeria," pagbubukas ng paksa ni Red. Tumango ako sa kanya bilang sagot. "ayaw mong hawakan ang hacienda? Anong sabi ni lolo?" dagdag niya.

"Alam naman nilang wala akong interes sa hacienda, ang gusto ko ay magtrabaho sa isang opisina."

"May opisina ka naman sa hacienda e'. Saang kompanya mo balak magtrabaho kung ganun?"

"Opisinang may kasamang ka trabaho ang gusto kong view, hindi ko pa alam kung saan. Wala naman kasi akong kilalang kompanya rito."

"What do you take me for! Ako ang bahala, sakto na mention ng kaibigan ko nung nakaraang araw na naghahanap ng secretary 'yong boss nila!" nagningning agad ang aking mata at lumaki pa 'ata ang tenga ko sa narinig. "Talaga? Kung ganun maga-apply ako pero...did you ask the reason kung bakit bakante ang posisyon?" napatingin rin ang dalawa kay Lucas sa naging tanong ko na 'yon sa kanya.

"Ang sabi masungit raw ang boss nito, may pag ka dragon. Kung ayaw mo naman puwede naman kitang ipagtanong sa mga kakilala ko."

"O kaya ikaw na lang ang mamahala sa kompanya ni lolo." ngisi ni Theo sa akin.

"Ayoko," agad na sagot ko. "Kaya nga ako hindi maga-apply dahil gaya nina Red at Lucas ay gusto ko ring sumubok ng iba." ngisi ko sa kanya at pinagrelyohan naman ako nito sa mata.

"Kung ganun ay nawala sa wala rin pala ang aking pag-asa!" reklamo nito kaya natawa kaming tatlo.

"Bakit, pagod ka na bang maging big boss?" panunukso ni Red.

"Hindi sa pagiging big boss ako napapagod, napapagod ako sa pagbulyaw araw-araw sa bagong sekretarya ko."

"Bago? Nasaan 'yong dating sekretarya mo?" Napatakip sa bunganga si Lucas at nginisian si Theo.

"Huwag mong sabihing na buntis mo?!" namilog ang mata ko sa sinabi ni Lucas at agad na bumaling kay Theo.

"Did you?" singhap ko. Pero agad nitong kinuha ang tissue na nasa mesa at ibinato kay Lucas.

"Gago hindi ako ganun 'nu! Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo!"

"Baka sa bagong sekretarya pa lang siguro!" natatawang banat naman ni Red. Napangiwi ako dahil sa pananalita nito ay natitiyak niyang mangyayari 'yon kay Theo, isa pa ay sinusuportahan rin siya ni Lucas. Todo tawa at pagtango ito sa tabi niya. "Knock on the woods Theo, hindi masamang hindi manigurado." bulalas ko.

"Azeria naman!" ungot niya. Natigil kami sa pagkukulitan ng lumapit na ang waiter sa amin, inilapag nito ang menu kaya naman kinuha ko. Pero nagtataka akong napatingin kay Theo nang walang ano'y yumuko ito na ani mo'y nagtatago. "Sabi kasi sa'yo dapat paisa isa lang ang dinadala mong babae rito." Tudya ni Lucas. Theo just hissed at him, sinubukan nitong sumilip kaya sinundan ko ang direksyon kung nas'an ang mata niya.

"Maganda," kumento ko kaya napatingin sa akin si Theo. "but, the guy beside him is familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko nakita." Napailing ako nang makitang kuyom ang kamao ng pinsan ko, it's look like Theo doesn't need to knock on woods.

Hanggang sa makarating kami sa condo ni Lucas ay wala pa rin sa mood si Theo, kaya todo pang-aasar ang nakuha niya sa dalawa.

"Buntisin mo na kasi." Si Lucas.

"Itali mo para walang asong aaligid sa kanya." Pangaalaska naman ng isa.

"Tumigil nga kayong dalawa diyan, hindi naman 'ata gusto ni Theo 'yong babae e'. Am I right cous?" tanong ko kahit klaro naman ang nakita ko kanina.

"Of course! Hindi naman ako nagkakagusto sa isang empleyado!" He tsked.

"Aren't you convincing yourself?" agad natawa ito sa sinabi ko at itinuro pa ang sarili.

"Bakit naman ako magkakaila Azeria, I don't have a feeling for her...I mean she's not my type."

"The girl is pretty right Lucas?" ngisi ko at nakuha naman 'ata ang gusto kong mangyari.

"Oo naman! Maganda nga e' ang ganda ganda, makabisita nga minsan sa kompanya. Ipakilala moa ko huh Theo!" todo ngisi na ani Lucas

"Anu?!" sigaw ni Theo at napatayo pa 'to kaya bumunglahit kami sa tawa. Tignan mo ang isang 'to sa sariling salita at aksyon pa lang bastado na. "Chill, para ka namang papatay diyan."

"I will! If you dare to step on my company!"

"Wow ha! May pa my company ka pa!" si Lucas kaya napailing iling ako at inawat na sila. Nagpipikonan na sila at baka mag-away pa.

