The Possessive Prince

Chapter CHAPTER 26



Skyler's Pov

Sabado na ngayon at ngayon din ang araw ng kaarawan ni prince Khalix.

Alas singko na ng hapon ngayon at nandito ako sa loob ng silid ni prince Alex dahil hinihintay ko itong matapos magbihis sa banyo.

Alas sais ng gabi ang simula ng party ni prince Khalix kaya pagkatapos magbihis ni prince Alex ay magbibihis na rin ako.

Kinakabahan ako konti dahil alam kong hindi basta bastang pagtitipon iyon at alam kong napakaraming mga hari, reyna, prinsesa at prinsipe ng iba't ibang kaharian ang dadalo roon. Pero sabi naman ni prince Alex sa akin ay ayos lang iyon dahil nasa tabi ko naman raw siya palagi.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa nito ang napakagwapong lalaki.

Natulala ako sa kaniyang kagwapuhan ngayon, bagay na bagay sa kaniya ang white tuxedo and white pants na suot niya.

Litaw na litaw ang natural na kagwapuhang taglay ng lalaking ito at mas lalo tuloy nahulog ang loob ko sa kaniya.

"Gwapo diba?" wika nito at nag pogi sign pa.

"S-sakto lang" sinungaling kong sagot sa kaniya

"Itong mukha sakto lang? Natulala ka nga kanina eh" asar nito sa akin

"Bahala ka, sige na magbibihis na rin ako baka mahuli pa tayo" sambit ko at pumunta na ako sa banyo

"Wag kang mag-alala hindi tayo mahuhuli" rinig kong saad nito pagkasara ko sa pinto ng banyo.

Hinubad ko ang suot kong mga damit at sinimulang isuot ang tuxedo na binili namin, ito ay simpleng kulay Navy Blue na tuxedo at pants lang na tinernuhan ko ng black shoes.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako sa banyo at nakita ko si prince Alex na nakatalikod mula sa akin.

"Alex ok lang ba?" tanong ko rito, unti-unti naman siyang humarap sa akin at kita ko na parang natigilan siya.

Hindi ba bagay sa akin itong suot ko?

"Ano bagay ba?" tanong ko muli sa kaniya

“Bagay na bagay, ang gwapo mo para kang lalaking lalaki tingnan dinaig mo pa ako" sambit nito sa akin

"Hindi ah ang gwapo mo kaya" sabi ko at napangiti naman ang loko dahil doon.

"Akala ko ba sakto lang?" nakangising tanong nito sa akin

"Oo na gwapo ka na" nahihiyang pagpuri ko sa kaniya.

"Ang cute mo talaga" sabi nito at kinurot ang mga pisngi ko.

"Aray" angal ko sa kaniya

"Hahaha, tara na para sakto pa ang pagdating natin doon" wika ni prince Alex at inilahad nito sa akin ang kaniyang braso at parang sinasabi na humawak ako sa kaniya.

Hinawakan ko naman ito at sabay kaming lumabas ng silid papunta sa garahe at si manong Henry nga pala ang maghahatid sa amin.

"Manong umalis na ba sila ama at ina?" tanong ni prince Alex pagkarating namin sa garahe

"Opo mahal na prinsipe nauna na po sila roon sa Kaharian ng De Mayor" sagot ni manong Henry.

"Sige manong umalis na rin ho tayo" pagkasabi nun ni prince Alex ay pumasok na kami sa kotse at hawak ko ngayon ang regalo namin para kay prince Khalix.

Pagkapasok naming lahat ay sinimulan ng paandarin ni manong ang kotse.

Makalipas ang mahigit 30 minutes ay nakarating agad kami sa palasyo ng kaharian ng De Mayor kaya lumabas na kami ng kotse at si manong Henry na ang bahala roon, napakaganda rin ng palasyo nila at kitang kita ko ang mga kasambahay ma abalang abala sa pag-aasikaso sa mga pagkain.

"Welcome sa Kaharian ng De Mayor prince Alex" bungad sa amin ng isang lalaking naka uniporme

"Salamat kuya Rino, asan po ang mga tao?" tanong ni prince Alex dahil wala rito sa palasyo ang mga bisita.

"Ah doon po sa Hardin ginaganap ang kaarawan ni prince Khalix, halika po kayo at ihahatid ko na kayo" sambit nito sa amin.

