Chapter 29
Pinilit ni Chantelle na kumawala mula sa asawa ngunit lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at inilapit nito ang mukha sa kanya.
"You know what? I'll be happy if you are jealous of Martina. Because that means""
"I'm not jealous, Lebrandt," pilit na giit niya sa lalaki.
Parang lumuwag ang pagkayakap nito sa kanya at tuluyan na siya nitong binitiwan. Nakita niyang tila nadismaya ito sa sinabi niya pero hindi na niya mababawi iyon kahit gustuhin pa niya.
"I... I just brought you some refreshments. I still have to pick Ley up from school," nasabi na lang niya.
"Fine. I'll see you at home then." Tumalikod na ito sa kanya at umupo sa swivel chair nito.
"Lebrandt..."
"I think I'm going to be late later. You and Ley shouldn't wait me up for dinner."
Umawang ang mga labi niya sa narinig. Ilang saglit niyang tinitigan si Lebrand at marahan siyang tumango.
"I'll tell Ley," ang nasabi na lang niya sa huli.
Umuwi na siya sa malaking bahay nila. Siguro nga ay dahil sa binulabog niya ang pagkikita nito at ni Martina kaya nag-iba ang timpla nito.
'Gaga! Hindi ba't pinakilala kang sweetheart sa babaeng iyon? Ikaw ang may kasalanan! Ayaw mo kasing aminin sa kanyang nagseselos ka sa babaeng ipit-boses na iyon,' ang sabi naman ng boses ng kanyang isip.
***
Matagal ngang umuwi ang kanyang asawa kinagabihan. Nakatulog na si Ley at siya naman ay hinintay na makauwi si Lebrandt. Hindi siya mapakali sa kanilang kuwarto na mag-asawa kaya naisipan na lang niyang magsuot ng kanyang
pinakamagandang belly dance costume. Isosorpresa niya ito sa asawa. Sasayawan niya ito hanggang sa mawala sa isipan nito ang nangyari kanina sa opisina nito at lalo na ang babaeng ipit-boses na Martinang iyon! And maybe... just maybe, she could find the courage to tell him now that she loved him... na ayaw pala niya itong mawala sa buhay niya and vice versa. Susugal na siya ngayon.
Narinig niya ang mahihinang yabag ng lalaki at pumasok ito sa kanilang silid. Medyo natigilan ito nang makita siya sa kanyang kasuotan. Napangiti pa siya nang makitang may dala itong pumpon ng pink hibiscus at baby breaths. Agad siyang lumapit sa lalaki at niyakap ito. "I'm sorry for today, Lebrandt. I was just!"
"Jealous?" ang mahinahong tanong nito sa kanya.
Tumango naman siya nang marahan saka niyakap din siya nito nang mahigpit at hinalikan sa labi nang sobrang suyo.
"I love you so much, Lebrandt. I thought she'd take you away from me. I was so afraid, but I couldn't bring myself to admit it when you asked me..." Napahiya siya kaya napayuko siya.
Hinawakan nito ang kanyang baba gamit ang mga daliri. Tinitigan pa siya nito sa mga mata. "It's okay, manamea. Oute alofa ia oe!"
Nagningning ang mga mata niya nang marinig na mahal siya nito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"I love you so much, too, that I'm afraid to lose you," pagpatuloy ni Lebrand. "You just don't know how much I waited for you to tell me this. I was afraid myself to tell you the truth, about my feelings for you. I just thought you only cared for Ley and the dance studio, that's why you married me. I just thought all day on how to confess to you. That's why I brought you these flowers as a symbol you'll never forget. Because you can see hibiscus everywhere. By this, you're not going to forget that I love you so much! Whenever you'll see this flower, you'll remember that it's me loving you, and that I always was in love with you, ever since I saw you at the airport..."
Napatawa siya sa pag-amin nito.
"What? Really?"
"Really," tugon nito nang madamdamin.
Napalunok pa siya at napatawa nang mahina. "I was going to dance for you, so you'd forgive me and that you'd forget everything... especially that woman!" kumpisal niya.
Napangisi sa kanya ang lalaki at pinupog siya ng halik sa labi at leeg. Napahagikhik tuloy siya at nakiliti. Binuhat siya nito patungo sa kanilang kama. Inilagay naman nito sa tabi ng unan niya ang pumpon ng mga bulaklak.
"I assure you that I never thought of any woman besides you from the moment I saw you, manamea," ang bulong pa nito sa kanya.
It was like music to hear ears and honey to her tongue. Parang tumambling talaga ang puso niya sa tuwa. Wala na itong mapaglalagyan ng saya. Hindi man niya inakalang mahal siya nito ay heto, nagbago na nga ang lalaki at ipinagpaalam sa kanya gaya ng sinabi nito sa kanya noon. Subalit napagtanto niyang nagbago na nga ito simula noong nasa honeymoon sila. Siya lang itong napakahina dahil hindi niya ito nakuha. Nagpadaig pa siya sa pagseselos niya kay Martina at ini- stress lang ang sarili kahit hindi naman pala kailangan. Ngayong alam na niya ang totoong damdamin ng asawa, kailangan niya lang itong pagkatiwalaan sa lahat ng bagay kahit na aali-aligid pa ang maputlang babaeng iyon. "Wait," sabi niya nang may bigla siyang naalala.
"What is it?" nakasimangot na tanong ng lalaki.
"Tell me about... Lindy. I'm sorry, I just want to know about how you felt for her, straight from you and not from anyone else."
"Well, I did have feelings for Lindy at one point, but she loved my brother. I was so crazy at the time that I told her. She turned me down, of course. That's why she urged my brother to live in the Philippines. Still, I loved them both and Ley." "Oh."
"Or maybe it was merely an infatuation. When I think of it now, the way I felt about her was no stronger than the feelings I have for you now, manamea. Maybe... some things are just meant that way." "I see."
Hinalikan siya nito at saka pinigilan niya ito.
"Wait, we're not done. I heard that someone saw you and Martina embracing and kissing," aniya.
"Hey! Whoever told you that must be mistaken. Sure, she embraced and kissed me. But not the way we do it when we're together. It was just a peck on the cheek, manamea. After all, she's an old friend." "Are you sure? You didn't have something... special going on together since before?"