Agad na kaming umorder at binuksan ko ulit ang paksang patungkol sa kompanyang sinasabi ni Lucas.

"Batch ko sa high school, nagsisimula pa lang ang kompanya. Pero alam kong malakas na 'to sa iba, isa pa kilalang engineer ang boss niya."

"Kilala ko ba?" si Red. Oo nga pala, isang engineer pala ang isang 'to sa katunuyan nga silang tatlo.

"De ferrer ang apelyido, wala naman akong natatandaan na may isang de ferrer ang nag top notch sa bar exam e'. Pero kilala talaga raw ang isang 'to, e' ako nga ni hindi pamilyar sa apelyido kung narinig man siguro sa malayo. Pero dito sa Maynila particularly rito sa atin sa San Juan, wala akong matandaan. Ikaw Theo? Pamilyar sa'yo?" Napahawak sa sariling baba si Theo, nag iisip.

"Hmm...hindi ako sigurado. But I've heard that surname somewhere, at parang nabanggit rin ni tanda minsan."

"You mean tito Theodore?" pagklaklaro ko at tumango naman ito. These crazy jerk, baka batuhin siya ni tito ng itak kapag narinig nito ang tawag sa sariling ama.

"Well, I'm going to talk to papa first para malaman kung anong opinyon nito saka ako magdedesisyon. But in case kung payagan nga ako, siguro doon ako mamasukan kung ganun." "Okay, update me then para masabi ko sa kaibigan ko."

"Bakit hindi ka na lang dito manatili at sa tawag ka na lang magpaalam Aze." suggestion ni Theo na agad kong inilingan.

"I'm not going to do that silly, ayokong maatake sa puso ang papa ng wala sa oras."

"Hindi ka naman siguro papagalitan, di ba nga pinayagan kang huwag hawakan ang hacienda alam kong susuportahan ka ni tito Cessair, Azeria."

"Still, mas maganda pa rin kung sa personal ako magpapaalam."

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Well, the decision is yours, kung hindi ka payagan if you want to work badly at your so-called true office view. Then you don't have a choice but to take my position!" ngising ani Theo.

"Why would I take your position...puwede naman akong maging empleyado mo."

"Binggo!" tawa ni Lucas kaya masama siyang tinignan ni Theo. Bakit ba gustong gusto nitong mapalitan? Gaano ba kasungit ang bagong sekretarya niya?

KINABUKASAN ready na ang mga gamit ko o gamit bang matutukoy sa purse na dala ko. Halatang bisita lang ang sinadya ko, gayun pa man ay inihatid ako ng tatlo sa airport. Humihirit pang magtagal na lang ako pero gustuhin ko man hindi puwede, saka na kapag nakapagpaalam na ako kay Papa.

"Kung maaga kang babalik Azeria, ako ang tawagin mo at hindi mo maasahan 'tong dalawa." Sabay turo nito kay Lucas at Theo.

"Noted Red, I will update you na lang kapag pumayag si Papa." Baling ko kay Lucas.

"Kahit hindi pumayag kakausapin ko at itutuloy ko 'yong plano." Si Theo.

"Aling plano? Gawing big boss ako o anu?" he tsked.

"Sa kompanya ka magtratrabaho kung ayaw sa kompanyang papasukan mo."

"Really, will you do that for me?" tukso ko pero inirapan ako nito na siyang ikinatawa ko sa huli.

"Ingat pauwi!" panakang sabay nilang aniya. Tumango at nginitian sila, isa isa ko rin silang niyakap.

"Kayo rin, ingat rin kayo sa pag uwi." in-announce na ang flight ko kaya lumakad na ako, muli ko silang tinignan at kinawayan na siyang tinugan rin nila ng kaway.

Si Theo ang umasikaso sa flight ko, kaya talagang umapela ako ng malamang first class ang kinuha nito. Pero huli na ang lahat, tapos na kaya walang magagawa ang pag apela ko. Hindi naman ito ang una ko pero kasi ayos lang naman sa akin kung hindi na sa first class, but as what I said it useless now because it's done.

"Drinks ma'am?" alok ng flight attendant sa akin. Kaya kinuha ko ang juice na nasa tray nito, may nakita akong wine pero maaga pa para sa ganung klaseng inumin.

"Mr. De Ferrer what drinks do you want sir?" rinig kong tanong ng flight attendant na nasa likuran ko.

"I'm good, nandiyan na ba ang pinsan ko?" napakurap kurap ako sa naramdaman. Why I'm having a goosebump about that voice?!

"Yes sir, captain Hillarca is currently at his perspective position." magalang na ani ng flight attendant, hindi kaya pagmamay ari ng airlines ang lalaking kausap nito? Bigla akong kinabahan sa kaisipang nasa likuran ko ito, what's wrong with you Azeria? Parang first time mong sumakay sa eroplano ah! Tinapik tapik ko ang pisngi ko pero nang matanaw ang isang pasahero na tanaw ako, I sighed and hide myself out of embarrassment. Pero mas ninerbyos pa 'ata ako nang tawagin ako ng lalaking kausap ng flight attendant kanina.

"Miss your purse."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.