Nag-umpisa na itong maglakad at kami naman ay nakasunod lang sa kaniya.

Kinakabahan na ako talaga at grabe ang pagkakapit ko kay prince Alex at alam kong ramdam niya ito.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Kalma ka lang Sky andito lang ako sa tabi mo❞ pagkasabi niya nun ay medyo nabawasan na ang kabang nararamdaman ko.

Binuksan ni kuya Rino ang pinto papuntang hardin para sa amin at rinig namin ang hindi masiyadong malakas na tugtugan kaya pumasok na kami sa hardin.

Namangha naman ako sa nasisilayan ng mga mata ko, kitang kita ko ang kagandahan ng ayos ng hardin, napakaraming mga lamesa at mga bisita at ang paligid ay puno ng mga bulaklak "Bro akala ko di na kayo pupunta ni Skyler eh" pagsalubong sa amin ni prince Khalix

"Wag OA khalix eto na kami oh" sagot naman ni prince Alex

"Bakit ganiyan ka? Wala man lang happy birthday?" madramang saad ni prince Khalix sa kaniya

"Happy Birthday pala prince Khalix" bati ko sa kaniya at napatingin naman siya sa akin.

"Salamat ha, ang gwapo mo Skyler bagay sayo yung suot mo❞ puri nito sa akin

"Hindi naman po" nahihiya kong sagot sa kaniya

"Gwapo mo nga pero maganda ka rin naman pag naging babae ka" sabi pa nito

"Tama na Khalix asikasuhin mo yung ibang bisita mo ayos lang kami ni Sky dito" sambit ni prince Alex

"Hahaha, sige bye muna Sky kain na lang kayo diyan marami namang pagkain eh" aalis na sana siya pero pinigilan ko

"Ah ito nga pala regalo namin ni prince Alex" sabi ko sa kaniya sabay abot ng regalo niya.

"Wow nag-abala pa kayo anyway thankyou" pasasalamat nito at umalis na siya.

"Tara na Sky doon tayo umupo❞ tinuro nito ang lamesa kung saan naroroon ang mga kaibigan niya.

Nilakad na namin ang pwesto nila at nahiya naman ako dahil inalalayan pa ako ni prince Alex sa pag-upo ko.

"Ang sweet naman" asar sa amin ni prince Zamuel

"Ulol" sagot ni prince Alex

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! Apat lang kami dito sa lamesa, Ako, Prince Alex, Prince Zamuel at si prince Claude na nakatingin sa akin.

"Ang Gwapo mo tingnan Skyler" biglang sambit ni prince Claude

"Salamat kayo rin po ang gwapo niyo sa suot niyo" puri ko sa kaniya.

"Oops wag kang ganiyan Skyler baka magselos si Alexander" pagkasabi nun ni prince Zamuel ay tiningnan ko si prince Alex pero seryoso lang ito. "Stop teasing us Zamuel!" sita ni prince Alex sa kaniya.

"Hahahaha, okay titigil na ako" natatawang wika ni prince Zamuel.

Nginitian ko lang siya at tahimik pa rin akong naka-upo hanggang sa kumalam ang tiyan ko at nakakahiya dahil narinig nilang tatlo iyon.

"Gutom ka na? Dito ka lang I will get you food" sabi ni prince Alex sa akin

"Sama na ako bro gutom na rin ako eh, ikaw ba Claude?" saad ni prince Zamuel

"Kuha mo na lang din ako" simpleng sagot ni prince Claude sa kaniya.

Umalis na silang dalawa at bigla naman akong nailang dahil kami na lang dalawa ni prince Claude ang narito sa lamesa.

"Kamukhang kamukha mo siya Skyler" napatingin naman ako sa biglang sinabi nito

"Ha? Sino po?" takang tanong ko sa kaniya

Ngumiti naman siya sa akin at umiling.

"Wala wag mo ng isipin yun" sagot nito sa akin.

"Ok" simpleng sabi ko sa kaniya at tiningnan ko na lang ang paligid.

"Hindi ko bibiguin ang pangako ko sa kaniya, aalagan kita Skyler" rinig kong sambit ni prince Claude sa gilid ko pero hindi ko na ito pinansin pa dahil dumating na sila prince Alex at prince Zamuel.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.