The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 42



Skyler's Pov

Alas-otso na ng gabi ngayon at narito kami ngayon ni Ash sa Hardin, nakaupo kami sa mahabang upuan rito na nakaharap sa magagandang bulaklak.

Tapos na ang gawain namin at hindi pa kami inaantok kaya napagpasyahan naming dito muna tumambay sa hardin at pagmasdan ang magandang tanawin ng mga bulaklak. Hindi pa rin ako maka move-on sa sinabi ni princess Thyra kanina, hindi naman porket prinsesa siya ay pwede niya ng maliitin ang mga katulad kong katulong lang dito sa palasyo. Hindi ko alam sa bruhang iyon kung bakit ang laki ng galit nito sa akin eh wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama at isa pa hindi ko naman siya ganun kakilala. "Hindi ka pa ba inaantok Ash?" tanong ko rito

"Hindi pa naman bakit?" sagot nito sa akin.

"Wala naman, kung gusto mo ng matulog ay pwede ka ng umakyat pero ako dito muna ako kasi hindi pa naman ako inaantok" wika ko sa kaniya.

"Huwag mo akong alalahanin Skyler ayos lang ako at isa pa gusto kita kasama dito" natigilan naman ako sa sinabi nito.

"Ha? Ano bang sinasabi mo?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Pwede ko bang hawakan ang pisngi mo Skyler?" tanong niya sa akin.

Nagtaka naman ako kasi bakit naman niya gugustuhin na hawakan ang pisngi ko.

"Ah-eh sige" yan lang ang sagot ko.

Nabigla naman ako ng bigla siyang lumapit sa akin at dahan dahang hinawakan ang pisngi ko, nagtaka rin ako kasi kailangan ba ilapit niya rin sa akin ang kaniyang mukha? Kung titingnan mo ang position namin ngayon ay para niya akong hahalikan, napa-ayos ako ng itsura namin ng may marinig akong kaluskos mula doon sa likod ng puno. "May tao ata" sabi ko at tumayo at dahan dahang naglakad papunta doon sa puno.

Malapit ko ng marating ang puno at malalaman ko na sana kung may tao nga ba o wala ng bigla akong hilain ni Ash paharap sa kaniya.

"Ah Skyler wala lang yan nasa hardin tayo eh malamang mga maliliit na hayop lang yan" mabilis nitong sagot sa akin at napansin kong parang iba ang kinikilos niya ngayon. "Pero tingnan pa rin natin para makasigurado tayo" wika ko at humarap ulit sa puno.

"Skyler huwag na tara na umakyat na tayo, makita pa tayo dito ni inay at baka mapagalitan pa tayong dalawa❞ biglang sambit ulit ni Ash.

"Mmm sige akyat na tayo baka maabutan pa tayo ni manang tsaka anong oras na din" sabi ko at nagpakawala naman siya ng malalim na hininga.

Pumasok na kami sa loob at magkahiwalay kami ng daan ni Ash dahil sa taas ako at siya naman ay sa baba.

"Sige bukas ulit Ash, salamat sa pagsama ah" pasasalamat ko sa kaniya at nginitian ito.

"Wala yon sige na matulog ka na baka magpuyat ka pa ah" biro nito sa akin na ikinatawa naming dalawa.

Napansin kong parang hindi lumabas sa silid niya si princess Thyra o sadyang hindi ko lang talaga siya nakita ngayong gabi.

Hays bakit ko ba iniisip yong bruhang iyon? Bahala siya sa buhay niya no.

Umakyat na ako sa taas at kinuha ko na ang susi mula sa bulsa ko dahil sinasarado ko ang kwarto ni prince Alex pag wala ako doon para walang ibang makakapasok sa loob.

Nang makuha ko na ang susi ay ilalagay ko na sana ito sa doorknob pero nagulat ako ng mapansing nakabukas ito, sino naman kaya ang pumasok dito sa loob?

Dali dali akong pumasok sa silid ni Alex at tiningnan ko kung may nawala ba sa mga gamit niya o sadyang nakalimutan ko lang isarado itong kwarto niya kanina.

Mukhang wala namang nawala sa mga gamit niya dahil maayos pa naman ang ayos ng lahat kaya sinarado ko na ang pinto at umupo ako sa kama.

Bigla kong naalala na kailangan ko nga pa lang tawagan si Alex bago ako matulog dahil ito ang bilin niya sa akin.

