Chapter CHAPTER 54
Alexander's Pov
"Totoo ba ang lahat ng ito Thyra?" di makapaniwalang tanong ni Ina sa kaniya.
"H-hindi po, niloloko lang tayo ng baklang yan!" sagot nito sa Reyna.
"Kung hindi kayo naniniwala meron pa kaming ipapakita sa inyo" biglang sabat ni Claude at may bitbit siyang laptop.
May kinuha siya sa kaniyang bulsa na isang flash drive at sinalpak ito sa kaniyang laptop, lumapit siya sa amin at may video siyang ipinanood sa aming lahat.
Ito ay kuha ng aming CCTV dito sa palasyo, bakit hindi ko rin naisipan na tingnan man lang ang CCTV namin dati? Masiyado akong nagalit kay Sky noon kaya nawala na sa isip ko ang bagay na iyon.
Ito ay kuha mula sa labas ng silid ng aking mga magulang, madaling araw na ito base sa oras na nakalagay dito, maya-maya ay dumating si Thyra at maingat na naglalakad patungo sa silid ng aking mga magulang. Palinga-linga ito sa paligid na parang tinitingnan niya kung may tao ba, ilang saglit pa ay dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kwarto ng Hari at Reyna.
Nagtagal sa loob si Thyra ng mahigit Sampung minuto at paglabas nito ay kitang kita sa CCTV na may bitbit itong kumikinang at ito nga ang kwintas ng reyna, doon na natapos ang video na pinanood sa amin ni Claude. "Ngayon naniniwala pa rin ba kayo sa babaeng ito?" tanong niya sa amin.
"Walang hiya ka! Magnanakaw ka!" Sigaw ng reyna at sinabunutan si Thyra.
Kita kong inawat si Ina ng mga magulang ni Thyra kaya agad din natapos ang sabunutan nila.
"Mahal na Reyna magpapaliwanag ako" nagmamakaawang sambit nito at nagsimula ng umiyak.
"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo!" sigaw muli ng reyna sa kanila.
Lumapit ito sa akin at agad na hinawakan ang mga kamay ko.
"Alexander nagawa ko lang iyon dahil mahal kita, please mapatawad mo sana ako" lumuluhang sambit nito sa akin.
"Sobra na Thyra, sobra na yung mga ginawa mo sa relasyon namin ni Sky, lumayas ka na dito sa palasyo bago pa kita ipakaladkad" matigas na wika ko rito.
"Alexander please! Patawarin niyo ako!" Pagmamakaawa nito.
"Anak tara na, uuwi na tayo" paghila sa kaniya ng kaniyang Ina na alam kong hiyang hiya na sa mga nangyayari.
Kita ko ang mukha ng mga bisita namin na hindi sila makapaniwalang mangyayari ito sa amin at isang prinsesa pa ang may gawa.
Hinila na palabas ng mga magulang niya si Thyra kaya hindi na namin naririnig ang pagmamakaawa niya.
Lumapit sa amin si Sky at agad siyang sinalubong ng aking Ina.
"Skyler patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo, nadala lamang ako ng galit ko dahil bigay sa akin ni Lisandro ang kwintas na iyon kaya ganun na lamang ang naging reaksyon ko" paghingi ng tawad ng aking Ina at luluhod pa sana ito ng pigilan siya ni Sky.
"Matagal ko na po kayong napatawad mahal na reyna, sa kabila po ng lahat ng kabutihang ginawa niyo sa akin ay hindi ko po kayang magalit sa inyo" sagot nito kay Ina.
"Patawarin mo rin ako Skyler at hindi kita napaglaban noon sa aking asawa" seryosong sabi ni Ama sa kaniya.
"Ok lang po iyon" nakangiting sagot ni Sky sa kanila.
Tumingin naman sa akin si Sky at nagkatitigan lamang kaming dalawa, labis ang tuwa ng puso ko ngayon lalo na at peke pala ang mga litratong pinadala sa akin ni Thyra noon.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Sky!" sigaw ko at bigla ko itong niyakap
"Alex!" masayang sambit nito sa akin.
"Patawad kasi naniwala ako sa mga panloloko ni Thyra, mahal na mahal kita Sky please wag mo akong iwan" madramang wika ko rito
"Hindi kita iiwan Alex at mahal na mahal din kita" sabi niya at kumalas na kami sa yakap.
Lumapit sa tabi niya si Claude kaya agad ko itong hinila papalapit sa akin.
"Hindi porket tinulungan mo si Sky ay pwede mo na siyang lapitan" sambit ko kay Claude.
Tinawanan naman ako nito at napansin kong natawa din si Sky.
"Anong nakakatawa?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Wala akong gusto kay Sky at ang totoo niyan eh magkapatid talaga kami" hindi naman agad ako nakapagsalita sa sinabi niya.
"Mukhang natulala ka ata diyan?" asar sa akin ni Claude.
"Totoo ba ito Sky?" tanong ko sa kaniya
"Oo pero mamaya ko na ipapaliwanag sayo" sagot nito sa akin.
Nandito na rin pala sa harapan ang aking mga kaibigan at maging sila din ay nagulat sa lahat ng nalaman nila pero ngayon ay masaya sila dahil ayos na ang lahat.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Paano na ang pagpapakasal ni Alexander? Malapit na siyang maging prinsipe" biglang sabi ng isang matandang babae na isa sa aming mga bisita.
Tumango-tango naman ang aming mga bisita at inaalala talaga nila kung sino ang magiging asawa ko, siyempre wala ng iba kundi si Sky.
"Wag po kayong mag-alala dahil tuloy ang kasal!" Sabi ko sa kanilang lahat.
Nagtaka naman sila dahil hindi nila alam kung sino ang papakasalan ko.
"Tuloy? Hindi ba pinalayas niyo na si Thyra dito sa palasyo" sabi ulit ng bisita namin na nagtanong kanina.
"Tuloy po ang pagpapakasal ko pero hindi ko sinabi na kay Thyra ako magpakasal❞ makahulugang wika ko sa kanilang lahat.
"Kanino ka naman magpapakasal anak?" biglang tanong ni Ina.
Kinuha ko sa bulsa ko ang maliit na box na naglalaman ng singsing, binili ko ito sa ibang bansa dahil plano ko na pagbalik ko ay mapopropose na ako kay Sky pero sa lahat ng nangyari sa amin ay hindi na ito natuloy pero sinigurado kong nasa akin lang ito palagi.
Pumunta ako sa harapan ni Sky at dahang dahang lumuhod, kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkabigla.
"Skyler Dela Rio Will You Marry Me?" nakangiting tanong ko rito.
Tumingin lang siya sa akin at masaya kong hinihintay kung ano ang magiging sagot niya
"Yes Alexander Monte Verde I Will Marry you!" nakangiti nitong sagot kaya agad kong isinuot sa daliri niya ang singsing at mahigpit ko siyang niyakap.
Rinig ko ang sigaw ng mga tao na may halong palakpakan.
"Salamat Sky sobrang saya ko! I love you" wika ko
"I love you too Alexander!" sagot niya at hinalikan ko siya sa kaniyang labi.