Chapter CHAPTER 23
Skyler's Pov
Umaga na ngayon at heto naghahanda na naman kami nila manang at prince Alex para sa pagtitinda namin sa bayan pero alam kong itong araw na ito ay magiging kakaiba at alam kong hindi ito malilimutan ng mga tao sa bayan. Kinausap na ni prince Alex ang Ama niyang hari kagabi pa at nasabi niya na ang gusto nitong sabihin, ninais ng hari na siya mismo ang pupunta rito sa bayan upang makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang ginagawa ni Amos. "Bakit tila ay masaya kayong dalawa mga iho" biglang tanong ni manang sa amin.
"Wala naman Nay Editha masaya lang kami dahil makakatulong ulit kami sayo" sagot ko rito
"Di ako makapaniwalang may mga tao pa palang katulad niyo mga iho" wika ni manang
"Salamat po Nay" pasasalamat ni prince Alex
"Oh tama na po ang drama nay tara na po❞ masayang sambit ko
"Siya sige tara na" Sabi ni manang at kami ulit ni prince Alex ang nagbitbit ng mga paninda ni manang.
Bago kami lumabas ay nagpaalam muna si manang sa kaniyang mga anak at pagkatapos nun ay sabay sabay naming tinahak ang daan papunta sa bayan.
Nang makarating kami roon ay agad naming inayos ang pwesto ni manang at isa-isang inilatag ang mga panindang gulay.
Hindi pa masiyadong maingay dito sa bayan dahil maaga pa pero mamayang mga tanghali ay magiging maingay na sa bayan dahil sa dami ng mga taong bumibili.
Pagkalatag namin sa mga panindang gulay ni manang ay naging abala na kaming lahat sa pagtitinda dahil marami ng bumibili sa aming pwesto at dahil na rin ito kay prince Alex.
"Naku mukhang mapapaaga na naman ang pagkaubos ng mga paninda ko ngayong araw mga iho" masayang sabi ni manang sa amin dahil napapansin niyang marami na ang bumibili sa amin. "Oo nga po nay kaya pagpatuloy na po natin ang pagtitinda" sabi ko rito
Pinagpatuloy pa namin ang pagtitinda namin at hindi na namin namalayan ang oras.
Makalipas ang ilang oras ay naubos kaagad ang aming mga paninda, alas onse pa lang ngayon ng umaga at pauwi na agad kami nila manang.
Nililigpit na namin ang mga gamit namin at kita ko kay manang na masayang masaya ito.
"Sobrang aga natin matapos ngayon mga iho" masayang wika nito sa amin
"Oo nga po nay kahit po ako ay nagulat rin na mabilis naubos ang mga paninda niyo❞ banggit ko
"Well dahil iyan sa akin at sa kagwapuhan ko" mayabang na saad ni prince Alex
"Kagwapuhan? Saan banda?" asar ko dito
"Ito oh" sabi niya at tinuro ang kaniyang mukha
"Gwapo ka naman talaga iho" puri ni manang kay Alex
"Oh diba buti pa si Nanay Editha" wika ni prince Alex na tinawanan ko lang.
"Mukhang masaya ata kayo ngayon?" matigas na saad ng kakasulpot lang na si Amos kasama ang dalawa niyang alagad.
"Editha alam mo na kung anong kailangan ko rito" sabi pa niya
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Ah oo heto na" wika ni manang at inabot ang salapi na bayad raw niya sa pwesto at agad namang kinuha iyon ni Amos
"Oh mabuti at hindi na tumutol ang mga kasama mo Editha" mayabang na sabi nito sa amin.
"Talagang hindi dahil iba ang tututol para sa amin❞ matapang na sagot ni prince Alex
"At sino naman yun?" tanong ni Amos
"Ako!" sabi ng hari mula sa likod ni Amos, kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat ng makita niya ang hari.
"Mahal na hari kayo ho pala" magalang na saad nito sabay yuko.
Kasama ngayon ng hari si Kuya Berto na nasa tabi niya at nasa likod naman nila ang ilang mga kawal.
"Alam ko na Amos ang ginagawa mong pang-aabuso rito sa bayan at hindi ako papayag na magpatuloy ka pa sa kasamaan mo" saad ng hari
Napansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao rito sa bayan at gulat na gulat sila dahil narito ang hari.
"Pero mahal na hari wala akong ginagawang masama rito sa bayan" maang-maangan nitong sagot
"Huwag mo na ako lokohin Amos dahil kitang kita ko ang mga ginawa mo, mga kawal damputin niyo na itong lalaking to isama niyo ma rin ang dalawa niyang alagad at alam niyo na ang gagawin niyo sa kanila" sambit ng hari. Agad na lumapit ang mga kawal kay Amos at sa dalawa nitong alagad hindi na sila nakapalag pa at inalis na sila ng mga kawal rito sa bayan pero bago iyon ay kinuha ko muna ang salapi kay Amos at binigay ko iyon lay manang. "Salamat po mahal na hari malaking bagay po ang ginawa niyo❞ pasasalamat ni manang
"Sa lahat ng tao rito sa bayan patawarin niyo ako sa mga pagkukulang ko at nangangako ako na hinding hindi na iyon mauulit pa" wika ng hari
Kitang kita ko naman ang mga ngiti na sumilay sa labi ng mga tao rito sa bayan.
"At gusto kong pasalamatan ang anak kong si Alexander at ang kaibigan nitong si Skyler dahil sila ang naging daan para mamulat ako sa katiwalian na nangyayari dito sa bayan" sabi ng hari at itinuro kaming dalawa ni prince Alex "Anak ka ng hari iho?" gulat na tanong ni manang kay prince Alex
"Opo Nay pasensya na po kung hindi ko sinabi" sagot ni Alex
"Ayos lang iho at ako nga dapat ang magpasalamat dahil tinulungan mong maging maayos itong bayan" sambit ni manang
"Wala po iyon manang pasensya na po kung hindi na po namin kayo maihahatid sasabay na po kasi kami sa Ama kong hari pauwi sa palasyo" sabi ni prince Alex
"Pero paano ang mga damit niyo sa bahay?" tanong ni manang
"Ah manang naisipan po namin ni prince Alex na iwan na lamang po iyon sa inyo at ibigay niyo na lamang po kay Andoy kaunti lang naman po iyon" sagot ko
"Tama si Sky nay dala naman po namin ang cellphone namin kaya ok lang at isa pa po manang may iniwan po akong salapi sa bag ko kunin niyo po iyon at sa inyo na po iyon" nakangiting saad ni prince Alex "Tatanawin kong malaking utang na loob itong mga ginawa niyo sa akin mga iho" saad ni manang
"Mauna na po kami manang" sabi ni prince Alex
"Oh siya mag-iingat kayo ha" wika ni manang.
Niyakap namin itong dalawa ni prince Alex at kitang kita sa kaniya na masayang masaya talaga siya at masaya rin kami para sa kaniya.
Nakangiti kaming umuwi ni prince Alex sa palasyo.