Kinapkap ng mga kamay ko ang ilalim ng mga unan dahil dito ko iniwan ang binigay na cellphone sa akin ni prince Alex, kinabahan naman ako ng wala akong maramdamang cellphone kaya inalis ko ang mga unan at nakita ko ngang wala dito ang cellphone ko.

"Nasaan na iyon? Magagalit nito sa akin si Alex pag hindi ko siya natawagan" sabi ko sa sarili ko at pilit na iniisip kung nadala ko ba ito sa labas at naiwan ko doon.

Pero sa pagkaka-alam ko ay hindi ako nagbibitbit ng cellphone sa labas kaya sigurado akong nandito lamang dapat ang cellphone ko.

Hindi kaya may pumasok dito sa loob ng silid ni prince Alex at kinuha ang cellphone ko? Ano namang gagawin niya sa cellphone na iyon? Patay ako nito kay Alex.

Lumabas ako sa silid at dali daling bumaba papunta sa silid ni Ash dahil kailangan kong mahanap ang cellphone ko, sigurado akong tinatawagan na ako ni prince Alex sa mga oras na ito.

"Ash?" pagtawag ko sa kaniya sabay katok sa kaniyang pinto.

"Ash gising ka pa ba?" tanong ko ulit at kumatok.

Bumukas ang pinto at sumalubong sa akin ang mukha ni Ash na parang antok na antok na.

"Oh Skyler anong kailangan mo?" tanong nito sa akin.

"Ash nawawala kasi yung cellphone na binigay sa akin ni prince Alex, tulungan mo naman akong maghanap❞ paki-usap ko rito

"Baka naiwan mo lang sa kung saan Skyler" sagot niya sa akin.

"Hindi eh, nakabukas yung pinto ng silid ni prince Alex pagkarating ko sigurado akong may pumasok sa loob at kinuha ang cellphone ko" paliwanag ko rito

"Kumalma ka muna Skyler, sa ngayon ay matulog muna tayong dalawa at bukas na natin hanapin ang cellphone mo kasi madilim na ngayon oh tsaka pagod na ako" sabi ni Ash.

Tama nga siguro si Ash kailangan ko munang kumalma ngayon at bukas ko na lang hahanapin ang cellphone ko at magpapaliwanag na lamang ako kay Alex na nawala yung cellphone kaya hindi ko siya natawagan agad. "Sige Ash pasensya na sa abala ha" wika ko

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Sige sige matulog ka na ha huwag mo munang isipin iyon" sabi niya sa akin at binigyan ko lang ito ng pilit na ngiti.

Bumalik ako sa silid ni prince Alex at humiga, hindi ko alam gagawin ko kasi iba pa naman magalit si Alex baka ngayon ay nag-aalburoto na ito sa galit dahil hindi ko siya tinawagan.

Huminga ako ng malalim at pumikit, kailangan ko munang magpahinga sa ngayon at bukas ko na lang ito hahanapin pero sana lang ay mahanap ko agad ito.

**********

Alexander's Pov

"Alam mo pre kanina pa ako nahihilo sayo" sabi sa akin ni Khalix dahil kanina pa ako palakad lakad dito sa loob ng kwarto namin.

"Anong gagawin ko pre? Kanina pa ako hindi tinatawagan ni Sky, sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay yung cellphone nito❞ nag-aalalang sagot ko sa kaniya

"Baka naman may ginagawa lang" wika ni Khalix

"Hindi tol, magsasabi sa akin si Sky kung may gagawin siya, hindi kaya may nangyari sa kaniya?" di ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano dahil hindi ako sanay na hindi ko siya nakaka-usap sa isang araw.

"Ang gawin mo pre kumalma ka at mamayang gabi mo na siya tawagan kasi gabi na roon sa kanila at baka natutulog na iyon" sabi ni Khalix.

Umupo na muna ako at siguro nga tama si Khalix baka nakalimutan niya lang na tawagan ako.

Napatingin naman agad ako sa cellphone ko ng mag ring ito, akala ko tawag na pero text message lang ito at galing mismo ito kay Sky.

Hindi ko alam pero bigla na lang nag-iba ang pakiramdam ko at dahan dahan kong pinindot ang pangalan niya at sumalubong sa akin ang isang litrato na sana hindi ko na lang nakita, nabitawan ko ang cellphone ko at parang sumikip naman ang puso dahil sa nakita ko.

Litrato iyon ni Sky at Ash at masaya silang nag-uusap sa litrato na iyon at may isang litrato na talagang ikinadurog ng puso ko. NAGHALIKAN SILANG DALAWA!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.